LOGINHi, Readers! 👋 Kumusta po kayo? Para po sa mga matagal nang sumusubaybay sa FTOMSB, baka medyo maguluhan po kayo sa chapter na ito. Ni-revise ko po kasi ang prologue hanggang Chapter 31, kaya mas mabuti po kung babalikan ninyo ang mga naunang chapters para mas maintindihan. 😅 Maraming salamat po sa pagbabasa at sa patuloy ninyong suporta sa kwento! ❤️
Room 308 “Anak… a-anong nangyari?” nanginginig na tanong ni Leona kay Reign. Hindi na nakasagot si Reign. Walang ganang lumakad siya papalapit sa ina at mahigpit itong niyakap. Hanggang sa dahan-dahang yumugyog ang balikat niya… “Maaaaa!” humahagulgol niyang tawag. “Anak… nandito lang si Mama…” nangingilid ang luhang sagot ni Leona habang marahang hinahaplos ang likod ni Reign. “Ma… wala na po kami ni Michael…” basag ang boses niyang sabi. Marahang tinapik ni Leona ang likod niya. “Tahan na, anak…” malumanay niyang sabi. “Ganyan talaga… alam ko nasasaktan ka ngayon. Nagmahal ka, eh.” Bahagya siyang napangiti. “Ang importante naman… naranasan mong magmahal… kahit bawal.” “Ma, naman eh…” lumuluhang sagot ni Reign. Bahagyang natawa si Leona. “Siguro naman ngayon, natuto ka na…” mahinahon niyang dagdag. “Na hindi lahat ng masarap, dapat tikman.” Huminga siya nang malalim. “Minsan kasi, akala natin nabubusog tayo sa pagmamahal… hindi natin alam, unti-unti pala
“Reign, ano ba… hindi ko nga siya mahal! Bakit ba itinataboy mo ’ko sa kanya?” basag ang boses na tanong ni Michael. “Ikaw ang pumili sa kanya, Michael. Ginusto mo man o hindi, nagpakasal ka pa rin. Ano pang sense ng mahal natin ang isa’t isa kung nakatali ka na sa iba?” lumuluhang sagot ni Reign. “Baby, ’di ba kinakaya naman natin kahit bawal… kahit magkapatid tayo sa paningin ng lahat… Kaya kung kinasal man ako, hindi mahalaga ’yon. Dahil ang importante sa ’kin, nagmamahalan tayo.” “Michael, naririnig mo ba ang sinasabi mo?!” hiyaw ni Reign. “No’ng mag-step siblings pa lang tayo, hirap na hirap na ’ko… ngayon pa kayang kasal ka na? Na anytime, puwede tayong kasuhan ng adultery!” “Mangyayari lang ’yan kung mahuhuli tayo… pero kung hindi, wala namang problema, ’di ba?” bulong ni Michael. “Michael! Tapos na tayo. At hinding-hindi na magbabago ang desisyon ko kahit ano pang sabihin mo!” Lumuluhang tumalikod si Reign at humakbang papalayo sa kanya. Pero— “Kung hindi ka rin naman
Unti-unting kumalas si Michael sa pagkakahawak sa braso ni Reign. “M-Martinez… anong ginagawa mo dito?!” malamig na tanong ni Michael. “Ako ang dapat magtanong niyan sa ’yo,” tipid na sagot ni William. “Wil—” nanginginig ang boses ni Reign, awat sa kanila. Pero bago pa siya makapagsalita— “Now… I get it,” malamig na sabi ni Michael. “Kaya ba ayaw mo nang sumama sa ’kin dahil sa lalaking ’to?” Dumilim ang tingin niya kay William. “Mas mahal mo na ba siya? Ha?” Mas lumapit siya. “Mas magaling ba siya sa ’kin, Reign?” At bago pa muling makapagsalita si Michael— PAKK! Mabilis na tumama ang palad ni Reign sa mukha niya. Saglit na natigilan ang lahat. Napapikit si Reign, nanginginig ang kamay niya. “Now you slap me… because of him?” mahinang tanong ni Michael habang hawak ang pisngi niya. Napailing si Reign. “Because of him? Nagpapatawa ka ba? Michael, binabastos mo na ’ko! Sa tingin mo ba okay lang ’yon?” Huminga siya nang malalim, pilit pinipigilan ang luha. “Kung wala
Mahigpit ang hawak ni Michael sa manibela—halos paliparin na niya ang sasakyan sa bilis. Paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang mukha ni Reign. Ang mga ngiti nito. Ang masasayang araw na magkasama sila. At ang huling beses na nakita niya ito. “Wait for me, baby…” nakangiti ngunit nanginginig ang boses niyang bulong. “Parating na ’ko.” Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan— pero mas nangingibabaw ang pananabik. Pagdating sa ospital, halos takbuhin na niya ang pagpasok sa loob. Dire-diretso siya sa front desk. “Excuse me!” hingal niyang tawag. “Saan po ang room ni Leona… Leona Lucero?” Bahagyang napatingin sa kanya ang nurse. “Sir, walang Leona Lucero dito,” kunot-noong sagot nito. “Leona Del Pilar… pakicheck po,” kinakabahang sabi niya. “Relationship to the patient, sir?” “Son,” mabilis niyang sagot. “Please.” Tinitigan siya ng nurse sandali bago tumango. “Fourth floor. Room 308.” “Thank you.” Mabilis ang bawat hakbang niya papunta sa
Halos matumba si Michael nang itulak siya ng ama. Napaatras siya at muntik pang mawalan ng balanse. “Ginawa ko lang ’yon para punuan ang pagkukulang mo!” biglang sigaw ni David—pero maya-maya, humina ulit ang boses. “Mahal na mahal ka ni Cassandra… pero hindi mo siya pinapahalagahan… manhid ka na ba?” Napatawa ito. Hindi normal na tawa. Yung parang may halong sakit… at kabaliwan. “Tapos nung ibigay ko ang kailangan niya… kukuwestyunin mo ’ko?!” bigla na naman itong sumigaw. Halatang lasing. Magulo ang buhok niya, nakabukas ang butones ng long sleeve, at namumula ang mga mata. “Dad…” nanginginig ang boses ni Michael. “A-ano bang nangyayari sa ’yo… parang—parang hindi na kita kilala…” “TUMAHIMIK KA!” umalingawngaw ang sigaw ni David sa buong sala. Nanigas si Michael sa kinatatayuan. “Siguraduhin mo…” mariing dagdag nito, dahan-dahang lumalapit sa kanya, “na hindi kakalat ang scandal namin ni Cassandra.” Huminto ito sa harap niya. Titig na titig. “Dahil kung hindi…” bahagya
Parang binuhusan ng malamig na tubig si David. Nakatitig lang siya sa cellphone na hawak ni Reign. Nanlaki ang mga mata niya. “Isang click ko lang nito… kakalat na ang baho niyo!” mariing sigaw ni Reign, nanginginig ang kamay pero matatag ang boses. “Kaya kung gusto mo pang isalba ang kumpanya niyo at ang pinaka-iniingatan niyong pangalan… hahayaan mong makaalis kami sa pamamahay na ’to.” Biglang natahimik si David. “Akala mo matatakot mo ’ko sa ganyan? Guard!” sigaw nito. Agad namang lumapit ang guard at akmang aagawin ang cellphone. “Sige, subukan mo! Subukan mong lumapit,” matigas na sabi ni Reign. Agad namang umatras ang guard. “Delete it. Now.” mariing utos ni David, pero bahagyang pumiyok ang boses. Sa unang pagkakataon, nakitaan ng takot ang mukha niya. Hindi natinag si Reign. “Buburahin ko lang ’to kung hahayaan niyo kaming makaalis ni Mama,” diretso niyang sagot. “At kung mangangako ka na hindi niyo na kami guguluhin pa… kahit kailan.” Mariing nagkat
Madilim pa ang langit nang tahimik na lumabas ng mansyon sina Reign at Michael. Hawak ni Michael ang kamay niya habang mabilis silang naglalakad palabas ng main gate. Pagdating nila sa labas— Isang SUV ang naghihintay sa kanila. Bumaba ang naka-unipormeng lalaki at pinagbuksan sila ng pinto. “M
MICHAEL’S POV “I said get out!” Umalingawngaw ang boses ko sa buong sala. Pero kahit nakalabas na si Reign, hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko. Kung ito lang ang paraan para maging maayos ang lahat, gagawin ko. Huwag lang siyang ilayo sa ’kin. Mariin kong naikuyom ang kamao ko. Para ’kon
REIGN’S POV “Expecting someone else?” malamig niyang tanong. Ngumiti lang ako nang tipid at tumayo. Ako? Mag-e-expect? Hays… Nakaka-disappoint. Tama siya. Umasa ako na si Michael ang kasama ko, pero hindi. At malabong mangyari ’yon. “Wait!” Hinawakan niya ang braso ko. “Join me for breakf
REIGN’S POV Huminga ako nang malalim. “Proud po. Siyempre. Malaking bagay ang maging bahagi ng pamilyang ito.” Bahagyang dumidiin ang kamay ni Michael sa likod ko. “Single ka ba ngayon, Miss Reign?” Biglang tumahimik ang buong sala. Ramdam ko ang mga camera na nakatutok sa mukha ko. Mariin kong





![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

