REIGN’S POV Bahagya akong natigilan sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin at mabilis na tumayo. “Michael— I mean, kuya,” may diin kong sambit. “Tama ka, hindi tayo magkapatid, hindi tayo magkadugo. Pero sa mata ng lahat, magkapatid tayo. So please… ano man ang nangyari sa atin noon, tapos na ’yon. At hindi na natin dapat pang ungkatin at pag-usapan.” Tinalikuran ko siya, pero agad niyang hinablot ang braso ko. “Kung para sa ’yo, madali lang kalimutan ’yon, sa akin hindi. Sinaktan mo ’ko, Reign. Pinaasa mo ’ko na may nararamdaman ka sa akin, na may chance na maging tayo—pero anong ginawa mo?” Tinulak ko siya palayo. “Bakit? Hindi ba matanggap ng pride mo na may babaeng bumasted sa ’yo? It’s been a year, Michael! Kaya puwede ba… mag-move on ka na. Kasi ako? Okay na ’ko. Mas gusto ko pang lunukin na magkapatid na tayo kaysa ibalik pa natin ’yung walang kuwentang nakaraan na ’yan.” Hindi ko na siya hinintay makapagsalita. Tumalikod ako at mabilis na tumakbo papunta sa silid ko. “Rei
Last Updated : 2025-11-26 Read more