
I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS
May isang araw na lang si Iris Celeste Delgado para bayaran ang utang ng kanyang ama—kapag hindi, mareremata ang tanging tahanan nila.
Bilang isang utility staff, wala siyang sapat na pera, kaya sa isang desperadong hakbang, pumayag siyang ibenta ang kanyang pagkabirhen sa isang matandang mayamang kliyente.
Ngunit nagkamali siya ng silid.
Pagkagising, hindi matanda ang nasa tabi niya—kundi si Alexander Corañez Jr.: ang gwapong, tahimik, at misteryosong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.
At sa halip na kalimutan ang nangyari, inalok siya nito ng isang kasunduan—isang pekeng kasal. Walang emosyon. Walang tanong. Pero may isang kondisyon:
Bawal siyang mapalapit sa kahit sinong lalaki... maliban kay Alexander.
Habang pinipilit niyang itago ang damdamin, hindi niya alam na ang lalaking ito ay hindi lang basta umaarte.
Dahil para kay Alexander—lahat ng ito ay totoo.
At sa pagbabalik ng ex nitong si Brigitte, magagawa pa ba ni Iris na panindigan ang kasunduan—kahit posible siyang masaktan?
Read
Chapter: EPILOGUE Nakangiti si Iris habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin. Nangingilid ang luha niya dahil sa magkahalong kaba at tuwang nararamdaman. Mahigpit niyang hinawakan ang laylayan ng damit at huminga ng malalim. “Grabe…” mahina niyang sambit, “…ikakasal na ba talaga ’ko?” Tumawa si Veronica habang inaayos ang belo niya. “Oo, anak. At sana, maging masaya ka — iyon lang naman ang gusto namin ng Daddy mo. Maging masaya ka, at magkaroon ng maayos na pamilya.” Mahigpit na niyakap ni Iris ang kanyang ina. “I love you, Mommy,” lumuluhang sambit ni Iris. “Mahal na mahal din kita, anak,” sabi nito, sabay haplos sa pisngi ni Iris. “Ang ganda-ganda mo, anak!” nakangiting sabi ng kanyang ina. “Syempre naman, Mommy. Kanino pa ba ako magmamana kundi sa ’yo!” Natawa naman si Veronica. “Ay sus! Bolera!” Ngumiti si Iris, pero ramdam ang kaba sa dibdib. “Kinakabahan ako, Mommy. Parang hindi pa rin ako makapaniwala.” “Normal lang ’yan,” sagot ng isang pamilyar na boses. Napalingon sila
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY ONEMaagang nagising si Iris. Napangiti siya nang makita ang singsing sa daliri niya. "Parang panaginip lang!" nakangiting bulong niya habang dahan-dahang bumabangon. Binuksan niya ang window glass sa silid para pumasok ang liwanag ng araw. Ngunit halos mapaatras siya nang makita si Alexander sa tapat mismo ng bintana—nakatayo ro’n, nakangiti, at kumakaway pa. “Alex?” gulat pero natatawang sambit ni Iris. “Good morning, sweetheart!” sigaw nito mula sa ibaba. Bumaba ang tingin ni Iris. Napakunot ang noo niya, sabay takip ng kurtina. Naka-sando lang kasi si Alexander, at kitang-kita ang hubog ng katawan niya. “Ang aga mo naman mangapitbagay!” nakangising sigaw ni Iris. Narinig niya ang mahinang tawa ni Alexander. “Pinagtimpla kasi kita ng coffee!” nakangiting sigaw ni Alexander. Hindi mapigilan ni Iris ang mapangiti. Pagbaba niya ng hagdan, naamoy agad niya ang aroma ng kape at tinapay na inilapag ni Alexander sa mesa. “Hindi ka pa natutulog, no? Mukhang excited masyado,”
Last Updated: 2025-11-13
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY Napaupo si Iris sa hallway sa tapat ng swimming pool. Bigla niyang pinatay ang tawag dahil sa takot. Kumakabog nang malakas ang puso niya habang palinga-linga sa paligid. Nanginginig siya, takot sa posibleng gawin ni Congressman sa kanya at sa pamilya niya. Agad siyang nilapitan ni Veronica nang mapansing namumutla si Iris. “Hija? Anak, may problema ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina. “Wala po, Mommy.” Tipid siyang ngumiti para takpan ang takot. Niyakap siya ni Veronica nang maramdaman ang panginginig ng katawan ng anak. “Okay lang, anak. Okay lang… hindi na niya tayo masasaktan ulit,” bulong ng kanyang ina. Hanggang sa tuluyan nang napahagulgol si Iris. “Takot na takot ako, Mommy! Paano kung isa na naman sa atin ang kunin niya?” umiiyak na sambit nito. “Shhhh…” awat ni Veronica habang hinahaplos ang likod ni Iris. Lumapit na rin si Doña Conchita at niyakap siya. Ilang sandali pa ang lumipas bago magpahid ng luha si Iris. “Thank you po,” halos bulong lang na sambit niy
Last Updated: 2025-11-12
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINEMaaga pa lang, umalingawngaw na ang balita tungkol kay Congressman Armando Rodriguez — sa TV, sa radyo, at maging sa iba’t ibang social media platforms. Marami ang nagulat at natakot nang ibalitang buhay pa si Congressman, at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa samu’t saring kasong isinampa laban sa kanya — kabilang na ang kidnapping at attempted murder kina Iris Celeste Delgado at Conchita Corañez. “Sabi ko na nga ba, buhay pa ‘yang si Congressman!” ani ng isang ale sa kanto habang nanonood ng TV sa tindahan. “Akalain mo, pati anak niyang si Brigitte, hindi napansin na hindi pala ‘yung tatay niya ang kinulong noon? O baka naman kasabwat siya?” “Eh sino pa nga ba ang magkakasabwat kundi sila-sila rin!” sagot ng isa habang nagpapaypay gamit ang lumang dyaryo. “Talaga nga palang ang mga masasamang damo, hindi agad namamatay,” sabay lagok ng kape ng matandang lalaki sa gilid. “Kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan ni Congressman Armando Rodriguez,” dag
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY EIGHT Kumakabog ang dibdib ni Alexander nang pindutin niya ang green button ng cellphone. “Hello, sino—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang marinig niya ang tinig at mala-demonyong tawa ni Congressman Armando Rodriguez. “Sino kaya ang una mong ililigtas? Ang mommy mo… o ang pinakamamahal mong si Iris?” seryosong tanong nito. “Try to touch them and I’ll kill you,” malamig ngunit may diing sambit ni Alexander. “Ahhh, takot ako!” tila nang-aasar pang sagot ng Congressman sa kabilang linya, sabay halakhak. Napasalampak sa sahig si Alexander, sabay sapo sa ulo. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman niya—takot, galit, kaba. Napabuntong-hininga siya, saka muling tiningnan ang cellphone. “Pero dahil may pinagsamahan naman tayo noon, okay na siguro ’yung fifty million. Cash. Kapalit ng mommy mo at ni Iris,” patuloy ni Congressman. Nakuyom ni Alexander ang kamao. Kalmado, pero halata sa mga mata ang labis na takot na baka may mangyaring masama sa dalawa. “Fine! Fifty million,
Last Updated: 2025-11-10
Chapter: CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVENNapamulat ng mata si Iris nang bigla siyang sabuyan ng malamig na tubig. Napasinghap siya sa gulat at mabilis na nag-angat ng tingin. Nasa harap niya si Congressman Rodriguez—nakaupo, kalmado, parang aliw na aliw sa nakikita. “Ibig sabihin... totoo ngang buhay siya?” bulong niya sa isip. Nanginginig ang katawan ni Iris sa ginaw, pero hindi niya iyon iniinda. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Gusto niyang sumigaw at murahin ito, pero hindi niya magawa dahil may duct tape ang bibig niya. Ginalaw-galaw niya ang kamay, pero nakatali iyon sa likod. Napangiwi siya sa higpit ng tali at halos mapaiyak nang mapansin niyang may kadena rin ang paa niya. Para bang kahit anong gawin niyang pagpupumiglas, hindi na siya makakatakas. “Mabuti naman at gising ka na, Ms. Delgado. Akala ko kailangan ko pang gamitin sa ’yo ’to para magising ka.” Sabay himas ni Congressman sa hawak niyang stun gun. Napangisi ito nang makita ang takot sa mga mata ni Iris. “Finally, nagkita rin tayo. Face to face
Last Updated: 2025-11-09

FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER
Hindi ko inasahan na muli kaming magkikita ng lalaking minsan ko nang minahal… si Michael Brian Lucero.
Akala ko siya na ang lalaking makakasama ko habang buhay, pero nalaman kong pustahan lang pala ang dahilan kung bakit siya lumapit sa akin.
Pagkamatay ni Papa, hindi na kami tumagal sa iisang bahay—palipat-lipat kami dahil paiba-iba ang kinakasamang lalaki ni Mama. Hanggang sa pinakasalan niya ang isang bilyonaryo, na babago sa takbo ng buhay ko.
Sa paglipat ko sa mansyon ng bagong asawa ni Mama, bumungad sa akin ang mukha ng gwapong lalaki na matagal ko nang kinalimutan—si Michael, ang kaisa-isang anak ng stepfather ko.
Akala ko, madali lang makisama. Pero nang magtagpo ang aming mga mata, ramdam ko ang kakaibang init sa pagitan namin—isang damdaming mali, pero hindi ko kayang pigilan.
Habang pilit kong itinatago ang bawal na damdamin, mas lalo lang akong nahuhulog sa kasalanang hindi ko kayang tanggihan.
Dahil minsan, kung ano pa ang bawal, siya rin ang pinakamasarap tikman.
“He’s the sin I can’t stop craving.”
Read
Chapter: CHAPTER TWENTY EIGHTMICHAEL’S POV Napatiim-bagang ako dahil hindi gumagalaw si Reign sa kinatatayuan niya. Hindi ko kayang makita siyang may kasamang ibang lalaki, lalo na’t iba kapag tumitig sa kanya si William—parang may binabalak na hindi maganda. “She’s with me,” sabi ni William, diretso ang tingin. “And with all due respect… huwag kang bastos.” Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa mga sinabi niya, pero mas lalo lang akong nainis dahil pinanindigan ni Reign ang mga sinabi nito. William Martinez. Ano bang gusto mong mangyari? Bakit si Reign pa ang nilapitan mo? Kalmado lang ang itsura niya. Diretso ang tindig. Walang yabang, walang ngiti. Pero ramdam ko ang panghahamon. Napatingin ako kay Reign. Nakatungo siya. Hindi niya ako tinitingnan. At doon ako mas nainis. “Date?” malamig kong tanong, hindi kay William kundi kay Reign. Hindi siya sumagot. At mas masakit pa ’yon kaysa sigawan niya ako. “Michael,” mahinang sambit ni Cassandra sa tabi ko, bahagyang hinihila ang manggas ng suit ko. “Baka n
Last Updated: 2025-12-22
Chapter: CHAPTER TWENTY SEVENREIGN’S POVBahagya akong natigilan sa narinig ko. Talaga bang makikipag-date na siya kay Cassandra? Napatingin ako sa kanya—nakangiti lang siya habang nakatitig kay Michael, sabay lingon sa akin at umirap. Tsk!“What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay.Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipindot ang cellphone para magpa-reserve ayon sa gusto ni Michael. Nang matapos ang tawag, saka pa lang sila umalis sa harap ko. Napa-buntong hininga ako ng malalim bago tumayo.Pumasok ako sa rest room, kailangan kong mailihis ang sarili bago ako umiyak sa table. Ano bang dapat kong gawin? Kung hindi pa ako kikilos, baka tuluyan na siyang makasal kay Cassandra.Arghhhh! Impit kong sigaw sa loob ng cubicle.“Grabe, ang sweet ni Sir kay Ma’am Cassandra ‘no?” Kumirot ang puso ko sa narinig.“Bagay na bagay talaga sila!” Sambit naman ng isa.“Balita ko dito daw nagwowork ang stepsister ni Sir Michael? Did you know her?” Tanong ng isa. Natigila
Last Updated: 2025-12-19
Chapter: CHAPTER TWENTY SIXREIGN’S POVNagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido, napapikit. Masakit. Pero mas masakit ang alaala na agad sumiksik sa isip ko bago pa tuluyang magising ang diwa ko—kung paano nagtagpo ang mga labi ni Cassandra at ni Michael kagabi. Mabilis lang. Pero sapat para ipamukha sa akin na parang wala lang ako roon. Parang hindi ako nag-e-exist.Huminga ako nang malalim, pinipigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Alam kong nagkamali ako. Alam kong hindi ko pa siya kayang panindigan. Pero tama ba na makipaghalikan siya sa ibang babae? Tama ba na ipakita niya sa akin na kaya niya akong palitan—nang ganun lang?Pinahid ko ang luha na hindi ko namalayang tumulo na pala. Kung hindi pa ako lalaban ngayon, baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Pero paano si Mama? Paano si Tito David na gusto akong maging anak niya? Hays! Saan ba ako lulugar?Tumayo ako, pilit pinatatag ang tuhod ko. Naligo ako, nagbihis, gumayak na parang norm
Last Updated: 2025-12-17
Chapter: CHAPTER TWENTY FIVEMICHAEL’S POVHindi ako sanay na kinokontra. Lalo na sa sarili kong opisina. Kaya nang marinig ko ang boses ni Reign—kalma pero matalim—napatingin agad ako mula sa tablet na hawak ko.“According to the Labor Code, Sir,” mahinahon niyang sabi, “overtime work is not mandatory unless there is an emergency. Don’t worry, Sir. I’ll finish what’s urgent today, and I’ll take care of the rest tomorrow.”Tahimik ang buong opisina. Malamang nagulat sila—first time lang mangyari na may sumagot sa akin. At isang newbie pa.Kahit si Lillian, napahinto sa pagta-type.Hindi ko napigilang ngumiti nang palihim, pero agad ko ring ibinalik ang seryoso kong mukha.Gano’n talaga si Reign. Hindi basta-basta sumusunod. Hindi nagpapaabuso. At higit sa lahat—hindi natitinag.“Kaya hindi niyo po ako mapipigilan, Sir,” dugtong niya, diretsong nakatingin sa ’kin. “Tatapusin ko lang po ’yong urgent tasks ko ngayon, hanggang sa ma-consume ang working hours ko. ’Yong iba, bukas ko na po itutuloy.”May ilang empleyado
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: CHAPTER TWENTY FOURREIGN’S POVNapabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Akala ko may tumatawag—alarm lang pala.“Shit, late na ’ko!”Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi ng katawan ko, bakas pa rin ang mga gasgas at kurot na iniwan ni Mama kahapon.Inabot ko ang cellphone sa side table. Isang mabilis na tingin lang sana—pero nauwi iyon sa matagal na pagtitig sa screen.Walang reply.Walang tawag.Walang message.Walang kahit anong senyales na binuksan man lang niya ang chat ko.Galit pa rin kaya siya sa akin? bulong ko.Tsk! Malamang galit siya sa ’yo. Itinanggi mo lang naman siya kahapon na para bang wala lang siya sa ’yo! sagot ng isip ko.Tsk. Mababaliw na yata ako.Binitawan ko ang phone at napahiga ulit, nakatitig sa kisame. Tahimik ang kwarto, pero ang ingay ng utak ko. Kasalanan ko ’to.Pagkaraan ng ilang minuto, bumangon ako. Walang saysay ang manatili pa sa kama. Mas mabuti nang pumasok ako sa LFLG kaysa mabaliw kakaisip kay Michael.
Last Updated: 2025-12-15
Chapter: CHAPTER TWENTY THREEMICHAEL’S POVPadabog kong binuksan ang pinto ng bar.Tumama agad sa tenga ko ang malakas na tugtog at halakhakan ng mga tao. Amoy alak, usok, at pawis—eksaktong klase ng lugar na gusto kong lunurin ang utak ko ngayong gabi.“Putang—” napamura ang kaibigan ko nang makita ako. “Bro, aga mo ah. Anong meron?” Tanong ng bestfriend kong laging napagkakamalang Korean dahil sa singkit na mata at maputing kutis, si Patrick Sandoval.Hindi na ako sumagot. Dumiretso lang ako sa bar counter at umupo, sabay turo sa bartender.“Whiskey.”Sumulyap sa ’kin si Patrick, saka umupo sa tabi ko. “Mukha kang binagsakan ng mundo.”Napangisi ako—yung klase ng ngiti na walang saya. “Mas masahol pa.”Inabot sa ’kin ang baso. Isang lagok pa lang, ramdam ko na agad ang init na gumapang pababa sa lalamunan ko. Hindi sapat. Kaya uminom ulit ako.“Tungkol pa rin ba ‘to sa first love mo na ngayon ay stepsister muna?” tanong niya, halatang nang-aasar, sabay ngisi ng nakakaloko.Hindi ko na itinanggi. Tumango lang ak
Last Updated: 2025-12-15