They were polar opposite; He's rich, a model, and a playboy. She's poor, thriving every day, and got played by her ex. They met in an awkward situation and a missing baby came their way. Mayroon bang pag-asa na magkaroon sila ng feelings sa isa't isa?
View More“Seryoso ka ba Rox?” Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Yna sa kaibigan.
Sunud-sunod na tumango si Roxanne sa kaibigan. Determinado syang gantihan si Alex, ang ex nya na pinaglaruan lang pala sya. Nakipagpustahan lang pala ito na mapapasagot sya nito in one week sa mga kaibigan nitong playboy rin. Mag-iisang buwan na sana sila nang marinig nya ang pag-uusap nang mga ito.
“Nababaliw ka na Roxanne. Hindi mo alam ang pinapasok mo.” Napapailing na sabi ni Yna. Tutol sya sa idea nang kaibigan.
Yumuko si Roxanne. “I’m sorry Yna. Ang sakit lang kasi talaga.”
“Yun na nga. Alam kong masakit. Pero simula pa lang, pinagsabihan na kita. Kilalang playboy si Alex, at kahit ikaw ay nagulat nang bigla ka nyang ligawan. You told me na hindi mo seseryosohin ang lahat.” Sabi ulit ni Yna.
“I did. I mean, masyadong makatotohanan ang mga sinabi at ipinakita nya. Nadala ako.” Tila maiiyak na sabi ni Roxanne.
Natampal ni Yna ang noo. “My God Rox! Para saan pa at tinawag na playboy si Alex kung hindi sya magaling mambola?”
Hindi nagsalita si Roxanne. Nakayuko lang ito.
“Atsaka, para saan pa yang paghihiganti na yan? Sa tingin mo ba ay maaapektuhan nyan si Alex gayung wala naman pala syang nararamdam para sayo? I hate to say this Rox, pero ang loser mo’ng tingnan kung itutuloy mo yan.” Habol ni Yna.
Huminga nang malalim si Roxanne. Tiningnan nya ang kaibigan. “I’ve been such a loser all my life, Yna. Alam mo yan.” Mahinang sabi nya.
“No, I don’t mean It in a bad way Rox. Mahal kita, alam mo yan. Ayaw ko lang na magmukha kang tanga, lalo na kung kay Alex lang din.”
“Yna, just this once. Siguro naman, kahit kaunting feelings ay meron si Alex para sa akin. Paano nya naatim na yakapin ako sa harap nang ibang tao? Hindi ba sya nandiri gayung hindi nya naman pala talaga ako mahal?”
Umiling si Yna. “Given the fact na ganoon nga. Pero nasaan sya ngayon? For sure naman ay alam nya na dapat na alam mo na ang lahat. Sana man lang, nagpaliwanag o nag-sorry sya. It’s been five days! At tatlong araw ka nang hindi pumapasok!”
Muling ymuko si Roxanne. Tila maiiyak na naman ito. Napansin naman ito ni Yna. Nilapitan nya ito at tinabihan sa upuan.
“Rox, marami pang maaaring magmahal sayo. Yung tunay at di ka lolokohin. Why waste time on that jerk?” Pang-aalo ni Yna rito.
“Yna, alam mo naman sa itsurang kong ito ay malabo ang sinasabi mo.” Mahinang sabi ni Roxanne.
Inakbayan ni Yna ang kaibigan. “No, don’t say that. Wala namang perpekto eh. Doon mo nga malalaman kung totoong mahal ka nang isang tao, diba?”
“You don’t understand, Yna. Maganda at sexy ka kasi kaya hindi mo alam kung gaano ako ka-insecure sayo minsan.” Pag-amin ni Roxanne sa kaibigan.
Tila nagulat si Yna. “What? Insecure ka sa akin?”
Nahihiyang tumango si Roxanne.
Mahinang hinampas ni Yna ang braso ni Roxanne. “Sira ka talaga. Ano bang dapat ika-insecure mo sa akin? Dahil ba sexy ako at chubby ka? My God Rox. Kung tutuusin mas matalino ka naman sa akin eh. Maaari ka namang magpa-payat.”
Hindi nagsalita si Roxanne.
“Okay. Ganito na lang Rox. I will help you. I’ll tell mom to buy me diet teas at pampakinis na product. Ano, okay na ba yon?” Nasa Canada kasi ang mama nito. Doon iyon nagtatrabaho at pinapadalhan na lamang sya nang allowance.
Napatingin si Roxanne sa kaibigan. “Ano ka ba. Huwag na. Okay na ako. Andyan ka naman eh.” Tipid na ngumiti si Roxanne sa kaibigan.
“Ah basta. Iwasan mo kasi ang mga oily foods para hindi ka na magka pimples. Maputi ka naman eh. Need mo lang mag diet.” Sabi pa ulit ni Yna.
Dalawang taon nang magkasama sa apartment na iyon sina Roxanne at Yna. Magkaklase ang mga ito noong second year college na sila. Bagong lipat pa lamang si Yna sa Unibersidad de San Gabriel at magka course sila kaya sila nagkakilala.
Noong una ay hindi akalain ni Roxanne na makakasundo nya ito. Sa unang tingin pa lamang kasi ay tila masamaa ng ugali ni Yna. Palagi itong naka make-up at hindi nawawalan nang chewing gum na nginunguya sa bibig. Madalas rin itong naka skirt dahil maaari silang magsuot nang civilian.
Nagkataon naman na ang katabing upuan na lamang ni Roxanne ang bakante kaya roon pinaupo si Yna. Nasa likuran kasi si Roxanne dahil bukod sa matangkad ito ay medyo loner sya, at hindi nya makasundo ang mga kakalase nya.
Nalaman ni Roxanne na naghahanap nang mauupahan si Yna nang minsan ay kinausap sya nito at tinanong kung may alam syang pwedeng upahan. Nagkataon rin na nang lingo na iyon ay umalis na ang isa nyang kasama na si Jobel dahil uuwi na ulit iyon sa probinsya.
Doon nagsimula ang kanilang pagkakakilala. Nagkasundo sila dahil pareho pala silang palakwento, masayahin at karamihan nang mga hilig nila ay nagkaka tugma. Pareho sila sa maingay na music, fan sila nang ilang rock bands, foreign at local. Pareho rin silang mahilig mamili sa mga ukay-ukay kaya ang apartment nila ay tila dressing room na.
Pareho rin silang umiinon na nang alak. Isang dahilan kung bakit hindi sila close sa mga kaklase nila ay pakiramdam nila ay tila nagmamalinis ang mga ito. Tila mga inosente at hindi totoo sa mga sarili. Si Yna ay naninigarilyo. Si Roxanne naman ay marunong rin ngunit bihirang bihira kung manigarilyo.
Taga Cavite si Yna, at nang matanggap sa trabaho sa Canada ang mama nito ay nagpasya si Yna na lumuwas at doon mag-aral. Hindi nito nakilala ng ama dahil buntis pa lang ang mama nito nang iwan sila nito. Sustentado ito nang ina nito, pati ang laptop nito at kung anu-anong gadget na ipinapahiram naman ni Yna sa kaibigan.
Si Roxanne naman ay taga Manila lang ngunit ang mga magulang naman nitoang nagpasyang umuwi sa probinsya at ang nag-iisang kapatid na babae ay nag-asawa na at nasa ibang bansa na. Pinapadalhan lang din ito nang pang-gastos at pang-tuition.
Lalong tumibay ang pagkakaibigan nila. Kapag hinahanap nang mga tinataguang manliligaw nya si Yna ay si Roxanne ang ipinangdadahilan nya. Ito ang pinapasabi nya na lumipat na si Yna.
Sabado nang hapon. Walang maisip gawin si Nikko kaya tinawagan nya ang mga kapwa nya model upang ayain ang mga ito gumimik. Sabado noon kaya alam nyang may kanya-kanyang bar na pupuntuhan ang mga ito kung wala silang photoshoot o schedule.
Napagkasunduan nilang magkita sa isang mall nang alas-syete nang gabi. Sabay sabay na lang rin silang kakain nang hapunan sa isang restaurant.
“Hey, baby boy. Looking good.” Salubong na sabi ni Andrew kay Nikko. Ramp model ito at nag-iendorso rin ito nang men’s under garments ng isang sikat na shop.
Ngumiti si Nikko at nakipag-apir rito. “Si Jake?” Tukoy ni Nikko sa isa pa nilang kasamang model.
“Nasa parking lot pa. May inaayos lang. By the way, kasama namin si Amber.” Nakangisi na sabi nito.
Biglang nawala ang ngiti ni Nikko. “Your’e kidding me, pare.”
Natawa si Andrew sa reaction nang kaibigan. “Of course not. She’s really with us. She heared na tinawagan mo si Jake at nag-aaya gumimik.”
“What the heck! Ang bilis naman nang chismis! May sa mangkukulam talaga yang babae na yan.” Hindi maipinta ang mukha ni Nikko habang sinasabi iyon.
“I’m sorry pare.” Sabi ni Andrew pero natatawa ito.
Napapailing na lamang si Nikko. Amber is the most persistent girl na nakilala nang lalaki. Pilit nitong pinagpipilitan ang sarili kahit matagal nang tinapat ni Nikko na wala syang pagtingin rito.
“Here they are.” Si Andrew ulit.
Hindi magawang tingnan ni Nikko ang entrance nang restaurant na kakainan nila kung saan papasok na si Jake at si Amber. Kung tutuusin ay napaka ganda ni Amber. Half Mexicana ito at anak nang isang may-ari nang shop na iniendorso nila. Ngunit hindi nya ito type, lalo na ang pagka aggressive nito. Halatang liberated.
“Hi Nikko.” Kaagad na bati ni Amber.
Hindi ito pinansin nang binata. Tumabi pa ito sa kanya. Tila manhid na ito sa cold treatment na ibinibigay nang binata.
“So, shall we order now?” Si Jake iyon. Natatawa rin ito dahil alam nila kung gaano ka-ayaw kasama ni Nikko ang babae.
Tumango lang si Nikko.
Matapos kumain ay pinag-usapan nila kung saang bar o club sila pupunta. Lalo pang nainis si Nikko nang malaman na walang dalang sasakyan ang babae at diri-diretso itong sumakay sa kotse nya. It means na obligado na naman syang ihatid ito pauwi.
“Damn you.” Matigas na sabi ni Nikko sa mga kaibigan bago sumakay sa kotse nya. Rinig nya pa ang malutong na halakhak nang mga ito bago rin sumakay sa mga kotse nito.
Maluwag ang parking lot dahil maaga pa naman. Si Amber naman ay pilit na umaabrisiyete kay Nikko ngunit tinatanggal nya lang ang kamay nito.
Kaunti pa lamang ang tao sa club na pinuntahan nila kaya madali silang nakapili nang pwesto. Kaagad silang umorder nang alak.
“It’s been a while since we last went out like this.” Palinga-linga na sabi ni Jake. Half Spanish naman ito ngunit fluent rin magtagalog.
“Si Nikko naman kasi. Everytime na inaaya ko sya, marami syang dahilan.” Malambing na sabi ni Amber.
Inirapan lang ito nang lalaki ngunit binalewala iyon ni Amber. Humilig pa ito sa balikat nang lalaki ngunit gumalaw si Nikko kaya hindi iyon naituloy ni Amber. Sumimangot ito. Aliw na aliw naman sa dalawa sila Jake at Andrew.
Alas tres na nang madaling araw sila nagpasyang umuwi. Bagamat ayaw sanang makasabay ni Nikko si Amber ay wala syang nagawa. Ayaw nya namang bastusin ito at kakilala nang pamilya nila ang pamilya ni Amber. Medyo tipsy na ito kaya lalo itong nagiging makulit.
Hinihila nito ang kamay nya habang nagda-drive sya.
“Amber, stop it. Baka mabangga tayo.” Saway nya rito. Pero hindi pa rin ito tumitigil. She’s been saying na yakapin sya ni Nikko. Lalo syang nainis rito. Sa inis nya ay itinigil nya sa tapat nang isang 24-hours open na fastfood chain ang sasakyan nya.
“Nikko..” Sabi ni Amber, Nakapikit na ito, halatang antok na ngunit napaka-kulit pa rin nito.
“Damn.” Anas nang lalaki. “Wait for me here.” Nakaramdam sya nang pagpunta sa bathroom kaya bumaba muna sya saglit. Inilock nya ang pinto at ibinilin iyon sa guard. Mahirap na. Ang alam nya ay isa ang lugar na iyon sa mataas ang rate nang mga hold-uppers.
Kaunti na lamang ang mga tao na kumakain. Nasa second floor ang bathroom kaya agad syang umakyat. Naghuhubad na sya nang belt nang magulat sya nang may makita syang babae sa c.r nang mga lalaki. Agad nyang isinara muli ang sinutron.
“What the! Miss, sa kabila ho ang c.r nang mga babae.” Inis at mariin na sabi nya. Lalong nadagdagan ang inis nya.
“A-alam ko ho. Pasensya na. Hindi ho ako titingin, promise.” Sabi nang babae bago tumalikod.
Kumunot ang noo ni Nikko at napa-iling. “Tsk, tsk. Nevermind. Nawala na ang urge ko.” Sabi nito bago muling pumunta sa pintuan at lumabas.
Sinundan ito nang babae. “Mister, pasensya na-“ Nahawakan nya ito sa braso nito.
“Roxanne?” Sabi nang boses nang isang lalaki.
Napatingin ang babae sa lalaking nagsalita. Napatigil naman sa paglalakad si Nikko at napatingin rin sa lalaking nagsalita..
“A-alex..” Napalunok nang laway nya ang babae.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong nang tinawag na Alex. Napatingin ito kay Nikko at sa kamay nang babae na naka-abrisiyete sa braso nang lalaki. “Sino sya?”
Tiningnan ni Roxanne ang lalaking dapat ay iihi sa c.r. “Ah, b-boyfriend ko sya. Nagpasama lang.” Sabi nang babae. Nanginginig pa ito sa kaba.
“W-what?!” Si Alex iyon.
Nagulat si Nikko sa sinabi nang babae. Maski ang lalaki ay nagulat rin. Ngunit bago pa makapagsalita si Nikko ay may babaeng sumulpot.
“N-Nikko? Who is she?” Si Amber iyon. Halatang gulat rin ito. Nanlaki ang mga mata nito nang makita na naka-abrisiyete ang babae kay Nikko. “What’s the meaning of this?” Tila nawala ang pagka tipsy nito.
“Ah, eh.” Hindi malaman ni Nikko ang gagawin at sasabihin. Ni hindi sya makagalaw.
“Good Morning Ma’am.”Hindi na mabilang ni Roxanne kung ilang bati ng bawat employees ang natatanggap nya sa araw araw na pagpasok nya. She would just give them her smile and she would start her day with a hot coffee on her table matapos makipag batian.“Ma’am, the papers you requested have arrived. Should I bring them in now?” Her secretary’s voice was heard on the intercom.“Was that the submitted stories for the upcoming documentary?” She asked.“I believe it is, ma’am. It’s still sealed.”“Alright, bring them in. Kumuha ka na rin ng pencil and notepad, paubos na supply ko dito.”“Yes ma’am.”Maya maya pa ay pumasok na ang secretary nya dala dala ang ilang sealed folder at inilapag sa table nya. Pagbalik daw nito ay dala na nito ang pinapakuha nya’ng supplies.For four years after her graduation, she worked her w
Two weeks.Two weeks na silang hindi nagkikita o nag uusap ni Nikko.At kahit mahirap, life must go on.Hindi naman sila pormal na nag break. It's like giving their own self a space.Busy na sya sa pag aayos ng requirements para sa dadating na graduation.She's confident about it.. sa puso nya lang hindi."Uy, sabay na tayo mag lunch. May iba ka bang kasabay?" Nilingon nya ang kaklase nya na tumawag sa kanya.Umiling sya. "Wala. Sige, sabay na tayo. Ayusin ko lang to." Tinuro ko yung folders na nasa mesa ko.She nod, tapos bumalik na sa mesa nya.In good terms naman sya sa mga kaklase nya, nagkataon na si Yna lang talaga ang pinaka vibes nya. This week pa lang kasi matatapos ang ojt ni Yna kaya solo flight lang sya sa school nila.Nang mailagay nya na ang mga folders na naglalaman ng mga requirements nya sa bag nya ay inaya nya na ang kaklase nya."Good thing maaga natin natapos ojt natin. Yung iba next mon
Nanlalaki ang mga mata ni Roxanne ng makita ang singsing."Plase, say you'll marry me." Nagsusumamo na sabi ni Nikko."What.. N-nicholas.." Hindi nya mahapuhap ang sasabihin. Nagpalipat lipat ang tingin nya between the ring and Nikko. "I-I..."Nikko got up. "We don't have to be married now. Just tell me you'll marry me. Next year, or after five years. Or-""This is insane." Bigla ay binundol ng kaba ang dibdib nya. "I mean.. i'll marry you.. pero bata pa tayo." Puno ng tanong ang mga mata nya. Bakit bigla nito iyon inopen?Imbes na sumagot ay siniil sya nito ng halik."I love you. And that's what matters." He said after the kiss, then got the ring tapos isinuot sa kanya.Hindi na sya tumutol, but she felt burdened by it."B-baby..""No, don't. No doubt. I love you, you love me, right?" Mabilis na sagot ni Nikko."Listen.." Mabilis na rin na tugon. "Hindi ko alam kung bakit bigla bigla mo na lang ako inaya magpakas
Dahil nagpaalam naman si Roxanne, hindi naman na sya nag panic ng makita sa orasan na alas sais na ng umaga. Nikko is still in his sleep. Bumangon sya at naligo na.Since okay naman na ang tatay nya ay mag ha half day sya. Sayang kasi yung oras.Nagbibihis na sya ng bumangon si Nikko. He was still naked."Idaan mo na lang ako sa office. Papasok ako kahit half day." Sabi nya bago ito pumasok sa bathroom.Nangunot ang noo nito. "Wag ka na pumasok.""I have to. Madami pa ako tatapusin. My Ojt ends this week." Sabi nya habang nakaharap sa salamin at inaayos ang sarili.Lumapit si Nikko sa kanya at niyakap sya mula sa likod. "Please, baby? Wag ka na pumasok? May gusto sana ako'ng puntahan natin."He was being lovey dovey all of a sudden. Hinarap nya ito. "Saan naman? But i really have to go to the office kahit half day."Nikko sighed and let go of her. "Alright. Hindi naman siguro tayo magtatagal dun. I'll shower then aalis na tayo.
Tahimik at busy ang lahat ng bumalik si Roxanne sa department office nila.She can already feel the thick air.Pero wala na syang pake. Pagkatapos ng araw na ito, apar na araw na lang ang bubunuin nya para matapos na ang responsibilidad nya doon.Dumiretso sya sa cubicle nya at nagsimula ng mag trabaho.She had to stop the tears that kept on running through her cheeks.Gusto nyang habulin si Nikko. Gusto nyang habulin ito at sabihin na mali ito ng inaakala. She can proudly scream to the world that she has the most awesome boyfriend. Pero hindi nya naigalaw ang mga paa nya upang maabutan ito.Nakita nya na lang ang sarili na naglakad pabalik sa department nila.Focusing on her work while thinking about Nikko is one of the hardest thing she had dealt with for the day. Gusto nyang magpaliwanag. Pero nandun pa rin yung kagustuhan nya na maintindihan din ng lalaki ang kalagayan nya.They have so many differences. They both learned t
Being with the playful and sweet Nicholas is one hundred percent much better than the mad Nicholas, that's for sure, Roxanne thinks. Nikko looked freaking scary getting mad. Pakiramdam ni Roxanne ay biglang napunta sa ibang dimensyon ang sweet at playful side ni Nikko that time.Pero ano ba ang magagawa nya? Possessive ito when it comes to her. Nasasanay na sya, pero hindi pa rin sya ganun nakakapag adjust. May side pa rin sya na nasasakal, but she really liked it when Nikko's being sweet and all.She saw the frustrations in his eyes when she told him na i drop o ihatid na sya sa apartment nila ni Yna. She wanted him to think of things ng wala sya sa tabi nito. Ayaw nyang maging dependent si Nikko sa kanya. Ayaw nyang kapag magdedesisyon ito ay palaging nandun sya dahil pareho nilang alam na maiimpluwnsyahan at maiimpluwensyahan ng presensya nya ang desisyon na gagawin ng lalaki."You came home early." Naka ngiti na sabi ni Yna ng pagbuksan sya nito ng pinto.
Comments