Claiming Him

Claiming Him

last updateLast Updated : 2023-01-17
By:  WildRose Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
797views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

SYPNOSIS Isang anak ng General at isang ulila na. Isang ipinanganak sa pamilyang sagana habang isa ay tauhan lamang. Ang buhay nila na tila ba langit at lupa ngunit ang pagmamahalan ay siyang pumapagitna. “Akin ka, sa’kin ka lang at walang sino man’ ang pwedeng umagaw sayo. I maybe a bad person in your eyes and this bad person will be your worst nightmare once you betrayed me!” Dahil sa mga ala-ala ay natakot na ulit siyang sumugal at ibigay lahat. Pero pagdating sa isang lalaki na kinabaliwan niya ng husto ay susugal siyang muli at hindi niya hahayaang iwan o mawala ito sa kaniya. “Hindi, hinding-hindi ako magiging sayo! Ako lang ang nagmamay ari sa sarili ko! Lubayan mo ako!” He's the son of General in military. A spoiled yet rebelled son who will do everything to claim what he likes. He once betrayed by the girl he loved and now he won't let that happen again. “I want you.” Zephraime said. Ang mga pusong pinigilan at pilit na himahadlangan ng mga taong hindi pabor sa kanilang nararamdaman. “Bakit hindi mo maintindihan na hindi pwede! Bakit hindi mo maintindihan na mali ang nararamdaman mo! B-bakit… bakit hindi mo maintindihan n-na m-mali ito…” “You know that it's not wrong, alam mo sa sarili mo na walang mali pero yang isip mo, pilit na hinahadlangan ang puso mo!” Mali nga ba o talagang takot lang ang nangunguna? Lalaban pa ba o titigil na? Tatanggapin na lamang ba ang kapalarang kahit kelan ay hindi magiging sila? ‘I own you, you are mine.’ ‘Please tama na, hindi ko na kayang ipagtulakan ka pa.’ A man with responsibility and truth to his words. He is not an evil or a bad person but he will definitely possessive for ‘CLAIMING HIM’.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: SIMULA

Third Person Point Of View

“Come on dude! Just this one, I bet you'll like her.”

“Wag niyo na pilitin, mamaya niyan tayo pa ang mayari kay tito once na malaman niya.”

Sa kabila ng maingay at tanging disco light lang ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran ay iisang lalaki lamang ang nangingibabaw sa mata ng mga babaeng animo'y tigre na handa nang sugurin ang kanilang biktima.

“Hi, mukhang hindi ka nag eenjoy, wanna come to my place and have some fun?”

Aniya ng isang babae sabay lingkis ng mga braso sa leeg ng lalaki. Naghiyawan ang mga kaibigan nito ngunit wala siyang pakealam.

“You have a nice body and face.”

Namula ang mukha ng babae sa itinuran ng lalaki sa kaniya,

“Thank—”

Nabitin sa ere ang sasabihin ng babae nang magsalitang muli ang lalaki

“A pretty face and a nice body girl like you, I bet there's a lot of different saliva all over your body so remove your f-cking hands off of me before I brake all of your bones.” wika ng lalaki nang hindi man’ lang tumitingin sa babaeng nasa harap niya. 

Nanlaki ang mata ng babae at nagmamadaling inalis ang mga brasong naka angkla sa leeg ng lalaki, namumula ang mukhang inagaw nito ang alak na hawak ng kung sino man’, na dumaan sa kaniyang gilid at walang ano-ano'y isinaboy ito sa mukha ng lalaki.

“J-rk!”

Saad ng babae at tumalikod na, hindi pa ito nakakalayo nang maramdaman niya ang malamig na likidong bumagsak sa ulo niya pababa sa kaniyang mukha at katawan. Nanginginig na humarap ito sa kaniyang pinanggalingan at laking gulat ng makita ang lalaking sinabuyan niya ng alak na ngayon ay binubusan siya ng isang timba’ng tubig na puno ng yelo.

“Claim your price for being a sl-t.”

Saad ng lalaki at nilampasan ang babaeng nanginginig sa lamig.

•••

“Dude that was harsh, ang ganda pa naman niya.” saad ng kaibigan nito.

“Go back and f-ck her if you want.” saad naman ng lalaki habang nakaupo sa mahabang sofa. 

“Dude are you still waiting for—”

“If I were you I won't continue my words.”

The other man said. Nagtuloy-tuloy ang bonding ng mag kakaibigan hanggang sa tumunog ang cellphone ng lalaki.

“Go home now.”

Just three words from the other line and the call ended.

“Who was that?”

“The General.”

Nag form ng ‘O’ ang bibig ng dalawang kaibigan ng lalaki at tumango-tango. 

“Bye.” simpleng saad ng lalaki bago tumayo. 

Malalaki ang hakbang na lumabas siya ng condominium at sumakay sa kaniyang big bike. Mabilis niyang pinaharurot ang motor pauwi sa kanilang bahay.

•••

Nakapamulsang naglalakad ang lalaki habang may nakasalpak na earphone sa kaniyang tenga. Bawat mga katulong na madadaanan niya sa pasilyo ay yumuyukod bilang pagrespeto sa anak ng Heneral.

“Where have you been?”

“Liam’s condo.”

Malaki ang tiwala ng Heneral sa kaniyang anak kaya naman kahit anong sabihin nito o maging sagot sa kaniyang tanong ay agad itong pinaniniwalaan.

“Okay, go to your room and sleep. We will visit our farm in Tralan and also your aunt Frin.”

Tumango lamang ang anak at naglakad na paakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kaniyang kuwarto. Pagkarating sa kaniyang kuwarto ay kaagad niyang hinubad ang pang itaas na kasuotan at dumeretso sa shower room. Tumapat lamang siya sa shower at kusa na itong naglabas ng tubig ns tumama sa kaniyang katawan. Habang nakayuko ay iniisip ang kaniyang nakaraan kung saan nagmahal siya ngunit sa kabila ng kaniyang mga ginawa ay iniwan pa din siya nito at lumayo. 

Mabilis na niyang tinapos ang pagligo at binalot ng towel ang kaniyang ibabang bahagi ng katawan bago lumabas ng shower room habang kinukuskos ng isa pang towel ang basang buhok. Naupo siya sa gilid ng kama at isinampay sa balikat ang towel na ipinang tutuyo niya ng buhok bago kinuha ang cellphone.

Message From: Aunt Frin

         See you tomorrow. I will prepare your favorite foods. :) 

Kaagad niyang isinarado ang message at pinatay ang kaniyang cellphone. 

“B-tch.” mahinang wika niya bago muling tumayo at kumuha ng damit at nahiga sa kama.

Tumitig siya sa kisame at ginawang unan ang kaniyang kanang braso. 

“Should I invite Liam and Copper to come along?” tanong niya sa sarili.

“Better not.” wika pa niya bago tumagilid ng higa at doon nakita niya ang pagsilip ng liwanag buwan. Wala sa sariling tumitig siya doon hanggang sa dalawin na siya ng antok. 

Sa kabilang banda naman ay tahimik na nagbabasa ng libro ang isang binatilyo sa kaniyang silid habang nakaupo sa bukana ng bintana kung saan matatanaw ang buwan na tumatagos ang liwanag sa kaniyang silid. Nang tingnan niya ang oras ay kaagad niyang isinarado ang binabasang libro at naglakad na palapit sa kaniyang higaan. Bago matulog ay hindi niya nakakalimutang magdasal upang hindi siya bangungutin katulad ng dati.

“Dear god, thank you for this whole day and for tomorrow. Please guide us and my family.” saad niya bago nahiga at tumitig sa kanilang bubungan.

“Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang kinakabahan ako.” wika niya.

Napahawak siya sa kaniyang kaliwang dibdib na bigla nalang lumakas ang tibok.

“Kalma ka lang Xenon Lucas. Kalma. Kalma.” saad niya habang paulit-ulit na huminga ng malalim hanggang sa maging normal na ulit ang tibok ng puso niya. Pumikit siya ng mariin at nahiga na. Nararamdaman na niya ang antok nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone kaya naman kaagad niya itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Unknown calling…

Dahil hindi niya kilala at hindi pamilyar sa kaniya ang number ay hindi niya iyon sinagot hanggang sa matapos na ang tunog pero nag paulit-ulit pa iyon kaya naman padabog niyang sinagot ang tawag.

“Hello? Sino ito? Anong kelangan mo?” tanong niya sa kabilang linya ngunit hindi niya inaasahan ang magiging tugon ng nasa kabilang linya.

“What the f-ck?! Who the hell are you?!” kaagad na umakyat lahat ng dugo ni Xenon sa kaniyang ulo dahil sa narinig.

“Ano?! Sino ako?! Eh ikaw yung nambulabog ng tulog ko tapos itatanong mo kung sino ako?! Panira ka ng gabi!! Lakas ng tama mo pre’!!” bahagyang sigaw niya sa nasa kabilang linya dahil ayaw niyang maririnig siya ng kaniyang Inay at Itay na natutulog sa kabilang kuwarto.

Pagkatapos niyang singhalan ang kausap ay pinatay na niya ang tawag at pinatay ang cellphone bago makasimangot na bumalik sa pagkakahiga.

“Lakas ng trip nun ah. Nagda-drugs ata.” wika niya bago nagkumot at ipinikit ang mga mata pero kahit anong paggulong-gulong sa higaan, kahit anong posisyon ay hindi siya makatulog kaya naman padarag siyang bumangon at ginulo ang buhok.

“Aisshhh!!” iritadong saad niya at inihagis ang unan na nasa gilid.

Zephraime Point Of View

Nakaawang ang mga labing nakatingin ako sa aking cellphone matapos akong babaan ng lalaki sa kabilang linya. Muli kong tiningnan ang number na idi-nial ko at nakitang imbis na 3 ang dulo ng number ay 4 ang nakita ko.

“Tsk!” tanging reaksyon ko at pinatay na ang cellphone.

Tiningnan ko ang oras at nakitang alas’ dos na pala ng madaling araw kaya malamang na umuusok na ang ilong ng lalaking nabulabog ko. Wala sa sariling napangiti ako at napailing-iling. Muli nalang akong nahiga at nagkumot bago ipinikit ang mga mata. Nakatulugan ko nalang siguro ang paulit-ulit na pag-iimagine kung anong reaksyon ng lalaking aksidenteng natawagan niya. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status