Three months ang OJT period nang magkaibigan na Yna at Roxanne. Isang araw na lang at papasok na si Roxanne, si Yna naman ay next week pa kaya naka tengga lang sila sa bahay nila pansamantala.
“Naku ha. Kung alam ko lang na mabait naman pala yang papa Nikko mo na yan, edi sana nung time na tinakbuhan natin sya ay nagpaiwan ako.” Sabi ni Yna.
“Mabait? Me sinabi ba ako na mabait sya? Hay nako Yna. Hindi ko matantya ang kayabangan nang lalaki na iyon. At kaya ako pumayag sa ganoong set-up ay alam mo na ang dahilan.” Naiiling na sabi ni Roxanne. “Tinulungan nya ako kaya hindi na ako makatanggi.”
Ksasalukuyan na nagpaplantsa nang mga damit na gagamitin nya si Roxanne habang kumakain naman nang chicharon si Yna at nakikipag kwentuhan sa kanya.
“Bongga ka pa rin, Rox. Model yun, at halatang madatung. Libo ang kinikita noon isang session lang nang photoshoot at kada paglabas nang mukha nya sa t.v.”
“Kaya nga ako nakapasok agad sa Logarte Media eh. Sya ang kumausap. Nakakahiya man na sabihin ay blessing in disguise din sya kahit papaano dahil baka hindi na ako nakahabol sa deadline kung hindi ko sya nakilala.”
“Baka naman ma fall ka sa papa Nikko mo.” Asar ni Yna.
“Never!” Mariin na sabi ni Roxanne. “M-mga tipo ni Alex sana ng gusto ko.. kaya lang..”
“Mga tipo ni Alex? You mean yung pagka playboy nya? Naku neng. Lalong madudurog ang puso mo kapag mga kagaya ni Alex ang hanap mo.”
Umiling si Roxanne. “Ano ka ba? Syempre hindi yung pagiging playboy nya. Yung pagiging sweet nya. Kahit naman mapagkunwari sya, naramdaman ko pa rin ang sweetness at pagiging caring nya.”
Pagkasabi noon ay ini-off na ni Roxanne ang plantsa at tinanggal sa saksakan.
“Ay sus Rox. Akala ko ba, nag-usap na tayo na kakalimutan mo na si Alex?”
Inayos ni Roxanne ang plantsahan at tumabi kay Yna. “Hindi ko maiwasan eh. Talagang hindi sya nag-effort para kausapin man lang ako. Nakakainis. Sana makapag move on na ako kaagad.”
“Iuntog mo sa pader ang ulo mo nang magka amnesia ka at makalimutan mo sya.” Natatawang sabi ni Yna.
“Edi pati ikaw nakalimutan ko rin? Sira ka talaga.”
“Makakalimutan mo rin sya, don’t worry. It will take time pero sure ako dyan. Teka, may ibibigay nga pala ako sayo.” Tumayo si Yna at may tila hinalungkat sa mga gamit nito. “Dyaran!” May inilabas itong tila garapon at isang paper bag at iniabot kay Roxanne.
“A-ano to?” Kunot ang noon a tanong naman ni Roxanne.
“Didn’t I promise you na tutulungan kitang mag diet at magpa beauty? Well, ito na iyon. This one is a diet tea. Drink that every night before you sleep. This one naman, “ Turo nito sa paper bag.” May mga moisturizers at pimple fighting products dyan.”
Nagulat si Roxanne. “Ano ka ba Yna! Hindi ko akalain na seryoso ka.”
Natawa si Yna sa reaksyon nang kaibigan. “Bitch. So hindi ka pala nagtitiwala sa akin?” Tila nagtatampo na tanong nito.
“Ay, hindi sa ganoon. Salamat ha?” Niyakap nya ito.
“Walang anuman. Kulang pa nga iyan kung sa ilang assignments at projects ko ang ginawa mo o tinulungan mo akong gawin ang bibilangin.” Nakangiting sabi ni Yna.
Natawa na lamang ang magkaibigan.
Kung tutuusin ay hindi naman ganoon kataba si Roxanne. Malaman lang ito at may kaunting taghiyawat sa pisngi at noo. Hindi naman ito pala puyat at laging naghihilamos pero nagkakataghiyawat pa tin ito.
Sa height nitong 5feet and six inches ay tila bumagay na rin ang katawan nito roon. May kahabaan ang buhok nya at natural na makapal iyon. Maputi rin sya kaysa sa pangkaraniwang pilipina dahil namana nya ang kulay nang mama nya na may lahing hapon. Pure Japanese ang lola nya at nakapag-asawa lang ito nang Pilipino.
Isang lingo na mula nang huling magkita sila Nikko at Roxanne at wala pa naming natatanggap na photoshoot o schedule nang pictorial si Nikko. Limang araw na rin syang tumutuloy sa pad nya na hindi nya madalas na ginagawa kapag wala syang schedule dahil sa mansion nya sila palagi umuuwi.
Kaya lang naman sya tumutuloy sa pad nya ay kapag inuumaga sya nang uwi kapag may pictorial o photoshoot. Nahihiya naman syang mang istorbo nang katulong sa kanila at tiyak na magagalit na naman ang daddy nya sa kanya.
Hindi sya nito talaga tinututulan sa career nya pero hindi rin sya nito pinupursige o sinusuportahan. Alam nyang nais na nitong mag training na sya sa kumpanya nila.
Mayroon syang house keeper na araw-araw na naglilinis sa pad nya na provided na nang management nang building. Ipinagluluto na rin sya nito nang agahan at tanghalian kung nandoon sya ngunit umuuwi na ito nang alas singko nang hapon kaya hindi na sya nito naipagluluto nang hapunan.
May katandaan na si Manang Tising pero masipag at masarap ito magluto. Masayahin rin ito at natutuwa sya rito kaya bukod sa sweldo na ibinibigay nang management at binibigyan nya ito nang tip. Ipinag go grocery rin sya nito. Nasa kanya na ang lahat nang hahanapin nang isang amo. Napaka convenient.
“Mukhang napapadalas ang pag stay nyo rito sa pad nyo sir. Sunud sunod ba ang schedule?” Tanong ni Manang Tising. Tapos na sya nitong iluto nang agahan at nagkekwentuhan sila habang kumakain sya.
“Wala ho akong schedule ngayong nakalipas na araw manang. Gusto ko lang ho mapag-isa.” Sabi nya. Sarap na sarap sya sa niluto nitong pancit. Alam na alam na nito ang mga pabortio nyang pagkain tulad nang pancit at adobo.
“Aba’y may problema ka bang bata ka?” Nag-aalalang tanong nito. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Ngumiti sya. “Naku manang, wala ho. Masyado na ho kasi akong nai stressed lately.”
“Oo nga, sir. Kailangan nyo ring magpahinga. Baka pumangit ka.” Tumawa ito. “Hindi mo na ako magiging tagahanga.”
“Ay nako manang hindi ho pwede yan. Sabi nyo sa akin, lifetime fan ko na kayo?” Sakay nya sa biro nito.
“Nagiging ulyanin na yata ako sir. Hindi ko ho matandaan. Pero kung forever kang magiging mabait, aba’y forever fan mo na talaga ako.”
Natawa si Nikko rito. “Kayo ho talaga manang. Hindi ho ako magbabago.” Sabi nya bago tapusin ang pagkain.
Kung tapos na ang gawain nang matanda ay hinahayaan ni Nikko na manuod nang tv ito sa sala. Sya naman kasi ay may sariling laptop at tv rin sa kwarto nya. Matapos kumain aya agad nyang hinarap ang laptop nya.
Internet ang pangunahing libangan nya. Mayroon syang mga accounts sa mga social networking sites. May public at private accounts sya. May mga kumukuha nga lang nang mga pictures nya at nagkukunyaring sya pero hinahayaan nya na lang. Hindi nya naman mapipigilan ang mga ito.
Isang oras na syang nakatapat sa laptop nya nang maisipan nyang hanapin kung may social network account rin si Roxanne. Nabasa nya ang whole name nito sa binder nito. Roxanne Velez. Napangiti sya nang makita na may lumabas sa pag search nya. Si Roxanne nga iyon.
Tiningnan nya ang maga pictures nito at natawa sya sa ibang pictures nito. Iba-iba ang pose nito, at talagang makikita na malaking babae ito. May mga lumang pictures ang babae at wala itong masyadong taghiyawat noon.
Agad nya itong ini-add sa kanyang friends list bago sya mag log out at manuod nang pelikula sa kanyang laptop.
“Good afternoon ma’am. Eto na po yung mga files na pinapahanap nyo sa akin kanina.”
Iniabot ni Roxanne ang hawak na folders sa amo.
“Good. Tiningnan mo ba kung may kulang?”
“Yes ma’am. Kompleto po’ng lahat ang mga iyan. Atsaka pinapasabi ho ni sir Magat, kailangan nya daw po kayo sa office nya, as soon as you arrive.” Sabi ni Roxanne sa amo.
Agad na napatayo mula sa kinauupuang swivel chair ang babae. “B-bakit daw?” Tila kinabahan ito.
“Wala po syang binanggit ma’am.”
“Okay. Just leave the files here.” Sabi nito bago tuloy-tuloy na naglakad palabas nang opisina nito.
Assistant secretary sya nang isang segment writer nang isang palabas na napapanuod sa Logarta Network, isang chanel sa tv na nagpoproduce nang iba’t ibang variety shows. Mabait naman ang amo nya at sa isang lingo na pagtatrabaho nya ay may mga naging kaibigan na sya sa department nila.
Alas siete hanggang alas singko ang pasok nila, may dalawang oras syang vacant mula alas onse hanggang ala-una nang hapon. So far ay hindi naman sya nahihirapan. More on researching kasi ang ginagawa nya at the same time ay nakakagamit pa sya nang internet kapag natapos nya na ang gawain nya.
Kasalukuyan syang nanunuod nang isang palabas sa computer nang tumunog ang cellphone nya. Si Nikko!
“Oh, bakit?” Tanong nya, nakatutok pa rin sa pinapanuod.
“Oy, parang awa mo na puntahan mo ako dito ngayon.” Tila nanghihina ito ayon sa pagsasalita nito.
Agad nyang pinause ang pinapanuod at napatayo. “B-bakit? Nasaan ka ba?”
“Nasa condo ko. Please pumunta ka rito ngayon na. Dalhan mo ako nang pagkain” Sabi pa nito.
“Aba? Gawin ba akong utusan?” Agad syang nairita rito.
“Ano ka ba. Seryoso ako. Nagugutom na ako. Hindi na ako makatayo.” Tila seryoso naman talaga ito.
Bagamat ayaw maniwala nang isip ni Roxanne ay pakiramdam nya naman ay totoo ang sinasabi nito.
“E-edi magpadeliver ka nang pagkain! Ano ka ba naman.”
“Basta. Itetext ko sayo ang address nang condo ko. Hihintayin kita.”
“H-hoy, teka! Nasa trabaho pa ako ngayon. Two hours pa bago ako lumabas!”
“Magpaalam ka na lang. Dalian mo ha. Bye.” Sabi nito bago putulin ang linya.
“Hoy! Teka! Hello? Hello?” Inis na inis si Roxanne. “Sira ulo talaga ang lalaking iyon.”
Sa huli ay nagpaalam sya sa boss nya. Pmayag naman iyon na mag under time sya dahil dalawang araw na rin naman sya nitong pinag overtime. Agad nyang nareceive ang address na itinext nang lalaki. Nireplyan nya ito nang “JERK.”. Nagreply naman ito nang “SLOW”.
Bagamat naiinis pa rin ay binilhan nya ito nang pagkain. Nagpatake-out sya sa isang fast food chain at nag taxi papunta sa condo nito. Sa 10th flor pa ang pad nito at hiningian pa sya nang i.d nang guard.
Nag doorbell sya nang ilang ulit pero walang nagbubukas. Akala nya ay mali ang pinangdodorbell-an nya pero tama naman ayon sa ipinadala nitong text. Tinawagan nya ang lalaki.
“Ano ba? Niloloko mo ba ako? Ang tagal ko nang nagdodorbell dito ah!” Tinaasan nya ang boses.
“Pindutin mo yung kulay pulang button sa bandang kanan nang pinto. Pag hininngi ang password, ilagay mo N-I-K-1-3-0. Bilisan mo.”
Ginawa nya ang sinabi nang lalaki at bumukas ang pinto. Luminga sya sa paligid pero wala ito sa sala at sa kusina. Napansin nya na bukas ang isang pinto kaya pumasok sya. Nakita nya ang lalaki na nakabaluktot na nakahiga sa kama nito.
“Hoy, ano ka ba? Tumayo ka na dyan. Heto na pagkain mo.” Linapitan nya ito. Marahan itong bumangon at agad na kinuha ang hawak nyang plastic bag.
“Salamat.” Sabi nito. Tila takam na takam ito sa pagkain na dala nya. Nagmamadali ito sa pagkain.
Napangiwi sya. “Ang p.g mo naman.” Sabi nya.
“Anong p.g?”
“Patay gutom! Parang isang lingo kang hindi kumain ah!” Sabi nya.
“Kagabi pa ako huling kumain! Nagkasakit ang house keeper ko, tapos wala na pala akong insant food supplies. Hindi na ako makalabas sa sobrang gutom. Nakalimutan ko’ng mag grocery kagabi. Hindi rin ako marunong mag grocery at magluto.” Paliwanag nito bago muling mabilis na kumain.
Napailing si Roxanne. “Ano ka ba namang tao ka? Pag go-grocery lang at pagluluto hindi ka pa marunong pero ang lakas mo’ng kumain!” Sabi nya rito.
Hindi ito nagsalita, nagpatuloy lang sa pagkain. Pinapanuod lang ito ni Roxanne. Ilang saglit pa ay naubos na nito ang pagkain at tila lumakas nga ito.
“Thank God, I’m full now. Akala ko mamamatay na ako sa gutom.”
“O sya. Tumayo ka na dyan at sasamahan kita mag grocery. Tutal naman ay naperwisyo mo na ako, lubusin mo na.” Sabi nya.
“Sandali lang. Give me time to digest.” Sabi nito. Tumayo ito at lumabas, marahil ay para uminom nang tubig dahil bitin ang softdrinks na kasama sa binili nyang pagkain.
Luminga-linga si Roxanne sa kwarto nito. Maluwag at puti ang motif nang kwarto nito, may pagka feminish. Nahagip nang mata nya ang laptop sa bedside table nito. Nakabukas iyon kaya linapitan nya. Laking tuwa nya nang malaman na may internet iyon.
Agad syang nag browse. Ilang saglit at muling bumalik si Nikko sa kwarto nya.
“In-add kita sa f******k. Tinanggap mo na ba?” Tanong nito. Umupo ito sa gilid nang kama nito. Naka sando’ng puti ito at naka jogging pants, revealing his sexines. Halatang alaga sa gym.
“Oo. Akala ko nga poseur mo lang yun eh.” Sabi ni Roxanne, nakatutok pa rin sa laptop. “Mahilig ka rin pala sa social networking sites.”
“Medyo, panglibangan.”
“Bakit ang konti pa lang nang friends mo?”
“Private account ko yung pinang-add ko sayo. Magulo sa public account ko, madaming mga nonsense messages and notes.” Naiiling na sabi nya.
Tumango lang si Roxanne. Makalipas ang mahigit tatlumpong minuto ay nag-aya na ang lalaki na mag grocery. May malapit na grocery store sa lugar na iyon kaya doon nila napagpasyahang mamili.
Pagpasok pa lang nila ay pinagtitinginan na sila nang mga tao. Si Roxanne naman ay napapayuko lang. Nahihiya syang makita na kasama sya ni Nikko. Baka pagkamalan pa syang katulong nito.
“Nakakaasar ka naman eh.” Sabi nya na lang dito. “Bilisan mo ang pagkuha nang mga kailangan mo nang maka-uwi ako kaagad. Magtataka si Yna kung bakit ako male-late.” Sabi nya.
Nikko just shrugged his shoulders.
“Which is better?” Maya-maya ay tanong ni Nikko, holding two brands of fresh milk packed.
“Kahit ano dyan.” Sagot nya. “But I think, mas okay yung naka pack nang green.” Sagot nya. Bagamat mahilig sya sa gatas ay cannot afford nya ang bumili nang fresh milk. Pang powdered milk lang ang budget nya. “Umiinom ka pala nang gatas.”
Tumango si Nikko. “It’s my favorite drink. Aside from rhum, of course.” Sabi nito. Inilagay na nito sa push cart ang napiling brand. Si Roxanne ang may hawak nang cart.
“Wow!” Dali-daling pinuntahan ni Roxanne ang isang istante na puno nang candies and sweets nang makita nya na mayroong dried mangos doon. “I’ll buy this.”
Lumapit naman si Nikko sa babae, leaving the push cart behind them.”You like that?” Tanong nito.
Tumango si Roxanne. “Nagtatrabaho sa isang farm na ang main product ay mangga ang mga magulang ko sa probinsya. Hindi kami nawawalan nang mangga, dried man o fresh sa bahay namin.” Kwento nya.
“Oh? Anong probinsya ba kayo nakatira?” Tanong ni Nikko habang kumukuha nang mga junk foods.
“Batanggas.” Sagot ni Roxanne.
“Talaga?”
“Parang di ka makapaniwala dyan?” Natatawang sabi ni Roxanne.
“Ah wala. May naisip lang ako.” Sabi ni Nikko. Sumipol pa ito.
“Ang weird mo talaga.”
“Mas weird ka nga eh.”
“Bakit naman ako pa ang weird?” Tanong ni Rox. Hawak pa rin nito ang dalawang supot nang dried mangoes.
“Kasi hindi ka nagkakagusto sa akin. I mean, girls are swooning over me kahit sa malayuan. Pero ikaw, hindi ka naaapektuhan nang presensya ko.”
Nangunot ang noo ni Roxanne. “Dapat nga matuwa ka eh. Immuned ako sayo.” Natatawang sabi ni Roxanne. Sa totoo lang ay kinikilig sya kapag malapit sya dito ngunit kilig iyon nang paghanga sa kakisigan nito. Ayaw nya lang sa ugali nito na mayabang.
Ang kilig na iyon ay napapalitan nang inis in an instant.
Nagkibit balikat lang si Nikko.
Tinapik lang ni Roxanne sa kamay nito ang lalaki bago tumalikod. Ilalagay nya na sana sa push cart ang dalawang balot nang dried mangoes na hawak nyanang magulat sya. “My God!”
“What the?” Kahit si Nikko ay nagulat rin sa nakita. May baby sa push cart nila! At nakangiti pa ito sa kanilang dalawa.
“Paanongnagkaroon baby dyan?” Agad na tanong ni Roxanne, nanlaki ang mga mata nito. Lumingon si Nikko sa kaliwa at kanan. “Push cart ba natin to?” Tanong nito kay Roxanne. Marami pa ring tao pero busy ang mga ito sa pamimili. Tiningnan ni Roxanne ang laman nang push cart kung saan naka upo ang baby. Nakangiti pa rin ito. “Oo!” Tumango s Roxanne. “S-sigurado ka?” Si Nikko. “O-oo. Heto yung mga pinili natin kanina.” Halata pa rin ang kaba sa mukha ni Roxanne. Nagkatinginan ang dalawa. “Shit. Kaninong baby yan?” Napamura na si Nikko. Napahawak ito sa sariling noo. Naglalaro pa ang baby nang hawak nitong isang piraso nang rubber blocks. “Teka, ipa-page natin to’ng baby. Baka di sinasadyang nailagay sa push
“I have aphotoshoot later, ikaw muna ang bahala kay Raven.” Sabi ni Nikko sa kabilang linya. Naiiyak nya pa ang cute na boses ni Raven sa background. Tila naglalaro ito. Napatayo si Roxanne mula sa kinauupuang office chair nang marinig ang sinabi ni Nikko. Isang lingo nang nasa pangangalaga nila si Raven, at salitan sila sa pag-aalaga dito. Pumupunta na lang sya sa pad ni Nikko dahil baka ma chismis pa sila pareho kapag nasa apartment nila ni Yna ang bata. Tinutulungan rin siya nang tagalinis nito na si Manang Tising. “What? Nasa trabaho ako Nicholas. Ano ba? Hindi ba pwedeng maghanap ka muna nang mag-aalaga sa kanya?” Mahinang sabi nya. Nagtago sya sa gilid nang lamesa nya dahil baka mahuli sya nang supervisor. “C’mon Roxanne. Hindi ko pwedeng ipa cancelled ang photoshoot na ito. One month nang naka schedule to, lalo namang hindi ko pwedeng dalhin si
“Roxanne, pinapatawag ka ni ma’am.” Si Sandra iyon, isa rin sa mga nag o-OJT sa department na iyon. Magka edad lamang sila pero mas mukha itong matured sa kanya. Palagi kasing nakasalamin. Tiningala ni Roxanne ang babae. Nakaupo lamang kasi sya. “B-bakit daw? May error ba sa files na pinasa ko?” Agad nyang tanong. Natawa si Sandra. Hindi, ano ka ba. May sasabihin ata. Kanina ka pa nya hinihintay eh.” Sabi nito. May hawak rin itong mga papeles. Isa ito sa mga una nyang nakapalagayan nang loob. Na late sya nang almost thirty minutes dahil hinatid nya pa si Raven sa pad ni Nikko. Hinatid kasi ni Nikko si Raven sa apartment nila ni Yna alas diyes nang gabing iyon dahil biglaan dawn a nag-aya ang mga kapwa nya model na mag-inom sa pad nya. Nang makumpirma nya na nakaalis na ang mga kaibigan nito nang umagang iyon ay ihinatid nya na si Raven dahil may
Isang oras pa ang lumipas at narating na nila ang lokasyon. Madami nang tao at may naitayo na ring set doon. Nature ang theme kaya doon ginanap ang photoshoot. “Ang alam ko, part pa rin ito nang Hacienda Victoria, eh. Hmm. Ang sabi nila mama at papa, may pagka masungit daw ang may ari nitong lupa. Paano kaya nila napa payag na dito mag photoshoot?” Out of the blue ay sabi ni Roxanne. Narinig iyon ni Nikko at natawa ito. Kunot ang noo na tiningnan ni Roxanne ang lalaki. “Anong nakakatawa?” “Wala naman.” He stopped. “Amber is coming. Yakapin moko.” Bigla ay bulong nito. “H-ha?” Bagamat narinig nya nang malinaw ang sinabi nito ay hindi nya agad nakuha kung paano nya ito yayakapin. Wala silang close contact nito bukod sa tuwing kinukuha nya mula sa pagkaka karga si Raven dito.&nb
“I don’t know Yna. Naguguluhan ako sa mga pangyayari. Nakaka asar naman kasi eh.” Tila maiiyak na syabi ni Roxanne habang k“ausap si Yna sa cellphone. “My God. Napak misteryoso pala ni Nikko no? Eh si Raven?” Sabi nang nasa kabilang linya. Kinwento nang kaibigan ang mga pangyayare, lalo na ang nalaman nyang napaka yaman pala nang kasama nito. “E-ewan ko. Pagkaturo sa akin nang gagamitin ko raw na kwarto, hindi pa ako lumalabas. Naiinis ako kay Nikko. Nag mukha akong tanga!” Pumadyak pa sya pagkasabi. Napahagikhik si Yna. “Ayos lang yan. Ayaw mo nun, kaibigan mo ang amo nang mga magulang mo?” Umupo sa gilid nang kama si Roxanne. “Ah basta. Naiinis ako sa kanya Yna. Grabe. Hindi na lang ako uuwi sa amin. Ano na lang ang sasabihin nila mama kapag nalaman na kasama ko ang Nicholas na yun?” Bumuntong hininga sya.
“P-pasok kayo.” Linuwagan nya ang bukas nang pinto. Kinuha nya si Raven kay Nikko at agad itong linawayan. “Hinid na kita tinawagan. Nakita ko’ng ito’ng nag iisang bahay na bukas ang ilaw eh.” Sabi ni Nikko. Noon din naman ang paglabas nang mag-asawa sa kwarto. “Nay, tay, si Sir Nikko po.” Diniinan nya ang salitang ‘sir’. “M-magandang gabi ho. Pasensya na po kayo sa istorbo.” Magalang na sabi ni Nikko. “Aba’y kalaki mo na nga? Huling beses kitang nakita, trese anyos ka pa lang senyorito.” Nakangiting bati ni Rosita. “Maupo po kayo Senyorito.” Sabi naman ni Lando.Alas dose na nang madaling araw ngunit gising na gising pa rin si Roxanne. Katabi nila nang nanay nya si Raven, samantalang si Nikko naman ay k
Literal na napa-nganga si Roxanne ng makita ang water fall. Ang linaw ng tubig na binabagsakan nito, halatang may kalaliman at nakaka mangha ang mga bulaklak sa paligid."Wow! Ang ganda naman dito!" She exclaimed."Oh, dba? Tapos ayaw mo pa sumama." Tila naninisi pa na sabi ni Nikko. Itinali nito sa isa'ng puno ang tali ni Scyte."Sa inyo pa rin ba 'to? Hindi ko to alam. Ngayon ko lang to nakita." Mangha pa rin na sabi nya. Madalas din syang pumunta sa Hacienda kapag pinapayagan syang tumulong ng nanay at tatay nya.Pero hindi talaga sila iminulat sa mga gawain sa hacienda ng nanay at tatay nila ng ate nya. Talagang gusto ng mga ito na mag-aral sila sa Maynila at makatapos ng kolehiyo kaya kung nakita nya man ang lalaki noon ay hindi nya na ito namukhaan."Yes, of course. Iilan lang talaga ang may alam nito. Actually, si mommy ang nag preserve nito, before she started her business in Paris so kami na lang nag alaga." Paliwanag nya.Nilingon
Madaling araw ng umalis sila sa Hacienda. Hindi na nila pinasama si Minda dahil ang balak nga nila ay I turn over na sa DSWD si Raven. Ipapaliwanag na lang nila ang nangyari.Alas siete ng madaling araw sila naka rating sa condo ng lalaki. Dating gawi, nauna sila at sa ibang way naman dumaan ang lalaki papunta sa condo nito. Diretso pasok na sya since pwede pa naman sya pumasok, at tamang tama dahil magaling na si Aling Tasing at pinag stay in na muna ito ni Nikko.Napag usapan nila na mamayang hapon na lang nila idadala sa DSWD si Raven. Halata ang kawalang sigla nilang dalawa pero kailangan na nilang gawin iyon.Nang marating nya ang office ay hindi nya inaasahan na madaming mga kasamahan nya ang babati sa kanya, dahil nga nalaman rin ng mga ito ang ginawa nya.Hindi pa raw makakapasok ang boss nila dahil inabisuhan ng doctor nito na kailangan nitong magpahinga.Kinahapunan, parang gusto nyang pigilan ang oras. Sa oras na pumunta sya sa condo ni