Share

Justice

Author: Shea.anne
last update Last Updated: 2025-06-04 22:20:16

Tahimik ang buong silid habang hinihintay ni Avigail ang pagdating ng abogado. Nasa loob siya ngayon ng isang pribadong law office na matatagpuan sa ikalawang palapag ng isang business complex sa Quezon City. Ang mga pader ay may neutral na kulay—beige at puti—at ang buong lugar ay may malamig na simoy ng aircon na tila nagpapatindi sa kabang nararamdaman niya. Sa loob ng mahigit isang linggo mula nang lumabas ang katotohanang buhay ang anak niyang si Skylie, ito ang unang hakbang niya upang simulan ang paghahanap ng hustisya.

Bumukas ang pinto, at pumasok ang isang lalaking nasa edad kuwarenta. Naka-black suit ito at may dala-dalang leather folder na punung-puno ng papel. Matangkad, maayos ang gupit, at may matalim ngunit mahinahong titig.

"Ms. Avigail Suarez?" tanong nito, sabay lahad ng kamay.

Tumayo si Avigail at tinanggap ang kamay nito. "Ako po iyon."

“Atty. Alfonzo Lim. I was personally referred by Mr. Dominic Villafuerte. He said you need help with a sensitive case. May I?” sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Making it with you

    Mabilis ang bawat hakbang ni Avigail habang tinatahak ang pasilyo ng ospital. Alam niyang susunduin ni Mrs. Luisa ang kambal mula sa kindergarten, kaya’t sinamantala niya ang pagkakataong dumaan sa ospital para kamustahin si Skylie.Pagdating niya sa ICU, agad niyang nakita si Dominic—nakaupo sa bench sa tabi ng pader, nakayuko, at para bang pasan na naman ang buong mundo. Kitang-kita sa mukha nito ang pagkalugmok, ang kawalang-katiyakan.Lumapit siya at agad na nagtanong, “Bakit? Anong nangyari? Bakit parang bagsak na naman ang mukha mo?”Dahan-dahang tumingin si Dominic sa kanya. Namumugto rin ang mga mata nito, at ang boses niya ay halos pabulong. “Si Skylie kasi…”Nanlalamig ang kamay ni Avigail. “Anong nangyari kay Skylie, Dominic?”“May posibilidad daw na magising siya…” Tumigil siya saglit, kumakabog ang dibdib. “…pero malaki ang tsansang hindi na siya makakalakad ng normal.”Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Saglit na katahimikan. Ngunit agad ding tumindig si Avigail,

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Justice

    Tahimik ang buong silid habang hinihintay ni Avigail ang pagdating ng abogado. Nasa loob siya ngayon ng isang pribadong law office na matatagpuan sa ikalawang palapag ng isang business complex sa Quezon City. Ang mga pader ay may neutral na kulay—beige at puti—at ang buong lugar ay may malamig na simoy ng aircon na tila nagpapatindi sa kabang nararamdaman niya. Sa loob ng mahigit isang linggo mula nang lumabas ang katotohanang buhay ang anak niyang si Skylie, ito ang unang hakbang niya upang simulan ang paghahanap ng hustisya.Bumukas ang pinto, at pumasok ang isang lalaking nasa edad kuwarenta. Naka-black suit ito at may dala-dalang leather folder na punung-puno ng papel. Matangkad, maayos ang gupit, at may matalim ngunit mahinahong titig."Ms. Avigail Suarez?" tanong nito, sabay lahad ng kamay.Tumayo si Avigail at tinanggap ang kamay nito. "Ako po iyon."“Atty. Alfonzo Lim. I was personally referred by Mr. Dominic Villafuerte. He said you need help with a sensitive case. May I?” sa

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Attorney

    "Mommy naman..." mariing bulong ni Dominic habang nilalapit ang sarili sa kanyang ina. Napansin niyang nagsisimula nang mapansin ng kambal ang tensyon sa paligid. "Halika, doon tayo mag-usap sa hindi maririnig ng mga bata. Baka isipin nilang pinahirapan ko ang mommy nila kaya pinili niyang umalis."Pero tila hindi matitinag si Mrs. Luisa. Umiling ito, mariin at walang bahid ng pagdadalawang-isip. "Hindi na!" tugon nito, medyo may pagtaas na ng boses. "Kahit anong sabihin mo, Dominic, hindi magbabago ang desisyon ko. Kung wala silang matutuluyan, hindi sila pwedeng tumuloy sa puder mo. Doon sila sa akin—mas mabuti! Para mas madami akong oras kasama ang mga apo ko."Parang may bumagsak na tanikala sa balikat ni Dominic. Napatingin siya sa kambal na hindi makatingin nang diretso sa kanila—mga inosenteng matang nakatingin sa paligid, nagtataka. Naramdaman niya ang hapdi ng pagkatalo—hindi sa argumento, kundi sa pagiging ama. Tila ba siningil siya ng sarili niyang ina sa isang kasalanang hi

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Freedom

    Tahimik ang buong paligid habang naghihintay si Dominic sa mga gamit na ipapadala sa kanya—ilang damit, ilang personal na kagamitan, at ilang dokumentong kailangan niya sa ospital kung saan nakaratay pa rin si Avigail. Kasalukuyang nakaupo si Mrs. Luisa sa tapat niya, may hawak na tasa ng tsaang malamig na, hindi man lang niya namalayang hindi niya naiinom."Dominic," mahinahon ngunit may kabigatang wika ni Luisa, "nakiusap ang ama ni Lera sa iyong ama. Hindi ba natin sila pagbibigyan?"Itinaas ni Dominic ang tingin mula sa hawak niyang cellphone, dahan-dahang ibinaba iyon sa mesa. Nakatingin siya sa kanyang ina, ngunit hindi galit ang nasa mga mata niya kundi sugat—isang galit na hango sa kabiguan, isang sugat na hindi basta napagagaling ng paliwanag."Mommy, ikaw ang tatanungin ko," panimula niya, paos at mababa ang boses. "Ayos lang ba sayo na pinahamak ni Lera ang buhay mo... para lang makuha ka sa panig niya? Hindi mo ba naiisip na nilinlang ka niya?"Bahagyang napayuko si Luisa,

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Safety First

    Sinundo ni Avigail ang kambal—sina Dane at Dale—mula sa eskwelahan. Tahimik lamang ang kambal habang nasa sasakyan, ngunit pagdating nila sa Villafuerte Mansion, bumungad sa kanila ang mahigpit na seguridad. Maraming tauhan ang nakaantabay, at halatang pinalakas ang proteksyon ng buong paligid."Wow, Mommy... dito ba tayo titira ngayon?" inosenteng tanong ni Dane habang hawak ang kamay ng kapatid."Sandali lang, anak. Habang inaayos ang villa natin," sagot ni Avigail, pilit na ngumingiti. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Isa lang ang malinaw—hindi na ligtas ang villa para sa kanila."Bakit Mommy? may nasira ba?" tanong naman ni Dale. "May nag-leak lang na tubo ng tubig. Halika na, ibaba niyo lang ang gamit niyo at magpalit nitong mga damit na binili ko kanina. Pupunta tayo sa hospital, gumalaw na si SKylie." "Talaga MOmmy?" Tumango naman si Avigail at tuwang tuwa naman ang kambal kaya mabilis silang kumilos.Samantala, si Dominic ay kasalukuyang nasa vi

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Skylie's Condition

    "Gumalaw na daw si Skylie?" nagtatakang tanong ni Avigail.Kanina, habang nagbabasa siya at nag-iimbestiga kung paano napunta ng bansa si Skylie at pinalabas na patay na ito, tumawag si Dominic. Umiiyak ito habang masayang sinasabi na gumalaw si Skylie. Kaya naman nagmadali siyang pumunta sa ospital."Oo, Avigail!" Masayang sabi ni Dominic habang muling tumingin sa ICU room kung saan nakahiga si Skylie. "Kanina, habang kinakausap ko siya at kinukuwento kung paano kita muling nililigawan, gumalaw ang kamay niya... at lumuha ang mata niya. Sa tingin ko, tuwang-tuwa siyang magiging mommy ka na niya. Matagal na kasi niyang hinihiling iyon sa akin.""Ano bang sinasabi mo d'yan! Mommy ka agad?" kinikilig na sabi ni Avigail. Iniwas pa niya ang mukha sa lalaki dahil masyado siyang apektado sa sinasabi nito. Para bang may kung anong kumikiliti sa puso niya.Kung ganito si Dominic noon—six years ago—baka hindi na siya umalis. Pero nang maalala niya ang mga nangyari, bigla siyang napalalim ng bu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status