Kanina pa hindi mapakali si Nikko. Hindi nya alam kung tatawagan nya ang babae o hindi. Hindi sya interisado rito, nais nya lang malaman kung bakit bigla sya nitong ipinakilalang boyfriend.
Napulot nya ang binder nito at isang pouch kung nasaan nakalagay ang pera nito, eyeglasses at ilang personal na gamit. May nakalagay na landline number sa binder nito at address.
“Nikko, Friday ngayon. Hindi ka ba sasama mamaya sa gimik?” Tinapik ni Jake sa balikat ang lalaki. Nakapagbihis na ito. Kakatapos pa lamang nang fashion show sa isang foundation day nang isang unibersidad kung saan sila inimbitahan.
“Hindi ko pa alam pare. Tawagan ko na lang kayo. And please, sana naman hindi na makarating kay Amber to. She’s a mess!” Naiiling na sabi nya, hawak pa rin ang pouch at binder.
Napansin naman ito ni Jake. “Oh, bakit may binder ka? Pati pouch na pink?” Nangunot ang noo ni Jake.
“Ah, eh, sa kaibigan ko to. Pinahawak lang. Sige pare, una na ako. Paki sabi na lang kay Sandra.” Tukoy nya sa manager nila. Dali-dali syang lumabas nang dressing room at dumiretso sa sports car nya. Inilagay nya sa front seat ang pouch at binder.
Pinuntahan nya ang address nang babae na nakalagay sa binder nito. Isang five storey building ang tumambad sa kanya. Agad nyang hinanap ang pangalan at number nito. Iniisip nya na baka importante sa babae ang mga gamit na iyon lalo na at malaki-laki rin ang pera na nasa pouch.
Hindi sinasadya ay may nalaglag mula sa binder. Picture iyon. Picture iyon kung saan kasa araw na iyon. Nahilo sya kakaisip. Agad nyang idinial ang telephone number nito.
“Hello, may I speak with Roxanne Velez please?”
“Yna anung gagawin ko? Nasa baba na daw sya. Hawak nya ang binder at pouch ko.” Hindi mapakali na sabi ni Roxanne. Nakabihis sya nang oras na iyon dahil pupunta na sana sya sa pinag-applyan nya nang mag ring ang telepono nila.
Noong hapon na iyon ang interview nya. Palabas na sana sya nang tumawag sa landline ang lalaki. Si Yna ang nakasagot. Gusto daw nito na magkita sila sa maliit na canteen na nasa baba nang apartment nila.
“Edi bumaba ka. Bahala ka, nasa pouch mo yung pera mo.” Natatawang sabi ni Yna.
“Pinagtatawanan mo pa ako. Nakakahiya kaya.” Nakangiwing sabi ni Roxanne.
“Bakit ka mahihiya? Tsaka if ever magtanong sya kung bakit mo sya pinakilalang bf, sabihin mo ang totoo. Hindi naman sya mukhang nananakit.” Sabi pa ni Yna. Kasalukuyan itong nagbabasa nang magazine.
“Eh nag-away nga sila nang gf nya dahil sa ginawa ko no. Malamang galit yun sa akin.” Sabi nya.
Umiling si Yna. “No, If ever, kung sasaktan ka nya, bakit sa canteen pa sya nag-aya? I mean, maraming tao dun.”
Sa huli ay nagpasya sya na harapin ang lalaki bagamat kinakabahan talaga sya. Nahihiya rin sya rito. Model pala ito, at natatandaan nya na nakita nya na rin ito sa isang commercial sa tv.
Luminga linga sya sa paligid nang makapasok na sya sa maliit na canteen. Nakita nya ang lalaki sa isang gilid. Naka shades at naka cap ito at nakayuko. Siguro ay upang hindi sya makilala nang mga tao. Lumapit sya rito at umupo sa harap nito.
“H-hello.” Pilit syang ngumiti.
Luminga ang lalaki. “Hello ka dyan.”
“Ah, diba nasa sayo yung binder at pouch ko? Pwede ko bang makuha?” Alanganin syang ngumiti.
“Teka. Sa tingin mo ba ay ganun lang yun kadali?”
“T-teka rin, kung nag-away man kayo nang girlfriend mo dahil sa akin, pasensya na. Nagipit lang ako nang oras na iyon. Hindi ko talaga sinsasadya mister.” Paumanhin nya rito. Tinititigan nya ito at tila namesmerize sya dito. Napaka gwapo nito lalo na sa malapitan. Maputi at makinis.
Tila nagtaka ito. “Girlfriend?”
“Y-yung kasama mo na nag-walk out?”
“Ah! Yun ba?” Gumalaw ang gilid nang manipis nitong labi.
Tumango si Roxanne. “Pasensya na talaga.”
“Patatawarin kita sa isang kondisyon.” Sabi naman ni Nikko. He grinned.
“Ha? Ano naman yun? Huwag lang sana tungkol sa pera dahil wala ako no’n.” Kinakabahan na sabi nya.
He chuckled. “Mukha ba akong naghihirap?” He gave her an arrogant look.
Sumimangot si Roxanne. “Mayabang.” Bulong nya.
“Anong sinabi mo?” Bagamat narinig nang lalaki ang sinabi nang babae ay nagtanong pa rin sya.
“W-wala. A-ano ba iyong kondisyon na sinasabi mo?” Dumiretso sya nang upo.
“Okay. Bakit mo ba ako ipinakilalang bf mo?” Tanong ni Nikko.
“Ah, ano kasi mister. Kinukulit kasi ako nang kaibigan ko eh. Nasabi ko na may boyfriend ako kahit wala. Kaya nung nagkita kami, ikaw ang nasabi kong boyfriend.” Pagsisinungaling nya. Maaari kasi na hindi ito maniwala na ex nya si Alex.
Tiningnan sya nang lalaki na tila hindi ito kumbinsido. “Talaga lang.” Sabi nito. Natatandaan nya pa ang sabi nang guard na may borfriend ito.
“Totoo yun mister. Kaya sana mapatawad mo na ako.” Sabi nya.
“Baka naman crush mo ako kaya mo sinabi iyon at hindi mo napigilan noong oras na iyon?” Sabi ni Nikko.
Ikinagulat iyon ni Roxanne. “A-ano?!”
“You heard it. Ayos lang naman sa akin eh. Umamin ka na lang.” Nakangisi na sabi nang lalaki.
Namula ang mga pisngi ni Roxanne. “K-kapal ah.” Anas nya. “W-wala akong gusto sayo no. Ang yabang mo kaya.” Bigla ay sabi ni Roxanne.
Natawa ang lalaki. “Talaga lang? Eh namumula ka na nga sa kilig eh.” Pang-aasar nito.
“Pwede ba mister? Wala akong panahon makipag biruan sayo. May pupuntahan pa akong importante kaya kung pwede lang ay pakisoli na ho ang pouch at binder ko.” Matigas na sabi nya. Naiinis sya sa kapreskuhan nito.
Bagamat gwapo at elegante manamit ang lalaki ay agad na nainis si Roxanne dito. Ayaw nyang magkaroon nang kausap na puro hangin ang laman nang utak.
“Woah. Sandali lang miss. Baka nakakalimutan mo, nasa akin pa ang binder at pouch mo?” Pang-aasar pa ni Nikko. Tila tuwang tuwa ito na ankikitang nasa siangot ang kasuap.
Nang marinig iyon ay lumambot ang mukha nang babae. “Mister, please naman oh. Usapang maayos to. Kailangan ko lang talaga nang pouch at binder ko lalo na at aalis ako ngayon.”
Tiningnan ni Nikko ang suot nang babae. Naka pormal ang attire nito, halatang importante ang lakad. “Saan ka ba pupunta?”
“Sa Logarte building. Kailangan kong makarating doon sa oras. Ngayon ako nakatakdang ma interview para sa OJT ko mister.” Sagot ni Roxanne.
Tila may naisip ang lalaki nang marinig ang sinsabi nito. “Logarte? Bakit?”
“Mister, masyado ka na hong madaming tanong.” Tila mauubusan na nang pasensya si Roxanne sa oras na iyon.
“Just answer me. Malay mo, matulungan kita.” Seryoso na sa pagkakataon na iyon si Nikko.
Tila nakumbinse naman si Roxanne. “Mag a-apply nga ho para sa ojt ko. I need it badly. Baka wala na akong mapag applyan.”
Nag-isip si Nikko. “I have something to discuss with you. Kung maari, sumama ka sa akin sa kotse ko. I will drive you there.”
Nanlaki ang mata ni Roxanne. “At bakit naman ako sasama sayo, aber?”
“You have to. I’ll give you the job, rest assure. Sumama ka lang.”
“P-paano mo nagawa yon?” Gulat na tanong ni Roxanne sa lalaki. Kakalabas nya pa lamang sa opisina nang HRD at natanggap sya agad sa trabaho. Bago pa iyon ay ang lalaki ang unang pumasok. Tumagal ito nang mahigit na limang minute sa loob.
Nang umabas na ito ay sya naman ang pinapasok nito, at presto. May trabaho na sya agad. Wala na syang problema para sa OJT nya. Mukhang mauunahan nya pa si Yna dahil sa lunes na agad sya makakapagsimula.
“Well, endorser nila ako kaya medyo malakas ako rito.” Sagot ni Nikko. Sabay na silang naglalakad palabas nang HRD office. Muntik nya nang makalimutan na model nga pala ito.
“Salamat nga pala.” Nahihiyang sabi ni Roxanne. Kanina lang kasi ay hindi talaga sya nagtitiwala rito. Puro kasi kayabangan ang mga sinasabi nito. Pinagpipilitan pa nito na crush nya ang lalaki.
“So, aaminin mo na ba na crush mo ako?” Tanong nito. Hinarap nya ang babae at kumindat pa dito.
Ngumiwi si Roxanne. “Thanks sa pagtulong, pero hindi talaga kita crush, or magiging crush. Di kita type.” Sabi nya at inirapan ito.
Tumawa si Nikko. “Okay. Since mukhang ayaw na ayaw mo talaga sa akin, we will discuss now the payment.” He grinned.
“A-anong payment?”
“Ow. Don’t tell me na nakalimutan mo na? Sabi mo kanina, maipasok lang kita sa trabaho, susunod ka sa ano man na sabihin ko.” Makahulugang sabi nito.
“Ah! Hindi ko matandaan na sinabi ko yon.” Maang maangan na sabi ni Roxanne.
Sumimangot si Nikko. “Aba. Madali naman akong kausap. Tutal nasa Logarte pa rin naman tayo, pwede akong bumalik at ipabawi ang pagkaka employ sayo.” Sabi ni Nikko. Tumalikod ito at akmang babalik talaga.
“Hoy teka lang. Binibiro lang kita.” Mahinang sabi ni Roxanne. Hinila nya ang laylayan nang t-shirt na suot nang lalaki.
Hinarap ni Nikko si Roxanne. “Ano ba? Hindi ako nakikipag biruan.” Seryoso na ito.
Na guilty naman si Roxanne. “O-okay. Sige, ano ba kasi yun?”
Huminga nang malalim si Nikko. “We’ll talk in the car.” Pagkasabi nito ay tuloy-tuloy lang itong naglakad, leaving Roxanne.
Patakbong sinundan nang babae si Nikko. Nauna itong sumakay sa kotse nito at agad syang tumabi rito sa harapan.
“A-ano ba yun?”
“Okay. To tell you the truth, yung babaeng kasama ko nung oras na iyon ay hindi ko talaga girlfriend, not even a friend.” Akmang magre-react ang babae ngunit itinaas ni Nikko ang kamay. “Let me finish.”
“Okay.” Tumango si Roxanne.
“She is Amber, model din sya at anak nang may ari nang isang clothing company owner na iniindorso ko. Mula nang makilala nya ako ay hindi nya na ako tinigilan. She’s so persistent, makulit at may pagka isip bata.”
“So anong papel ko?”
“Teka nga sabi eh. Let me finish nga diba?”
“Okay.” Ngumuso si Roxanne at muling nakinig sa lalaki.
“Another woman. Si Lyndsay Sandoval. I think kilala mo sya, she’s a teen star. Medyo sikat na rin naman sya.” Nagkibit balikat ito.”She’s also persistent. Kahit matagal ko na silang tinapat na hindi ko sila gusto ay sige pa rin sila sa pangungulit.”
“Parang nagyayabang ka na naman mister.”
“Totoo yan. I’m not just boasting. Anyway, let’s go back. I want you to pose as my special someone whenever they are present.” Sabi ni Nikko. Tila hirap itong sabihin ang huling sentence na sainabi nya.
“Pose as what?”Nalaglag ang hawak na pouch ni Roxanne.
“Hindi ka naman siguro bingi.” Seryoso pa rin na sabi ni Nikko.
“P-pero bakit? Tsaka bakit ako?” Itinuro pa ni Roxanne ang sarili.
Ngumiti si Nikko. “Don’t ever think na ako ang may gusto sayo, miss. You told me many times na ayaw mo sa akin at hindi mo ako magugustuhan kahit kalian. So your’e the perfect girl for this job. Just stick to what you said and everthing will be fine.”
“P-pero, teka. Paano yun?” Nalilito si Roxanne sa sinabi nang lalaki.
“Ang slow mo naman.”
Tinapik ni Roxanne sa balikat si Nikko. “Hoy hindi ako slow. For your information, above average ang i.q ko when it comes to logic.” Pagyayabang naman nito.
Tumawa si Nikko. “Parang hindi naman. Ni hindi mo nga kaagad nakuha ang ibig kong sabihin.” He mocked.
“What I mean is yung set-up. Ano pa yung details. Jerk.” Sabi nya rito.
“Anong sabi mo? Jerk? Aba, sumusobra ka na ha.” Tila napikon si Nikko rito.
“Bakit, ikaw naman ang nauna! Sinabihan mo ako nang slow!” Pikon na rin si Roxanne.
“Simpleng bagay lang, di mo ma gets, paanong hindi kita sasabihan nang slow?”
“Eh ikaw nga, ang yabang yabang mo. Ang bossy mo pa.” Si Roxanne naman iyon.
“Hay. Teka nga. Baka nakakalimutan mo, marami kang dapat ipagpasalamat sa akin. Kaya huwag kang kumokontra sa mga sinasabi ko.”
Inirapan ito ni Roxanne.
“Let’s go back. Sa harap lang naman nang dalawa tayo magkukunyari. Sasama ka sa mga photoshoots kung kasama ang kahit na sino sa dalawa. Pansamantala lang naman, hanggang sa tantanan na nila ako at maniwala na may girlfriend na akong iba.”
“Eh bakit ba kasi hindi ka na lang mag girlfriend nang totoo. Ikaw na may sabi na gwapo ka, diba?”
“Huwag ka nang maraming tanong. Sundin mo na lang. Susunduin o tatawagan na lang kita, okay?”
“P-pero, paano kapag may pasok ako?”
“I’ll handle that. Tsaka karamihan nang skeds nang photshoots at pictorials ay weekdays kaya hindi heavy ang trabaho mo noon.” Tila siguradong sigurado na sabi nang lalaki.
“H-hindi ba nakakahiya?” Mahinang tanong ni Roxanne.
“What? Anong nakakahiya?”
“I mean, magpapakilala ka nang girlfriend na panget sa mga magagandang naghahabol sayo.” Yumuko si Roxanne.
“Don’t think too much, my girlfriend to be. Now, ihahatid na kita sa inyo. Remember our deal, okay?”
Tumango lang si Roxanne.
Threemonths ang OJT period nang magkaibigan na Yna at Roxanne. Isang araw na lang at papasok na si Roxanne, si Yna naman ay next week pa kaya naka tengga lang sila sa bahay nila pansamantala. “Naku ha. Kung alam ko lang na mabait naman pala yang papa Nikko mo na yan, edi sana nung time na tinakbuhan natin sya ay nagpaiwan ako.” Sabi ni Yna. “Mabait? Me sinabi ba ako na mabait sya? Hay nako Yna. Hindi ko matantya ang kayabangan nang lalaki na iyon. At kaya ako pumayag sa ganoong set-up ay alam mo na ang dahilan.” Naiiling na sabi ni Roxanne. “Tinulungan nya ako kaya hindi na ako makatanggi.” Ksasalukuyan na nagpaplantsa nang mga damit na gagamitin nya si Roxanne habang kumakain naman nang chicharon si Yna at nakikipag kwentuhan sa kanya. “Bongga ka pa rin, Rox. Model yun, at halatang madatung. Libo ang kinikita noon isang
“Paanongnagkaroon baby dyan?” Agad na tanong ni Roxanne, nanlaki ang mga mata nito. Lumingon si Nikko sa kaliwa at kanan. “Push cart ba natin to?” Tanong nito kay Roxanne. Marami pa ring tao pero busy ang mga ito sa pamimili. Tiningnan ni Roxanne ang laman nang push cart kung saan naka upo ang baby. Nakangiti pa rin ito. “Oo!” Tumango s Roxanne. “S-sigurado ka?” Si Nikko. “O-oo. Heto yung mga pinili natin kanina.” Halata pa rin ang kaba sa mukha ni Roxanne. Nagkatinginan ang dalawa. “Shit. Kaninong baby yan?” Napamura na si Nikko. Napahawak ito sa sariling noo. Naglalaro pa ang baby nang hawak nitong isang piraso nang rubber blocks. “Teka, ipa-page natin to’ng baby. Baka di sinasadyang nailagay sa push
“I have aphotoshoot later, ikaw muna ang bahala kay Raven.” Sabi ni Nikko sa kabilang linya. Naiiyak nya pa ang cute na boses ni Raven sa background. Tila naglalaro ito. Napatayo si Roxanne mula sa kinauupuang office chair nang marinig ang sinabi ni Nikko. Isang lingo nang nasa pangangalaga nila si Raven, at salitan sila sa pag-aalaga dito. Pumupunta na lang sya sa pad ni Nikko dahil baka ma chismis pa sila pareho kapag nasa apartment nila ni Yna ang bata. Tinutulungan rin siya nang tagalinis nito na si Manang Tising. “What? Nasa trabaho ako Nicholas. Ano ba? Hindi ba pwedeng maghanap ka muna nang mag-aalaga sa kanya?” Mahinang sabi nya. Nagtago sya sa gilid nang lamesa nya dahil baka mahuli sya nang supervisor. “C’mon Roxanne. Hindi ko pwedeng ipa cancelled ang photoshoot na ito. One month nang naka schedule to, lalo namang hindi ko pwedeng dalhin si
“Roxanne, pinapatawag ka ni ma’am.” Si Sandra iyon, isa rin sa mga nag o-OJT sa department na iyon. Magka edad lamang sila pero mas mukha itong matured sa kanya. Palagi kasing nakasalamin. Tiningala ni Roxanne ang babae. Nakaupo lamang kasi sya. “B-bakit daw? May error ba sa files na pinasa ko?” Agad nyang tanong. Natawa si Sandra. Hindi, ano ka ba. May sasabihin ata. Kanina ka pa nya hinihintay eh.” Sabi nito. May hawak rin itong mga papeles. Isa ito sa mga una nyang nakapalagayan nang loob. Na late sya nang almost thirty minutes dahil hinatid nya pa si Raven sa pad ni Nikko. Hinatid kasi ni Nikko si Raven sa apartment nila ni Yna alas diyes nang gabing iyon dahil biglaan dawn a nag-aya ang mga kapwa nya model na mag-inom sa pad nya. Nang makumpirma nya na nakaalis na ang mga kaibigan nito nang umagang iyon ay ihinatid nya na si Raven dahil may
Isang oras pa ang lumipas at narating na nila ang lokasyon. Madami nang tao at may naitayo na ring set doon. Nature ang theme kaya doon ginanap ang photoshoot. “Ang alam ko, part pa rin ito nang Hacienda Victoria, eh. Hmm. Ang sabi nila mama at papa, may pagka masungit daw ang may ari nitong lupa. Paano kaya nila napa payag na dito mag photoshoot?” Out of the blue ay sabi ni Roxanne. Narinig iyon ni Nikko at natawa ito. Kunot ang noo na tiningnan ni Roxanne ang lalaki. “Anong nakakatawa?” “Wala naman.” He stopped. “Amber is coming. Yakapin moko.” Bigla ay bulong nito. “H-ha?” Bagamat narinig nya nang malinaw ang sinabi nito ay hindi nya agad nakuha kung paano nya ito yayakapin. Wala silang close contact nito bukod sa tuwing kinukuha nya mula sa pagkaka karga si Raven dito.&nb
“I don’t know Yna. Naguguluhan ako sa mga pangyayari. Nakaka asar naman kasi eh.” Tila maiiyak na syabi ni Roxanne habang k“ausap si Yna sa cellphone. “My God. Napak misteryoso pala ni Nikko no? Eh si Raven?” Sabi nang nasa kabilang linya. Kinwento nang kaibigan ang mga pangyayare, lalo na ang nalaman nyang napaka yaman pala nang kasama nito. “E-ewan ko. Pagkaturo sa akin nang gagamitin ko raw na kwarto, hindi pa ako lumalabas. Naiinis ako kay Nikko. Nag mukha akong tanga!” Pumadyak pa sya pagkasabi. Napahagikhik si Yna. “Ayos lang yan. Ayaw mo nun, kaibigan mo ang amo nang mga magulang mo?” Umupo sa gilid nang kama si Roxanne. “Ah basta. Naiinis ako sa kanya Yna. Grabe. Hindi na lang ako uuwi sa amin. Ano na lang ang sasabihin nila mama kapag nalaman na kasama ko ang Nicholas na yun?” Bumuntong hininga sya.
“P-pasok kayo.” Linuwagan nya ang bukas nang pinto. Kinuha nya si Raven kay Nikko at agad itong linawayan. “Hinid na kita tinawagan. Nakita ko’ng ito’ng nag iisang bahay na bukas ang ilaw eh.” Sabi ni Nikko. Noon din naman ang paglabas nang mag-asawa sa kwarto. “Nay, tay, si Sir Nikko po.” Diniinan nya ang salitang ‘sir’. “M-magandang gabi ho. Pasensya na po kayo sa istorbo.” Magalang na sabi ni Nikko. “Aba’y kalaki mo na nga? Huling beses kitang nakita, trese anyos ka pa lang senyorito.” Nakangiting bati ni Rosita. “Maupo po kayo Senyorito.” Sabi naman ni Lando.Alas dose na nang madaling araw ngunit gising na gising pa rin si Roxanne. Katabi nila nang nanay nya si Raven, samantalang si Nikko naman ay k
Literal na napa-nganga si Roxanne ng makita ang water fall. Ang linaw ng tubig na binabagsakan nito, halatang may kalaliman at nakaka mangha ang mga bulaklak sa paligid."Wow! Ang ganda naman dito!" She exclaimed."Oh, dba? Tapos ayaw mo pa sumama." Tila naninisi pa na sabi ni Nikko. Itinali nito sa isa'ng puno ang tali ni Scyte."Sa inyo pa rin ba 'to? Hindi ko to alam. Ngayon ko lang to nakita." Mangha pa rin na sabi nya. Madalas din syang pumunta sa Hacienda kapag pinapayagan syang tumulong ng nanay at tatay nya.Pero hindi talaga sila iminulat sa mga gawain sa hacienda ng nanay at tatay nila ng ate nya. Talagang gusto ng mga ito na mag-aral sila sa Maynila at makatapos ng kolehiyo kaya kung nakita nya man ang lalaki noon ay hindi nya na ito namukhaan."Yes, of course. Iilan lang talaga ang may alam nito. Actually, si mommy ang nag preserve nito, before she started her business in Paris so kami na lang nag alaga." Paliwanag nya.Nilingon