LOGINYelena’s world shattered on the exact day she was supposed to tell Chase that she’s pregnant. Akala niya’y magiging pinakamasayang araw na iyon pero kabaligtaran ang nangyari. He left her and the worst part of it? He made it clear that what they had was just a fling... nothing more. Broken and pregnant, Yelena found a lifeline in Grant, matalik niyang kaibigan na tinulungan siyang bumangon matapos siyang iwan ni Chase. Naging maayos naman ang lahat hanggang sa maharap sa malaking problema ang kompanyang pinagtatrabahuan nila ni Grant. And there’s only one company that could help them to fix everything--- the Serravalle Real Estate Company, the company owned by Chase’s family. Hindi na sana nais pang makadaupang-palad ni Yelena ang lalaking nang-iwan sa kanya. But she didn’t have a choice. Iyon lang ang tanging paraan para hindi mawala ang kompanya ng kaibigan niyang naging sandalan niya nang nangangailangan siya. After how many years, she met Chase again. He’s still the arrogant man that she once loved. At isa lang ang pinangangambahan niya sa muli nilang pagkikitang iyon--- ang makilala nito ang anak niyang si Jaxon. After breaking her heart, she didn’t want him to be part of her son’s life. But fate played along with them. Jaxon met a man whom he wanted to introduce to her. At ang lalaking iyon? Walang iba kundi si Chase! How could she ever avoid him now? Maliban sa kailangan niya ng tulong nito para maisalba ang kompanya ni Grant, nakuha na rin ng binata ang loob ng anak niya. Paano kung matuklasan ni Chase na ang batang napalapit na rito ay ang mismong anak na iniwan nito? Would the truth ruin them? O iyon ang gigising sa pag-ibig na hindi naman pala talaga nawala?
View MoreAgad na napaupo nang tuwid si Yelena nang matanawan niya na ang paghakbang papalapit ni Grant sa mesang kinaroroonan niya. His gaze was fixed on her face as he was walking towards her direction. Sa magkabilang gilid ng binata ay dalawang bantay na iginigiya ito sa paglalakad.Yelena stared at Grant intently. Sa loob ng ilang araw lang na lumipas ay waring napakarami na ng nagbago sa kaibigan niya. Pakiramdam niya pa ay parang naging ibang tao ito kumpara sa kung ano ito bago pa makulong.Bahagyang bumagsak ang katawan ng binata. Nahihinuha niya nang hindi ito nakakakain nang maigi sa loob ng kulungan. Medyo humaba na rin ang buhok nito at halos wala sa ayos. Napalunok pa nga siya nang mariin nang mapuna iyon. Si Grant kasi ang uri ng lalaking laging nasa ayos ang buhok. Ngayon, kung pagmamasdan ito ay parang ni hindi pa ito nakapagsuklay man lang.His jaw was covered with light stubble as well. Ilang araw pa lang itong nakakulong pero parang ilang taon na ang nadagdag sa edad ng binat
Agad na napatayo nang tuwid si Yelena nang makita niya ang mga magulang ni Chase. Kasalukuyan nang naglalakad ang mga ito palapit sa kanila. Chase’s mother, Carlita, had a smile on her lips. Ang ama naman nitong si Benjamin ay seryoso ang mukha at sa kanya lamang nakatuon ang mga mata.Yelena swallowed an imaginary lump in her throat. Napalingon siya kay Chase na ngayon ay seryoso rin ang ekspresyon sa mukha. Halos hindi ito nakakibo hanggang sa nasa harapan na nila ang ama’t ina nito.“Sorry we are late. Medyo natagalan kami sa pag-aayos ng regalo para sa aming apo,” wika ni Carlita habang nanatiling may ngiti sa mga labi.Pagkawika nito ay napasulyap si Yelena sa dala nitong malaking paper bag na may tatak pa ng isang sikat na toy store. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Alam niyang para kay Jaxon ang dala ng mga ito.And that made her puzzled. Ang alam niya kasi ay hindi maayos ang relasyon ni Chase sa ama nito dahil sa ginawa noon ng matandang lalaki. Though, she was hoping
Kanina pa napapakunot ng kanyang noo si Yelena habang nakamasid lamang siya sa labas ng bintana ng sasakyan ni Chase. Magkasama nga sila ng binata. Sakay sila ng kotse nito na kung saan man ang punta nila ay hindi niya alam. Tahimik lang itong nagmamaneho at ni hindi sabihin sa kanya kung saan sila pupunta.Matapos ngang maihatid ni Chase si Jaxon sa eskuwelahan ay bumalik ito sa condo unit nito at agad siyang inabisuhan na may kailangan silang puntahan. Nagtanong pa siya kung saan pero hindi siya sinagot ng binata.Sa kabila ng kuryosidad ay gumayak na lamang siya sa pag-alis. Siniguro niya pa munang nailigpit na niya ang mga ginamit nila sa pag-almusal bago naligo’t nagbihis. Nang makita nitong nakaayos na siya ay walang sinayang na oras si Chase. Agad na siya nitong inayang umalis.Ngayon nga ay nasa daan na silang dalawa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala itong sinasabi kung saan ang punta nila. Halos tahimik lamang nga ito. Maliban sa pagtanong sa kanya kanina kung komportab
“So, everything is settled now?” tanong ni Cloud kay Chase, isang hapon habang nasa loob ito ng opisina niya. Nakaupo ito sa isa sa mga visitor’s chair na nasa tapat ng kanyang executive desk habang siya naman ay nasa swivel chair niya.Marahan siyang tumango sa kanyang kapatid saka napabuga ng isang malalim na buntonghininga. Prenteng isinandal niya rin ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair bago nagwika rito.“I think so, Kuya Cloud,” saad niya. “Sa Linggo ko dadalhin ang mag-ina ko roon. I am planning to do my proposal there as well.”Isang malapad na ngiti ang iginawad sa kanya ni Cloud. “Well, ngayon pa lang, congrats na. I hope, wala nang problema sa relasyon ninyo ngayon. I can almost hear wedding bells now.”Sukat sa mga sinabi nito ay agad na natigilan si Chase. Iyon din ang isang bagay na labis niyang ipinagdadasal--- ang maging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Yelena. Hindi lang ang relasyon nilang dalawa, kundi maging ang relasyon na rin nila
Isang pag-ismid ang ginawa ni Yelena matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Chase. Hindi niya rin mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha dahil sa galit na umusbong mula sa kanyang dibdib. And she knew very well that Chase noticed it. Bagay iyon na wala siyang pakialam. Talagang nagdulot ng galit
Hindi na alam ni Yelena kung makailang ulit siyang napalunok habang magkahinang pa rin ang mga paningin nila ni Chase. Katulad niya rin itong waring natigilan nang makita siya. That alone made her realized that he wasn’t also expecting to see her there.Agad na nga siyang napaiwas ng kanyang mukha
Mula sa mga pinag-aaralang dokumento ay umangat ang paningin ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Hindi man lang kumatok at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cloud.Chase heaved out a deep sigh and stopped what he was doing. Naisandal niya
Masusing pinagmasdan ni Yelena ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Gusto niya pang siguraduhing maayos na ang kanyang hitsura bago lumabas ng silid. Nang waring hindi pa nga nakontento sa nakitang pagkakalagay niya ng lipstick sa kanyang mga labi ay agad niya iyong inayos. She got her red






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews