Share

Eat Together

Penulis: Shea.anne
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-14 14:55:58
Alam niyang palaging may kinikilingan si Luisa pagdating kay Lera. At kung malalaman nitong pinalayas niya ito mula sa mansyon, siguradong bubusisiin na naman siya ng ina sa paulit-ulit na pangangatwiran nito.

Mas pinili na lang niyang ihatid si Lera doon nang direkta, para personal niyang maipaliwanag ang lahat. Sa ganitong paraan, wala nang masasabi pa si Luisa.

Napalalim ang buntong-hininga ni Lera sa narinig.

Ang totoo, pumayag lang siyang umalis sa mansyon ng Villafuerte dahil balak pa niyang bumisita kay Luisa sa ibang araw. Doon sana siya magpapalusot at manghihingi ng pabor para makabalik sa mansyon.

Pero kung ngayon pa lang ay ihahatid na siya ni Dominic sa bahay ni Luisa, mawawala na ang pagkakataon niyang manipulahin ang sitwasyon.

Wala na siyang nagawa nang tuluyang lumiko ang kotse papasok sa bakuran ng mansyon ni Luisa.

“Sir Dominic, Ms. Lera,” magalang na salubong ng butler sa kanila. Tumango si Dominic at sumenyas dito na kunin ang maleta ni Lera. Naintindihan naman aga
Shea.anne

Another revise chapter

| 17
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Violeta Furuhashi
good job author...bumawi k po
goodnovel comment avatar
Lilia Tomeo
thank you sa update Ang ganda gusto kaganda ung ending
goodnovel comment avatar
Prince Freez
thank you so much! sa napakagandang update!!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ex-wife Return: Love Me Again   DADDY

    Bumalong ang selos sa dibdib ni Jake. Ang akala niya, tumawag si Avigail dahil may napansin itong kakaiba tungkol sa sunog. Hindi niya inasahang ganito pala ang dahilan.Ang dami ko nang ginawa, pero ni hindi pa rin ako kayang tingnan ni Avigail! Kung ganun, ayos lang—matuto siya sa leksyon!Dahil sa isipang ‘yon, sinadya ni Jake na bagalan ang kilos at gumawa ng kaunting mga pagkakamali.Alam niyang sabik si Avigail na matulungan ang mga pasyenteng may impeksiyon, kaya sinadya niyang patagalin ang proseso. Gusto niyang iparamdam kay Avigail ang kahalagahan ng pagtitiwala sa tunay na mga propesyonal sa ganitong mga sitwasyon.Halimbawa na lang, mas bihasa siya sa mga halamang gamot kaysa kay Dominic!“Hindi pa ba tapos?” tanong ni Dominic habang sinusulyapan ang orasan, ang noo niya’y bahagyang nakakunot.Tiningala siya ni Jake na walang emosyon sa mukha. “Kailangan kasing eksakto ang dami ng halamang gamot. Kailangan ingat na ingat sa pag-sukat.”Napilitang pigilan ni Dominic ang pag

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Bacterial infection

    Halos mapaniwala na si Avigail sa suhestiyon nito, pero may kaunting pag-aalinlangan pa rin sa kanya.Hindi naman kasi kabilang si Dominic sa larangan ng medisina. Marami siyang halamang gamot na hindi kilala, at bukod pa ro’n, kailangan din niya ng eksaktong dosage.Hindi niya kayang isugal ang magiging epekto kung sakaling mali ang sukatan.Nakapasok na si Dominic sa loob ng sasakyan at pinaandar na ito. “Pupunta na ako sa research institute. Tatawagan kita pagdating ko ro’n, kaya isipin mo na kung anong mga halamang gamot ang kailangan mo.”Hindi na siya naghintay ng sagot at binaba na ang tawag, sabay dial kay Henry. “Mr. Villafuerte, nasaan po kayo? Naghihintay na po ang meeting...”Napapikit na lang si Henry sa inaasahang sakit ng ulo nang umalis si Dominic na hindi man lang lumingon, habang naiwan ang mga executives sa loob ng conference room.Utos ni Dominic, “May mas importanteng nangyari. Kanselado ang meeting. Pwede na silang umalis.”Agad na sumang-ayon si Henry at pumasok

  • Ex-wife Return: Love Me Again   I'll Be there

    Wala nang panahon para magpaliwanag. Ayaw din niyang makaabala pa lalo sa mga kaibigan niya.Ngayon na wala siyang matatakbuhan, unti-unting kumakalat ang kaba sa dibdib niya.Samantala, tahimik na pinagmamasdan ni Dane ang gilid ng mukha ng ina. Naalala niya ang dalawang tawag nito kanina. Kahit wala siyang narinig, parang nahulaan na niya ang sitwasyon nila ngayon.Siguradong humingi si Mommy ng tulong, pero walang sumagot o walang makakatulong.Dahil sa naiisip, biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Dane. “Daddy...” tawag ni Skylie, halos wala na sa wisyo sa sakit, instinct na lang ang nagtulak sa kanya para maghanap ng comfort.Narinig ni Dane ang tinig ng kapatid, at may biglang pumasok na ideya sa isip niya. Palihim siyang tumingin kay Avigail na nasa labas pa rin ng kotse. Kita niya ang lalim ng kunot sa noo nito.Ilang saglit pa, inalis niya ang tingin at tinawagan si Dominic gamit ang kanyang smartwatch.Sa Villafuerte Group, kasalukuyang nasa conference room si Dominic, w

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Accident

    Sa isang iglap, para bang nawalan ng lakas si Skylie at isinubsob ang sarili sa dibdib ni Avigail, mahigpit na yumakap, parang kuting na naghahanap ng init.Napapikit si Avigail, ramdam ang sakit na pilit ikinukubli ng bata. Nang dumilat siya, agad niyang tiningnan si Dale.Nag-angat ng tingin si Dale at pilit na ngumiti. “Okay lang po ako, Mommy.”Hinaplos niya ang ulo nito habang sinasabi, “Kahit ikaw. Hindi mo kailangan magpakatatag palagi para sa akin.”Pagkatapos noon, niyakap din niya si Dale gamit ang isang braso.“Babalik na tayo ng siyudad ngayon. Medyo matagal ang biyahe. Sabihin niyo agad kung may nararamdaman kayo. Huwag niyong kimkimin.”Tumango ang mga bata na parang maliliit na sundalong sumusunod sa utos.Paglabas nila ng tent, wala nang oras para mag-empake pa.Ang tanging bilin lang ni Avigail kay Dane ay kunin ang mga halamang gamot na nakuha niya kanina, at agad na silang sumakay sa sasakyan pauwi sa siyudad.Ngunit pag-andar pa lang niya, agad nang sumagi ang pags

  • Ex-wife Return: Love Me Again   For the Meantime

    Noong una, akala ni Avigail ay hindi nila kakailanganin ang mga gamit na iyon. Sino’ng mag-aakala na ’yon pala mismo ang makakapagligtas sa buhay ng mga bata?Pagkakita niya sa maliit na palayok na inihanda ni Dominic para kay Skylie, lumabas na agad si Avigail mula sa tent.Hindi na siya nag-aksaya ng oras—naglagay siya ng tubig sa palayok at inilagay ang mga halamang gamot at dalawang dahon bago sinimulang pakuluan ang timpla.Habang hinihintay na maluto ang gamot, bumalik si Avigail sa loob ng tent at binuhat sina Dale at Skylie papasok. Sa sobrang sakit, wala nang buhay ang mga mata ng mga bata at basang-basa na ng pawis ang kanilang noo.Tinakpan ni Avigail ng ilang pirasong damit ang dalawa bago marahang hinaplos ang ulo nila at bulong, “Konting tiis na lang, giginhawa na rin kayo.”Bahagya lang tumango sina Dale at Skylie, pero hindi na nila kayang magsalita.Pagkatapos maayos ang dalawa, tumayo si Avigail at muling lumabas ng tent.Paglabas niya, agad niyang naramdaman ang pag

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Mommy will fix this

    Si Dale naman ay nakakunot-noong humaplos sa tiyan niya.“Medyo masakit din po tiyan ko, Mommy, pero kaunti lang,” paliwanag niya, sabay gamit ng kamay para ipakita na talagang hindi siya ganoon kaapektado.May bahid ng pagdududa sa mukha ni Avigail habang muling napatingin kina Dane at Skylie.Limang minuto na ang lumipas mula nang bigyan niya sila ng gamot, pero parang walang pagbabago.Si Skylie, sa sobrang sakit, hindi na gumagalaw. Nakatagilid na lang siya sa gilid ng tent, balot ng malamig na pawis ang maliit na mukha niya.Halos hindi na makahinga si Avigail sa sobrang lungkot at pag-aalala.“Mommy…” biglang tawag ni Dale.Parang sinakal ang dibdib ni Avigail at agad siyang napalingon.Mahigpit na nakakunot ang noo ni Dale at seryoso ang tingin nito.“Alam ko na kung bakit sumakit ang tiyan nina Dane at Sky!”“Ano ’yon?” Agad na kumislap ang pag-asa sa mukha ni Avigail.Akala niya magsasabi ito ng kung anong ginawa nila habang wala siya.Pero laking gulat niya nang tumakbo si D

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status