Kabanata 4
"Seryoso, Kuya? Magkaibigan talaga kayo ni Mayor?" hindi makapaniwalang tanong ni Kylie habang hinahapag ang merienda namin sa glass table.
Nakahiga ako ngayon sa sofa bed namin sa sala, nagpapahinga dahil sa tinapos kong gabundok na labahin namin. Tatlo na nga lang kami, pero ang mga nilahan ko parang pang-sampung tao na.
Reklamo nga ng reklamo itong kapatid ko dahil doon. Bakit daw hindi nalang namin i-laundry sa may bayan para mas madali at hindi nasisira ang bagong manicure niyang kuko. Syempre ako gusto kong makatipid, sayang lang ang pera na ibabayad namin doon, e kaya ko naman labhan ang mga damit namin. Marunong naman ako dahil tinuruan ako ni Mama.
Itinukod ko ang aking kamay sa ulo upang mas makakain ako ng maayos ng biscuit.
"Oo nga," pagod na sagot ko
Kabanata 5Sa mga sumunod na araw ay wala akong ginawa kundi ang asikasuhin ang schedule ko. Kailangan kong ibahin ito ngayon lalo na't nakikita ko na mas magiging busy pa ako sa susunod pa na araw kaya kailangan talagang i-manage ko ang oras ko.Kung dati ay apat na beses sa isang linggo kami kung mag-ensayo, ngayon ay ginawa kong isa nalang muna. Hindi na rin naman kasi namin kailangan ensayuhin pa iyon, kabisado na namin lahat ng kantang kakantahin namin sa pista ng La Castellion. Kaunting linis nalang naman ang gagawin at paunti-unting practice nalang sa audition piece na gagamitin namin sa oras na magtungo na kami sa SSE.Hindi naman kasi ibig sabihin na tutulungan nga kami ni Nathalia na makapasok doon ay petiks petiks nalang ng gagawin namin. Gusto kong ipakita na may ibubuga rin kami para hindi sila magsisi na pinapasok kami doon nang madalian.
Kabanata 6"A-aray!" daing niya habang dinadampian ko ng cotton bud na may antiseptic ang labi niya. "Dahan-dahanin mo naman, Kiro. Masakit na nga, mas lalo mo pang pinapasakit..."Tinanggal ko ang cotton bud at seryoso siyang tiningnan. Putok na putok ang gilid ng labi niya. Hindi tulad kanina ay hindi na ito masyadong a nagdurugo, pero halata pa rin ang malaking sugat doon.Naiinis pa rin ako hanggang ngayon habang iniisip kung paano siya bugbugin at halos patayin ni Lester.Kahit kailan talaga ay mayabang ang gagong iyon. Sa tuwing pupunta ako doon, palagi ko siyang nakikitang may mga sugat at pasa sa mukha. Halos lahat din ng mga tao sa baranggay nila ay pinanggigilan siya dahil sa ugali niya. Kung pwede ka nga lang na sapakin ko iyon kahit isang beses lang para mawala ang kayabangan ay ginawa ko na.
Kabanata 7"May tanong ako, Mayor," singit ko nang matapos silang mag-usap ng kaniyang sekretarya sa cellphone, pinag-uusapan ang magiging schedule niya ngayong araw.Wala naman siyang ibang gagawin ngayon kundi ang pumunta sa isang west wedding at siya ang magkakasal sa bride and groom doon. Well, it's part of his duties as a mayor of this town, kaya heto kami at on the way na sa venue sakay ang isang puting van.Hindi ko nga alam kung anong trip niya at sinama pa niya ako dito. Wala naman kaso sa akin iyon dahil tapos na naman ang dalawang araw naming ensayo. Basta para may kasama lang siyang kakilala niya doon, gano'n ang sabi niyang rason sa akin."Ano 'yon?" baling niya sa akin habang binubulsa ang kaniyang cellphone.Nilingon ko siya, he's right beside me. Iba ang porma niya ngay
Kabanata 8"Pang-ilang ulit na natin 'to, pre. Ayos ka lang ba?" tanong ni Levi, ramdam ko ang pagka-irita niya sa akin.I sighed. Inilapag ko ang aking gitara sa lapag saka umupo. Kinuha ko ang water bottle sa tabi ko, inubos iyon ng isang lagukan lang, napapamura pa sa isip ko. Maging ako ay naiinis na rin sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito nalang bigla.Since last week nung mag-umpisa ulit kaming mag-ensayo, lagi nalang akong ganito. Kung hindi ako magkakamali sa mga chords, mapipigtas naman ang string ng gitara ko tulad ngayon. Wala naman akong sakit o ano. May isang bagay lang talaga ang naglalaro sa isipan ko ngayon at hindi ko maalis."Oo nga, pare. Baka may problema ka pala, hindi mo lang sinasabi amin," gatong ni Oliver habang pinaglalaruan ang kaniyang drum sticks.&
Kabanata 9"Two cinnamon hazelnut cake, Miss," I ordered as the lady in uniform asked me what flavor of cake do I want."Okay, sir. Pakisulat nalang po ng name ng celebrant." Iniabot niya sa akin ang isang notepad at ballpen.Agad kong kinuha iyon, isinulat ang pangalan ni Kane at Kylie at ang edad nilang dalawa. Today is their birthday. Sigurado ngayon ay nagsisiyahan na sila sa bahay. Balita ko ay inimbita nilang dalawa ang mga kaibigan nila.Nabigyan ko na naman ng pera kahapon si Kylie para bumili ng sangkap sa handa at pinakiusapan si Aling Myra, kapitbahay namin na siya na ang magluto no'n. Pumayag naman siya, sinabihan na magbabalot nalang daw siya ng kaunti para sa pamilya niya.Nang matapos ay ibinalik ko ulit sa babae ang notepad bago ako humarap kay
Kabanata 10"Siguraduhin mong patay ang ilaw sa kusina bago ka matulog," paalala ko kay Kylie pagkaabot ko ng palangganna sa kaniya na may laman na maligamgam na tubig.Tumango lang siya, nakanguso bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Isinarado ko na ang pinto at siniguradong naka-lock iyon. Pinatay ko rin ang ilaw. Hindi ako makakatulog ng nakabukas iyon.Nang humarap ako sa kama ay mahimbing ng natutulog sa ikalawang palapag si Kane. Anong oras na rin kasi natapos ang inuman, alas onse na rin siguro iyon at halos sila ay lasing na lasing.Ang mga bisita naman ay nakauwi naman ng ligtas. Malapit lang din naman ang bahay nila sa amin.Bumaba ang tingin ko sa kama ko kung nasaan ngayon nakihalata ang walang malay na alkalde. Katatapos ko lang siyang hilamusan at bihisan. An
Kabanata 11"C'mon, Kiro! Bilhin na natin!" pilit pa ni Nikkolai habang hawak ang isang gitara na kulay krema ang katawan. Kanina pa niya hawak 'yan at kinukulit ako na kuhanin na namin iyon."Nikkolai, huwag na. Maayos pa naman ang gitara ko kaya hindi ko rin naman magagamit 'yan," giit ko.Sa totoo lang, sa tingin ko ay malapit na talagang masira ang gitara ko dahil nakailang palit ako ng string ngayong linggo dahil sa palaging napipigtas. Minsan naman ay palaging wala sa tono. Nakakaasar nga dahil kung kailan malapit na ang fiesta, doon pa ito sumabay.Gusto man tanggapin ang alok niya na bilhin iyon para sa akin ay tinatanggihan ko talaga. Bukod sa nakakahiya ay ilang beses na rin niya itong ginagawa sa akin—sa amin ng mga kapatid ko."Edi gamitin mo nalang kapag tuluyan ng nasira ang gitara mo," pangungulit pa niya. "Look, Kiro. I just want this for you. It looks good on you. Isa pa, gusto kong tuparin sa'yo 'yong
Kabanata 12"Are you staying here for good?" tanong ni Mayor sa kaniya habang naglalakad na kami palabas ng perya."No, bakasyon lang. Baka pagkatapos ng fiesta ay lilipad na rin kami pabalik ng States," sagot ni Rios at inakbayan si Nikkolai.Patago nalang akong napairap sa pakikinig sa usapan nila. Inilagay ko ang dalawa kong sa mga bulsa ng pantalon ko at diretsong tumingin sa daanan. Hindi ko ba alam kung bakit ba ako nakakaramdam ng inis ngayon, pero sino bang hindi?Simula nung dumating siya kanina ay parang wala ng Kiro ang nag-e-exist sa harap nila. Parang nakalimutan na ako dahil sa masayang pag-uusap nila. Gusto na naman sanang mauna at umuwi pero hindi naman ako makasabat sa kanila kaya no choice kundi ang maging thirdwheel nila."Bakit parang ambilis naman?"He sighed. "Hindi ko nga alam kay Mama, e. Pero hayaan mo na. Sulitin nalang natin ang mga araw na nandito ako! Let's bond!""Sige lang," pagsa