Share

D-02

"Hoy, bawal uminom ha?"

Paalala ni Haeden nang matapos kaming kumain ng dinner. Napailing na lang ako at umupo sa single sofa na nasa sala. Hindi ko alam na kaya pala kami ininvite e kasi mini-celebration ng pagkapanalo ng team namin kanina.

Kung alam ko lang eh 'di sana hindi na lang ako nagpunta. Madami ang mga taga school namin na nandito. Although, nasa labas naman kasi sila. Nasa swimming pool area sila samantalang nasa recieving area kami.

"Hindi ba tayo makikisaya sa kanila?" Nakahalumbaba na tanong ni Seth. Parang bored na bored samantalang siya 'yung nangunguna nguna kanina na pumunta dito.

"Pwede naman, kaya lang medyo awkward. Puro seniors na ang mga 'yon. Mahirap makiget along." Pagsagot ni Haeden.

"Sorry, guys! Late na naman ako." Umupo sa gilid ko si Joy. May meeting pa kasi sila kanina sa org kaya hindi siya nakasabay sa amin pumunta dito.

"Okay lang, kumain ka na ba? Samahan ka namin sa dining?" Tumayo kaming lahat para samahan si Joy sa dining area.

"Uyy, nandito ka na pala bessy! Halika dito, wait hahain lang ulit ako."

Tumulong ako sa paghahain para kay Joy. Wala naman kasi akong masyadong ginagawa.

"Gusto niyo bang lumabas? Pwede naman tayo do'n kahit hindi tayo mag inom." Suhestiyon ni Rosé sa akin. Tipid lang akong ngumiti.

"Sina Seth yata gusto, okay na 'ko dito. Samahan ko na lang si Joy na kumain."

Umingos siya sa akin. "Sus, kakain ka lang ulit e hahaha!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Baliw ka! Hindi kaya. Ang awkward lang kasi sa labas, for sure iba ang hang out ng mga seniors kesa sa atin."

Nagkibit balikat siya at binitbit na ang bowl ng ulam. "Well, I couldn't disagree with that. Kahit ako no'ng una, nabigla din eh. Natakot tuloy ako biglang maging senior." Nagkatawanan kami dahil sa sinabi niya.

That's true naman. As much as we grow older, the more things get different.

"Kamusta naman ang org life, bessy?" Rinig kong usapan nina Seth sa dining. Tumabi na din ako sa kanila nang mailapag ang plato ng kanin sa harap ni Joy.

"Sobrang nakakaistress! May mga bago kaming recruit pero alam niyo ba, mas attitude pa sila kaysa sa amin! To think na pareho lang naman kami ng year. Nakakaloka!"

Natigil kami sa pag uusap nang nakarinig ng ingay mula sa labas. Nagsisigawan sila na parang nagchi cheer sa kung sino. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at parang nagkasundo na sumilip.

Tumayo kami at pasimpleng lumapit sa sliding door na naghihiwalay sa swimming pool area at recieving area ng bahay nina Rosé. Nakita namin na nakatayo lahat ng seniors at nag iingay.

Hindi ko masabi kung lasing na ba sila kasi konting oras pa lang naman na nandito sila pero mukhang karamihan ay tipsy na.

Ganyan ba talaga sila kapag naghahang out or nagcecelebrate?

"Kiss mo na!"

Napalunok ako sa narinig ko. I look at Rosé and she has this smirk like saying "I-told-you-so". I tilted my head to the side to remove all the things going through my mind in this moment.

Nang makalapit ay nakita namin ng mas maayos kung sino ang pinagkakaguluhan nila. It's Jonathan, Rosé's brother, and his girlfriend I think?

"That's Cassiedy, Kuya's girlfriend." Hindi ako tumingin sa kaibigan ko kahit pa nagsasalita siya sa tabi namin.

Hindi ko alam kung bakit pero napako sa kanila ang tingin ko. Based on what I have heard, sila na since grade 9 pa lang. Imagine how long they've been together. But their relationship isn't as perfect as what others think.

Madalas silang maghiwalay tapos magbabalikan. Madami ang nagsasabi na may third party daw kasi, it's the one or the other. No one knows what is really the truth behind every issues they have.

Nagtataka lang ako. Hindi ba sila nagsasawa sa gano'ng set up? Sa tagal na nila sa relasyong iyon, hindi ba nila naisip na baka mas healthy kung hindi na lang talaga sila magbabalikan?

At bakit ba ako nangengealam sa kanila?

Since when ako nagkaroon ng pakialam sa relasyon nang may relasyon? Well, it's not like nakikiapid ako kasi wala akong balak na magkagusto sa isang katulad ni Jonathan. Mas okay na ako sa simpleng lalaki pero alam kong mamahalin ako.

"What brought you here?" Nakangiti si Jonathan pero halata sa mga mata niya ang disgusto sa taong kaharap. Nangunot ang noo ko.

Natahimik din ang mga taong nasa paligid. Halatang napahiya si Cassiedy, if I can remember it right, dahil namula siya at napayuko.

Napaawang ang labi ko. Is this how he treat his own girlfriend? What a scumbag!

"Does anyone invited her?" Sigaw nito.

"What the hell?" I whispered. If they have an issue together, does this girl deserves this humiliation? What kind of man is he?!

"Let's just talk for a while, Jonathan. That's all I want." I heard her say.

Kahit hindi ako ang nakakaranas, parang gusto kong sampalin ngayon si Jonathan. He's being an asshole!

"I told you Seth, Kuya is not really an ideal guy for anyone." Rosé said as if nothing is happening infront of us.

"He's really something, huh? How could he do that to a girl?" Nanggagalaiti na sabi ni Haeden.

"Talk now, then. Just say it now." My breathing became uneven.

Ayoko talaga na nakakawitness ng mga ganitong eksena. Men tend to look down on us, women. But frankly, we are all just the same. There are things that men can do while women cannot, and vice versa. There are men who cheat, same as women. We cannot really differentiate them that much because we are almost just the same.

So why? Why would things like this even happen?

Tumalikod na ako at naglakad papasok. Naramdaman kong sumunod sa akin sina Seth. I can hear them talking about the disappointment they feel towards Jonathan's attitude. I don't feel it tho.

Sa unang tingin pa lang, inaasahan ko na ang ugali niya. Mas nagulat lang siguro ako sa fact na tama ako at mas malala pala dapat ang inexpect ko sa kaniya. Hindi ko alam na may mga lalaki pala talagang ganoon.

"Una na ko, girls. See you bukas." Paalam ni Seth nang dumating ang sundo niya bandang alas otso ng gabi. Tumango kami at kumaway sa kaniya.

Nagpaalam na din ako kay Tita. Ako na lang kasi ang natira dahil maagang umuwi si Joy, sumunod naman si Haeden na sinundo din ng ate niya.

"Sure kang maglalakad ka lang? Gabi na." Rosé insisted to walk me until the entrance of our subdivision pero I declined it.

Pareho lang kaming babae kaya ayoko.

"I'll ask Kuya to walk you, then." Sabi niya nang hindi ako napilit. Napailing na lang ako nang tumakbo na siya palabas kahit hindi pa ako sumasagot.

Pagbalik niya ay nakita kong kasunod niya na ang Kuya niya. Medyo mapula na ang mukha nito. I guess he's drunk already. It won't help as well.

"She's just living nearby, Kuya. Sa subdivision lang next street."

"Okay, okay." I heard them chit-chatting.

"No, thank you. I can already handle myself. Hindi mo na 'ko kailangang ipahatid, Rosé. I can just call my Daddy to fetch me along the way."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nailang nang maramdaman na nakatitig sa akin si Jonathan. What's the matter now, Krissy? You were bad-mouthing him earlier, why would you feel pressured now that he's infront if you?

"It's okay. You're my sister's friend and as well as our responsibility. Malapit lang naman. Let's go, it's getting late."

Hindi na ako nakaangal nang kuhanin niya ang bag ko na nakapatong sa sofa at nagpatiuna na.

Huminga ako ng malalim at walang choice na nagpaalam na sa kaibigan ko. Mabigat ang loob na sumunod ako kay Jonathan, or should I call him Kuya as well?, sa labas.

"I'm sorry, medyo tipsy na 'ko so I can't drive you home." He started a conversation. But as expected, I'm feeling uncomfortable to be with him, or to be just around him.

"It's okay po." Ramdam ko na nakatitig siya sa akin kaya medyo nailang ako.

He has this piercing eyes that seems like looking through my soul whenever he stares at me even if it's not directly to my eyes.

"You're my sister's classmate as well?" Tumango ako.

Hindi ko siya magawang kausapin ng normal dahil naaalala ko ang nakita ko kanina. If I weren't there, I could think he's a great guy even just for once kasi pwede kong hindi na isipin ang mga naririnig ko about him.

But now that I have seen it with my own eyes, I am having a hard time doing that. I don't like to make myself believe it even if he's my bestfriend's brother.

"Ang tahimik mo naman. How are you getting along with my sister? Napakadaldal no'n eh." Patuloy niya.

"Birds with same feathers flock together." Simpleng sagot ko.

Sa pagkakaalam ko ay malapit lang ang subdivision namin mula sa bahay nila pero bakit parang biglang sobrang layo no'n ngayon? It feels like years before I get to our house.

"Hahahaha! I see." Napanguso ako. What's so funny with what I said? Weird din nito ni Kuya eh.

"You seen the scene earlier, right?" Natigilan ako sa sinabi niya.

Is he proud of it? If he is, I will hate him more. And I've never hated on anyone as much as I hate him.

"I know what you're thinking." Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil na din ako. We are just few blocks away from our subdivision. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang nagulat dahil seryoso siyang nakatingin sa akin.

"There are things better left unsaid, while there are things better said in an extravagant way." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Inabot niya sa akin ang bag ko at pumamulsa. Nawala ang seryosong mukha niya at napalitan ng mapaglarong ngisi.

"You should enjoy your teenage days while you can. You have to be careful with the decisions you make, because you might end up regretting it in the end, perhaps you cannot let it go because you are already used to it."

He taps my head as if I was a kid. "Pumasok ka na. Hihintayin lang kitang makapasok sa subdivision niyo then aalis na din ako."

Tumango ako ng isang beses at tumalikod na sa kaniya. Medyo naguluhan ako kung anong connect ng nangyari kanina sa sinabi niya sa akin ngayon. Does it has something to do with it afterall? O baka gumagawa siya ng paraan para mawala 'yun sa isipan ko?

Whatever his reason is, hindi pa din nagbabago ang tingin ko sa kaniya. Well, it's not as if we'll cross our paths most of the time. I can bet that this would be our closest last meeting.

And that would be the best. Tahimik ang buhay ko kaya ayokong magulo pa. Seeing how life is having Kuya Jonathan with it? Hindi ako mag eenjoy for sure.

I pursed my lips together habang nagsusuklay ng buhok. I just finished up washing my body and getting ready to sleep.

I checked my phone before I laid down in bed. Napabuntong hininga ako. As I have expected, kalat sa portal ng University namin ang nangyari kanina. I feel bad for Cassiedy.

But I can't help but to think why is she settling and chasing such guy? Maganda siya, matalino at mayaman, why would she want a guy who will just treat her lesser than what she really is?

It isn't love. I am certain of that.

Because if it is, she would've just let Kuya Jonathan go and live her life.

Wala sa sariling hinanap ko ang twitter account ni Kuya Jonathan. I don't know what I want to look for but I just found myself scrolling down and checking his account.

My heart seems to stop beating when I read his latest tweet. Madami ang nagreact at pinagkakaguluhan iyon ngayon knowing what happened earlier made a bomb explode as well.

"I never thought I would crave for someone's smile as much as this."

Is he insane? Or is it another third party?

Malakas na bumuntong hininga ako at pinatay na ang phone. Anuman ang issue nila, I shouldn't meddle with it no matter what. My life is in peace, it should stay as it is.

I won't let my curiousity change it.

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status