LOGINDalawang taon na inakala ni Yumi Zamora na siya ang legal na Mrs. Monteverde. Dalawang taon niyang minahal, pinagtiisan, at ipinaglaban ang lalaking inakala niyang tunay niyang asawa. Pero isang araw, habang inaayos ni Yumi Zamora ang laman ng drawer ay aksidente niyang napunit ang kanilang marriage certificate. Pero nang magpunta siya sa Civil Registry Office para kumuha ng panibagong kopya ay doon niya natuklasan ang mapait na katotohanan— ang kasal nila ng asawang si Clyde ay peke at palabas lang ang lahat. Ang lalaking tinawag niyang asawa, si Clyde Monteverde, ay legal palang kasal sa ibang babae at mas masakit, sa dati nitong professor. Anim na taon siyang ginamit ng lalaki bilang panakip-butas sa lihim na relasyon ng dalawa. Siya ang inilagay sa harap ng tsismis, siya ang sinisi sa lahat, at pinalabas na baog para pilit ampunin ang batang hindi naman kanya. Subalit isang tawag mula sa isang abogado ang bumago sa buhay ni Yumi. Nalaman niyang siya pala ang illegitimate daughter at sole heiress ng isa sa pinakamayamang negosyante sa buong Pilipinas na si Don Rafael Zamora. At nang tanungin siya ng abogado tungkol sa kanyang marital status, sandali siyang nag-isip bago sinabing, “Attorney Reyes," malamig niyang sabi, "pipirmahan ko na ang inheritance agreement," aniya saka huminga nang malalim. "At para malinaw, unmarried po ako at wala po akong anak.” At para maisakatuparan ang paghihiganti, pumayag din siyang maging fiancé ni Adrian Villareal, ang lalaking kinatatakutan ng lahat—hindi lang sa kapangyarihan kundi sa angking kayamanan. Mula sa babaeng niloko at pinaglaruan, ay babangon si Yumi at maghihiganti. Sa larong sinimulan ng kasinungalingan, sisiguraduhin niyang siya mananalo...
View MoreISANG hapon, habang nag-aayos ng mga lumang dokumento sa drawer, napunit ni Yumi ang marriage certificate niya. Hindi naman niya iyon sinasadya, manipis na ang papel, at medyo luma na. Pero nang mabuo niya uli ang punit-punit na dokumento, may kung anong kaba ang gumapang sa dibdib niya, isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Kaya kinabukasan, nagtungo siya sa Local Civil Registry ng Maynila para mag-request ng replacement. Pagpasok niya, tahimik ang opisina. Sa likod ng salamin, tiningnan ng clerk ang dala niyang certificate, saka nagtaas ng kilay.
“Ma’am,” maingat na sabi nito habang nagta-type sa computer, “wala po kaming marriage record under your name.” Napakunot ang noo ni Yumi. “N-No. Two years na akong kasal, Miss.” Iniabot niya ang napunit na certificate at pilit ipinakita sa kaharap na babae. Paulit-ulit naman na nag-check ang clerk. Sa huli, iniikot nito ang monitor papunta sa kanya upang ipakita ang nasabing record. “Wala po talaga, Ma'am. I'm sorry po. At…” tumigil sandali ang clerk, “hindi rin po standard ang seal. Medyo tabingi. Possible pong peke ang marriage certificate ninyo.” Parang biglang pinagbagsakan ng langit at lupa si Yumi dahil sa narinig. Hindi na siya nakapagsalita pa at dali-dali siyang lumabas ng Civil Registry na parang walang direksiyon, wala sa sarili. Mainit ang araw, maingay ang kalsada, pero lahat ay tila nakabibingi para kay Yumi. Mayamaya pa'y nang akma na siyang tatawid sa pedestrian lane, biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad niya itong dinukot mula sa bulsa ng suot niyang blazer. Subalit nang tingnan niya kung sino ang nasa caller ID ay napakunot ang noon niya. “Hello? Sino 'to?” sagot niya sa tawag. “Ms. Mayumi Zamora? Good afternoon. Ako po si Attorney Reyes, personal lawyer ng inyong ama. Maaari po ba kayong magpunta sa Ortigas Law Center para pirmahan ang inheritance agreement?” Scammer. Uso ito sa panahon ngayon. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Yumi. Kaya nag-decide siyang patayin na sana ang tawag, nang biglang nagsalita muli ang nagpakilalang lalaki. “Ang pangalan po ng inyong ina ay Marissa Alonzo. Dalawampung taon na ang nakalipas, iniwan po kayo sa gate ng San Jose Children’s Home. Na-verify na po namin, kayo po ang nag-iisang biological child ni Mr. Rafael Zamora, isa sa pinakamayamang businessman sa Metro Manila.” Nanlamig ang buong katawan ni Yumi sa narinig. Tama ang lahat ng sinabi ng lalaki tungkol sa kanya. Posible nga kayang totoo ang sinasabi nito? Subalit hindi na siya nagtanong pa. Kaagad siyang dumiretso siya sa appointment sa Ortigas at hindi na nag-aksaya pa ng oras. May kalahating oras din bago niya narating ang law office. Pagpasok niya sa loob ng opisina, parang may humahampas na alon sa utak niya habang ipinapaliwanag ng abogado ang lahat—ang yaman, ang mga kompanya, ang mga ari-arian. Ang ama niyang hindi niya kailanman nakilala ay pumanaw isang buwan na ang nakalipas. At siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga naiwan nitong mga ari-arian. “Ms. Zamora,” tanong ng abogado matapos ang mahabang paliwanag, “ano po ang marital at reproductive status ninyo?” Sumagi sa isip ni Yumi ang mukha ng kanyang asawa. Tahimik siyang napatingin sa bag niya, naroon ang pinagtagpi-tagping na pekeng marriage certificate. “Bigyan niyo po ako ng dalawang oras,” mahinahon niyang sabi. “May kailangan lang akong kumpirmahin.” Paglabas niya ng opisina, dumiretso siya sa Monteverde Group Headquarters. Bahagyang nakabukas ang pinto ng opisina ni Clyde Monteverde, ang kanyang asawa. Iaangat pa lang sana ni Yumi ang kamay niya upang itulak ang pinto nang may marinig siyang boses ng babae na parang pamilyar sa kanya. “Clyde,” malambing na sabi nito, “five years na tayong kasal. Hanggang kailan mo ba ako itatago?” Nanigas si Yumi sa kinatatayuan. Kilala niya ang boses na iyon. Si Bianca Lee, ang university adviser nila noon. Anim na taon ang tanda nito kay Clyde. Maganda, elegante, at hinahangaan ng buong campus noon. At ano raw? Limang taon nang kasal? How come? Samantalang two years na silang kasal ni Clyde. Pinigil ni Yumi ang hininga niya, na at pilit na hinintay ang sagot ng kanyang asawa. Nagkakabasakali na baka nagkamali lang siya ng narinig. Ilang sandali pa'y sumunod ang boses ni Clyde na malumanay, kontrolado, eksaktong tono na minahal niya sa loob ng maraming taon. “Malapit na ang IPO ng company. Kailangan ko pa ang suporta niya sa maraming bagay. At may iniwang habilin si Lolo na hindi ka pwedeng pumasok sa pamilya. Ayokong mahirapan ka, at di ko kakayaning masaktan ka.” Halos lumobo ang ulo ni Yumi sa narinig. Tinakpan niya ang bibig niya para hindi mapahikbi. Dahan-dahan niyang inayos sa loob ng bag ang napunit na certificate na para bang isa itong mamahaling bato. Siya pala ang tanga. Simula pa lang ay niloloko na siya ni Clyde, ng lalaking itinuturing niyang mundo... --- KAAGAD na umalis si Yumi sa lugar na iyon at tinawagan ang abogado ng kanyang ama. “Attorney Reyes,” malamig at klaro ang boses niya, “pwede ko na pong pirmahan ang inheritance agreement,” aniya saka huminga nang malalim. “At para malinaw, unmarried po ako. Wala po akong anak. Sa akin po mapupunta ang buong ari-arian.” Matapos ang lahat, pauwi na sana siya nang mabangga ang sasakyan niya. Minor lang ang tama, pero nagkaroon siya ng maliit na sugat sa noo. Matapos magpa-first aid sa ER, naalala niyang pumunta sa sa OB-Gyne para magpa-test. At nang matanggap niya ang resulta, tuluyang lumubog ang puso niya. “So… normal po ang uterus ko?” tanong niya sa doktor. “Oo. Healthy ka, Ms. Zamora.” “Pwede po akong magbuntis?” “Of course.” “At… hindi po makakaapekto sa normal sex life?” Kahit ang babaeng doktor ay bahagyang namula. “Ms. Zamora, valid pa ba ‘yang tanong?” Naalala kasi ni Yumi ang sinabi ni Clyde noon, na ang medical report na ipinakita sa kanya. Ang kasinungalingang hindi raw siya pwedeng magkaanak. Sa madaling salita ay baog daw siya. “I’ll still marry you,” sabi nito noon. “Ikaw lang ang pinili ko.” Dahil doon, tiniis niya ang pang-aalipusta ng pamilya Monteverde. Ang panlalait ng biyenan. Ang mga gabing hindi siya makatulog. Lahat pala ay kasinungalingan... --- SAMANTALA, nang malaman ni Clyde ang aksidente, agad siyang pumunta sa ospital. Nakasuot pa ito ng puting polo, mukhang nag-aalala, ang lalaking minahal niya sa loob ng anim na taon. “Let’s go,” mabilis na sabi ni Yumi at nilampasan ito. Ang yakap na minsang naging tahanan niya, ngayon ay sukang-suka na siya. Sa sasakyan, patuloy pa rin ang pag-aalala ni Clyde. Hindi siya sinagot ni Yumi. Napatingin lang siya sa diamond ring sa daliri niya. Pagdating sa Monteverde Mansion sa Alabang, narinig niya ang tawanan sa itaas. Isang batang lalaki, at isang babaeng boses. Si Mico, ang batang inampon nila. Limang taong gulang at hawak ang kamay nito si Bianca. Tahimik na dumulog si Yumi sa dining table at hindi na kumibo pa. “Yumi,” maingat na panimula ni Clyde maya-maya, “si Ms. Bianca ay kasalukuyang nagsusulat ng parenting book at naghahanap ng tahimik na environment. Medyo busy rin ang kumpanya lately, at alam kong busy ka rin, kaya naisip ko lang…” Nakita ni Clyde ang tamang pagkakataon. Marahan niyang ibinaba ang kutsara at tumingin kay Yumi. “Gusto kong dito muna tumuloy si Bianca. Tutulungan ka niya kay Mico. Mukhang mas komportable rin naman si Marco sa kanya.” Limang taon ng pagtatago, at ngayon, mukhang gusto na ng babaeng ito ang pumasok ng lantaran sa buhay nila. Hindi tumingin si Yumi, parang hindi niya narinig ang sinabi ng asawa. Tahimik lang siyang kumain, mabagal at kontrolado ang bawat galaw. Biglang nanigas ang atmosphere. Medyo nailang si Clyde. Bahagya siyang yumuko at marahang nagpaalala, “Yumi, kinakausap kita.” Sa isang mahinang clatter, ibinaba ni Yumi ang kubyertos. Pero hindi pa man siya nakakapagsalita, mabilis nang sumingit si Bianca. “I'm really sorry,” agad nitong sabi, may halong pag-aalala ang boses. “Kasalanan ko kung nagiging awkward. Yumi, sinabi lang naman iyon ni Clyde dahil nag-aalala siya, busy ka sa work, sa bahay, at sa pag-aalaga kay Mico. Gusto lang niyang may tumulong sa’yo…” “No! I want Tita Bianca to stay!” Agad na tumutol si Mico, na katabi ni Bianca. At hindi pa man tapos magsalita si Bianca, nagsimula na itong maghampas ng kutsara sa mesa, paulit-ulit at walang pagpipigil. “Mico, no! That's bad, baby…” mabilis na saway ni Bianca. “Mico, wala kang modo,” sabay na sita ni Yumi, awtomatikong lumabas ang disiplina sa boses niya. Naghalo ang dalawang boses sa gitna ng tensyon. Dahan-dahang tumigil si Mico. Pero imbes na humupa, mas tumalim ang tingin nito kay Yumi. At kasunod niyon ay bigla nitong dinampot ang baso ng juice at buong lakas na itinapon ang laman na diretsong tumama kay Yumi...(Yvaine’s POV)—AFTER TWO YEARS...MALAMIG at may kasamang sariwang na simoy ng hangin mula sa Indian Ocean ang sumasalubong sa malawak na wooden deck ng aming private overwater villa sa Maldives. Dalawang taon ang mabilis na lumipas. Dalawang taon mula noong gabing muntik nang mawala sa akin si Julian. Dalawang taon din mula noong pormal na inanunsyo ng aming pamilya ang aming relasyon sa harap ng buong alta sosyedad. Sa nakalipas na dalawang taon, ang buhay na dating nababalutan ng mga pader, takot, at lihim ay napalitan na ng isang payapa at malayang buhay. Nakatayo ako sa gilid ng glass railing, nakasuot ng isang malambot at flowing white silk maxi dress. Nakalugay ang aking buhok sa malamig na hangin, at hawak ko ang isang maliit na folder na naglalaman ng mga plano para sa nalalapit naming kasal.Ayaw namin ng napakalaking corporate wedding na pinalilibutan ng media o business partners.nIsang simpleng beach wedding sa pribadong islang ito sa Maldives ang napagkasunduan namin k
(Yvaine’s POV)—MALIWANAG at maaliwalas ang sikat ng araw na tumatama sa main straight ng Clark International Speedway. Maingay ang buong racetrack. Bumabalot sa ere ang nakatutulig na roar ng mga modified V8 engines, ang aming maalat at pamilyar na amoy ng nasusunog na gulong, at ang maingay na cheer ng libo-libong racing fans sa grandstand.Ito ang huling round ng Philippine Grand Touring Championship. Ito ang kauna-unahang opisyal, pormal, at legal na karera kung saan pinayagan ako nina Daddy Adrian at Mommy Yumi na lumaban sa ilalim ng buong suporta ng Villareal-Zamora Group. Wala nang mga iligal na midnight street races sa BGC o Subic. Wala nang mga patago at peligrosong karera bilang si Phoenix.Nakatayo ako sa gilid ng pit lane, nakasando ng aming pampribadong dark blue racing suit na may naka-embroidery na logo ng kumpanya at ang pangalang Yvaine Zamora-Villareal sa dibdib.Sa harap ko, nakaparada ang aming pampribadong midnight blue Porsche 911 GT3 RS. Nakatayo si Julian sa
(Yvaine’s POV)—MALIWANAG ang silaw ng daan-daang crystal chandeliers sa matayog na kisame ng Grand Ballroom sa Shangri-La Fort, BGC. Sabado ng gabi. Ang taunang Villareal-Zamora Grand Gala, ang pinaka-engrande, pinakamalaki, at pinakakaabang-abang na corporate gathering sa buong bansa. Dumalo ang pinakamayayaman at pinakaimpluwensyal na pamilya, mga matataas na foreign investors, diplomats, at ang buong pambansang media. Bumabalot sa buong ballroom ang maingay ngunit pormal na tugtog ng orkestra, ang pagkakalansing ng mga crystal champagne flutes, at ang sunod-sunod na pagkislap ng mga camera flash sa kahabaan ng kulay pulang karpet.Nakatayo ako sa gitna ng VIP balcony sa ikalawang palapag, nakadungaw sa libo-libong bisita sa ibaba. Nakasuot ako ng isang breathtaking floor-length midnight blue velvet gown na may thigh-high slit at fitting corset bodices na pinalilibutan ng maliliit na sapphire crystals. Ang aking buhok ay nakalugay sa mga kaakit-akit at malalambot na kulot sa akin
(Yvaine’s POV)—MALAMIG ang hangin na nagmumula sa kabundukan habang sumisikat ang araw sa malawak na lawn ng aming pampribadong Tagaytay Estate.Isang buwan na ang nakalipas mula noong magkamalay si Julian sa ospital. Dahil sa kagustuhan nina Daddy Adrian at Mommy Yumi na masubaybayan nang maayos ang kanyang pagpapagaling, pormal naming inilipat si Julian sa aming rest house sa Tagaytay. Ang malaking mansyon na dating pinalilibutan ng matinding banta at kaba ay napalitan na ngayon ng isang tahimik at payapang tahanan.Nakatayo ako sa malaking balcony ng second floor, nakasando ng malambot na beige knitted sweater at maong shorts. Hawak ko ang isang tasa ng mainit na tsokolate habang nakatitig sa makapal na fog na dahan-dahang napapawi sa mga puno.Sa ibaba, sa gitna ng malawak na hardin, nakita ko ang dalawang lalaking naglalakad. Si Athan at si Julian. Wala na ang mga wheelchair o IV lines. Nakasuot si Julian ng simpleng white fitted t-shirt at dark sweatpants. Bagama't may kauntin
NANG araw ding iyon, maagang nagpunta si Yumi sa opisina ng Monteverde Group, at dumiretso agad siya sa opisina ni Clyde. Ito ang perpektong pagkakataon. Wala ang lalaki. Maari niyang hanapin ang mga dokumentong kailangan niya. Ngunit kahit halughugin niya ang buong opisina, ay wala siyang nahanap.
TUMIGIL sandali ang Bentley sa gilid ng kalsada. Bahagyang lumingon si Victor Zamora kay Yumi bago niya muling binuksan ang pinto ng sasakyan.“Come,” mahinahon niyang sabi. “Pag-usapan natin sa loob ng kotse.”Sandaling nag-alinlangan si Yumi. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari sa loo
“THE ZAMORA family?” mahinang ulit ni Yumi habang nakaupo sa likod ng sasakyan.“Indeed,” sagot ni Mang Lito sa mahinahong tinig. “Ang pamilya Zamora. At mula ngayon, iyon na rin ang tahanan mo.”Ilang segundo siyang nanahimik. Si Don Rafael Zamora ang kanyang tunay na ama. Ang bilyon-bilyong ari-a
TAHIMIK na umandar ang sasakyan palabas ng driveway. Habang papalayo, hindi napigilan ni Clyde ang sarili na sundan si Yumi palabas ng bahay. Sanay na silang sabay pumapasok sa opisina tuwing umaga. “Yumi...” tawag ni Clyde, bahagyang nagmamadali. “Sabihin mo na lang sa assistant mo na ihatid ka












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore