Share

Chapter 3

Author: zerenette
last update publish date: 2026-10-21 11:10:23

Kinabukasan pagkauwi ni Naya sa bahay nila ay ikinagulat niya na umiiyak ang kaniyang ina. Mabilis na nilapitan niya naman ito.

“Mom, what happened? Why are you crying? Nag-away ba kayo ni daddy?” she asked worriedly.

Umiling naman ito saka suminghot.

“No, but your father was held captive by a certain individual. He probably faced a dangerous criminal trying to take over some shortcuts in business. Kilala mo naman ang daddy mo ‘di ba? Ayaw niya sa katiwalian,” sambit ng mommy niya.

She didn’t know what to do nor say.

“How about i-report natin sa authorities?” she suggested.

Erlinda wiped her tears, saka siya nginitian nang tipid. As if it was the most absurd thing she ever said.

“Bata ka pa anak, you don’t know how this cruel world works. Kung ang daddy mo hindi nabibili, ibahin mo ang authorities. They love money as I do. Mga peste sila! Instead of protecting your father, sila pa ang naging daan para malagay siya sa alanganin. Those hypocrite generals were too greedy!” galit nitong saad.

“Then what do we do? Where’s dad?” usisa niya sa ina.

Napahilamos naman ang ina niya sa mukha nito.

“I have friends. They have a lot of connections. But please anak, don’t judge me if ever you saw them,” saad nito.

Napakunot-noo naman siya.

“Po?”

Hindi niya maintindihan kung ano ang point nito.

“Basta, they work underground. They serve a lot of wealthy bosses. Alam kong sila lang ang makatutulong sa ‘tin,” seryosong saad nito.

“Then, puntahan na natin sila. Dad’s life is more important,” aniya rito.

Tumango naman ito saka tumayo.

“Naya, your father’s allies turned their backs on him. So, I presume, masyadong malakas at makapangyarihan ang nabangga ng daddy mo. Ni isa sa mga high ranking officials na friends niya ay hindi siya tinulungan. Naghuhugas-kamay sila. Though your father is a respected politician, lalo siyang nalagay sa hot seat dahil sa prinsipyo niya. A lot of businessmen saw him as a thorn,” anito.

Naya was dumbfounded. Wala naman siyang ideya sa mga nangyayari. First time sa buhay niya na naka-encounter sila ng ganito kalaking problema.

“What if dad won’t give in?” tanong niya sa ina.

Pumalahaw naman ito ng iyak saka suminghot.

“They’ll kill him. Those monsters were so evil. We need to ask for help immediately,” saad nito.

Tumango naman si Naya at mabilis ang kilos na umalis na sila. Nasa kalahating oras din na biyahe bago sila dumating sa isang bungalow house. Napalunok naman si Naya. Luma na iyon at sobrang laki.

“Sigurado ka ba mommy na nakatira rito ang friends mo?” alanganing tanong ni Naya sa ina. She was hesitant. She knows her mom. Hindi ito basta-basta nakikipagkaibigan ng may mababang status. Maarte at hindi nakakalimutan ang standing niya sa society. But maybe she’s wrong. Baka hindi niya pa talaga ito tuloyang kilala.

“Of course! Tara, pasok!” anito at pumasok na sila.

Nayakap ni Naya ang sarili niya nang makita ang mga lumang muwebles. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang horror set sa sobrang creepy ng aura ng bahay.

“Ang swerte mo naman para malaman kung saan ang aking tahanan. Siguro naamoy niyo sa malayo ang aking kadakilaan.”

Nanlaki ang mata ni Naya nang marinig ang boses na iyon sa likuran nila ng mommy niya. Kaagad silang lumingon at sa gulat ni Naya ay napasigaw siya sa labis na pagkatakot.

“Anak ng! What an insult to Aphrodite’s daughter. Iyang sigaw mo hija, aba’y hindi mo pa yata natikman ang makamandag kong lapirot sa tinggil. Umayos ka ha, sa ganda kong ‘to,” sambit ng matanda at tinikwasan pa siya ng kilay.

“P-Pasensiya na po,” mahinang aniya at tiningnan ang ina.

“Ahm…pasenisya ka na sa anak ko, sista! Ngayon lang niya nasilayan ang ganda mo,” sabat ng ina niya.

“Long time no see, Erlinda. Tara pasok,” sambit nito at iginiya sila papunta sa living room. Napakalaki at kahit papaano ay maaliwalas na.

Umupo naman sila at ilang saglit pa ay kamuntik na namang mapatalon si Naya sa gulat nang may kumalabit sa kaniya at nang lumingon siya ay isa pang matanda na nakangisi.

“Ma!” aniya at napahawak nang mahigpit sa ina niya. Natawa naman si Erlinda at napailing.

“Aba’y punyetang bata ah!” anito at tumabi roon sa isa.

“Erlinda, masyadong nakapanliliit iyang reaksyon ng anak mo ah. Porket Maganda ganiyan na lang. Nakasisira ng confidence,” dagdag pa nito. Ngumiti lamang si Erlinda at pinandilatan ang kambal.

“Oo nga pala, anak. These are my friendships. The truest of all. They’re twins. Fraternal to be exact. This is Vee Lat Baho and Vee Song Baho. We’ve been friends since birth. They’re my nannies. Remember the one who taught me how to bake those delicious cookies? It’s Vee Lat,” nakangiting sambit ng ina niya.

Pinipigilan niya ang sarili na matawa sa sobrang panghi ng mga pangalan ng mga ito. Mabilis lang tandaan at ang isa ay kulot si Vee Lat at unat na unat naman ang buhok ni Vee Song.

“Ma, sigurado ka ba na matutulungan nila tayo sa problema natin?” alanganin niyang taong sa ina. Sinakto niya lang na silang dalawa lang ang makarinig.

“Ay! Hala sila! Kayo lang ang tao rito? Hindi kami visible? Pasali naman sa bulungan niyo,” ani Vee Song at bumusangot.

Umayos ang kaniyang ina saka tiningnan ang dalawa.

“We badly need your help. My husband was held captive by a criminal. Hindi namin alam kung okay pa ba siya ngayon. I lost all hopes dahil paniguradong pinipilit siya ng mga iyon. I’m afraid he wouldn’t see the bright of day tomorrow if we don’t take action now,” wika ng ina.

Naya should be worried as hell by now, but no. The twins, para siyang sinasakal sa mga itsura nito. If she only knew, sana pala hindi na lang siya sumama. Hindi siya makapaniwala sa ina. Knowing how flirty and maarte ito.

“Madali lang ‘yan,” ani Vee Song.

Natigilan naman si Naya.

“Easy for you to say,” aniya at napabusangot.

The old hag just smiled sardonically.

“Duda ka yata sa kagandahan ko ah. Kaya kong i-rescue ang ama mo kahit ako lang mag-isa. Makita lang ng mga criminal na iyon ang kagandahan ko, aba’y mawawalan lahat ng malay,” proud nitong wika saka ngumisi. Kitang-kita ang makintab nitong gilagid.

“Kami na ang bahala. Track muna natin kung nasaan sila saka tayo susugod,” wika ni Vee Lat.

“Susugod? Are you sure? Mommy, sigurado ka ba na tutulungan nila tayo? Knowing those criminals, hindi sila magdadalawang isip na patayin tayo,” ani Naya.

Hinawakan naman ng ina niya ang kaniyang kamay.

“Anak, these twins are reliable. Alam kong kaya nila tayong tulungan. They might look old but they’re trustworthy. Let’s trust them,” saad ng kaniyang ina.

Tumango naman ang dalawa. Wala na ring nagawa si Naya, ang importante ay ma-rescue ang kaniyang ama.

“Let’s go at the back. Na-trace na namin ang kinaroroonan ng daddy mo,” wika ni Vee Song.

Kahit papaano ay nakahinga naman siya nang maluwag.

“Anak, alam kong duda ka pa rin sa kakayahan ng dalawa. They worked with a dangerous mob boss in Italy before. Sanay sila sa ganitong mga misyon. They’re once the famous death twins,” bulong ng kaniyang ina. Nagulat naman si Naya.

“Really?”

“Yes, kaya may tiwala ako sa kanila.”

Naghintay pa sila saglit sa likod bahay at nagbihis pa ang dalawa. Ilang sandali pa ay halos mabulunan si Naya sa sariing laway niya nang makita ang kambal. Nakasuot ng neon pink and orange na jumpsuit. Sobrang sakit sa mata at masyadong maliwanag.

“Ready?” tanong ni Vee Song. Tumango naman ang mag-ina. Ilang saglit pa ay binuksan ni Vee Lat ang roll up door at nakaparada ang kulay yellow na Fiat 500. It looks brand new, but Naya knows that it was older than her mother.

“’Yan po ang sasakyan natin?” tanong niya.

“Of course! Tara na! Mabilis ito at kaagad nating mare-rescue ang daddy mo. Tara na, hindi natin dapat inuubos ang oras at baka mahuli na tayo,” anito.

Tumango naman siya.

Pumuwesto na sila sa likod ng mommy niya at hirap pa nga siya dahil matangkad siya. Halos maumpog ang kaniyang ulo sa sobrang baba sa loob.

Ilang saglit pa ay nanlaki ang mata ni Naya sa lakas ng tunog ng engine. Parang may chini-chainsaw.

“Buhay pa pala ‘tong si Fiat ano?” wika ng ina niya at mukhang tuwang-tuwa pa. Napalunok naman si Naya.

“Alam mo ba anak? Ito ang gamit namin noon para gumala. Kahit saan kami napapadpad. Smooth sailing ang takbo at talaga namang mabilis,” kumpyansang sambit ng ina. Tumango naman si Naya.

Ilang saglit pa ay napahawak siya sa kaniyang dibdib nang lumarga na nga sila at parang may kung anong lumagabog sa ilalim ng sasakyan.

“Huwag kang mag-alala, hija. Iyon lang ang sign na gumagana pa talaga ang sasakyan,” wika ni Vee Song na kasalukuyang nagmamaneho.

Nang makalabas nga sa bungalow ng mga ito at tinatahak na nila ang daan ay napahawak siya sa seatbelt. Napatingin siya sa ina niya na ganoon din. Tila nagtataka rin sa nangyayari.

“Vee’s, bakit parang maalog siya ano? Pakiramdam ko tuloy nagho-horseback riding kami ng anak ko,” natatawang sambit ng kaniyang ina. Ang sakit na nga rin talaga ng puwet ni Naya kalulundag.

“Bagong feature ‘yan ng sasakyan. Update ba,” ani Vee Lat.

“Ahh,” ani Erlinda.

Nagtaka si Naya nang ilang saglit pa ay tumigil ang sasakyan.

“Ano po ang nangyari?” tanong niya sa mga ito.

Ngumiti naman si Vee Song.

“Bagong, update hija. Lat, labas ka muna, tulak mo,” anito.

Hindi naman maiguhit ang mukha ni Naya at pagtingin sa labas ay hindi pa rin sila nakakaalis sa labas ng bungalow ng mga ito. Napahawak siya sa dibdib niya sa labis na gulat nang umandar na ulit ang sasakyan nila.

“Pasensya na kayo ha, special feature kasi ng sasakyan ‘yon,” ani Vee Lat at sumakay na ulit.

Pakiramdam ni Naya ay bago sila makarating para saklolohan ang ama ay sila muna ng mommy niya ang kailangang itakbo sa hospital sa sobrang pagkaalog ng utak nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FORBIDDEN DADDIES #10: On My Knees, Daddy Xerxes   Chapter 3

    Kinabukasan pagkauwi ni Naya sa bahay nila ay ikinagulat niya na umiiyak ang kaniyang ina. Mabilis na nilapitan niya naman ito.“Mom, what happened? Why are you crying? Nag-away ba kayo ni daddy?” she asked worriedly.Umiling naman ito saka suminghot.“No, but your father was held captive by a certain individual. He probably faced a dangerous criminal trying to take over some shortcuts in business. Kilala mo naman ang daddy mo ‘di ba? Ayaw niya sa katiwalian,” sambit ng mommy niya.She didn’t know what to do nor say.“How about i-report natin sa authorities?” she suggested.Erlinda wiped her tears, saka siya nginitian nang tipid. As if it was the most absurd thing she ever said.“Bata ka pa anak, you don’t know how this cruel world works. Kung ang daddy mo hindi nabibili, ibahin mo ang authorities. They love money as I do. Mga peste sila! Instead of protecting your father, sila pa ang naging daan para malagay siya sa alanganin. Those hypocrite generals were too greedy!” galit nitong s

  • FORBIDDEN DADDIES #10: On My Knees, Daddy Xerxes   Chapter 2

    Birthday ngayon ng kaibigan ni Naya. Saktong weekend kaya okay lang na matagal matulog. Nakasuot siya ng simpleng white shirt at pantalon na pinaresan ng sneakers. Ang buhok niya ay hinayaan niyang nakalugay at isinuot na rin ang kaniyang cap. Pababa na siya ng hagdan nang makita ang mommy niya na tila balisa sa living room nila.Kaagad na napangiti ito nang makita siya.“Mom, are you okay? Balisa ka yata?” tanong niya rito.Umiling naman ito. Halatang may tinatago.“Aalis ka na ba?” tanong nito. Halatang umiiwas sa mga tanong niya. Tumango naman siya bilang sagot.“Sige, mag-iingat ka. Naghihintay na si Mang Nardo sa ‘yo. Tawagan mo ako if something’s wrong okay?” bilin nito.Yumakap na siya rito saka lumabas ng bahay nila at nagpahatid na sa restaurant kung saan naghihintay ang kaibigan niyang si Georgia. Pagdating nga niya ay tila siya na lang ang hinihintay ng mga kaklase niya.“Sorry, am I late? Happy birthday, dear,” aniya sa kabigan saka ibinigay ang regalo niya rito.“Early bi

  • FORBIDDEN DADDIES #10: On My Knees, Daddy Xerxes   Chapter 1

    “Naya, kumusta naman ang school mo?”Natigil ang dalaga sa pagsubo nang magtanong ang kaniyang step-mom. Tiningnan niya ito at ngumiti nang tipid.“Just fine,” tipid niyang sagot.“Hmm, buti naman. Nagustuhan mo ba ang ipinabaon ko sa ‘yo kanina? How was it? I learned it from my nanny before,” sambit nito. Kumikinang pa ang mga mata. Tila excited sa isasagot ng anak.“Mommy, hindi mo maman kailangang gawin ‘yon. You woke up so early just to bake those cookies for me. I’m fine, saka marami namang pagkain sa cafeteria,” sagot niya rito.“No, my dear. Ikaw ang nag-iisang princess namin ng daddy mo. Hindi pwedeng basta-basta ka na lang kakain sa gilid-gilid. I get it na maganda ang school mo but still. Nothing beats mom’s cookies, right?” giit nito.Tumango lamang si Naya at nagpaatuloy sa pagkain.aErlinda Torres. A known celebrity on her prime. Tumigil nang mapangasawa ang daddy niya. Stepmom niya ito. To prove her undying love for her and her dad, she decided not to get pregnant. Talag

  • FORBIDDEN DADDIES #10: On My Knees, Daddy Xerxes   Prologue

    “Ahh! D**n it!”Nakapikit habang nakatingala ang lalaki na nakaupo sa pahabang couch at busy naman ang hubad na babae sa paanan ng kaniyang hita at sinusubo ang kaniyang pagkal*l*ki.“Simeon…argh…ang laki talaga ng ampalaya mo,” sambit ng babae habang nagsusulirap ang matang itinataas-baba ang kaniyang ulo.“F**k it! Just s*ck it deeper you wh*re!” sagot ng lalaki at hinila ang buhok nito. Napaigik naman sa sakit ang babae pero tila walang pakialam at patuloy lamang sa pagpapaligaya rito. Ilang saglit pa nga lang ay nilabasan na ito.Napangisi ang lalaki na parang demonyo. Nang-aakit na tiningnan naman ito ng babae.“Your mouth really amuses me, Rina,” sambit nito.“It’s Rozie darling,” she corrected.Humalakhak naman ang lalaki at saka tumayo at basta na lang na itinulak ito at buong lakas na pinatalikod saka walang salitang pinasok.“A-Aw!”Inabot nito ang kaniyang d*bdib saka nil*mas habang walang pakundangang kumakad*yot.“Ahhh! Ahh! Ohh! That’s it! *uck me hard, Simeon!” sigaw ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status