Share

Chapter 6: Village

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2024-09-06 13:36:22

Wala sa sariling naglakad paalis ng ospital si Ysabela. Pakiramdam niya'y nahihilo na naman siya at mas lalo lamang namanhid ang kaniyang katawan.

“Ma'am? Saan po ang punta niyo?”

Iyon ang pumukaw sa pagkatulala niya. Dahan-dahan niyang binalingan ang taxi driver at saglit na natigilan sa simpleng tanong na iyon.

Saan na nga ba?

Ayaw niyang bumalik sa bahay ni Greig, iyon din naman ang patutunguhan, bukas o sa makalawa ay baka paalisin na siya ng lalaki.

Pagkatapos ng ilang sandaling pagkakatigil ay paos siyang sumagot.

“Sa Nicolas village po.”

May nabili siyang maliit na apartment sa village na iyon pagkatapos nilang ikasal ni Greig.

Noong una ay plano niyang doon patirahin ang kaniyang Lola para mas madali niyang mabibisita at para na rin maalagaan niya. Maliit lamang ang apartment, ngunit mainam na sa dalawang tao.

Naalala niyang ayaw ni Greig sa maliit na apartment na nabili niya, inalok pa siya nito ng mas malaking bahay bilang handog pero inayawan niya iyon.

Mas gusto niyang bilhin iyon sa sarili niyang pera. Kahit na maliit ay mas mabuti na iyon dahil galing sa sarili niyang hirap at pawis ang ibinayad.

Ngayong iniisip niya ito, masasabi niyang ito ang tanging tamang desisyon na ginawa niya. 

“Ma'am?” Muli ay tawag ng taxi driver.

Tumigil na ito sa tapat ng village. Hindi pinapapasok ang mga taxi sa loob kaya hanggang sa main gate lamang siya pwedeng ihatid.

Mabilis niyang kinapa sa loob ng dalang bag ang pitaka at binayaran ito.

Pagkalabas niya'y mabilis naman na umalis ang sasakyan.

Malaki ang village, marami na ang kabahayan, at pawang mga empleyado at may maayos na trabaho ang nakatira rito kaya mahigpit ang siguridad. Kung hindi kilala ng security guard ay hindi papasukin.

Sa tapat ng village ay isang lumang parke. Tumuloy siya roon, ngunit dahil gabi na ay wala nang ibang naroon.

Sa madilim na bahagi siya naupo para tuluyang mapag-isa. Malamyos ang ihip ng malamig na hangin, tila inaalu siya. Alam ang mabigat niyang dinadala.

Sa pagbabalik tanaw niya sa nakaraan ay samu't saring alaala ang dumagsa sa kaniya.

Dalawang taon— higit pitong daang araw niya itong nakasama.

Muli ay nanikip ang dibdib ni Ysabela. Sa loob ng pagsasama nila ni Greig ay wala na siyang ibang hiniling pa.

Pero ngayon, tila ibinubulong sa kaniya ang lahat ng mga opinyon ng ibang tao. Natatawa na lamang siya sa kaniyang sarili, tama sila, masyado siyang naging kampante sa pekeng kasal nila ni Greig.

Hindi niya naisip na matatapos rin ang lahat ng ito. At ngayon nga...

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Tumayo siya at nagpasyang pumasok sa village.

Mas lalo lamang siyang magiging miserable kung magmumukmok siya.

Pagkapasok niya ng village ay binati siya agad ng nagbabantay na guard, pero hindi niya nagawang batiin ito pabalik.

Mabilis na kumunot ang kaniyang noo nang makita si Greig sa tapat ng kaniyang apartment.

Unti-unti siyang lumapit para kumpirmahin na hindi siya namamalikmata o pinaglalaruan ng kaniyang imahinasyon.

Tumayo ng tuwid si Greig nang makita siya. Kaswal nitong inayos ang pagkakatupi ng puting long sleeve at tinanggal ang dalawang butones nito.

Sa simpleng kilos ng lalaki ay mas lalong nadipena ang pagiging makisig nito.

Natigilan si Ysabela. Ilang hakbang pa ang pagitan nila pero sinalubong siya ng lalaki.

Totoo ito. Hindi siya namamalikmata.

Hindi ba't kasama niya si Natasha? Iniwan niya sa ospital?

Bakit siya narito?

Kumunot ang kaniyang noo nang ilang hakbang na lang ang layo nito.

“I called you so many times, why you didn't answer your phone?”

Hindi niya mawari kung pagod o pag-aalala ang sumisingaw sa mga mata nito, dahil pilit iyong natatabunan ng galit.

Kinuha niya sa kaniyang bag ang cellphone para tingnan kung tumawag ba ito.

Limang missed calls ang naroon. Ang panghuli ay ilang minuto lang ang nakakaraan.

Saglit siyang natulala sa notifications na iyon. Sa loob ng dalawang taon ay ngayon lamang ito nangyari.

Ilang beses siya nitong tinawagan dahil hindi siya nito mahanap.

Kung nangyari ito noon paniguradong lumulukso na sa tuwa ang puso niya.

Pero ngayon, tila mas lalong naging matigas ang yelong bumabalot sa kaniyang puso.

Ibinalik niya ang cellphone sa bag.

“Hindi ko narinig.” Mahina niyang saad.

Itinaas ni Greig ang kaniyang kamay at nagbaba ng tingin sa suot nitong relo. Bumakas sa mukha nito ang pagkainip.

“I looked for you for two hours.”

Pagkatapos niyang madala sa ospital si Natasha ay bumalik siya sa bahay pero hindi niya mahanap si Ysabela. Halos halughugin niya ang buong villa pero hindi niya pa rin ito mahanap, tinawagan niya na rin si Christoff para tingnan nito ang surveillance camera ng kompanya para malaman kung saan ito nagtungo.

Pero ayon sa surveillance system ay dumiretso ang sinasakyan nitong taxi sa hilaga kung saan hindi na sakop ng surveillance system.

Mabuti na lamang at naalala niyang maaaring magtungo si Ysabela sa apartment nito. At tama nga siya, narito ang babae.

Wala man lang sa kaniyang pasabi.

Tiningnan ni Greig ang babaeng kaharap.

"Just tell me wherever you go next time. Let's go. I'm taking you home."

Tumalikod ang lalaki at naglakad patungo sa nakaparadang kotse. Hindi na ito lumingon kay Ysabela.

Buo na ang desisyon nitong bumalik sa kanilang bahay.

Sinundan naman ng tingin ni Ysabela ang lalaki. Malalaki ang hakbang nito, tila nagmamadali.

Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang bag at saka umiling.

Ngayon niya nakita ang katotohanan, na kahit ilang hakbang lamang ang layo nito sa kaniya, tila mahirap pa rin itong abutin.

Matagal na niyang pinapangarap ang lalaki. Pero anong mangyayari sa kanila bukas?

Aasa na lang ba siya hanggang sa maubos siya?

Muling humarap sa kaniya si Greig. Nakita nito ang pananatili niya sa kaniyang pwesto kaya kumunot ang noo nito.

“You're waiting for me to carry you?”

Tumigil ito malapit lamang sa lamp post kaya nasisinagan ng kaonting liwanag ang kalahati ng mukha nito.

Kahit kailan ay hindi niya nakitaan ng kapintasan ang pisikal na anyo ni Greig. Kahit pa sa dilim ay makikita ang pagiging guwapo at makisig nito.

Malungkot siyang ngumiti.

Marahil ang kagaya nito ay imposibleng maging parte ng kaniyang reyalidad. Hanggang panaginip lang ito.

“I'm not coming with you.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maryjane Mendoza
more more more
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Tama Ang desisyon mo Ysabella
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 239

    Pagkarating sa bahay ng mga magulang ni Rizzo ay dali-daling lumabas ng sasakyan ang lalaki. Samantala, dahan-dahan naman na lumabas ng sasakyan si Yvonne para sumunod sa kaniyang fiancé. Ngunit nasa bulwagan pa lang siya ng mansion ay naririnig na niya ang sigawan mula sa malayong kusina ng malaking mansion ni Damian Galvez.“That's enough, Mom. I’m taking Colleen home now!”“Rizzo!”Buhat-buhat ni Rizzo ang anak nito nang lumabas galing sa kusina. Nakasunod sa lalaki ang ina nitong si Filomena na bakas sa mukha ang labis-labis na pag-aalala at ang pangamba. Sa likod naman ni Filomena ay isang babae na hindi gaanong pamilyar sa kaniya.“Rizzo, they're just kids. Natural sa mga bata ang nag-aaway minsan.” Saad ng babae.Tumigil sa paglalakad si Rizzo at lumingon sa dalawang babae. Nakatikod na sa kaniya ang lalaki, kaya’t naiharap naman sa direksyon niya si Coleen. Nakita niya si Coleen na kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang pasa at galos nito sa pisngi.“Your son is older than my

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 238

    Pagkatapos ng kanilang lunch ay tumuloy naman sila ni Rizzo sa paghahanap ng condo unit. Mayroong mga condo, hotel at villa ang pamilya ni Rizzo, ngunit dahil sa naging lamat sa relasyon ng lalaki sa pamilya nito ay naisipan nito na bumukod na lamang sila at hindi na umasa sa tulong ng mga Galvez lalo na sa mga magulang nitong si Damian at Filomena. “May nahanap na condo unit si Dennis, tatlo sa nagustuhan niya ay naaprubahan ko rin kaya iyon na muna ang pupuntahan natin para kung sakali na magustuhan mo ay makapagclose-deal na agad tayo.” Masuyong ngumiti si Rizzo sa kaniya. Nasa passenger seat siya ng kaniyang sasakyan, samantalang ito naman ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho. Komportable ito sa kinauupuan at tila hindi alintana ang kaniyang presensya. Noon ay hindi siya nasasanay na magkasama sila ni Rizzo sa masikip na lugar, naiilang siya at hindi magawang maging komportable, ngunit mabuti na lamang at nasasanay na siya kahit paano sa presensya ni Rizzo. Nariyan pa ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 237

    "Dad joined us in the meeting." Ngumiti ng maliit si Rizzo. Hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Well, he's thinking that you could work under the architectural team of our construction firm." Tuloy niya. Bahagya na umawang ang bibig ni Yvonne. Hindi siya agad nakapagsalita sa tinuran ni Rizzo. Ilang sandali bago siya napaiwas ng tingin at dahan-dahan na umiling. "Tingin ko hindi dapat na sa linyang iyan ang magiging trabaho ko." Sagot niya. Naramdaman naman agad ni Rizzo ang mabilis na pagbabago ng kaniyang mood. Napatitig ito sa kaniya at marahan na nag-buntonghininga. "I'm sorry." He said. "Naisip lang siguro ni Daddy na ialok sa’yo na magtrabaho sa construction firm dahil... doon ka magaling." Nanlamig ang sikmura ni Yvonne. Hindi siya makapag-angat ng tingin kay Rizzo. Hindi niya gustong pag-usapan ito, ngunit alam niya na ginagawa lamang ito ni Rizzo para bigyan siya ng pagkakataon na pumili kung anong negosyo o trabaho ang gusto niyang hawakan. Tama nga naman si Ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 236

    Dahil hindi na makapagpokus sa kaniyang trabaho, nagpasya na lamang siyang tumigil na muna upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Inilapat niya ang likod sa swivel chair at dahan-dahan na bumuga ng hangin na kanina ay pumupuno sa kaniyang baga. Mabigat ang kaniyang paghinga, masikip ang kaniyang dibdib at nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay. Ngunit nakakabawi na siya. Thanks god, unti-unti na rin na humuhupa ang biglaang atake ng anxiety. Hindi niya gustong humarap kay Rizzo na nagpapanic pa rin. As much as she wanted to, gusto niyang patunayan din sa kaniyang sarili na nakokontrol na niya ang kaniyang emosyon. Mapagtatagumpayan niya ito. Magiging maayos din siya. Lumipas ang ilang minuto— oras marahil, dahil hindi na niya nasundan ang oras— naging maluwag na ang kaniyang paghinga at nawala na ang tila ulap sa kaniyang ulo na nagiging sanhi ng paglabo ng kaniyang pag-iisip. Nang maayos na kahit paano ang kaniyang pakiramdam, hinila niya ang isa sa mga hunos ng kaniyang

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 235

    Pabalik sa kaniyang opisina ay unti-unting rumihestronsa kaniyang isip kung gaano kaseryoso si Archie na patunayan ang kaniyang totoong pagkatao. Hindi ito pupunta sa kaniyang store kung hindi ito nakakuha ng sapat na ebidensya na maaari nitong panghawakan laban sa kaniya.Tama nga naman si Archie, hindi tutugma sa kaniyang DNA ang DNA ng labi ng taong inilibing noon, limang taon na ang nakakalipas, dahil hindi naman siya ang babaeng iyon.Kumuha lamang ng bangkay mula sa ospital sila Klaus at Agatha, bangkay na hindi kinukuha ng mga kamag-anak dahil walang sapat na pangbayad sa hospital bill. Si Klaus ang gumawa ng paraan para mabili ang bangkay, at mailibing para palabasin na siya iyon.Nang makapasok sa kaniyang opisina, agad na dumiretso si Yvonne sa kaniyang bag na nasa ibabaw ng mesa para hanapin ang kaniyang gamot. Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso, pinagpapawisan siya ng malamig at nag-aangat-baba ang kaniyang dibdib.Mabuti na lamang at nang pabalik na siya sa kaniyang opi

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 234

    TALAGA? Naging miserable ba ang buhay ni Archie dahil sa kaniya? Paanong magiging miserable ang buhay nito kung ang tanging nais lamang naman talaga nito ay pahirapan siya hanggang sa mawalan na siya ng ganang mabuhay pa? Tapos ngayon sasabihin nitong siya ang lunas sa buhay nitong miserable? Talaga ba? He's pathetic! He's a pathetic liar! Sigaw ng kaniyang isip. Umiling siya, at tuluyang tinalikuran si Archie. Hindi niya sasayangin ang kaniyang oras para lang makipagdiskurso sa taong nasisiraan na ng ulo. Hindi rin siya si Yvonne para patunayan ang kaniyang sarili sa hayop na ito. The more she wastes time to talk to this fool, the more he will believe that she's Yvonne. Kaya tama na. Hindi na niya pag-aaksayahan ng lakas at panahon ang baliw na ito. Ilang hakbang pa lang ay tumigil siya ulit at nilingon si Archie na nakasunod ang tingin sa kaniya. Dumaan ang pag-asa sa mga mata nito nang makita siyang tumigil at lumingon. Ngunit agad niyang binasag iyon. "I don't want to

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status