Kabanata 1.1
"Tuloy kayo, Mayor," I offered as soon as I opened the wooden door of our house. Nauna akong pumasok sa loob, dinampot ang mga nakakalat na balat ng sitsirya at papel sa sahig. Naramdaman ko ang pagsunod niya. "Pasensya ka na. Medyo makalat ngayon. Hindi siguro nakapaglinis ang mga kapatid ko."
"No,it's okay. Hindi rin naman ako magtatagal dito," aniya, nililibot ang kaniyang mata sa paligid ng aming bahay. "Ite-text ko na lang ang driver ko na sunduin ako rito as soon as possible."
Napamura ako sa isip ko. Hindi muna siya puwedeng makaalis ngayong may chance na akong mapaamin siya. May nabubuo akong plano sa isip ko na posibleng makapagpalabas ng tunay niyang kulay.
"Uh…I think, it's not a better idea kung aalis ka agad. Sigurado nasa labas pa ang mga naghahabol sa atin kanina at hinahanap ka pa rin. Hindi natin alam kung anong posibleng gawin nila sa'yo," palusot ko at nilapag na ang guitar case sa maliit at itim namin sa sofa.
His forehead creased while his hooded eyes seriously looking at me. "And why would I stay here?”
I bit my lower lip, nag-isip muli ng bagong palusot na sasabihin sa kaniya. Nang magkatinginan kami ay iniwas niya ang kaniyang mata, inilipat iyon sa mga litrato na nakasabit sa dingding namin na kulay krema ang pintura.
"Plano ko sanang makiag-inuman sa'yo," sabi ko at ngumisi. "Oo, tama! Mag-inuman muna tayo."
"I-inuman?" nauutal niyang sabi, napalunok, at 'di pa rin ako matitigan ng diretso.
"Inuman. Alak. Shot!"
"Hindi ako…" he gulped, "…umiinom."
I chuckled. "Imposible naman ata iyan, Mayor! Kahit sino naman hindi maniniwala diyan sa palusot mo. Huwag mong sabihin na hanggang ngayon gatas pa rin ang iniinom mo?"
Hindi siya sumagot doon, ibinababa ang tingin sa aming kulay putting tiles na sahig. Hmm…did I offend him? Huwag mong sabihin na totoo nga iyong biro ko? Lumapit ako sa kaniya at tinapik ang kaniyang balikat.
"Sige na, Mayor, pumayag ka na. Minsan lang naman. At saka bilang pasasalamat mo na rin sa akin sa pagligtas ko sa'yo sa mga nagwewelga," pilit ko pa. Naghintay ako ng ilang segundo bago ko matanggap ang kaniyang sagot na tango. "Ayos! Sige, maupo ka na muna. Kukuha na muna ako ng damit pampalit sa malagkit mong suot."
I tapped his shoulder three more times before I go upstairs. Sinindihan ko agad ang ilaw pagkapasok ko sa aking kwarto saka dumiretso sa luma kong aparador.
Hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ang mga ito dahil hindi naman ito tulad ng mga isinusuot niya panigurado. Itim at puting mga shirts lang ang meron ako na ipapahiram sa kaniya na nabili ko lang sa ukay-ukay sa bayan, 'di ito tulad ng mga damit niyang libu-libo ang halaga. Iilan lang naman ang damit ko na branded, isinusuot ko iyon tuwing may gig kami. Hindi naman kasi afford iyon ng bulsa ko, at isa pa kailangan ko rin ipunin ang perang kinikita ko para sa pag-aaral ng dalawa kong kapatid na nasa kolehiyo na ngayon. Wala na naman ibang gagawa no'n dahil ako na ngayon ang nagsisilbing ama at ina nila.
Kailangan kong alagaan sila ng mabuti tulad ng sabi ng parents ko bago sila mabawian ng hininga dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa isang aksidente. Nasagasaan sila habang pauwi sila.
Nahuli na rin naman ang suspek kaya nakuha ko na ang hustisya sa pagkamatay nila.Kinuha ko na ang isa sa mga puting damit na branded. Nagpalit na rin muna ako ng damit dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang lagkit ng itlog. Itim na boxer na lang din ang sinuot ko sa ibaba, tulad ng nakasanayan. Bumaba ako pagkatapos.
Pagbaba ay halos matapilok ako dahil sa patakbong paglapit sa akin ng kapatid kong babae na si Kylie. Naka-uniporme pa, mukhang kakauwi lang galing eskwelahan.
"Bakit nandito si Mayor Servantes? Anong ginagawa niya rito?" pabulong na aniya, parehas kaming nakatingin sa alkalde na nakatuon ang pansin sa kaniyang cellphone, nagtitipa.
"I saved him from his haters. Mag-iinuman kami," I whispered, too.
Her eyes widened. "Seryoso, Kuya?"
Tipid na tango ang isinagot ko sa kaniya bago ako lumapit sa abalang alkalde at ibinigay sa kaniya ang damit na aking ipapahiram.
"Pasensya ka na. 'Yan lang ang maayos sa mga damit ko. I hope it's okay to you." Iniabot ko sa kaniya na agad naman niyang tinanggap.
"Ayos lang. Thank…" Tumikhim siya. "Thank you." He smiled a bit.
"Welcome," sagot ko. "Uhm, ihanda ko lang 'yung alak natin. Feel at home." Lumakad ako papasok sa maliit naming kusina. Binuksan ko ang luma naming ref, kinuha ang dalawang bote ng gin at isang pakete ng strawberry powdered juice na tira namin noong nakaraang araw ni Kane, kapatid kong lalaki.
Nilagyan ko muna ng kalahating tubig ang aming kulay asul na pitsel bago ko simulan ang exciting part sa paggawa nito. I removed the bottle cap, and poured the powdered juice inside. Sinimulan ko na ang ganadong pagkusog sa bote para maghalo ang tamis at pait nito.
Sumulyap ako sa kung nasaan si Mayor Nikkolai nang marinig ko ang paghagikgik ni Kylie na ngayon ay nasa harap na nito, inaabot ang kaniyang cellphone sa alkalde.
"Puwede po pa-picture, Mayor? Fan niyo po ako." Umimpit siya ng kilig.
Napailing na lang ako sa inasal niya. Hindi na ako nagulat. She's been crushing him with her friends since he became a mayor of La Castellion. May time pa nga na nakita kong may hawak siyang printed picture ng alkalde.
"Picture?" kabadong tanong niya, hindi alam kung saan titingin— sa cellphone ba o sa kapatid ko.
"Opo, Mayor. Matagal na po akong may crush sa inyo, at ngayon lang ako nagkaroon ng chance na makita ko kayo sa malapitan, ayaw ko ng palagpasin pa 'tong moment syempre!"
Mayor Nikkolai bit his pinkish lips. Nasensyasan ko na ang nararamdaman niya kaya…
"Kylie, huwag mong kulitin si Mayor. Baka ayaw niya," suway ko, puno ang awtoridad bilang kuya.
He scoffed. "No, it's…okay. Picture lang naman, ayos lang sa akin. Give me your phone."
Abot-tainga ang ngiti niya nang iabot ang kaniyang cellphone. Hinanda ni Mayor Nikkolai ang camera, itinutok iyon sa kanila saka dahan-dahang ngumiti ng tipid.
Matapos ang isang shot, ibabalik na sana niya ang cellphone pero nag-request pa ang kapatid ko na damihan pa dahil once in a blue moon lang naman daw mangyayari ito.
Ibinalik ko ang aking pansin sa inumin na ginagawa ko. Naging kakulay na nito ang flavor ng juice. Ibinuhos ko sa pitsel ang kalahati ng laman nito, at ang natira sa bote ay inumpisahan ko ng sindihan gamit ang lighter. Kinusog ko ulit ang bote ng lumagablab ang apoy, ibinuhos ko rin ito pagkatapos.
Dang! For sure magiging masarap ito.
Gin plus juice is always the best!
"Thank you, Mayor! Guwapo niyo po talaga!"
Mabilis na iniwas niya ang kaniyang mukha nang amba siyang hahalikan ni Kylie sa pisngi. Natawa ako sa pamumutla ng kapatid ko dahil sa kahihiyan. Awkward niyang ngnitian ang alkalde bago siya kumaripas ng takbo patungo sa kaniyang kuwarto na katabi lang ng kusina at ibaba ng hagdanan.
"Pasensya ka na sa kapatid ko. Masyadong straight-forward talaga siya sa nararamdaman niya." Tinalikuran ko siya, kumuha ng pulutan sa cabinet. Chicharon at ilang sitsirya na lang ang nandito kaya kinuha ko na lahat at ikinabit sa isang tray pati ang mga iba pang gagamitin namin.
"Ayos lang. Nagulat lang ako sa balak niya." Tumunog ang notification niya kaya muli siyang humarap sa cellphone niya at nagtipa.
"Hayan, handa na!" Binuhat ko na ang tray. "Ano? Tara na?"
May pinindot muna siya bago niya tuluyang binulsa ang cellphone niya at tumayo.
Kabanata 34"Kiro! Ano ba ang nangyayari? Hey, where the hell are you going?! Ano'ng ibig mong sabihing nasa panganib si Nikkolai?!" sigaw ni Nathalia habang hinahabol ako palabas ng hotel. Kahit madami ang tanong na naibato niya sa'kin magmula kaninang nasa kwarto ay wala akong sinagot kahit isa. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya, wala nang oras para pansinin siya sa ganitong klaseng sitwasyon. "Kiro! Kinakabahan na ako sa'yo! What the hell is really happening with Nikkolai?!" Again, I didn't bother to turned to her.Sinubukan kong muling tawagan ang numerong nag-send sa'kin ng message at picture ni Nikkolai na kalunos-lunos ang hitsura, pero cannot be reach na rin tulad ng numero niya. Napahawak nalang ako nang mahigpit sa cellphone ko. Oh, God! Please, answer the call! Pagdating sa labas ay marami akong nababanggang taong nagsasayawan. Hindi na ako nagtangka pang humingi ng dispensa dahil sa sobrang pagmamadali. Sinisigawan ako ng iba, at ang iba naman ay hindi na ako
Kabanata 33"Ayos ka lang ba, Kuya? Maganda naman dito pero bakit parang hindi ka naman nag-e-enjoy?" tanong ni Kylie, bakas sa kaniyang boses ang pagtataka."Oo nga, Kiro. Kanina ko pa napapansin 'yang pagiging aligaga mo. May hinahanap ka ba?" si Ate Lillian na ganoon din ang tono ng kaniyang boses.And because of that, I stopped looking around and shifted back my eyes on them. Puno man ng kolorete ang kanilang mukha ngayon ngunit bakas pa rin ang magkahalong pagtataka at pag-aaala doon. Kahit na balot ako ngayon ng agam-agam ay pinili ko pa rin silang bigyang ng ngiti."Ayos lang ako," palusot ko. "Tinitingnan ko lang ang kabuuan ng isla. Ganda kasi, e. Halatang naalagaan nang mabuti."I gave them my sweetest smile, umaasa ako na mapapawi no'n ang pag-aalala nila ngunit mukhang bigo ako."Sigurado ka?" tanong pa ni Ate Lillian.Mabilis akong tumango."Ayos lang talaga ako, Ate. Don't
Kabanata 32 Love is really sweeter in second time around. Iyon lang ang napagtanto ko simula nang magkabalikan kami ni Nikkolai. Sa bawat halik, bawat yakap, at bawat mga mahihinang bulong ng mga salita ay ramdam ko ang tamis. Ang tamis na akala ko ay nawala sa'min nung iwanan ko siya. Lumipas ang mga araw na naging maayos naman ang pagsasama naming dalawa. Sa pagkakataong ito, wala kaming ibang ginawa kundi ang bumawi sa isa't isa, pinupunan ang mga araw na nasayang namin noon. May mga oras din naman na hindi namin nakakasama ang isa't isa dahil may pinagkakaabalahan kaming pareho; siya sa bayan ng La Castellion, habang ako naman ay ang band career ko sa Manila. Twice a month na rin ako kung umuwi dito sa La Castellion at isang linggo na nanatili dito para makasama siya at ang pamilya ko. Isang taon ang lumipas na gano'n ang ginagawa ko, ginagawa namin. Sinisigurado ko talagang may quality time kaming dalawa.&nbs
Kabanata 31"Sigurado bang wala kayong problema sa akin? Kahit na ganito ako?" tanong ko habang abala ako sa pagtingin ng aking repleksyon sa harap ng salamin, inaayos ang aking itim na buhok gamit ang hair wax.Medyo kumapal na ito dahil medyo matagal na rin simula nung huli kong punta sa barber shop. I also changed my hair style when I was in Manila. From faux hawk cut, I changed it to quiff. Bumagay naman iyon sa diamond shape kong mukha."Sus. Anong problema sa'yo, p're? Hindi naman big deal sa'min 'yan." tugon ni Oliver habang sinusuot ang silver necklace niyaMula dito sa salamin ay kita kong napatingin silang lahat sa'kin sa gitna ng pag-aayos nila sa kanilang sarili para sa magaganap na concert ngayon. Time really flies so fast. Parang noong nakaraan lang ay pinagpaplanuhan palang namin ito, pero heto kami ngayon at naghahanda na.Nandito kami sa i
Kabanata 30"Sigurado kang kaya mong magmaneho? Puwedeng ako naman kung hindi mo kaya."Hindi ko alam kung ilang beses na ba niyang itinanong sa'kin 'yan. Simula palang nung naglalakad kami papunta dito ay kinukwestyon na niya ako tungkol dito."Oo nga. Ang kulit mo," natatawang sagot ko at pinisil ang kaniyang pisngi."I'm just worried. Sabi mo kasi masakit pa rin 'yang..." He pointed pll my butt using his lips. "Baka kasi hindi ka maging komportable sa pagmamaneho mo."Masakit pa rin naman talaga ngunit hindi na naman kasing-sakit tulad kagabi. Medyo mahapdi nalang at minsanan nalang ang pagkirot.Kaninang nag-almusal kami bago umalis sa apartment niya, komportable naman ang pag-upo ko kaya siguradong hindi naman ako mahihirapan sa pagd-drive."Ayos na ako. No need to worry, okay? Atsaka kung sumakit
Kabanata 29"Masakit pa ba?" malumanay na tanong niya mula sa'king likod, rinig ko sa boses niya ang pag-aalala.Kauuwi lang namin dito sa apartment niya. Dito na naming naisipan na umuwi pagkatapos ng nangyari sa'min sa ilalim ng tulay dahil bukod sa ayaw na naming makita kami ng mga tao doon na ganito ang histsura namin, maayos din ang banyo at puwestong pagpapahingahan namin dito.Marahan akong tumango, napapangiwi dahil sa sakit na nararamdaman ko."Medyo nalang. Hindi na katulad kanina."My butt is really in pain right now. Makirot na mahapdi, lalo na kanina habang naliligo kami sa banyo. Siya pa ang nagbuhos sa'kin ng tubig dahil sa panlalambot na naramdaman ko na para akong lalagnatin. Maging ngayon nga sa pag-upo ko sa kama niya ay dama ko pa rin ang nangyari sa'min kanina.That's my first time. Kadalasan kasi na ako ang