Share

Romatic Feels

Author: Shea.anne
last update Last Updated: 2025-05-20 23:09:45
Pero kahit na gano’n, ayaw pa rin maniwala ni Avigail sa damdamin niya. Ang mas masakit pa, nang maghiwalay sila kanina ng umaga, naramdaman niyang tila mas lumayo pa si Avigail sa kanya kaysa dati.

At ang pinakamasakit sa lahat—hindi niya alam kung bakit.

Halos mabulunan si Martin sa sarili niyang laway.

Sa panliligaw, kahit hindi siya ganoon karanasan, pakiramdam niya ay mas may alam pa siya kaysa sa kaibigan niyang ito na tila bato kung umasta. Idagdag pa na may kapatid siyang si May na maraming manliligaw, kaya kahit paano ay may idea siya sa mga galawan ng mga lalaki sa panliligaw.

Dahil doon, nagsimula na siyang mag-isip kung ano nga ba ang ginagawa ng mga manliligaw ng kapatid niya na baka puwede rin niyang irekomenda kay Dominic.

Matapos pag-isipan nang maigi, nakarating si Martin sa isang matapang na konklusyon. “Hindi sapat ang mga ginawa mo.”

Napataas ang kilay ni Dominic. “Sinunod ko lang naman ‘yung mga sinabi mo.”

Napabuntong-hininga si Martin sa pasaring na tugon. Gusto
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Virgie Acebo
Ganda npo miss a inaabangan ko tlga to
goodnovel comment avatar
Prince Freez
salamat author sa napakagandang update!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Hot Potato

    Saka lang bahagyang nakahinga nang maluwag si Avigail matapos marinig ang sagot ni Jake.“Sige. Ikaw na ang bahala diyan. Kung may kailangan ka, huwag kang mag-atubiling lumapit sa akin,” sabi niya.Tumango si Jake bilang pagsang-ayon.Hindi napigilan ni Avigail na magkomento nang may halong emosyon, “Kung mahanap mo ulit ‘yung mga halamang gamot na ‘yon, malaking ginhawa ‘yon sa akin.” Doon lang medyo sumigla ang pakiramdam ni Jake nang marinig ang tono ni Avigail.Simula nang magsimulang pumasok si Avigail sa research institute, siya na mismo ang laging sumasalo sa lahat ng problema.Kung sakaling humingi man siya ng tulong, kay Jake lang ‘yon sa mga simpleng bagay-bagay.Alam ni Jake na sa kabila ng papuri nito, hindi siya kailanman itinuring ni Avigail na higit pa sa isang karaniwang researcher sa institute.Pagdating sa mga lalaki sa paligid ni Avigail, wala naman siyang panama.Kaya laking gulat niya na ganun lang pala kadali para makuha ang tiwala ni Avigail. Walang makakaakala

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Try my Best

    Sobrang nagsisisi si Jason sa ginawa niya. Sa totoo lang, nagsisi na siya agad-agad nung araw na ginawa niya ‘yon. Pero huli na — na-lock na ni Jake ang research institute, kaya kahit gustuhin man niyang ayusin ang lahat, wala na siyang magawa.Kaya kinabukasan, pinilit niyang maagang pumunta sa institute para tignan kung may magagawa pa siyang paraan para itama ang sitwasyon.Pero nagkamali siya sa akala niyang maaga na siya. Pagdating pa lang niya sa entrance, nandoon na ang mga bumbero.Hindi napigilan ni Jason ang sarili at napalakas ng sampal sa magkabilang pisngi habang inaalala ang nasunog na storage at ang mga sinabi ni Avigail.“Ako ang may kasalanan dito, Dr. Suarez. Ang tanga-tanga ko!” Halos lamunin siya ng hiya, at agad siyang nakiusap,“Dahil kusa na akong lumapit, p-puwede po bang palampasin niyo na lang ito? Nasa ospital pa rin ang anak ko…”Binaon ni Avigail ang mga kuko sa palad niya para lang mapanatili ang kalma.“Hindi ko na hawak ‘yan, Dr. Coleman.”“Sinisiyasat

  • Ex-wife Return: Love Me Again   EMail

    Sa loob ng research area, saka pa lang muling nakabawi ang mga researcher mula sa insidenteng sunog kanina. Isa-isa na silang bumalik sa trabaho, pero bigla silang napatigil nang may dalawang taong pumasok sa lugar.May seryosong ekspresyon si Avigail habang sinusuyod ng tingin ang lahat. “May pumunta ba sa research institute kahapon ng hapon?”Nagkataon pa na sira ang mga surveillance camera, kaya wala siyang ibang basehan kundi ang mga taong naroon. Pagkabigkas niya ng tanong, nagkatinginan lang ang lahat, walang nagsalita. Linggo kasi kahapon — araw ng pahinga, kaya wala naman talagang dahilan para may pumasok. At kung meron man, sino ang aamin kung may kinalaman ito sa sunog? Kahit pa totoo, sino ba naman ang maglalakas-loob?Biglang nagbago ang aura ni Avigail — mabigat at nakakatindig-balahibo. Isang malamig na tingin ang ibinato niya sa lahat. “Hindi ko nais na magbintang kaninuman, at wala rin akong maisip na dahilan para isang empleyado ng institute ang gumawa ng gulo. Pero m

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Mastermind

    “Hindi pa namin masasabi sa ngayon. Mahirap tukuyin lalo na’t puro flammable materials talaga ang mga institute na ganito.”Mas lalong naging mahirap dahil abot-abot na ang pagkasunog ng mga materyales.Nadismaya si Avigail sa narinig, pero nagpasalamat pa rin siya.“Salamat po sa tulong ninyo.”Tumango lang ang captain, walang gaanong emosyon.“Tungkulin lang namin ‘yon.”Matapos makumpirmang naapula na ang apoy at makuha ang go signal mula sa mga bumbero, saka lang tuluyang nakalapit si Avigail sa research institute na tinupok ng apoy.Bumagsak ang puso niya sa nakita nang makalapit na siya.Magdamag na siyang balisa, iniisip kung tuluyan na ngang nawala ang mga halamang gamot na kinuha lang nila kahapon.At totoo ngang nangyari ang pinakakinatatakutan niya. Ang mismong storage room na nasunog ay ‘yung pinaglagyan ng mga halamang gamot. Hindi lang ‘yung batch na nakuha nila kahapon ang nawala—pati ‘yung mga naipon nilang stock dati, abot-abot din ang pagkasunog.Buti na lang at agad

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Fire

    Napansin ni Avigail na naiinit na ang mga bata, kaya pinilit niyang pigilan ang sarili niyang emosyon.“Hindi ako galit. Sa totoo lang, gusto ko pa nga kayong pasalamatan kasi inaliw n’yo si Sky.”Alam ni Avigail na kahit nagdulot ng kNinanging gulo sa pagitan nila ni Dominic ang ginawa ng mga bata, hindi rin naman gagaan ang loob ni Skylie kung hindi dahil sa kanila.Nakahinga nang maluwag ang mga bata nang marinig ang sinabi ng nanay nila, pero halatang may kNinanging pag-aalangan pa rin.“Sorry, Mommy. Hindi na po kami aalis nang hindi nagsasabi,” pangakong sabi ni Dane habang yumakap sa kanya.Kahit madilim sa loob ng sasakyan, kitang-kita pa rin sa mukha ni Avigail ang pagod.Akala ng bata, tama lang ang ginawa nila kanina, pero sa sandaling iyon, ang bigat-bigat ng konsensiya niya.Pati si Dale, yumakap din sa nanay nila at humingi ng tawad.Yumakap nang mahigpit si Avigail sa mga anak niya, sabay haplos sa ulo ng mga ito.“Alam kong nag-aalala lang kayo kay Sky.”Tumango agad a

  • Ex-wife Return: Love Me Again   We Promised

    Ayaw nang magtagal pa ni Avigail pagkatapos ng hapunan kaya nagpaalam na siya kasama sina Dale at Dane.“Hindi mo ba ako pwedeng samahan nang mas matagal, tita Avigail?”Hawak-hawak ni Skylie ang laylayan ng damit nito, halatang ayaw pa siyang paalisin.Yumuko si Avigail at hinaplos ang ulo ng bata habang mahinahong sinabi, “Gabi na, kaya kailangan ko nang umuwi.” Pagkasabi niya nito, nadala siya sa lungkot na nakita niya sa mukha ni Skylie kaya nadugtungan niya, “Babalik ako ulit para samahan ka, sa ibang araw.”Pampalubag-loob lang sana ‘yon, pero mukhang seryoso itong tinanggap ni Skylie.“Kailan?” tanong ng bata, habang nakatingin sa kanya na parang sobrang importante ng sagot.Napahinto si Avigail at sandaling natigilan.Kailan nga ba?Napatingin siya sa lalaki sa kabilang panig ng kwarto.Dati, si Dominic ang sumasalo at inaayos ang ganitong sitwasyon para sa kanya. Pero ngayon, parang wala itong naririnig o nakikita.Hindi na tuloy nagawang magsabi ng totoo ni Avigail habang na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status