Sinundo ni Avigail ang kambal—sina Dane at Dale—mula sa eskwelahan. Tahimik lamang ang kambal habang nasa sasakyan, ngunit pagdating nila sa Villafuerte Mansion, bumungad sa kanila ang mahigpit na seguridad. Maraming tauhan ang nakaantabay, at halatang pinalakas ang proteksyon ng buong paligid."Wow, Mommy... dito ba tayo titira ngayon?" inosenteng tanong ni Dane habang hawak ang kamay ng kapatid."Sandali lang, anak. Habang inaayos ang villa natin," sagot ni Avigail, pilit na ngumingiti. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Isa lang ang malinaw—hindi na ligtas ang villa para sa kanila."Bakit Mommy? may nasira ba?" tanong naman ni Dale. "May nag-leak lang na tubo ng tubig. Halika na, ibaba niyo lang ang gamit niyo at magpalit nitong mga damit na binili ko kanina. Pupunta tayo sa hospital, gumalaw na si SKylie." "Talaga MOmmy?" Tumango naman si Avigail at tuwang tuwa naman ang kambal kaya mabilis silang kumilos.Samantala, si Dominic ay kasalukuyang nasa vi
"Gumalaw na daw si Skylie?" nagtatakang tanong ni Avigail.Kanina, habang nagbabasa siya at nag-iimbestiga kung paano napunta ng bansa si Skylie at pinalabas na patay na ito, tumawag si Dominic. Umiiyak ito habang masayang sinasabi na gumalaw si Skylie. Kaya naman nagmadali siyang pumunta sa ospital."Oo, Avigail!" Masayang sabi ni Dominic habang muling tumingin sa ICU room kung saan nakahiga si Skylie. "Kanina, habang kinakausap ko siya at kinukuwento kung paano kita muling nililigawan, gumalaw ang kamay niya... at lumuha ang mata niya. Sa tingin ko, tuwang-tuwa siyang magiging mommy ka na niya. Matagal na kasi niyang hinihiling iyon sa akin.""Ano bang sinasabi mo d'yan! Mommy ka agad?" kinikilig na sabi ni Avigail. Iniwas pa niya ang mukha sa lalaki dahil masyado siyang apektado sa sinasabi nito. Para bang may kung anong kumikiliti sa puso niya.Kung ganito si Dominic noon—six years ago—baka hindi na siya umalis. Pero nang maalala niya ang mga nangyari, bigla siyang napalalim ng bu
"Good morning," nakangiting bati ni Dominic, kasabay ng marahang pag-abot ng isang bungkos ng sariwang pulang rosas habang nakatayo sa pintuan ng Villa.Napataas ang kilay ni Avigail, halatang hindi sanay sa ganitong klaseng eksena tuwing umaga. Naka-robe pa siya, hawak ang tasa ng kape, at bagong gising pa ang mukha. Tiningnan niya ang mga bulaklak, tapos si Dominic, at muling bumalik ang tingin sa bulaklak."Para kanino 'yan?" tanong niyang diretso, halatang hindi na makatiis sa kaba at pagtataka."Para sa'yo," simpleng tugon ni Dominic, sabay abot nito sa kanya. May halong pag-aalangan sa mata niya—parang hindi sigurado kung tatanggapin ito o itatapon ni Avigail pabalik sa kanya."Mommyyy!""Who's that?"Sabay na sumulpot ang kambal mula sa hallway. May suot silang uniform, halatang nagmamadaling bumaba para sa almusal nila bago pumasok sa kindergarten. Ngunit agad napahinto ang dalawa nang makita kung sino ang nasa pintuan."Daddy?" sabay na tanong ng kambal, parehong naguguluhan
“Avigail…” tawag ni Dominic, mababa ngunit mariin, habang nakatingin sa mga bata sa loob ng ICU. Nasa loob si Mrs. Luisa Villafuerte, nakaupo sa maliit na upuan at binabasahan ng kwento ang kambal habang tahimik na nakahiga si Skylie sa kanyang kama. Sa kabila ng kanyang mariing pagtanaw, may kirot sa tinig ni Dominic—isa itong tinig ng lalaking matagal nang naghihintay, umaasa, at ngayon ay muling nagtatanong.Napalingon si Avigail sa kanya, bahagyang nagtaas ng kilay. “Bakit?”Tumikhim si Dominic, saka muling nagsalita—ng buong tapang ngunit may halong pag-aalinlangan. “Kung sakaling ligawan ulit kita, maaari mo ba akong pakasalan… ulit?”Tahimik. Tila huminto ang oras para kay Avigail. Tinitigan niya si Dominic, sinisipat kung seryoso ba ito o isa lamang itong biro na may halong pahiwatig. Ngunit nang makita niya ang pananatiling panatag ng lalaki habang nanunuod sa mga bata, alam niyang hindi iyon biro. Alam niyang totoo ito.“Naiisip ko lang kasi…” dugtong ni Dominic habang hindi
"Avigaaaail!" sigaw ni Daven, halos hingal na hingal sa pagmamadali habang papasok sa ospital.Napalingon si Avigail sa pamilyar na tinig at natigilan. Galing pa yata ito sa institute, batay sa suot nitong polo uniform at bitbit na bag. May ilang staff sa paligid na napalingon din sa kanya dahil sa lakas ng boses nito."Senior?" takang-taka si Avigail, agad na nilapitan ang binata. "Anong ginagawa mo rito?"Ngumiti si Daven, bahagyang tumigil sa paglalakad at bahagyang napayuko habang hinihingal pa rin. "Kamusta ka?" tanong niya, diretsong walang sinasagot na alinman sa tanong ni Avigail."Ayos lang naman ako… Pero paano mo nalaman na nandito ako? May kailangan ka ba?""Magdahan-dahan ka naman sa pagtatanong. Isa-isa lang, okay?" natatawang sagot ni Daven, pilit pinapawi ang tensyon. "Nagpunta ako sa institute, pero sabi nila nakaleave ka raw. Nag-alala ako kaya pinuntahan kita sa bahay. Eh walang tao doon, buti na lang dumaan 'yung kapitbahay mo—si Angel ba 'yon? Sinabi niya na nasa
"Coffee..." alok ni Dominic habang iniabot ang mainit na tasa kay Avigail. Tahimik itong nakatayo sa rooftop ng ospital, nakatanaw sa kalangitan na tila binabasa ang mga bituin para hanapin ang sagot sa puso niya."Salamat," mahina ngunit taos-pusong tugon ni Avigail habang tinanggap ang tasa. Bahagya siyang ngumiti—bitin, may iniisip. "Nga pala, pasensya ka na tungkol kanina ha. Nagalit pa tuloy ang kambal sa’yo. Baka isipin ng nanay mo na nag-iinarte lang ako."Napangiti si Dominic, pilit ngunit totoo."Hindi ko akalaing ang matapang, matured mag-isip, at mapagmahal na si Avigail... ay overthinker pala." May biro sa tono niya, pero hindi rin nito kayang itago ang lungkot sa likod ng mga mata."Pagdating sa anak mo, nagiging overthinker talaga ang isang ina." Tumigil si Avigail, saka humigop ng kaunti sa kanyang kape. "Isa ito sa kinatatakutan ko, Dominic... ang makilala mo sila at... ilayo mo sila sa akin."Tumahimik si Dominic. Ramdam niya ang panginginig sa tinig ni Avigail—hindi d