MasukMahilig mangarap si Renna Montenegro—literal. Sa bawat panaginip niya, isa lang ang sigurado: ikinasal siya sa isang guwapong bilyonaryo. Engrandeng simbahan. Perpektong lalaki. Romantikong eksena. Hanggang sa isang araw, nagising ang panaginip niya sa totoong buhay. Si Drickson Valemont, isang bilyonaryo na walang pasensya sa kalokohan, ay nanaginip din ng parehong babae—at nagpasalamat siyang panaginip lang ang lahat. Ang problema? Ang babaeng iyon ay biglang lumitaw sa harap niya… at hinalikan siya. Sa gitna ng mga bodyguard, takbuhan, galit na galit na bilyonaryo, at isang malaking nunal na hindi niya makalimutan, patuloy na iniisip ni Renna na panaginip pa rin ang lahat—kaya sinasamantala niya ang bawat eksena. Hanggang sa isang matinding kahihiyan ang gumising sa kanya sa katotohanan.
Lihat lebih banyakMahinang tumunog ang kampana ng simbahan.
Isa…dalawa…tatlo. Bawat tunog ay parang tibok ng puso ni Renna Montenegro habang nakatayo siya sa dulo ng isang napakalawak at engrandeng simbahan. Mataas ang kisame, punô ng gintong detalye ang mga haligi, at ang sahig ay kumikislap sa linis—parang salamin na kayang ipakita ang lahat ng pangarap niya. Suot niya ang pinakamagandang wedding gown na nakita niya sa buong buhay niya. Mahaba ang belo, burdado ng mamahaling perlas. Ang damit ay sakto sa hubog ng katawan niya—hindi sobra, hindi kulang. Para bang ginawa ito para sa kanya at para lamang sa araw na ito. Ang ganda ko… grabe sobrang ganda ko talaga. Napangiti siya habang hawak ang bouquet ng puting rosas. Sa magkabilang gilid ng simbahan, puno ang mga upuan. Naroon ang mga taong hindi niya kilala ngunit lahat ay nakangiti, pumapalakpak, at tila masaya para sa kanya. Ito na ang araw niya. Dahan-dahan siyang naglakad sa gitna ng simbahan. Sa bawat hakbang, mas lalong bumibigat ang dibdib niya—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya. Sa dulo ng altar, may isang lalaking nakatayo. Matangkad. Malapad ang balikat. Suot ang itim na tuxedo na halatang mahal—sobrang linis, sobrang perpekto. Hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito, tila tinatakpan ng liwanag mula sa mga bintana ng simbahan. Ngunit alam niya. Siya ‘yon. Hindi niya alam kung bakit, pero sigurado siya—ang lalaking iyon ang pakakasalan niya. Lumapit siya hanggang sa altar. Huminto ang musika. Tumigil ang mundo. Humawak ang lalaki sa kamay niya. Mainit. Totoo. Parang hindi panaginip. “Handa ka na ba?” tanong ng pari. Tumango si Renna, hindi na mapigilan ang ngiti. “Opo.” Lumingon siya sa lalaking kaharap niya. Gusto niyang makita ang mukha nito. Gusto niyang marinig ang boses nito. “Handa ka na rin ba?” tanong niya. Tumango rin ang lalaki. At sa sandaling iyon, bahagyang luminaw ang mukha nito— Biglang tumunog ang alarm clock. “RENNA! GISING NA! LATE KA NA!”sigaw ng kanyang ina. Napabalikwas si Renna sa kama, pawis na pawis, hinahabol ang hininga. Mabilis siyang napaupo, hawak ang dibdib na parang kakalabas lang mula sa isang mahabang takbuhan. “T-teka…” bulong niya. Tumingin siya sa paligid. Maliit na kwarto. Pink na kurtina. Nakakalat na damit. Walang simbahan. Walang gown. Walang lalaki. Panaginip lang ’yon?napasapo siya sa sarili niyang noo. Humiga si Renna ulit, nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na kwarto. Kita ang bitak sa pintura, pamilyar na pamilyar—hindi tulad ng engrandeng kisame ng simbahan sa panaginip niya. “Sayang…” mahinang bulong niya, sabay buntong-hininga. “Malapit ko nang makita ang mukha niya.” Pinikit niya ang mga mata, pilit hinahabol ang panaginip. Konti na lang… konti na lang…ngunit kahit anong pilit niyang balikan ang panaginip niya wala na. “Mama naman kasi eh!” reklamo niya, sabay yakap sa unan. “Bakit niyo ako ginising sa napakaganda kong dream!” Biglang bumukas ang pinto. “D****e-dreamen mo mukha mo!” Tumindig sa pintuan ang kanyang ina, nakapamaywang, may hawak na plastik na mangkok at sandok. Halatang kanina pa galit. “Gumising ka na riyan! Mag-aalas-otso na ng umaga!” sigaw nito. “Ang dami ng order sa baba! Kailangan mo nang mag-deliver!” Umungol si Renna at nagtalukbong ng kumot. “Nakakapaghintay naman ’yan, Nay eh…” Naningkit ang mga mata ng kanyang ina. “Ah, ganun?” malamig nitong tanong. Bago pa man makareact si Renna… Lumipad ang plastik na mangkok. “AY!” napasigaw siya sabay upo. “Mama naman eh! Kainis!” “Bababa ka ba o gusto mo pang tamaan ng tsinelas?” banta ng kanyang ina, nakapamaywang. Tumayo si Renna, gusot ang buhok, sabay simangot. “Bababa na nga, eh!” Habang palabas ng kwarto, napabulong siya sa sarili, may halong panghihinayang at ngiti. “Bwisit… kung hindi lang talaga nagigising ang bida sa panaginip.” Sa likod niya, narinig niya ang matigas na boses ng kanyang ina: “RENNA! HUWAG MONG KALIMUTAN ANG BAG NG DELIVERY!” “Opo!” sigaw niya pabalik. “Pero Nay… next time, kahit tapusin ko man lang yung kasal!” “ANO?” “Wala po!” Napailing ang ina niya, halatang sanay na sa mga pangarap ng anak. Samantala, si Renna ay bumaba ng hagdan, dala ang delivery bag na halos kasing laki ng pangarap niya. Sa bawat hakbang, tila bumibigat ang tanong na ayaw pa ring mawala sa isip niya. Panaginip lang ba talaga ’yon? Saglit siyang huminto sa may pintuan, huminga nang malalim, at saka tumingin sa langit—kahit bubong lang naman ang nakikita niya. Ngunit sa kabila ng pagkadismaya, may ngiti pa rin sa labi niya. Dahil malinaw sa kanya ang isang bagay— Balang araw, mangyayari rin ’yon. Bumalik siya saglit sa kanyang kwarto, isinabit ang delivery bag sa likod ng pinto, at humarap sa salamin. Gusot ang buhok, simpleng damit, at may bahid pa ng antok sa mga mata—pero may ningning na hindi kayang itago. “Renna Montenegro,” sabi niya sa sarili, sabay ayos ng buhok na parang nasa runway, “hindi ka ginawa para lang mangarap.” Lumapit siya sa salamin, itinuro ang sariling repleksyon na parang kinakausap ang isang future version niya. “Ginawa ka para maging dyosa ng bilyonaryo.” Tumango siya, kontento sa sarili. “At kapag dumating na ’yon,” dagdag pa niya, sabay ngiti, “sisiguraduhin kong hindi na ako gigising.” Isinuot niya ang tsinelas, sinukbit muli ang delivery bag, at tumakbo palabas ng bahay. Hindi niya alam na sa kabilang panig ng lungsod, may isang lalaking nagising din mula sa isang panaginip— At nagpasalamat na hindi iyon totoo.Ang mga kabataan nga naman…” napapailing na sambit ni Madam Krisnha habang sinusundan ng tingin ang dalawang papalayong pigura sa loob ng pekeng beach resort. Makalipas ang ilang sigundo lang narating na nila Renna at Drickson ang mamahaling sasakyan ng mga Valemont. Sa loob ng sasakyan ni Drickson, tahimik na nakaupo si Renna sa passenger seat. Nakatanaw siya sa bintana, bahagyang kumakabog ang dibdib sa hindi maipaliwanag na kaba. Paminsan-minsan ay pasulyap-sulyap siya kay Drickson na seryosong nakatingin sa kanyang cellphone, parang may hinihintay na mahalagang mensahe. Walang imik ang dalawa, tanging ugong ng makina at mahinang tugtog sa radyo ang pumupuno sa katahimikan—isang katahimikang punô ng mga salitang hindi nila masabi. Uhmm…” biglang bumasag si Renna sa katahimikan. “Excuse me— “Shut your mouth. Ayokong makipag-usap sa’yo,” malamig at seryosong putol ni Drickson, hindi man lang lumilingon. Napakunot ang noo ni Renna at napapailing na lamang. Kunwari ka pa,
Pagkalabas pa lamang nila ng villa, biglang bumitaw si Drickson sa pagkakahawak niya kay Renna. “Hoy—bitawan mo nga ’yan,” reklamo niya, pilit hinahatak ang kamay. Ngunit imbes na makawala, lalo pa yatang sumikip ang kapit ni Renna. Napabuntong-hininga si Drickson, halatang naiirita—o nagpapanggap lang. “Bitawan mo ang kamay ko,” ulit niya, mas mahina na ang boses. Napangisi si Renna at tinaasan siya ng kilay. “Ha? Bakit ko naman gagawin ’yon?” sabay tingin sa magkadikit pa rin nilang kamay. “Kunwari ka pa. Kung ayaw mo talaga, kanina ka pa nakabitaw.” Natigilan si Drickson, saka umiwas ng tingin. “Marunong ka talagang mambintang,” bulong niya—pero hindi pa rin niya binawi ang kamay niya. Korina,” tawag ni Drickson. “Yes, sir?” mabilis na sagot ng kanyang lady guard. “Ilayo mo nga sa akin ang babaeng ’to,” utos niya, halatang naiirita. Ngunit bago pa makalapit si Korina, biglang napansin ni Renna na palabas na rin ang ina niya—kasama ang mama ni Drickson. Agad nagbag
Biglang tumahimik ang buong balkonahe nang marinig ang mahinang pagbukas ng pinto mula sa loob ng resort.Isang lalaki ang pumasok.Matangkad. Malapad ang balikat. May presensiyang agad naramdaman ng lahat. Nakasuot ng itim na coat na akmang-akma sa kanyang pangangatawan, at bawat hakbang niya ay may dalang awtoridad at kumpiyansa.Namangha si Renna.Nang magtagpo ang kanilang mga mata—parang may malakas na dagundong ang sumabog sa kanyang dibdib.OH my God!” Siya ba talaga ang magiging asawa ko?! hindi makapaniwalang sambit ni Renna.Nanlaki ang kanyang mga mata hanggang sa halos makalimutan niyang huminga. Napakapit siya sa gilid ng mesa, ang mga daliri’y nanginginig.Siya…Siya nga ang lalaking iyon.Ang lalaking minsan niyang hinalikan sa isang pagkakamaling pagkikita sa isang VICompany.Ang lalaking akala niya’y hindi na niya makikita dahil ikakasal na siya sa ibang lalaki pero hindi pala.Si Drickson.Mas gwapo siya ngayon. Mas matatag ang tindig. Ngunit ang titig niya iyon pa r
Ilang oras na ang lumipas mula noong huling nagkita sina Drickson at Renna. Sa isang VIP Room ng Villa Buena Resort, naroon si Drickson kasama ang kanyang pinagkakatiwalaang ladyguard. Tahimik ang silid, tanging mahinang ugong lamang ng aircon ang maririnig. Nakatayo si Drickson sa gitna ng maluwang na espasyo, nakaharap sa malapad na salamin. Mula roon ay tanaw niya ang mga ilaw sa labas—maganda, ngunit hindi sapat para pakalmahin ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib. “Korina!” mariin niyang tawag. Agad humarap sa kanya ang ladyguard, tuwid ang tindig at alerto ang mga mata. “Anong balita na?” tanong ni Drickson, mababa ngunit seryoso ang boses. “Nasa venue na ba ang pamilya Montenegro?” Habang nagsasalita, bahagya niyang hinawakan at inayos ang mamahaling relo sa kanyang pulso—isang maliit ngunit halatang kilos ng nerbiyos. May kaba sa kanyang mga mata, ngunit pinilit niyang itago iyon sa likod ng malamig at kontroladong ekspresyon. “Yes, Sir… at kararating l


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan