Beranda / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 177.2: Peaceful Night

Share

Chapter 177.2: Peaceful Night

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-19 20:27:13

Kagaya ng kanilang plano, maagang nagsara ang restaurant ni Archie sa downtown para sa selebrasyon mamayang gabi. Alas tres pa lang ng hapon ay pinasara na niya ang restaurant upang paghandaan ng mga empleyado ang selebrasyon na gaganapin mamayang gabi.

Ilan lamang silang pupunta, kaya naisip ni Archie na sa likod na lamang sila ng restaurant pupupwesto para maganda ang ambiance. Pinaayos ni Archie ang likod ng restaurant sa isang professional decorator upang makasigurado na maganda ang lugar. Gusto niyang gawing intimate ang gabing ito para sa mag-asawang Greig at Ysabela.

Nangako siyang ilang bisita lamang ang papasukin niya para kasama nilang magdiwang sa pagkapanalo ng kaso.

Kaya inihanda niya rin ang loob ng restaurant para sa ilang bisita na makakasama nila.

Alas sais ng palitan ni Ysabela si Athalia ng damit. Tapos na si Niccolò kaya bumaba na ito para sumunod kay Greig at sa Lolo Rene nito.

“Mom…” marahan nitong tawag.

Naayos na niya ang huling butones sa likod ng dress nito k
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Good Morning Ms. Purplexxen
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
Angg saya ko matutulog ako ng early & happy ..hehe
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 177.3: Peaceful Night

    Dumating sila sa restaurant ni Archie nang alas syete y media. Marami na rin ang tao at ang ilan ay bumati sa kanila nang makita sila.“Congratulations, Greig.”“Congratulations, Ysabela.”Ngiti at pasasalamat na lamang ang ginagawad nila sa mga taong bumabati.May ilan na hindi talaga kilala ni Ysabela, pero nginingitian na lamang niya para matapos na.Sinalubong sila ni Archie at iginiya sa likod ng restaurant. Naiwan ang mga bisita sa loob, ngunit tila walang problema sa bagay na iyon.“Good evening, Tita Gret. Good evening, Tito Rene.” Bati ni Patrick sa mag-asawa.Pagkatapos na humalik sa pisngi ni Gretchen at makipagkamay kay Rene. Bumaling naman sa kaniya si Patrick at ngumiti.“Hey.” Bati ni Patrick saka nito hinalikan ang kaniyang pisngi.Nakipagkamay naman si Patrick kay Greig.“I hope we’re not yet late?” Natatawa niyang tanong sa dalawa.Tumawa si Patrick at umiling.“Sakto lang.” Sagot nito.“Hey, beautiful.” Nagbaba naman ito ng tingin kay Athalia.“Did you miss, Tito Pa

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 177.4: Peaceful Night

    The night ended peacefully. Nakatulog na si Athalia at Niccolò sa likod. Panay ang sulyap ni Ysabela sa rearview mirror para tingnan ang kanilang mga anak. Nakasunod ang sasakyan ng mga magulang ni Greig sa kanilang sasakyan. Nakainom sila, pero kaonti lang, kaya ligtas pa rin na nakakapag-drive si Rene. Nauuna nga lang sila upang makasigurado na hindi ito maaaksidente. Kahit paano, may hindi maipaliwanag na kapayapaan at saya sa puso ni Ysabela. Siguro tapos na lahat. Ito na iyon, natupad na ang pangarap niya… ang umuwi sa isang tahanan kasama si Greig at ang kanilang mga anak. Sinulyapan siya ni Greig, nakita nito ang kaniyang pinipigil na ngiti. “Napagod ka ba?” Tanong nito. Umiling siya. Nakakatuwa na may ilan silang kasama sa pagdiriwang ng kanilang pagkapanalo, ngunit hindi sila ginulo sa likod ng restaurant. Bagkus, binigyan sila ng pribadong oras kasama ang matatalik na kaibigan at pamilya. “Ilang araw din na hindi tayo pinatahimik ng press.” Saad niya. “Akala ko hind

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 178: End

    Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Greig nang makita ang kaniyang mag-iina sa top deck ng yate. Nakaupo si Ysabela sa gitna ng mahabang sofa, sa tabi nito ay ang kambal na naglalambing at nag-aasaran.Sobrang gaan sa pakiramdam na sila araw-araw ang kaniyang kasama.Noon, akala niya hanggang sa panaginip na lang ang lahat. Akala niya imposible nang makasama muli si Ysabela.Akala niya, habang buhay na siyang magiging miserable at hindi na kailanman makakahanap ng kapayapaan sa buhay.“Sigurado ka ba sa plano mo, Greig?!” Sumunod sa kaniya ang kaniyang ina nang bumaba siya sa hagdan.“Greig, I’m talking to you!”“What else could I do, Mom?” Humarap siya sa babae.Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha, ayaw niya nang makipagdiskurso pa dahil buo na ang kaniyang pasya.Tatlong taon nang wala si Ysabela. Tatlong taon nang madilim ang kaniyang mundo, ano pa ba ang magiging mas malala sa bagay na iyon?“We could just give her money! We could help their company without you havi

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-20
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 178.2: End

    Noong una, ayaw niyang umasa. Ayaw niyang isipin na si Ysabela ay buhay at nasa ibang bansa, dahil parang imposible.Ganunpaman, pinagbigyan niya ang kaniyang sarili. Upang matuldukan na ang kaniyang paghihirap at magkaroon na ng kapayapaan, sumunod na rin siya kay Archie para makita ng personal si Bella Jimenez.Thanks God, he made a right decision!Kaya ngayon, nasa harap na niya ulit si Ysabela… kasama ang dalawang anghel na siyang umayos sa kaniyang buhay.Hindi niya maisip kung saan pa siya pupulutin kung hindi niya nahanap ang kaniyang mag-iina. Sigurado na hanggang ngayon, madilim at malamig pa rin ang kaniyang mundo. Ramdam niya pa rin ang kawalan ng halaga sa kaniyang sarili.Patuloy pa rin niyang sinisisi ang sarili. Hindi niya pa siguro napatawad ang kaniyang sarili sa mga nangyari.“Papa, come here! Join us!” Nakangiting tawag ni Athalia sa kaniya nang makita siya sa may hagdan.Ngumiti siya. Sobrang gaan na ngayon ng kaniyang dibdib.Parang nakalaya na siya sa tanikala na

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-20
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 178.3: End

    “But you know… I still feel so insecure.” Mababa ang boses na sabi niya. Kumunot ang noo ni Ysabela. Umayos ito ng upo para magkaharap sila ng tuluyan. Sinulyapan niya ang kambal at napansin na abala pa rin ang dalawa sa pagkain. Ngayon naman, ang cake ang pinagdidiskitahan. “Insecure of what?” Tanong ni Ysabela. Ibinalik niya ang tingin sa babae at tiningnan ito sa mga mata. Nakita niya ang pag-aalala sa maganda nitong mga mata. Pinilit niya ang sarili na huwag ngumiti. “I’m still insecure because… we got married in bizzare way.” Sagot niya. “What do you mean?” “What I mean is… kung hindi dahil kay Lolo, hindi mo sana ako pinakasalan.” Malungkot niyang saad. “What?” Nagtaas ng kilay si Ysabela. “Alam mo ba kaya hindi ako nagtrabaho sa isang design studio kahit na design naman ang kinuha kong kurso ay para makita ka araw-araw? Naging assistant mo pa ako para lang mapalapit ako sa’yo!” Ngumuso siya, pilit pa sinusupil ang kaniyang ngiti dahil sa tahasang pag-amin ni Ysabela.

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-20
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 179: Start

    Habang-buhay na maaalala ni Yvonne ang maingat at magaan na haplos ni Archie sa kaniya. Bawat halik nito'y parang kasinggaan lamang ng balahibo.Bata pa siya at hindi pa alam ang kahulugan ng totoong pag-ibig, pero unang kita pa lamang kay Archimedes Garcia ay talagang napahanga na siya ng husto.Guwapo ito, matangkad, matalino, maganda ang pangangatawan at tila nakakadala ang mga ngiti.“You will soon marry Archie Garcia,” nakangiting sabi ng kaniyang Mommy.Kinagat niya ang ibabang labi at napakunot-noo.Hindi ba't ayaw niyang maikasal ng maaga? Ayaw niya sa arrange marriage na iyan, pero bakit may kumikiliti sa kaniyang puso?Bago pa man sila magkakilala, itinakda na silang ipakasal sa isa’t isa. Hanggang sa hindi namamalayan ni Yvonne na nahuhulog na siya nang tuluyan kay Archie.Mabait ito, maalaga at kung minsan ay mapang-asar. Walang araw na hindi niya pinangarap na makita ang binata, kaya minsan ay tumatakas pa siya sa university nila para lang puntahan ang kalapit na universi

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-21
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 179.2: Start

    Sinubukan niyang supilin ang kaniyang mga ngiti. Alam niyang hindi papayag ang kaniyang Daddy na pumunta siya sa condo ni Archie at doon matulog.Yes, they’re engaged. But still not married.Kahit naman naka-arrange marriage na sila ni Archie ay konserbatibo pa rin ang kaniyang mga magulang. Pumapayag itong magdate sila at magkita, pero hindi papayag na matulog siya sa condo ng lalaki.“We’re planning na mag-overnight sa bahay ni Jane. Malapit na kasi ang presentation namin sa isang subject, kaya naisip namin na mag-overnight para matapos na namin ang lahat ng documents na ipapasa at i-pre-present. Don't worry, kasama ko naman si Ysabela.” She said.Umayos ng upo ang kaniyang Daddy at tiningnan siya ng maigi. Kumunot ang noo nito at sumandal sa swivel chair.“Bakit hindi nalang dito sa bahay, Yvonne? Aalis naman kami ng Mommy mo para sa training kaya walang mang-iisturbo sa inyo. Invite your friends here. Dito nalang kayo.”“Hindi papayagan si Jane.”“Why not?” Kunot-noong tanong ng k

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-21
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 179.3: Start

    Unti-unting bumaba ang tingin niya sa mariin na nakatikom na bibig ni Archie.“Bakit bawal? We’re already engaged, it doesn't matter—”“No.” He said firmly. “It matters to me, Yvonne.”Sa tuwing Yvonne na ang tawag sa kaniya ni Archie, seryoso na ito sa pakikipag-usap.Kaya naman huminga siya ng malalim. Pumikit siya.Isa sa nagustuhan niya kay Archie ay ang pagpapahalaga nito sa kaniya. Kahit na wala naman ibang makakaalam sa mali nilang gagawin, naninindigan pa rin ito sa tama.Binuksan niya ang mga mata at pinulupot ang kaniyang mga kamay sa batok ng lalaki.“I really like you.” Amin niya.Kumunot ang noo ni Archie at medyo dumaan ang gulat sa mga mata nito.Siguro ay hindi inaasahan na bigla na lamang siya magsasabi ng ganoon.“I like you very much, Archimedes Garcia. I might be your fiancee now, but I also want to become your girlfriend.” Matapang niyang sabi.“But you’re already my girlfriend.” Sagot nito.Siya naman ang nagulat sa sinabi ng lalaki.“Huh? Kailan pa?” Tanong niya

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-21

Bab terbaru

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 221.3: Identification

    Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 221.2: Identification

    Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 221: Identification

    Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 220.3: Fake

    Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 220.2: Fake

    "You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 220: Fake

    Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219.3: Recklessness

    Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219: Recklessness

    Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219: Recklessness

    Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status