2 parts lang po muna. May exam ako bukas kaya bawi nalang po after my removing exam namin. Medyo maayos na po ang health ko ngayon kaya balik na po tayo sa every day update. Thank you po sa paghihintay.
“I don’t think that would be easy, Greig.” Ani Archie.It wouldn’t be easy, but it would be harder for him to live without Ysabela and his children. “And rather fight for my chance, than lose them.” Sagot niya.Naupo si Archie sa mahabang sofa. Sumandal ito at tumingin sa kawalan.“You know, sometimes, I think it’s quite unfair for Ysabela. Maayos naman ang buhay niya nang wala ka, tapos ngayon magiging magulo ulit dahil babawiin mo siya. I’m your friend and I would support you with your decision if you want to take her back, but at least be gentle to her. May sakit si Ysabela, at kung ipipilit natin sa kaniya ang mga gusto mong mangyari baka hindi niya kayanin.”Natahimik siya sa sinabi ni Archie.Maayos ang buhay ni Ysabela no’ng wala siya?Nagtagis ang kaniyang bagang. Somehow, he couldn't deny that.Nakita niyang malaki nga ang pinagbago ni Ysabela, sa pananamit, pananalita, at pagdala ng sarili. Ramdam niyang parang ibang tao na ito.Nang una niyang makita ang babae, agad na bum
Umawang ang labi ni Ysabela. Even her DNA result was manipulated. “And then, what?” “You were announced dead. The case was immediately closed.” Sagot ng lalaki. “That’s why, I believe that Alhaj, that liar, had plotted all this. May kasabwat siya para dukutin ka.” He concluded. Napapikit saglit si Ysabela, parang pinukpok ng martilyo ang kaniyang ulo. Isang beses lang, pero malakas. Ininda niya iyon. Tumitig naman sa kaniya ng mariin si Greig, nag-aalala na baka ang pag-uusap nila’y hindi maganda para sa kalusugan niya. “Are you alright?” Maingat na tanong ng lalaki. Marahan siyang tumango. “I told you about my dream. I was running in the woods. Then I saw a creek. Sa kabila ng batis, may nakita akong babae. She was waving at me. Then there's a gunshot.” Aniya, inaalala ang kaniyang panaginip. “Then suddenly, I was drowning in the creek. Dati, madalas akong managinip ng ganoon.” Aniya. Kinagat niya ang ibabang labi at may naalala. “I… I had a gunshot.” Sa pagkakataong ito,
Nasa sasakyan na si Greig at Archie, kapwa sila tahimik habang binabaybay ang isa pang bahay na kanilang ni-rentahan, hindi gaanong malayo sa burol na kanilang pinagdalhan sa kaniyang pamilya.“Use this.” Ibinigay sa kaniya ni Archie ang isang kalibre 45 na klase ng baril.Inalis niya ang magazine no’n at nakitang puno iyon ng bala.“Magpa-patrol ang mga tauhan ko, at magbabantay rin mula sa mas mataas na bahagi ang isa sa kanila para masiguradong makakapasok muna sila bago kami sumunod.”Huminga siya ng malalim.“How about the family you paid to stay in that house?”“Nasa loob lang naman sila, nasa mas pribado at ligtas na silid. Huwag kang mag-alala, hindi sila masasaktan.” Sagot ng lalaki.Kasabay ng paglipat nila kay Ysabela at sa mga bata, may binayaran silang pamilya na gagamitin nila para mailigaw ang mga nagmamanman sa kanila.Unang inilipat sila Ysabela, sa likod lamang ng hotel sila dumaan. Sinigurado niyang walang nakaalam sa paglabas ng kaniyang pamilya sa hotel.Sumunod a
Lumubog ang araw, at unti-unting kumagat ang dilim. Nasa kuwarto siya, nakikiramdam at naghahanda. Ang pamilyang kasama niya ay nasa ligtas na silid at kagaya niya, nakikiramdam lang din at naghihintay na magkagulo. Mas matanda ang dalawang batang kasama nila kumpara kay Niccolò at Athalia. Walong taong gulang na ang lalaki, pito naman ang babae. Hindi sila kambal, pero dahil magkasingtangkad lang at halos pareho ang pangangatawan ay pwede nang mapagkamalang kambal. Mabuti na lamang, kahit na maglilimang taong gulang palang ang kaniyang mga anak, namana naman nila ang kaniyang genes. Kapwa matangkad si Niccolò at Athalia, kaya ang mga batang kasama niya ngayon ay hawig kahit paano sa kaniyang mga anak. Mayroong surveillance camera, siyam lahat. Dalawa sa likod, isa malapit sa kitchen door, at ang isa pa ay nasa sala. Dalawa sa harap, isa sa may garage at dalawa malapit sa malaking gate. Ang monitor ay nasa kaniyang kuwarto kaya nakikita niya kung may posibleng pumasok. Lumi
Bumukas ang pinto dahil sa malakas na pagkakasipa ng mga taong nasa labas. Patuloy pa rin ang putukan at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ysabela. Niyakap niya ang kaniyang mga anak na sumiksik naman sa kaniya.Tumama sa kaniyang mukha ang liwanag mula sa flashlight na dala ng mga tauhan.“We found them!” Sigaw ng isang garalgal na boses.“Mommy. I’m scared.” Iyak ni Athalia.Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa mga bata. Kahit siya, natatakot para sa kaligtasan nila.“Mommy’s here, don’t be afraid, Athy.” Bulong niya.Lumapit ang dalawang lalaki sa kanila. May dala silang flashlight at mahahabang baril. Ang isa ay hinawakan si Niccolò para ilayo sa kaniya, pero pinalis niya agad ang kamay ng lalaki.“Don’t touch them!” Sigaw niya.“You have to come with us. We are Señor Alhaj’s men.” Imporma nito.Mas lalong naghurumintado ang kaniyang puso.Totoo, pinuntahan talaga sila ni Alhaj kasama ang mga tauhan nito.“Where’s Daddy?” Si Niccolò na napukaw ang interes dahil sa sinabi
Samantalang hindi makapasok ang mga tauhan ni Greig, kahit sa sala lang dahil nakapwesto sa taas ang mga tauhan ni Alhaj. Nasa likod sila ng pinto, naghihintay na maubusan ng bala ang mga bumabaril sa taas nang makapasok na sila. Maraming patay na katawan ang nagkalat sa labas ng mansyon, at iilan na lamang ang tauhan ni Alhaj na buhay pa. Hula niya, nahati ang mga tauhan ni Alhaj, ang ilan ay dumiretso rito at ang ilan ay sa isa pang mansyon dahil may sumubok rin na pumasok sa kabilang mansyon. Tatlong lalaki lang, pero agad na napatumba ng kaniyang mga tauhan. “Sa likod kami dadaan.” Imporma ni Archie sa kaniyang tabi. “Don’t let them catch us. Kunin niyo lang ang atensyon nila, kami na ang papasok.” Saad ng lalaki. Tumango siya. Nakipagpalitan sila ng putok ng kaniyang mga kasama, samantalang ang ilang tauhan ay sumunod kay Archie para sa likod ng mansyon dumaan. There’s a fire exit in the back. Naalala niya. Pwede silang dumaan doon, at tumuloy sa kusina para masalisihan a
“Please, Alj, let Niccolò go.” Nanghihina niyang saad nang makitang natatakot ng husto ang batang lalaki. “I’ve done everything for you, Bella! Isinuko ko ang buhay ko sa Pilipinas. Iniwan ko lahat para makasama ka at ang mga anak mo! Pero ito ang isusukli mo sa’kin?” Umawang ang kaniyang bibig. Kahit siya nagulat nang marinig ang sinabi nito. He’s admitting it… isn't he? Mga anak ko? Ibigsabihin... Una palang, alam na ni Alhaj na si Athalia at Niccolò, ay hindi sa kaniya. Kung ganoon, totoo nga ang mga sinabi sa kaniya ni Greig. Pinagsamantalahan nga ni Alhaj ang kaniyang kawalan ng alaala. Kinagat niya ang ibabang labi at napahagulhol. Parang dinudurog ang kaniyang dibdib. “You lied to me! You lied.” Umiling siya. “Kaya ano pang gusto mo? I tried to love you, Alj. I really tried, but I couldn't trust you. Kahit hindi ko maalala, kahit wala akong maalala, alam ng puso ko.” Tinuro niya ang kaniyang dibdib at mas lalong napaiyak. “Na hindi ikaw ang nagmamay-ari nito.” Malungko
“Hindi mo na mababawi si Ysabela, Alhaj!” Frustrated na sigaw ni Natasha, matinding galit ang kaniyang nararamdaman.“We’re already outnumbered, wala na tayong magagawa kung hindi ang magtago nalang muna pansamantala.”“She will come to me, Natasha. Nasa akin si Niccolò.” Buong-puso niyang tiwala sa sarili.Bumaba ng sasakyan si Natasha, kaya sumunod siya. Samantalang nasa backseat pa rin si Niccolò kasama ang isang tauhan nila.“That’s your only chance to get her, Alhaj. Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon, sirang-sira na ang tiwala niya sa’yo! Napatunayan mo pa sa kaniya na hindi mo anak ang mga batang ‘yon! Why did you f*ck*ng admit it?”Ihinilamos ni Alhaj ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha. Pagod na pagod na siya, pero hindi na sila pwedeng bumalik sa mansyon nila Alessandra dahil mapahahamak ang pamilya nito kung doon pa sila tutuloy, kaya ngayon ay nasa byahe sila paalis ng Sicily.Nawala nila ang mga tauhan ni Greig at Archie. Mabuti na lamang at nakapag-emergency landing
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting