“Avigail…” tawag ni Dominic, mababa ngunit mariin, habang nakatingin sa mga bata sa loob ng ICU. Nasa loob si Mrs. Luisa Villafuerte, nakaupo sa maliit na upuan at binabasahan ng kwento ang kambal habang tahimik na nakahiga si Skylie sa kanyang kama. Sa kabila ng kanyang mariing pagtanaw, may kirot sa tinig ni Dominic—isa itong tinig ng lalaking matagal nang naghihintay, umaasa, at ngayon ay muling nagtatanong.Napalingon si Avigail sa kanya, bahagyang nagtaas ng kilay. “Bakit?”Tumikhim si Dominic, saka muling nagsalita—ng buong tapang ngunit may halong pag-aalinlangan. “Kung sakaling ligawan ulit kita, maaari mo ba akong pakasalan… ulit?”Tahimik. Tila huminto ang oras para kay Avigail. Tinitigan niya si Dominic, sinisipat kung seryoso ba ito o isa lamang itong biro na may halong pahiwatig. Ngunit nang makita niya ang pananatiling panatag ng lalaki habang nanunuod sa mga bata, alam niyang hindi iyon biro. Alam niyang totoo ito.“Naiisip ko lang kasi…” dugtong ni Dominic habang hindi
"Avigaaaail!" sigaw ni Daven, halos hingal na hingal sa pagmamadali habang papasok sa ospital.Napalingon si Avigail sa pamilyar na tinig at natigilan. Galing pa yata ito sa institute, batay sa suot nitong polo uniform at bitbit na bag. May ilang staff sa paligid na napalingon din sa kanya dahil sa lakas ng boses nito."Senior?" takang-taka si Avigail, agad na nilapitan ang binata. "Anong ginagawa mo rito?"Ngumiti si Daven, bahagyang tumigil sa paglalakad at bahagyang napayuko habang hinihingal pa rin. "Kamusta ka?" tanong niya, diretsong walang sinasagot na alinman sa tanong ni Avigail."Ayos lang naman ako… Pero paano mo nalaman na nandito ako? May kailangan ka ba?""Magdahan-dahan ka naman sa pagtatanong. Isa-isa lang, okay?" natatawang sagot ni Daven, pilit pinapawi ang tensyon. "Nagpunta ako sa institute, pero sabi nila nakaleave ka raw. Nag-alala ako kaya pinuntahan kita sa bahay. Eh walang tao doon, buti na lang dumaan 'yung kapitbahay mo—si Angel ba 'yon? Sinabi niya na nasa
"Coffee..." alok ni Dominic habang iniabot ang mainit na tasa kay Avigail. Tahimik itong nakatayo sa rooftop ng ospital, nakatanaw sa kalangitan na tila binabasa ang mga bituin para hanapin ang sagot sa puso niya."Salamat," mahina ngunit taos-pusong tugon ni Avigail habang tinanggap ang tasa. Bahagya siyang ngumiti—bitin, may iniisip. "Nga pala, pasensya ka na tungkol kanina ha. Nagalit pa tuloy ang kambal sa’yo. Baka isipin ng nanay mo na nag-iinarte lang ako."Napangiti si Dominic, pilit ngunit totoo."Hindi ko akalaing ang matapang, matured mag-isip, at mapagmahal na si Avigail... ay overthinker pala." May biro sa tono niya, pero hindi rin nito kayang itago ang lungkot sa likod ng mga mata."Pagdating sa anak mo, nagiging overthinker talaga ang isang ina." Tumigil si Avigail, saka humigop ng kaunti sa kanyang kape. "Isa ito sa kinatatakutan ko, Dominic... ang makilala mo sila at... ilayo mo sila sa akin."Tumahimik si Dominic. Ramdam niya ang panginginig sa tinig ni Avigail—hindi
"Ano pong kalagayan ni Skylie ngayon?" tanong ni Avigail, halatang nagaalala, nang humarap sa kanila ang doctor na tumitingin sa bata.Napatingin muna sandali ang doctor kay Dominic, saka bumaling muli kay Avigail. "Hindi pa rin siya gumigising. Wala ring indikasyon na magigising siya ngayong linggo. Ginagawa po namin ang lahat ng makakaya namin. Sa ngayon, tanging mga sugat at pasa niya ang may progreso."Sandali siyang tumigil at tumingin sa relo. "Mawalang galang na po, may iba pa po akong pasyente." Tumango ito at agad na umalis."Salamat po," sabay nilang tugon.Muling tumahimik ang paligid. Mula sa labas ng salamin ng ICU, hindi maalis nina Dominic at Avigail ang tingin kay Skylie na walang malay sa hospital bed. Sa loob, naroon ang kambal—si Dale sa kanan, si Dane sa kaliwa—masinsinang kinakausap ang kapatid. Pinapakita pa nila ang mga LEGO sets na lagi nilang nilalaro noon, para bang iniisip na baka sakaling bumangon ito at makisali.Sa tabi ni Dane, tahimik na nakatayo si Mrs
"Why the sudden visit, Dominic? May nangyari ba kay Sky? Bakit hindi mo ako tinawagan?" tanong ni Avigail habang bahagyang sumilip sa labas ng villa, hawak pa ang pinto, waring nagaalala.Bahagyang yumuko si Dominic. Kita sa kanyang mga mata ang puyat at bigat ng pasyang ginawa."I'm sorry," sabi niya, mahina ang tinig. "Hindi matahimik si Mommy. Ayaw niyang tigilan ang iyak hangga't hindi niya nakikita ang kambal. Natatakot ako, Avigail… baka bumigay na naman siya tulad noon."Nagtikom ang mga labi ni Avigail. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan si Dominic."What do you mean?" tanong niya, ang boses ay bahagyang nanginginig, puno ng alinlangan."I had no choice," tugon ni Dominic, dumaan ang isang malalim na buntong-hininga sa pagitan ng mga salita. "Sinabi ko sa kaniya ang totoo. Kailangan kong kumbinsihin siya—para lang hindi siya kampihan si Lera at—""You don’t have to explain, Dominic." Naputol ni Avigail ang paliwanag, isang banayad ngunit matatag na tinig. Umiling siya.
Sa Hallway ng ICU, ilang sandali matapos ang pag-aresto kay Lera..."Dominic?! Ano ba itong ginagawa mo?" singhal ng isang pamilyar na tinig.Napalingon si Dominic sa direksyon ng boses. Mabilis ang yabag ng sapatos ni Mrs. Luisa Villafuerte, ang kanyang ina, habang papalapit ito—halatang pigil ang emosyon, ngunit ang galit ay hindi maikakaila sa bawat hakbang."Pinapahiya mo ba ang pamilya natin?!" patuloy niya. "Hinayaan ko na si Avigail pumasok sa buhay mo muli—pero kailangang umabot sa ganito? Ipaaresto mo ang sarili mong fiancée?"Nagpakawala ng mahinang buntong-hininga si Dominic, saglit na ipinikit ang mga mata na parang sinusubukang pigilan ang pagputok ng kaniyang sariling damdamin."Mom..." aniya nang dahan-dahan. "I have enough reason. Kung gusto mong malaman ang buong katotohanan, sana pumunta ka mismo sa pulis o kina Atty. Romano. Masyado ka nang nakakulong sa mga haka-haka mo.""Of course I did!" sagot ni Luisa na nanginginig ang labi. "Nakausap ko na silang lahat. Pero
Gabi na nang bumalik si Dianne mula sa paglabas. Pagkababa pa lang niya ng sasakyan at bago pa man siya makapasok sa main building, narinig na agad niya ang masayang tawanan mula sa loob.May isang mahinahong boses, at isa pang medyo paos na parang may halong bata at pilyang tono.Si Tanya iyon.Mula nang operahan siya, nawalan ito ng alaala at bumaba rin ang kanyang kakayahang mag-isip. Hindi lang siya naging ibang-iba kumpara dati—pati boses niya ay nag-iba na rin.Hindi na siya ang dating istrikto, matapang, at seryosong Mrs. Chavez. Mistulang bata na siya ngayon.Mahilig maglaro, mahilig tumawa, mahilig kumain, at mahilig magpa-cute. Gusto niyang laging minamahal at binibigyang pansin—parang isang anim o pitong taong gulang na bata ang kilos niya.Pagpasok ni Dianne, nadatnan niyang nakaupo si Tanya sa carpet sa living room, kalaro sina Darian at Danica. May mga bagong laruan sa harapan nila—mukhang binili ni Alejandro para sa dalawa.“Mommy!” “Mom, mom! Nandiyan ka na!”Pagk
Pagkababa ni Avigail sa hagdanan ng Ferrer Mansion at pagkalabas niya ng gate, kasabay namang dumating ang convoy ng mga pulis. Malamig ang hangin, ngunit tila nag-aalab ang paligid sa tensyon. Agad bumaba si Dominic mula sa isa sa mga sasakyan, kasunod ang ilang opisyal ng batas na may bitbit na papel — isang arrest warrant.Sa loob ng mansyon, hindi pa rin humuhupa ang galit ni Lera mula sa pag-uusap nila ni Avigail. Paikot-ikot siya sa sala, hindi mapakali, habang ang mga kasambahay naman ay nagtataka sa biglang pagpasok ng mga unipormado."Anong ibig sabihin nito, Dominic?" singhal ni Lera nang makita ang paglapit ng lalaki, kasabay ng mga pulis.Isang matigas na tingin lamang ang isinagot ni Dominic, malamig, walang bakas ng pag-aalinlangan. Hindi niya na kailangan ng mahabang paliwanag. Para sa kanya, sapat na ang katotohanang mabigyan ng hustisya ang halos ikinamatay ng kanyang ina.Isang opisyal ang umusad paabante at mahinahon ngunit mariing binasa ang karapatan ni Lera."Ms.
Avigail stepped out of the restaurant, the heavy weight of the conversation with her family still lingering in her chest. She tried to shake off the tension, but her thoughts were already on the next challenge ahead. She had to see Lera Gale. The woman whose name had haunted her for months, the woman who seemed to be an integral part of the puzzle she was trying to solve.The day after Skylie was rushed to the hospital, everything had seemed to spiral out of control. The mansion’s security surveillance had inexplicably gone offline, and Avigail couldn’t shake the suspicion that someone within the Villafuerte circle was involved. It didn’t take long for her mind to land on Lera, especially given her mysterious presence in Dominic’s life. The pieces seemed to fit too perfectly—Lera had been Dominic’s fiancée, the one he was supposed to marry before everything fell apart.What bothered Avigail the most, however, was the possibility that Lera had played a far more dangerous game, one that