Mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki.
Malalim ang naging buntong-hininga ni Ysabela bago ito tingnan ng diretso sa mata.
“Greig, maghiwalay na tayo.”
“What do you mean?” Malamig nitong tanong.
Mas lalong naging madilim ang mukha ng lalaki. Tila hindi na naging sapat ang liwanag galing sa lamp post.
Humakbang ng isang beses si Greig pero tumigil din.
“Naisip kong babalik na ako rito. Ganoon din naman, wala na ring patutunguhan ang relasyon—”
Pinilit niyang ngumiti ngunit nabitin lamang iyon. Mas namayani ang kirot sa kaniyang puso. Kung kanina ay basag ito, ngayon ay mas lalong naging pino.
“Relasyon?” Kumunot ang noo ni Greig.
Pero nawala rin iyon nang umangat ang sulok ng labi nito.
“Ano ba sa tingin mo ang relasyon natin, Ysabela?” Malamig nitong tanong.
Napatitig siya sa lalaki. Tila ang kaniyang paghinga ay bumagal dahil sa tanong nito.
Tama, simula pa man, naging malinaw si Greig sa intensyon nito. Ang tanging namamagitan lamang sa kanila ay ang pekeng kasal na pinirmahan nila, at labas ang totoo nilang nararamdaman.
Maliban sa pekeng kasal ay wala na sa kanilang namamagitan. At para sa mga taong nakakakilala sa kanila, maliban sa trabaho ay wala na silang relasyon.
Kilala si Greig ng lahat, lalo pa't galing ito sa mayamang pamilya. Ang mga socialites ay palaging nakapalibot sa lalaki, at marami rin ang naghahangad ritong babae.
Ngayon ay pinapaalala nito sa kaniya kung saan ang lugar niya.
Mariing kinagat ni Ysabela ang kaniyang labi, ang pait sa kaniyang lalamunan ay naglakbay sa kaniyang tiyan at para iyong asido na tumutunaw sa kaniyang kalamnan.
Marahan siyang tumango.
“Tama ka, masyado lang pala akong nag-iisip. I go beyond my boarder.”
Napaiwas siya ng tingin dahil hindi niya matagalan ang titig ng lalaki.
“Malinaw na sa akin ngayon ang lahat, Greig. Salamat sa pagpunta, pero sana ito na ang huli.”
Tinalikuran niya ang lalaki bago pa man maglandas ang luha sa kaniyang pisngi. Lihim niya iyong pinalis at saka tumuloy sa pinto ng apartment.
Ito ang tamang gawin, pero bakit nasasaktan pa rin siya?
Siguro nga'y hindi madaling itapon na lang ang sampung taong ginugol niya para mahalin ang lalaki.
Pero ganoon talaga, kahit mahirap, kailangan niyang gawin.
Hindi niya na hahayaan na maging katatawanan ang buhay niya.
Nang matapat siya sa pinto ay mabilis na lumiwanag ang sensor light.
Mas lalong nangliit ang mata ni Greig nang makita ang ginawa ni Ysabela. Nag-isang linya ang kaniyang labi at tila namuno nang tuluyan ang banyagang emosyon sa kaniyang katawan.
Mabilis siyang humakbang patungo sa babae at hinawakan ang braso nito. Pilit niyang pinaharap si Ysabela ngunit nang makita ang namamasa nitong mga mata ay tila tinapunan ng tubig ang nag-aalab niyang galit.
Ito ang unang beses na nakita niya itong umiiyak.
“If this is about Danica—”
“It has nothing to do with her, Sir. Please, just go.”
Sinubukang bawiin ni Ysabela ang kaniyang braso ngunit hindi binitawan ni Greig.
Kumunot lamang ang noo nito habang dinudungaw siya.
Napapagod na siyang makipagbangayan sa lalaki. Kaya isang beses niya pang sinubukan na kumawala rito, nang magawa niya ay binuksan niya agad ang pinto ng apartment.
Mas lalo lamang na hindi natuwa si Greig sa pagmamatigas niya.
Iritable nitong pinaluwag ang suot na kurbata at saka humakbang para muling abutin ang kaniyang pulsuhan.
“Can you stop messing around?”
Sunod ay bumakas sa mukha nito ang pagtataka. Mas lalong nagsalubong ang kilay nito, mabilis nitong inilagay ang mga kamay sa balikat ni Ysabela at pwersahan itong pinaharap.
Umangat ang kamay nito at inilapat sa noo ng babae.
Nasiguro niyang mataas ang lagnat nito. Bakas ang pagod at panghihina sa mukha nito.
“Are you having a fever?”
Pagkasabi no’n ni Greig ay rumihestro pa lamang sa isip ni Ysabela ang matinding pagod. Nahihilo na naman siya dahilan para kamuntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan, mabuti at mabilis siyang naalalayan ng lalaki.
Hawak nito ang kaniyang magkabilang braso, habang ang kaniyang noo ay nakasandal sa dibdib nito.
Kung hindi pa siya tuluyang niyakap ni Greig ay bibigay na ang kaniyang mga tuhod.
Unti-unting bumaba ang mukha ni Greig, ilang pulgada na lamang ay magdidikit na ang kanilang labi, ngunit sinilip lamang siya nito.
“Ysabela?”
Mas lalong bumagal ang pagproseso ni Ysabela sa mga nangyayari. Saglit siyang napapikit para kalmahin ang sarili, nang magmulat siya ulit ng mga mata ay inilapat niya ang kaniyang mga kamay sa dibdib ni Greig para ibalanse ang katawan.
Kailangan niyang lumayo rito.
Ngunit bago pa man siya makalayo ay pumulupot na ang dalawang kamay nito sa kaniyang bewang at kinabig siya palapit. Tila hindi sapat ang pagiging malapit nila sa isa't isa.
“I'll bring you to the hospital.” Malamig nitong sabi.
Naramdaman ni Ysabela ang pag-angat niya sa lupa. Walang kahirap-hirap siya nitong binuhat at naglakad papunta sa sasakyan nitong naghihintay.
“Ano ba, Greig? Ibaba mo ko.”
Wala siyang lakas para itulak pa muli ang lalaki.
“No, you need to get checked. I'd bring you to the hospital.” Madiin nitong sagot.
“Ayaw ko!”
Bumilis ang tibok ng puso ni Ysabela. Kung dadalhin siya sa ospital ng lalaki ay siguradong malalaman nito ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis.
Maliban pa rito, siguradong pwede siyang bigyan ng infusion, maaari iyong maging banta sa buhay ng kaniyang baby!
Hindi niya hahayaan na mapahamak ito.
Kahit na alam niyang hindi siya handa sa kaniyang pagbubuntis, at hindi niya pa lubos na maisip ang kaniyang kalagayan, obligasyon niya pa rin na protektahan ang inosenteng anghel sa kaniyang sinapupunan.
“Ibaba mo ‘ko, Greig.” May pagsusumamo sa kaniyang boses.
Sinubukan niyang magpumiglas pero hindi pa rin nagpatinag ang lalaki. Mas malakas ito kumpara sa kaniya at ang mga bisig nito'y mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya.
"If you are sick, you have to see a doctor."
Inignora lamang ni Greig ang pagpupumiglas niya, at basi sa tono ng boses nito ay hindi nito papakinggan ang pagtutol niya.
Palapit na sila sa sasakyan nang hawakan niya ang braso ng lalaki. Ma
lakas ang tambol ng kaniyang puso at mas lalo lamang siyang kinakain ng pangamba.
“Please, Greig. I can't go to the hospital!”
Pagkarating sa bahay ng mga magulang ni Rizzo ay dali-daling lumabas ng sasakyan ang lalaki. Samantala, dahan-dahan naman na lumabas ng sasakyan si Yvonne para sumunod sa kaniyang fiancé. Ngunit nasa bulwagan pa lang siya ng mansion ay naririnig na niya ang sigawan mula sa malayong kusina ng malaking mansion ni Damian Galvez.“That's enough, Mom. I’m taking Colleen home now!”“Rizzo!”Buhat-buhat ni Rizzo ang anak nito nang lumabas galing sa kusina. Nakasunod sa lalaki ang ina nitong si Filomena na bakas sa mukha ang labis-labis na pag-aalala at ang pangamba. Sa likod naman ni Filomena ay isang babae na hindi gaanong pamilyar sa kaniya.“Rizzo, they're just kids. Natural sa mga bata ang nag-aaway minsan.” Saad ng babae.Tumigil sa paglalakad si Rizzo at lumingon sa dalawang babae. Nakatikod na sa kaniya ang lalaki, kaya’t naiharap naman sa direksyon niya si Coleen. Nakita niya si Coleen na kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang pasa at galos nito sa pisngi.“Your son is older than my
Pagkatapos ng kanilang lunch ay tumuloy naman sila ni Rizzo sa paghahanap ng condo unit. Mayroong mga condo, hotel at villa ang pamilya ni Rizzo, ngunit dahil sa naging lamat sa relasyon ng lalaki sa pamilya nito ay naisipan nito na bumukod na lamang sila at hindi na umasa sa tulong ng mga Galvez lalo na sa mga magulang nitong si Damian at Filomena. “May nahanap na condo unit si Dennis, tatlo sa nagustuhan niya ay naaprubahan ko rin kaya iyon na muna ang pupuntahan natin para kung sakali na magustuhan mo ay makapagclose-deal na agad tayo.” Masuyong ngumiti si Rizzo sa kaniya. Nasa passenger seat siya ng kaniyang sasakyan, samantalang ito naman ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho. Komportable ito sa kinauupuan at tila hindi alintana ang kaniyang presensya. Noon ay hindi siya nasasanay na magkasama sila ni Rizzo sa masikip na lugar, naiilang siya at hindi magawang maging komportable, ngunit mabuti na lamang at nasasanay na siya kahit paano sa presensya ni Rizzo. Nariyan pa ri
"Dad joined us in the meeting." Ngumiti ng maliit si Rizzo. Hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Well, he's thinking that you could work under the architectural team of our construction firm." Tuloy niya. Bahagya na umawang ang bibig ni Yvonne. Hindi siya agad nakapagsalita sa tinuran ni Rizzo. Ilang sandali bago siya napaiwas ng tingin at dahan-dahan na umiling. "Tingin ko hindi dapat na sa linyang iyan ang magiging trabaho ko." Sagot niya. Naramdaman naman agad ni Rizzo ang mabilis na pagbabago ng kaniyang mood. Napatitig ito sa kaniya at marahan na nag-buntonghininga. "I'm sorry." He said. "Naisip lang siguro ni Daddy na ialok sa’yo na magtrabaho sa construction firm dahil... doon ka magaling." Nanlamig ang sikmura ni Yvonne. Hindi siya makapag-angat ng tingin kay Rizzo. Hindi niya gustong pag-usapan ito, ngunit alam niya na ginagawa lamang ito ni Rizzo para bigyan siya ng pagkakataon na pumili kung anong negosyo o trabaho ang gusto niyang hawakan. Tama nga naman si Ri
Dahil hindi na makapagpokus sa kaniyang trabaho, nagpasya na lamang siyang tumigil na muna upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Inilapat niya ang likod sa swivel chair at dahan-dahan na bumuga ng hangin na kanina ay pumupuno sa kaniyang baga. Mabigat ang kaniyang paghinga, masikip ang kaniyang dibdib at nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay. Ngunit nakakabawi na siya. Thanks god, unti-unti na rin na humuhupa ang biglaang atake ng anxiety. Hindi niya gustong humarap kay Rizzo na nagpapanic pa rin. As much as she wanted to, gusto niyang patunayan din sa kaniyang sarili na nakokontrol na niya ang kaniyang emosyon. Mapagtatagumpayan niya ito. Magiging maayos din siya. Lumipas ang ilang minuto— oras marahil, dahil hindi na niya nasundan ang oras— naging maluwag na ang kaniyang paghinga at nawala na ang tila ulap sa kaniyang ulo na nagiging sanhi ng paglabo ng kaniyang pag-iisip. Nang maayos na kahit paano ang kaniyang pakiramdam, hinila niya ang isa sa mga hunos ng kaniyang
Pabalik sa kaniyang opisina ay unti-unting rumihestronsa kaniyang isip kung gaano kaseryoso si Archie na patunayan ang kaniyang totoong pagkatao. Hindi ito pupunta sa kaniyang store kung hindi ito nakakuha ng sapat na ebidensya na maaari nitong panghawakan laban sa kaniya.Tama nga naman si Archie, hindi tutugma sa kaniyang DNA ang DNA ng labi ng taong inilibing noon, limang taon na ang nakakalipas, dahil hindi naman siya ang babaeng iyon.Kumuha lamang ng bangkay mula sa ospital sila Klaus at Agatha, bangkay na hindi kinukuha ng mga kamag-anak dahil walang sapat na pangbayad sa hospital bill. Si Klaus ang gumawa ng paraan para mabili ang bangkay, at mailibing para palabasin na siya iyon.Nang makapasok sa kaniyang opisina, agad na dumiretso si Yvonne sa kaniyang bag na nasa ibabaw ng mesa para hanapin ang kaniyang gamot. Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso, pinagpapawisan siya ng malamig at nag-aangat-baba ang kaniyang dibdib.Mabuti na lamang at nang pabalik na siya sa kaniyang opi
TALAGA? Naging miserable ba ang buhay ni Archie dahil sa kaniya? Paanong magiging miserable ang buhay nito kung ang tanging nais lamang naman talaga nito ay pahirapan siya hanggang sa mawalan na siya ng ganang mabuhay pa? Tapos ngayon sasabihin nitong siya ang lunas sa buhay nitong miserable? Talaga ba? He's pathetic! He's a pathetic liar! Sigaw ng kaniyang isip. Umiling siya, at tuluyang tinalikuran si Archie. Hindi niya sasayangin ang kaniyang oras para lang makipagdiskurso sa taong nasisiraan na ng ulo. Hindi rin siya si Yvonne para patunayan ang kaniyang sarili sa hayop na ito. The more she wastes time to talk to this fool, the more he will believe that she's Yvonne. Kaya tama na. Hindi na niya pag-aaksayahan ng lakas at panahon ang baliw na ito. Ilang hakbang pa lang ay tumigil siya ulit at nilingon si Archie na nakasunod ang tingin sa kaniya. Dumaan ang pag-asa sa mga mata nito nang makita siyang tumigil at lumingon. Ngunit agad niyang binasag iyon. "I don't want to