Sh*t. Napapamura nalang talaga si Greig sa kaniyang sarili habang tinitingnan ang laman ng kaniyang refrigerator. Ayaw niyang mapahiya kay Niccolò. Ngayon pa lamang sila magkakaroon ng pagkakataon na magkausap at gumawa ng isang bagay na magkasama, tapos papalpak lang siya. Wala gaanong laman ang refrigerator sa kaniyang hotel room. Nakalimutan niyang magstock ng mga pagkain dahil nasanay siyang tumatawag nalang sa restaurant ng hotel para magpadala ng pagkain sa kaniya. Nakatayo sa kaniyang tabi si Niccolò, kuryuso ang mga mata at nagtataka kung bakit wala pa siyang inilalabas na lulutuin. “Ah.” He cleared his throat. “Naubos na ang bacon.” Aniya, medyo kabado. “I will try to call the restaurant so they can send us some food stock and ingredients we need.” Nagsalubong ang kilay ni Niccolò. “You don't have food here?” Tanong nito. Kumurap siya ng ilang beses. Kung pagkain lang, kaya niyang magpaakyat ng buffet kung iyon ang ang gusto ni Niccolò, pero wala siyang stock ng pagka
May kakaibang lungkot sa puso ni Greig habang pinagmamasdan si Niccolò na mag-ayos ng dining table.Napalaki ito ng tama ni Ysabela, kahit na wala siya sa tabi nito. Hindi maitatanggi na naging matagumpay na magulang si Ysabela sa pag-aaruga sa mga bata.Inilapag niya ang carbonara sa gitna ng mesa. Nagpaakyat rin siya ng ilan pang pagkain mula sa restaurant ng hotel, kaya medyo marami ang nakahanda ngayon sa mesa.“Nics?”Narinig niya ang boses ni Ysabela, nag-angat siya ng tingin at nakitang medyo magulo pa ang buhok nito, halatang kagigising lang.Sa tabi ni Ysabela ay si Athalia na nagkukusot pa ng mga mata.“Tong batang ‘to, akala ko kung saan na nagpunta.” Turan ni Ysabela.“Good morning, Mommy.” Lumapit si Niccolò, hinawakan ang kamay ni Ysabela at hinila.Sumunod si Athalia, pero nakasimangot.“Where's my good morning?” Nakabusangot na tanong ni Athalia na ang tingin ay diretso sa kaniyang kapatid.“Good morning, Athy.” Saad ni Niccolò.“Tito Greig cooked for our breakfast.” N
Tumango si Alhaj, nagpapasalamat sa tulong ni Domingo. “We really need a lot of men.” Aniya. Alam niyang maraming tauhan si Greig at Archie, kaya para makasigurado na may laban sila, kailangan nila ng maraming tauhan. “Walang problema sa mga taong tutulong sa iyo, Alhaj, kung may pera ka. Asahan mong nabibili ng pera ang katapatan at serbisyo ng mga tao rito sa Sicily. Hindi takot mamatay ang mga tao rito sa Sicily, Alhaj. Trabaho na nila ang pumatay… at mamatay.” Kyumpansang saad ni Domingo. “Kuya. Era’s here.” Singit ni Alessandra na nag-aalala sa kaniyang anak dahil naririnig ang kanilang pag-uusap. “Hindi naman niya naiintindihan, Ale.” Sagot ni Domingo. Mapagpaumanhin niyang tiningnan ang babae. Umiling lamang si Alessandra, hindi siya ang sinisisi kung hindi ang kapatid na masyadong bulgar sa pagsasalita. Tinapunan niya ng tingin si Era, inosinte ang bata at tila hindi nauunawaan ang kanilang pag-uusap. Kagaya ni Athalia at Niccolò, hindi rin lubos na nakakaunawa ng Tagalo
"I want my family to be safe, Natasha.” Sumunod si Alhaj kay Natasha nang tumuloy ito sa malawak na bakuran.“I’d give them to you, Alhaj. Babawiin natin si Bella at ang mga anak mo. But I wonder, what would happen after we take them back? Tingin mo ba hindi sasabihin ni Greig ang mga nalalaman niya kay Ysabela? He would probably insist to make her remember their past.”Humugot ng malalim na hininga si Alhaj. Alam niyang may posibilidad na pagdudahan na siya ngayon ni Bella, pero hindi iyon ang priority niya.Gusto niya lang mabawi ang mag-iina at makaalis ng Sicily. Saka na siya hahanap ng solusyon sa mga problemang kahaharapin nilang magkasama.“Mahihirapan si Bella na maalala si Greig dahil hindi naging maganda ang huli niyang mga alaala sa g*g*ng ‘yon. Kaya bago pa tuluyang bumalik ang alaala ni Bella, kailangan mabawi na natin sila. Aalis ako agad, di-diretso kami ng Germany. O sa Iceland. O kahit saang lugar na malayo kay Greig!” Frustrated niyang saad.“Hindi ka kasi sa akin ag
“Is this really necessary? What are we doin’ here?” Humarap sa kaniya si Greig. Lumamlam paunti-unti ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa malamig na ekspresyon, naging malambot iyon. “Pumasok muna tayo, at sasagutin ko ang lahat ng tanong mo.” Hindi na hinintay ng lalaki na sumagot siya. Nag-squat ito at binuhat si Niccolò. “Let’s go inside, Nics.” Maingat na sabi ni Greig sa batang lalaki. Lumingon si Niccolò sa kaniya. Magkasalubong ang kilay nito at nagtataka sa nangyayari. “Mom?” “We’re goin’ to follow.” Napipilitan siyang ngumiti para papanatagin ang loob ng kaniyang anak. Nagbaba siya ng tingin kay Athalia at hinawakan ang kamay nito. Nakasimangot naman ang batang babae. “I don’t want to go inside, Mom! Those were the bad guys!” Pagmamaktol nito. “Athy.” Pinisil niya ang kamay ni Athalia. Nilingon niya saglit si Archie at nakitang sumunod na ito kay Greig. Ngunit tumigil ang dalawa sa marmol na hagdan nang mapansin na hindi naman sila sumusunod. “They are not the ba
“I don’t think that would be easy, Greig.” Ani Archie.It wouldn’t be easy, but it would be harder for him to live without Ysabela and his children. “And rather fight for my chance, than lose them.” Sagot niya.Naupo si Archie sa mahabang sofa. Sumandal ito at tumingin sa kawalan.“You know, sometimes, I think it’s quite unfair for Ysabela. Maayos naman ang buhay niya nang wala ka, tapos ngayon magiging magulo ulit dahil babawiin mo siya. I’m your friend and I would support you with your decision if you want to take her back, but at least be gentle to her. May sakit si Ysabela, at kung ipipilit natin sa kaniya ang mga gusto mong mangyari baka hindi niya kayanin.”Natahimik siya sa sinabi ni Archie.Maayos ang buhay ni Ysabela no’ng wala siya?Nagtagis ang kaniyang bagang. Somehow, he couldn't deny that.Nakita niyang malaki nga ang pinagbago ni Ysabela, sa pananamit, pananalita, at pagdala ng sarili. Ramdam niyang parang ibang tao na ito.Nang una niyang makita ang babae, agad na bum
Umawang ang labi ni Ysabela. Even her DNA result was manipulated. “And then, what?” “You were announced dead. The case was immediately closed.” Sagot ng lalaki. “That’s why, I believe that Alhaj, that liar, had plotted all this. May kasabwat siya para dukutin ka.” He concluded. Napapikit saglit si Ysabela, parang pinukpok ng martilyo ang kaniyang ulo. Isang beses lang, pero malakas. Ininda niya iyon. Tumitig naman sa kaniya ng mariin si Greig, nag-aalala na baka ang pag-uusap nila’y hindi maganda para sa kalusugan niya. “Are you alright?” Maingat na tanong ng lalaki. Marahan siyang tumango. “I told you about my dream. I was running in the woods. Then I saw a creek. Sa kabila ng batis, may nakita akong babae. She was waving at me. Then there's a gunshot.” Aniya, inaalala ang kaniyang panaginip. “Then suddenly, I was drowning in the creek. Dati, madalas akong managinip ng ganoon.” Aniya. Kinagat niya ang ibabang labi at may naalala. “I… I had a gunshot.” Sa pagkakataong ito,
Nasa sasakyan na si Greig at Archie, kapwa sila tahimik habang binabaybay ang isa pang bahay na kanilang ni-rentahan, hindi gaanong malayo sa burol na kanilang pinagdalhan sa kaniyang pamilya.“Use this.” Ibinigay sa kaniya ni Archie ang isang kalibre 45 na klase ng baril.Inalis niya ang magazine no’n at nakitang puno iyon ng bala.“Magpa-patrol ang mga tauhan ko, at magbabantay rin mula sa mas mataas na bahagi ang isa sa kanila para masiguradong makakapasok muna sila bago kami sumunod.”Huminga siya ng malalim.“How about the family you paid to stay in that house?”“Nasa loob lang naman sila, nasa mas pribado at ligtas na silid. Huwag kang mag-alala, hindi sila masasaktan.” Sagot ng lalaki.Kasabay ng paglipat nila kay Ysabela at sa mga bata, may binayaran silang pamilya na gagamitin nila para mailigaw ang mga nagmamanman sa kanila.Unang inilipat sila Ysabela, sa likod lamang ng hotel sila dumaan. Sinigurado niyang walang nakaalam sa paglabas ng kaniyang pamilya sa hotel.Sumunod a
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya