Share

D-01

School might be a hell or whatnuts to some, but not for me.

Grade 11, first semester. I smiled at the mirror infront of me. We are growing up too fast that I can't really take a track out of it.

I was startled when my phone rang, it took me a little bit of time to answer it.

"Seth.." I said, instead of hello.

"This is Haeden, bessy. Wala kasi akong pantawag, oh well, asan ka na ba? Malapit na first subject."

"Late na naman 'yan as usual."

I even heard Seth's voice on the background. Seth is a he but is actually a she. Hindi lang agad mahahalata kasi he's neat and still dress like a guy, except the light make up.

"I'm on my way, don't worry."

"Okayyy. We'll wait for you, nagreserve na ko ng seat for you. Bilisan mo, haa?"

Napangiti ako. "I will."

Haeden might be a childish sometimes, but she's so caring and thoughtful. Same as Seth though, he doesn't look like it but really, he's also thoughtful and lovable.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng bahay. Among the three of us, ako ang pinakamalayo ang bahay from the University, pero ako din palagi ang mabagal kumilos at palaging late.

Tahimik akong sumakay ng bus habang naka-earphone. I don't really like the noises made by the streets or highways.

I pursed my lips together as I watch the cars pass by and through. Maingay ang buhay dito sa Maynila, pero hindi ko nararamdaman 'yun. I was always this uncaring.

"Hay naku! Late ka na naman. Grabe na talaga, Krissy. Kailan ka kaya papasok nang mas maaga sa amin?" Pagmamaktol ni Haeden nang magbreak time kami.

Sa second subject na kasi ako nakapasok. Halos 30 minutes akong late sa first subject dahil nasiraan ang bus na sinakyan ko sa kalagitnaan ng EDSA kaya natagalan ako at nagpasya na huwag na lang pumasok. Tutal, considered as absent na din naman 'yun.

"Sa ating tatlo, kapag naging nanay tayo, feeling ko si Haeden 'yung pinaka nagger." Komento ni Seth habang nakapila kami sa food stall.

"Paano ka magiging nanay e wala kang matres?" Ingos na bawi ni Haeden.

"Gaga! Pwede pa kong maging nanay. Eh 'di mag aampon, problema ba 'yon?"

At doon na nagsimula ang debate nila. Ganito kami araw araw. Madalas silang nag aaway pero mas madalas din na sila din naman ang magkasama kasi nga palagi akong late.

Dinaig pa nila ang aso at pusa sa relasyon nila.

"Ano ba naman 'yan? Noong highschool ako, sabi ang daming gwapo dito kaya dito ako nag aral tapos ngayong nandito na ako, biglang wala? Paano ako magkakajowa neto?"

Natawa ako sa sinabi ni Haeden. Madami nga ang nagsasabi na isa ang USTe sa pinakakilalang school, hindi dahil matagal na or prestigious ito, pero dahil madami din ang kilalang estudyante na nagmula dito. Maganda man o gwapo, mayaman man o hindi.

"Aattend ba kayo sa seminar mamaya?" Biglang tanong ni Seth.

Napanguso ako. "Mandatory daw ah." I said.

"Naniwala ka naman? Palagi naman nilang sinasabi 'yun for attendance pero hindi naman talaga part yun ng grading system e."

Napaatras ako nang biglang maglean forward si Haeden. "So anong balak mo? Magka-cut class ka?"

I sighed. Magsisimula na naman ang debate nila, at heto na naman ako, magiging referee nila.

"It's not even considered as cut-class 'no! Wala naman tayong klase." Pag irap ni Seth.

"So anong balak mo?" Ako na ang nagtanong.

Ito kasi ang season kung kailan madaming activities ang school namin. Madalas na wala kaming klase pero bugbog kami sa mga seminars, projects at homeworks. Mas madalas kaming magself-study or group study kesa magklase.

"Manuod na lang tayo ng basketball! Alam ko may pre-game sila mamaya, malapit na UAAP 'di ba?"

At doon sila nagkasundo ni Haeden. "Tara! Tara! G ako diyan."

Napailing na lang ako.

Basketball means there's a lot of guys. A lot of guys means more chances na makakita sila ng gwapo.

I am with them, too. Babae pa din naman ako, hindi nga lang ako kasing halata nila. I tend to keep my emotions by myself.

Because I don't want them to be used against me in the future, just in case.

"Sure kayo na hindi mandatory 'yung seminar ha?" Paninigurado ko.

"Nagchat ang President natin sa group chat kanina. Kinuha  niya lang 'yung attendance ng mga nandito sa Univ. pero bahala na daw tayo anong gusto nating gawin."

Tumango na lang ako. I guess I can trust those words. Nag open ako ng messenger and I saw the chat so I can breathe now.

Bumili muna kami ng ice cream bago magpunta sa gymnasium. Mainit ang panahon ngayon pero mas maayos na 'to kaysa umuulan. Well, I love raining season more pero masyadong disadvantage 'yun kapag may mga ganitong event.

Madami na ang tao sa gym nang makapasok kami. Halos wala na kaming mauupuan, mabuti na lang nasaktuhan namin na may Kuya si Rosé sa basketball team namin kaya nakapagpareserve siya ng upuan malapit sa bench.

We are actually five in this friendship pero mas madalas lang na magkakasama kaming tatlo nina Haeden. Rosé have a boyfriend and Joy is a bit busy with her extra-curricular activities.

"Akala ko ba pre-game lang? Bakit ang daming tao?" Nagtatakang tanong ko.

Nanunuod naman ako ng basketball games ng University namin pero ngayon ko lang nakita na ganito kadami ang audience ngayon. Karamihan pa ay may dalang banners at may pompoms!

Dinaig pa ang preliminary ng UAAP.

"Nandito kasi ang seniors. Maglalaro din yata sila. Kasama si Kuya don, hindi ko lang alam if maglalaro siya today." Alam kong may kapatid si Rosé dito at Business major ang course niya kasi siya ang magpapatuloy sa kumpanya nina Rosé  someday, pero I never met him.

Hindi kami nagkakakrus ng landas kahit pa nagpupunta kami sa bahay ng kaibigan ko.

I was always curious about him. Madami akong naririnig na kwento about sa kaniya. Unlike Haeden, her brother seems... popular and happy-go-lucky? I don't know if that is the right term, but hearing all those gossips about him and his girlfriend going on and off all the time, I can't help but to judge him on my mind.

Nabalik ako sa reyalidad nang magsigawan ang mga tao dito sa gym. Pumasok na pala ang magkabilang team at pinapakilala na sila isa isa.

"That's my brother! Maglalaro pala siya." Napatingin ako sa itinuturo ni Rosé and I saw a tall, lean and dark man standing so proud.

Nakangiti siya ng malaki at kumakaway sa mga nagchi-cheer sa kaniya. His dishielved hair compliments his proud nose and sharp jaw. He looks more matured than his age, pero sa magandang paraan.

My lips parted when our gazes met, at kumaway siya sa direksyon namin.

"Gahhh! Nakakainis 'yung ngiti niya! Alam niyo ba, muntik nang mahighblood si Daddy dahil sa kalokohan niya? Naku! Kung alam lang ng mga babaeng 'to kung gaano kaloko 'yang Kuya ko, ewan ko na lang talaga." Pambabash ni Rosé sa sarili niyang kapatid.

I guess I understand these girls around us. Gwapo naman kasi talaga siya, he has this smile that can capture anyone's heart. However, that exactly is not my type.

I prefer kind, simple and a humble guy. Just by the mere sight of him keeps me thinking na we're not going to get along well.

"He... is actually... my type!" Seth exclaimed. Napailing na lang ako kasi may pa-pause effect pa siya.

"Girl, 'wag ka na mangarap. You don't deserve such a guy." Magrereact pa sana si Seth sa sinabi ni Haeden nang magsalita ulit ito. "I want someone who's going to love you more than we love you and who's going to see your worth. Not just someone."

This is one of the things I love about them. They might be arguing from time to time, pero deep inside, mahal na mahal nila ang isa't isa.

"Gago! 'Wag mo 'kong pakiligin. Mag aaway pa tayo." But they can't stand it long enough, tho. One way or another, they will react the same. Hayy!

"Bangko lang ba Kuya mo?" May halong sarkastiko na tanong ni Haeden. Hindi ko alam bakit ang init ng dugo niya sa Kuya ni Rosé.

"Either sa third quarter pa siya pinapasok or sa fourth quarter. Pabibo 'yan e." Another bash from the sister.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maawa o matawa sa pasimpleng hate comments nila sa lalaki.

"Another 3 from USTe, Smith!"

ADU is ahead of us, 12 points but when Smith, I still don't know his first name, comes in the game kami na ang naging lamang ng 10 points. Funny how he turned the table. He isn't that bad afterall.

"Jonathan! Jonathan!"

The game ended and our university wins. Napangiti na lang din ako at pumalakpak. It somewhat makes me proud. Wala pa naman kasi akong naiiambag sa pag unlad ng school namin, why not be greatful for those who do?

Tumayo na sina Seth at balak yatang lumapit sa team namin kaya nakisunod na lang din ako.

"What year na si Nathan?" I heard Seth asked Rosé. Napailing na lang ako.

It seems like he got our bestfriend's attention.

"Third year na." Halata sa tono ni Rosé na ayaw niyang pag usapan ang Kuya niya.

She must've been fed up. From home to school ba naman.

"Ohh, so he's four years older than us?"

"Five years sa inyo ni Krissy. You're 1-year  later  babies, remember?" Pagpuna ni Haeden.

"Ayy! Oo nga pala."

Natigil sila sa pag uusap nang dumami ang mga tao sa court. Nagsibabaan din kasi ang mga audience kanina from the upper benches.

"Grabe naman! Akala mo mauubusan ng mga lalaki 'tong mga 'to!" Seth commented nang halos magkaro'n na ng stampede.

"Let's just go outside. I-text mo na lang ang Kuya mo, bessy." I told them. I can't really stand a place like this. Masyadong crowded.

Hindi ko na sila hinintay pang magsalita. Naghanap na kaagad ako ng way palabas, luckily, hindi naman ako natulak or nadala ng mga nagkakagulong babae. I can't understand those type of girls, well, we are individuals so who am I to judge?

"Krissy!" Natigil ako sa may exit nang sumigaw si Rosé. "Wait niyo ako diyan, punta tayo sa bahay. I just need to give Kuya his key!"

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pabalik. Lumabas pa kaming tatlo hanggang sa tuluyan nang nawala ang mga nagkakagulong babae. Nakahinga ako ng maluwag, uminom ako ng tubig at napailing.

"Grabe naman! Pre-game pa lang 'yan. Paano pa kaya kapag UAAP na? I mean, nandon si Ricci Rivero 'di ba? Ano pa kaya kapag siya na 'yung nakita? Or si Noah Webb?"

"Don't forget Kris Porter of ADMU and Kobe Paras of UP!" Basta usaping gwapo talaga, hindi mahuhuli si Haeden at Seth. Ang lalandi din e.

"Tama na 'yan." I said. I am already exhausted and hearing them debating again feels like I'm digging my own grave. "Are you going with Rosé ba? Sa bahay nila?"

Seth shrugged. "Her mom invited us, nakakahiya naman na hindi pumunta so nagpaalam ako kay Mommy. She said okay naman."

"Same with me. Pumayag din si Mama as long as huwag masyadong magpapagabi and huwag daw iinom. I don't think we'll drink as well tho, dinner lang naman sinabi."

Tumango tango ako. "I'll tell my Mom first."

Pareho silang sumang ayon kaya lumayo ako ng konti para matawagan si Mommy.

"Yes, Anak?"

"Mommy, Rosé's mom invited us for a dinner. Would it be fine if I'll go home late today? Their house is just near our subdivision naman po."

"Okay. Just make sure to get home safe. If wala nang cab, give us a call so that we can fetch you, okay?"

"Thank you, Mommy."

"Alright. Take care, baby."

"I will po."

Napangiti ako. I am so blessed to have a family like that and bestfriends like them. Not everyone is as lucky as I am.

"Anong sabi ni Tita?"

Napatingin sila sa akin at naghihintay ng sagot. Nandito na din pala si Rosé. Sa amin kasing tatlo, I am the one who's more likely hindi pinapayagan kapag pagabi na ang lakad or gala.

"I'm in." Nakahinga sila ng maluwag at nagsingitian.

"Let's go, then! Baka bukas may jowa na tayo."

But then, on top of all the things I have, may parang kulang pa din.

I really don't know what it is but I guess I have an idea. I am not going any younger and any time sooner, I'll be on my legal age.

I want to do and to experience what people my age do. I want to be a teen as well.

Just like them.

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status