Kinabukasan ay pumasok si Serene sa kanyang pinapasukang paaralan at pagkatapos ng klase niya ay agad siyang dumi-diretso sa pinapasukan niyang part-time job. Ganun ang naging set-up niya sa loob ng tatlong araw, sa tatlong araw na iyon ay napansin niya na hindi niya nakikita si Reid sa paaralan at mukhang hindi ito pumapasok sa hindi malamang dahilan. Dahil doon ay medyo gumaan pa rin kahit na papano ang pakiramdam niya dahil sa wala nang panggulo sa buhay niya.
Isa pa ay hindi niya naman kayang labanan si Reid dahil nga napakayaman nito at kapag ginawa niya iyon ay alam niya na siya lang ang mapapahiya. Kaya nang hindi niya ito makita ilang araw na ay mas nakahinga siya ng maluwag at napaisip na sana ay tumigil na nga ito ng tuluyan sa pagpasok doon. Ang mga katulad naman nilang mayayaman ay hindi naman mahalaga kung makapagtapos sila o hindi dahil hindi naman iyon magkakaroon ng malaking epekto sa mga ito dahil tiyak na sila naman ang mga magmamana ang mga negosyo ng mga pamilya ng mga ito.
Nang magtanghali ay agad na nagtungo si Serene sa cafeteria upang kumain sana ngunit pagdating niya pa lamang doon ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone kung saan ay may tumatawag. Hindi niya kilala kung sino ang tumatawag na iyon ngunit pinili niya pa ring sagutin ito at nang mga oras na iyon sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya ng wala sa oras. Nang sagutin niya ang tawag at narinig niya ang sinabi ng tumawag ay bigla na lamang namutla ang kanyang mukha ng wala sa oras.
Halos nangingilid ang kanyang luha na nagtatakbo at nagmamadaling umalis doon patungo sa ospital. Nang makarating siya sa ospital ay agad siyang nagtungo sa emergency room at doon nga niya nakita ang kanyang ina na nakahiga sa hospital bed at may mga tubo sa buong katawan nito at may naiwan pang bakas ng dugo sa bibig nito. Nang makita niya ang itsura ng kanyang ina ng mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay tila ba siya pinagbagsakan ng langit at lupa.
Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanyang doktor at nagtanong. “Kamag-anak ka ba ng pasyente?” tanong nito sa kaniya.
Nang lingunin niya ito ay agad siyang napaluhod sa harap nito habang tumutulo ang kanyang mga luha. “Dok, pakiusap, iligtas ninyo ang aking ina. Gawin niyo po ang lahat para gumaling siya…” humahagulgol na sabi niya rito.
Puno ng awa ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang braso at pilit siyang itinayo. Nang mga oras na iyon ay patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay tumitig ito sa kanyang mga mata at humugot ng malalim na hininga. “Hija, tatapatin na kita.” sabi nito at pagkatapos ay muling napabuntung-hininga. “Binigyan na namin ng first aid ang iyong ina pero malaki ang posibilidad na baka ma-coma siya. Ang pwede ko lang i-advice ay baka mas maganda na magpa-ECMO kaagad pero hija, napakamahal nun. Idagdag pa ang gagastusin niya sa ICU araw-araw. Ang estimate ko ay baka nasa mga 30,000 pesos ang isang araw niya hanggang 100,000 depende sa mga aparato na ikakabit sa kaniya at ang survival rate niya ay nasa 50% lamang.” sabi nito sa kaniya.
Nang marinig niya iyon ay halos hindi siya makagalaw. Hindi siya magawang ibuka ang kanyang bibig upang sumagot sa doktor. Napakagat-labi na lamang siya. Hindi nagtagal ay nagpaalam na sa kaniya ang doktor kung saan ay naiwan siya doon mag-isa. Napatitig siyang muli sa kanyang ina at wala siyang magawa kundi ang mapaiyak na lamang. Saan siya kukuha ng ganung kalaking pera? Pero ayaw niya rin na mawala ang kanyang ina. Handa siyang gawin ang lahat para rito.
Ilang minuto pa siyang umiyak hanggang sa tinawag siya ng isang nurse at kailangan daw niyang magbayad. Lumabas nga siya upang magbayad at ang binayaran niya lahat para sa araw na iyon ay 50,000 pesos na kaagad. Halos kung tutuusin nga ay isang oras pa lamang mahigit doon ang kanyang ina. Ang ipinambayad niya doon ay mula sa kanyang part-time job. Halos iyon lang ang laman ng kanyang atm card kaya ngayon ay wala na siyang pera.
Kung ngayon ay may naibayad pa siya at nakabitan nang mga aparato ang kanyang ina at hindi siya namatay doon ngunit napaisip siya, paano na bukas at sa mga susunod pang mga araw? Saan na siya kukuha ng pangbayad niya? Nakatayo si Serene sa harap ng bintana ay sobrang kirot ng puso niya. Bigla niyang naalala na noong bata pa siya at may lagnat siya ay palagi siyang binabantayan ng kanyang ina at inaalagaan kahit na pagod din ito lagi sa trabaho.
Ang kanyang ama kasi ng mga panahong iyon ay hindi nagtatrabaho kundi palagi lang itong naglalasing. Dahil sa gastusin at pagkain nila sa pang-araw araw ay halos sa pagkain lang napupunta ang sahod ng kanyang ina at ang budget sa kanyang pag-aaral ay wala. Kaya minsan, napipilitan na magdoble ng trabaho ang kanyang ina para lang makapag-aral siya.
Kapag pa wala ng pera ang kanyang ama upang ipambili ng inumin ay binubugbog nito ang kanyang ina upang makahingi lang ito ng pera hanggang sa halos magsuka na nang dugo ang kanyang ina at halos matanggal na ang dalawang ngipin nito sa harapan. Mas pinili nitong magpabugbog kesa bigyan nito ang kanyang ama ng pera.
Malinaw pa sa kanyang alaala ang mga sinabi nito noong mga panahong iyon. “Pang bayad iyon ng tuition f*e ni Serene kaya hindi ko iyon pwedeng ibigay sayo. Gustong-gusto niyang makapag-aral kaya handa akong gawin ang lahat para makatapos alng siya…” sabi nito habang tumutulo pa ang dugo sa gilid ng labi nito.
Nang maalala niya ang tagpong iyon ay bigla na lamang napuno ng luha ang mukha ni Serene. Walang ginawa ang kanyang ina kundi ang protektahan siya sa lahat ng bagay ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay napakawalang-silbi pa rin niya. Napayuko siya at pinigilan ang kanyang mga hikbi.
Ilang sandali pa ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay bigla siyang napakagat labi at nagpunas ng kanyang mga luha upang itago ang kanyang nararamdaman.
Lumabas siya ng silid ng kanyang ina at pagkatapos ay sinagot ang tawag. Ang tumawag ay ang matandang babae at pinapapunta siya nito sa mansyon. Dahil rito ay hindi na siya nakatanggi pa at pansamantalang iniwan niya ang kanyang ina.
…
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k
NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri
BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy
PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang
ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B
NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si