Share

Chapter 240

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-17 23:40:18
Nakatulog si Coleen sa sasakyan kaya nang makarating sila sa bahay ni Klaus ay kinailangan na buhatin ang bata para madala ito sa kuwarto ni Yvonne.

Buhat-buhat ni Rizzo ang anak, samantalang tahimik na nakasunod si Yvonne sa lalaki. Tahimik silang pareho at kapwa mabigat ang kanilang mga dibdib.

Sinalubong sila ni Agatha nang makapasok sa bahay. Puno ng pagtataka ang mga mata nito, ngunit walang namumutawing salita sa bibig ng babae. Alam niya na pinipigilan ni Agatha na magtanong sa kaniya kaya malungkot na lamang niyang nginitian ang kaniyang pinsan.

“Dadalhin lang namin sa taas si Coleen.” Paalam niya sa babae.

Tumango ito at hindi na sumunod sa kanila ni Rizzo. Sinundan na lamang sila ng tingin ni Agatha nang umakyat sila sa hagdan.

She opened the door to her room. Pumasok naman si Rizzo at maingat na dinala sa kama si Coleen. Naglakad naman siya palapit para silipin ang batang babae.

Nang mailapag sa kama ang bata ay humikbi ito. May luha pa rin sa gilid ng mga mata nito,
Purplexxen

Hello po, pagpasensyahan niyo na po at ngayon lang ako nakapag-update. I was busy this past few weeks. But I'll be active again in writing. Huwag na po kayong magalit.

| 36
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (13)
goodnovel comment avatar
Marivon Salilama
nkakawala n ng gana,akla q b story n Archie at Yvonne??ang dming keme..pti c author i ding hnap s buhay
goodnovel comment avatar
Marissa Ranola
pareho sila ng bata may trauma
goodnovel comment avatar
Fe Moldez Dandan
sana po mga 3 update nyo pr mahabahaba nmn po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 243

    “We don’t know it yet. Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari sa planta at sa bodega. Ang nangyari kay Rizzo, hindi ko pa sigurado, pero tingin ko ay aksidente lamang.” Pumikit si Yvonne. Mas matatanggap niya pa kung aksidente lamang ito, dahil kung may sadyang gumawa nito kay Rizzo ay hinding-hindi niya mapapatawad. Sisiguraduhin niyang hindi niya ito palalagpasin. Pagkarating nila sa ospital ay agad na tumakbo papunta sa operation room si Klaus. Nakasunod sila ni Agatha at pilit binibilisan ang lakad para masundan si Klaus. Dala-dala niya sa maliit na duffle bag ang mga gamit ni Rizzo. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng kaniyang puso, at sa mahinang boses ay ibinubulong niya ang panalingin na sana’y maayos lang ang kalagayan ni Rizzo. Sa labas ng operation room ay nakatayo ang sekretaryo ni Klaus. “Lumabas na ba ang doktor?” Umiling ang sekretaryo sabay sulyap ng tingin sa kanila. Ang suot na polo shirt ng sekretaryo ay duguan rin. Napaiwas ng tingin si Yvonne. Hind

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 242

    Alas dyes na ng gabi, ngunit hindi pa rin umuwi si Rizzo at Klaus. Nasa sala pa rin siya, naghihintay, samantalang si Agatha ay kanina pa umakyat sa kuwarto para patulugin si Akhil.Si Coleen ay kanina pa natutulog. Wala pa rin siyang natatanggap na text galing kay Rizzo. Gusto niya sanang tawagan ang numero nito, lalo pa't parang kanina pa siya hindi mapakali. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman, ngunit hindi siya mapirmi sa paghihintay na lang.Kahit paano’y nag-alala siya sa mga nangyayari. Biglaan ang pag-alis nito at hindi na nasabi sa kaniya ang dahilan. Hindi niya naitanong kung kailan ito uuwi. Madalas ay hindi siya naghihintay, hinahayaan niya lamang na magtagal si Rizzo sa trabaho nito. Ngunit ngayon, may kakatuwang emosyon na nagpapaligalig sa kaniya. She went straight to the kitchen. Isang tasang kape na ang kaniyang naubos at sapat na iyon para manatiling gising ang kaniyang diwa. Hinugasan niya ang tasa at ibinalik sa lalagyan nito bago siya bumalik sa s

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 241

    Dahil sa nangyari, nagpasya si Yvonne na manatili na muna sa bahay kasama si Coleen. Hindi na niya naisip na bumalik pa sa store. Samantalang si Rizzo ay bumalik sa kompanya dahil sa biglaang problema. Hindi na niya natanong si Rizzo kung ano ang biglaang suliranin na dumating dahil nagmamadali itong umalis kasama si Klaus. Yvonne stayed in her room with Coleen. Nakatulog ang batang babae sa kaniyang kama kaya tinabihan niya ito pansamantala. Hindi niya namalayan na nakatulog din pala siya. Palubog na ang araw nang bumangon siya. Natagpuan niyang bakante na ang kaniyang kama at wala na si Coleen sa kaniyang tabi kaya dahan-dahan siyang bumaba para hanapin ang bata. Sa sala ay naabutan niyang nakasalampak sa carpeted floor si Coleen at nilalaro si Akhil na ngayon ay binabantayan ng mga katulong. Saglit siyang natigilan at pinagmasdan ang nakangiting mukha ng batang babae habang pinapakita nito kay Akhil ang hawak na laruang truck. “See this, Akhil? This is a truck. A truck.” Maliga

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 240

    Nakatulog si Coleen sa sasakyan kaya nang makarating sila sa bahay ni Klaus ay kinailangan na buhatin ang bata para madala ito sa kuwarto ni Yvonne. Buhat-buhat ni Rizzo ang anak, samantalang tahimik na nakasunod si Yvonne sa lalaki. Tahimik silang pareho at kapwa mabigat ang kanilang mga dibdib. Sinalubong sila ni Agatha nang makapasok sa bahay. Puno ng pagtataka ang mga mata nito, ngunit walang namumutawing salita sa bibig ng babae. Alam niya na pinipigilan ni Agatha na magtanong sa kaniya kaya malungkot na lamang niyang nginitian ang kaniyang pinsan. “Dadalhin lang namin sa taas si Coleen.” Paalam niya sa babae. Tumango ito at hindi na sumunod sa kanila ni Rizzo. Sinundan na lamang sila ng tingin ni Agatha nang umakyat sila sa hagdan. She opened the door to her room. Pumasok naman si Rizzo at maingat na dinala sa kama si Coleen. Naglakad naman siya palapit para silipin ang batang babae. Nang mailapag sa kama ang bata ay humikbi ito. May luha pa rin sa gilid ng mga mata nito,

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 239

    Pagkarating sa bahay ng mga magulang ni Rizzo ay dali-daling lumabas ng sasakyan ang lalaki. Samantala, dahan-dahan naman na lumabas ng sasakyan si Yvonne para sumunod sa kaniyang fiancé. Ngunit nasa bulwagan pa lang siya ng mansion ay naririnig na niya ang sigawan mula sa malayong kusina ng malaking mansion ni Damian Galvez.“That's enough, Mom. I’m taking Colleen home now!”“Rizzo!”Buhat-buhat ni Rizzo ang anak nito nang lumabas galing sa kusina. Nakasunod sa lalaki ang ina nitong si Filomena na bakas sa mukha ang labis-labis na pag-aalala at ang pangamba. Sa likod naman ni Filomena ay isang babae na hindi gaanong pamilyar sa kaniya.“Rizzo, they're just kids. Natural sa mga bata ang nag-aaway minsan.” Saad ng babae.Tumigil sa paglalakad si Rizzo at lumingon sa dalawang babae. Nakatikod na sa kaniya ang lalaki, kaya’t naiharap naman sa direksyon niya si Coleen. Nakita niya si Coleen na kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang pasa at galos nito sa pisngi.“Your son is older than my

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 238

    Pagkatapos ng kanilang lunch ay tumuloy naman sila ni Rizzo sa paghahanap ng condo unit. Mayroong mga condo, hotel at villa ang pamilya ni Rizzo, ngunit dahil sa naging lamat sa relasyon ng lalaki sa pamilya nito ay naisipan nito na bumukod na lamang sila at hindi na umasa sa tulong ng mga Galvez lalo na sa mga magulang nitong si Damian at Filomena. “May nahanap na condo unit si Dennis, tatlo sa nagustuhan niya ay naaprubahan ko rin kaya iyon na muna ang pupuntahan natin para kung sakali na magustuhan mo ay makapagclose-deal na agad tayo.” Masuyong ngumiti si Rizzo sa kaniya. Nasa passenger seat siya ng kaniyang sasakyan, samantalang ito naman ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho. Komportable ito sa kinauupuan at tila hindi alintana ang kaniyang presensya. Noon ay hindi siya nasasanay na magkasama sila ni Rizzo sa masikip na lugar, naiilang siya at hindi magawang maging komportable, ngunit mabuti na lamang at nasasanay na siya kahit paano sa presensya ni Rizzo. Nariyan pa ri

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status