Share

Chapter 2

Author: Jenaiah
last update Last Updated: 2023-11-27 01:10:13

Awa at pagka habag ang nararamdaman niya para sa sarili kaya hindi niya mapigilan ang impit na pag iyak. "Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" boses iyon ni Ann na nakapag pabalik sa kaniya sa reyalidad. Halos ka edad niya lamang yata ito na siyang anak nang isang kasambahay nilang si Glenda. Tumatangong tinapunan niya ito nang tingin hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kinauupoan niya.

"Ayos lang ako. Wag mo akong intindihin wala lang 'to" Aniya dito habang nag pupunas nang luha sa mata. Nakamasid lang din sa kaniya ang kawaksi na mababanaag sa maamong nitong mukha ang pagka awa para sa kaniyang amo. Dahan-dahang tumayo si khealie na hilam parin nang luha ang kaniyang mga pisngi.

"Ma'am, kung may kailangan kayo andito lang kami ah? Wag mong iisiping mag isa ka" Napangiti naman siya sa tinuran nang kaharap kahit papaano ay medyo naibsan ang bigat na nararamdaman niya kanina kahit papano naman pala ay hindi siya nag iisa dahil nariyan ang mga katulong nila na kahit hindi niya naman kaano ano ay parang pamilya na ang turin sa kaniya na handang dumamay sa kaniya.

"Salamat Ann" tipid niyang tugon dito. Binigyan lamang siya nito nang tipid na ngiti pagkatapos ay nagpaalam na siya dito na aakyat sa kaniyang silid. Nang makapasok sa sariling kuwarto ay doon niya ibinuhos ang lahat nang sakit nang loob na nararamdaman niya umiyak lang siya nang umiyak hanggang sa halos wala na siyang mailuha pa. Maya maya ay nag tungo siya sa walk in closet at dahan dahan niyang inilabas lahat nang damit niya. Kinuha niya naman sa ilalim nang kama ang maletang paglalagyan niya nang lahat nang kaniyang gamit.

Kung hindi niya mapipigilan ang mga magulang sa kagustohang ipakasal siya kay Alex mas mabuti pa nga sigurong umalis na lamang siya kaysa ang matali siya sa taong hindi naman niya gustong makasama. Nang matapos na siyang ilagay lahat nang mga importanteng gamit na kakailanganin niya ay dahan dahan niyang binuksan ang pinto nang silid at sinilip ang labas kung nasa paligid ba ang mga magulang niya. Nang mapansing wala ang mga ito ay dali dali siyang lumabas at bumama nang hagdan. Maingat ang mga hakbang niya upang hindi siya maulinigan nang mga katulong panay din ang paglingon lingon niya sa bawat sulok nang bahay baka mamaya ay mahuli siya na tumatakas.

Sa wakas ay nakarating din siya sa gate. Luminga linga muna siya sa paligid nang akmang bubuksan niya na ang gate.

"Ma'am, khealie saan ho kayo pupunta bakit kayo may dala dalang bagahe?" gulat siya nang masilayan ang kawaksi nilang si Melda sininyasan niya itong huwag maingay. "Aalis ho ba kayo ma'am? saan ho kayo pupunta? Baka magalit sila madam malalagot kami" bakas ang takot sa mukha nang kasambahay nilang si Melda. "Shhh! aleng Melds wag niyo pong sabihin kila mommy to ah? please aleng Melds ayuko na talaga dito. Ayukong maikasal kay Alex" Pakiusap niya dito napalitan naman nang awa ang bumalatay mukha nang katulong.

"Opo ma'am pero saan naman kayo pupunta ngayon?" napabuntong hininga naman ang dalaga. Saan nga ba siya pupunta ngayon. wala naman siyang ibang kamag anak sa pilipinas lahat nang tita at tito niya ay sa Abroad na naninirahan. "Hindi ko alam, Ewan ko bahala na"

"Mag iingat po kayo ma'am khealie ah" Parang naiiyak na sambit nito. Tumango tango naman siya at bahagya itong niyakap hindi niya gustong umalis pero ito lang ang nakikita niyang paraan para hindi siya tuloyang maikasal. "Oh sige aalis na po ako kayo na ang bahala kila momm't daddy ah?" nanunubig ang mga matang bilin niya dito matapos kumalas mula sa pagkakayakap. agad namang napatango tango ang kaharap na halos nangingilid na ang luha sa mga mata.

Ngumiti si khealie dito at pagkatapos ay pagkatapos ay tuloyan na siyang lumabas nang gate at pumara nang taxi. Sa ngayon isa lang ang naiisip niyang pwede niyang puntahan iyon ay ang kaibigan niyang si Rj. Magbabakasakali siyang baka patuloyin siya nito. Magkaibigan naman sila nito kahit nong mga bata pa lamang sila.

"Manong para po" Agad namang huminto ang taxi "bayad po" pagka abot niya nang bayad ay agad na siyang bumaba. Tumingin pa siya sa bahay na nasa harapan niya. Matapos niyang bumuga nang hangin ay dahan dahan siyang nag lakad papalapit sa gate nang dilaw na bahay nag dadalawang isip pa siya kung pipindotin ba niya ang door bell nito na ilang minuto niya naring pinag mamasdan.

Maya maya pa ay napag pasyahan niya nang pindotin ito. Natanaw niya naman kaagad ang kaibigan na papalapit sa gate nagulat pa ito nang mapagsino siya mukhang hindi nito inaasahan na darating siya nang ganoong oras. Biglaan lang din kasi ang pangyayari at hindi niya ito naimporna na pupunta siya ngayon.

"Rj"

"Oh khealie, ikaw pala ano ang atin? at napasyal ka yata. Nang ganitong oras? pumasok ka muna" magiliw na bati nito sa kaniya na niluwagan pa ang pagkakabukaa nang gate para makapasok siya. "Rj ahm..." She bit her lower lip.

Nahihiya siyang sabihin sa binata kung ano ano pakay niya kung bakit siya naroon. Bahagya naman siyang pinasadahan nang tingin nang kaibigan at nangingiting tumuon ang mga mata nito sa bitbit niyang maleta. Mas lalo tuloy sumiklab ang hiyang nararamdaman niya nang makita ang naging reaksiyon nito.

"Rj wala na talaga akong mapupuntahan ikaw nalang ang naisip kong puntahan baka pwedeng...baka naman" Hindi niya maituloy tuloy ang gustong sabihin niya dito. Nag babadya na naman kasing manubig ang kaniyang mga mata sa tuwing naaalala ang nangyaring sagotan sa pagitan niya at sa kaniyang mga magulang.

"Ayst, halika na nga sa loob na tayo mag usap gabi na kasi oh" Anito. Dahan dahan namang pumasok si Khealie nang makapasok na ito ay saka isinara nang binata ang gate pagka pasok nang dalaga. "Akin na yang dala dala mo" agaw nito sa bitbit niyang maleta nahihiya at medyong nag aalangan pa na tumango ang dalaga bago bitawan ang dala at ipaubaya iyon sa kaibigan.

"Tara sa loob" Paanyaya niya dito at nag patinguna na ito papasok sa loob nang bahay. Tahimik namang nakasunod sa likuran ang dalaga na sinusuri pa ang bawat sulok niyon. "Have a set" iminuwesta nito ang upuan pagka pasok nila sa bahay ng binata. Agad namang naupo ang dalaga sa malambot na sofa na kaharap sa binata na prente nang nakaupo.

"So, what's the problem at napasugod ka dito sa bahay nang ganitong oras?" Tanong nito sa kaniya habang matiim siyang tinititigan hindi niya tuloy mapigilan ang panunubig nang kaniyang mga mata nang tanongin na nito ang rason kung bakit siya biglaang napasugod sa bahay nito nang hindi inaasahan.

"N-nag layas ako sa bahay" panimula niya. Bahagya pa siyang napapasinghot-singho­t at pinunasan ang masaganang luha na di niya na napigilan nang mag landas sa kanang bahagi nang pisngi niya. "Nalulugi na kasi ang kompanya namin and the only one reason nila mom and dad para ma save ang papalubog nang kompanya is to marry Alex hindi ako pumayag kaya nag layas ako" Paliwanag niya dito habang pinipigilan ang masinok sa harap nang kaibigan. Napatango-tango naman ang kabigan na para bang nauunawaan nito ang pinag dadaanan niya at ang kaniyang sitwasyon.

"You can stay here. Pero baka sumugod dito ang mga magulang mo para hanapin ka" Sambit nito na ikinalaki niya nang mata "But don't worry i will never tell them that you were here pero kilala mo naman sila tita diba?" Tanong nito na ikinatango niya. Kilala niya ang mga magulang hindi titigil ang mga yon hanggat di siya natatagpuan. Lalo pa ngayon at nakasalalay sa kaniya ang kaligtasan nang kompanya nila sa pamamagitan nang pagpapakasal sa taong hindi niya iniibig.

"Salamat Rj, ah? wag kang mag alala pag may matitirhan na ako___"

"Ano kaba you are always welcome here parang di naman tayo mag best friend niyan" Natawa siya sa sinabi nito. Kahit papaano ay gumaan na din ang bigat sa dibdib niya. Salamat at may kaibigan siyang nandiyan at handa siyang damayan sa oras na lugmok na lugmok siya.

"Thank you Rj" Ulit niya at saka ito niyakap sa subrang tuwa medyo nagulat pa ang binata sa ginawa niya, hindi nito iyon inaasahan pero kalaunan ay gumanti na din ito nang yakap sa kaniya. "Okay tama na ang drama ha, kumain muna tayo alam kong hindi kapa kumakain" Sabi nito matapos kumalas mula sa pagkakayakap niya. "How did you know na hindi pa ako kumakain?" Agarang tanong niya dito na pinupunasan ang basang pisngi.

"I heard your stomach grumbling" Anito na nag pipigil lang nang tawa. hindi naman maiwasan nang dalaga ang mapa awang ang mga labi sa pagka gulat shemay! narinig niya pa pala iyon? Nakakahiya.

"That's okay, at least hindi tunog nang utot mo ang narinig ko" Pagka sambit nito niyon ay bumunghalit ito nang tawa na napahawak pa sa sariling tiyan na animoy may nakakatawang talaga. Hindi na napigilan ni khealie ang pagka inis kaya naman ibinato niya rito ang hinubad na flat shoes na agad naman nitong nailagan, mas nadagdagan lang ang inis niya rito nang ayaw parin nitong umawat sa katatawa.

"Ang sama mo talaga!" Asik niya dito pero tinawanan na naman siya nang isa na mas lalo pang ikinadagdag nang inis niya para dito. "eto naman hindi na mabiro I'm just trying to make you laugh here" Sambit nito na animoy nag tatampo pa. Inirapan lamang ito ni khealie. "Eh hindi naman nakakatawa ang biro mo. Epic fail nga ei hindi naman ako natawa" Sinamaan siya nito nang tingin.

"Grabe naman to ang prangka mo masyado" mahihimigan nang pagtatampo ang tono nang boses nito "I'm just stating the fact, no? hindi naman talaga ako natawa"

"whatever payatot kumain na nga lang tayo" Anito na agad ding nag hain para sa haponan nilang dalawa. "Hindi ako payatot sakto lang ang katawan ko ano?" segunda niya dito na pinamewangan pa ito sabay taas nang kilay. Ganito talaga silang dalawa noon pamang mga bata pa sila. Madalas mag biruan at mag asaran pero lagi naman silang nagkakasundong dalawa sa kalokohan lalo na kapag may napag titripan silang dalawa na ka school mate nila noong mga highschool pa sila.

"Oo nga kunting ihip nalang nang hangin matatangay kana" Pang aalaska pa nito sa kaniya sabay lapag nang pagkain sa round table siya naman ay inirapan ito matapos umupo sa hinugot niyang upoan.

"kahit kailan talaga hindi ka marunong mag biro" Sambit niya dito sabay irap "At least guwapo no?" Pagmamalaki nito na nginisihan pa siya nang nakakaloko nag kibit balikat lamang siya at hindi na nag komento pa.

Tahimik lamang silang kumakaing dalawa walang imikan hanggang sa si khealie na ang bumasag niyon. "Rj nasaan pala sila tito at tita?" Di niya napigilang tanong dito nang mapansing wala ang mga magulang nito at silang dalawa lamang ang tao doon. Kalimitan kasi kapag bumibisita siya sa bahay nang mga ito ay ang mommy nang kaibigan ang madalas na sumasalubong sa kaniya para bigyan siya nang isang mahigpit na yakap. Subrang close din kasi nila nang ina nang matalik niyang kaibigan.

Kahit na silang dalawa lamang ang nasa iisang bubong ay hindi naman nangangamba ang dalaga na baka merong gawing masama ang lalaking kaharap. Tiwala siya sa best friend niya at hindi naman ito ganoong klaseng lalaki, katunayan pa nga ay parang kapatid na ang turingan nila sa isat isa. Palagi siya nitong ipinag tatanggol kapag na bubully siya nang mga kaklase niya noong elementary pa lamang sila. Tanging si Rj lang ang naging kaibigan niya mula pa pagka bata.

Lumunok muna sandali ang binatang kaharap bago sinagot ang tanong niya. "My parents are both in state for some business matters kaya ako lang ang nandito" Napatango tango naman siya sa sagot nito. "Aren't you feel alone here? you know wala kayong maid ni isa tapos wala pa sila tita ang lungkot non panigurado" tanong niya pa dito habang sumusubo nang kanin.

"Nah, we have maids before. But since my parents went abroad para sa business namin don, pinauwi niya ang mga katulong para naman daw matoto ako na tumayo sa sarili kong mga paa" Mahabang litanya nito.

"Beside may kaalaman naman ako sa gawaing bahay kahit papano. I can cook on my own" Dagdag pa nito na tango lamang ang itinugon nang dalaga. Kilala ni khealie ang kaibigan dahil mga college paman sila ay may sinabi na talaga ito pagdating sa kusina dahil sa nag aral ito nang culinary balak kasi nitong maging chef pero hindi iyon natuloy dahil ayaw nang ama nito.

Marunong naman sa gawaing bahay ang binata pero kapag sinisipag nga lang mensan ay umaasa parin ito sa mga maids nila. Kaya siguro nang pumontang US ang mga magulang ay pansamantalang pinauwi ang mga kasambahay para matoto din ito na huwag umasa sa iba.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling For Her Unexpectedly    Chapter 25

    Bago sila tuluyang umuwi ay nag pasya munang pumunta si Miles sa isang jewelry store nang maalala ang bagay na iyon. Nang pumasok sila ay kaagad na binati nang magandang babae si Miles nang lumapit sila para tingnan ang ilang nga rings na nahanay sa loob nang isang glass storage. "Hello, sir nag hahanap po ba kayo nang singsing?" Magalang nitong tanong habang malapad na naka ngiti. Medyo nainis naman roon si Khealie hindi niya gusto ang babaeng iyon para bang palihim nitong inaakit ang asawa. 'Asawa niya?' kasal na sila ngayon kaya naman Asawa niya naman na talaga ito. Pakikipag talo niya sa kaniyang isip. "Which one do you like?" tanong nito sa kaniya na hindi makikitaan nang anumang ekspresyon ang hitsura nito. Agad na pinasadahan ni Khealie ang mga naka hanay na singsing roon. Na stock ang tingin niya sa isang gold ring na kung hindi siya nag kakamali ay isa iyong verragio INS - 7074R 3 stones rings. Ang 3 stone ring na kilala rin bilang Bostonian ring ay sinasabing kumakatawan

  • Falling For Her Unexpectedly    Chapter 24

    Kasalukuyang nasa veranda si Khealie habang tahimik na nag babasa nang pocket book. Binili niya ito noong nag punta sila nang mall ni Xianel, she really loves reading books specially mga stories iyon. Nakahiligin niya na talaga ang pagbabasang ito mula pa noong high school siya. Pagkatapos umalis ni Aljunry nang mansion kanina ay dumiretso siya sa kaniyang silid nag palit nang damit at nag pahangin sandali sa veranda para maibsan ang pagka inip ay kinuha niya ang ilan sa mga pocket book na nabili niya. She was knocking kanina sa silid ni Miles para makausap ito pero mukhang wala ito roon dahil walang sumagot sa kaniya kaya naman hinayaan niya na muna ito. Sa hindi inaasahan ay napasulyap si Khealie sa labas, napakunot ang kaniyang noo nang mayroon siyang makitang babae na nakatayo roon kahina hinala ito kaya naman pinakatitigan ito ni Khealie para kilalanin kung sino ito. Mas kumunot lalo ang noo niya nang mapag sino ito. 'bakit balik parin siya nang balik rito?' Si Lucy iyon na

  • Falling For Her Unexpectedly    Chapter 23

    Kinakabahang nakamasid si Khealie sa labas nang isang pamilyar na bahay. Ilang buwan din siyang nawala, walang pinag bago ang bahay mag mula nong umalis siya at nag layas. Nasa loob siya ngayon nang kotse nag dadalawang isip siya kung bababa ba at papasok sa bahay na iyon, isipin niya palang ang magiging reaksyon nang mga magulang ay lalo lang bumibilis ang tibok nang kaniyang puso dahil sa labis labis na kaba. Pakiramdam niya ay nauubosan siya nang hangin at hindi siya makahinga. Papasok ba siya at mag papakita sa mga ito? sa totoo lang ay ayaw niya nang makita ang mga ito, kung hindi lang dahil sa pabor na hinihiling ni Miles para pakasalan siya nito ay hindi siya babalik pa sa bahay na ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? wala siyang choice kundi bumalik ulit sa Lugar na iyon at mag pakitang muli sa mga ito. Tahimik namang pinag masdan ni Miles ang babae na nasa tabi niya, nakatingin lamang ito sa labas nang isang bahay. Kahit hindi nito sabihin sa kaniya ay bakas sa mukha n

  • Falling For Her Unexpectedly    Chapter 22

    Nasa kilalang bar sina Miles kasama ang dalawang kaibigan na sina Aljunry at Jeck. Dahil siguro nakarating na Ang balita tungkol sa pag papakasal ni Lucy sa isang matamang Chinese para damayan ang kaibigan ay inaya siya nang nga itong uminom. Silang tatlo lamang ang naroon dahil nasa London ang isa nilang kaibigan na si Edward para sa inaasikaso nitong business nang pamilya. Nakaupo silang tatlo sa counter habang nakatingin sa mga taong sumasabay sa indayog nang musika. Ang ilan ay nag sasayaw pa habang may dala dalang bote nang beer sa gitna. Napatitig si Aljunry Kay Miles na para bang wala ito sa sarili dahil nakatutok lang ito sa kawalan. Tila may malalim na iniisip. "Wala ka man lang bang naging reaksyon pagkatapos mo malaman ang balitang kasal na si Lucy?" Nilakasan nito ang boses dahil baka hindi sila magkarinigan dahil sa malakas na tugtog na nag mumula roon. Bumaling ang tingin ni Miles sa katabi. Napapailing ito bago sumagot. "Ano pa ba ang dapat kung maramdaman? I caught

  • Falling For Her Unexpectedly    Chapter 21

    Sa mansion ng lola ni Miles...Kakapasok lang ni Khealie sa loob ng mansion ay kaagad niyang nakita ang lola Beth at ang ina ni Miles na parang may malalim na pinag uusapan. Napag tanto lamang niya kung ano iyon nang biglang mag salita ang ina ni Miles at mukhang alam niya na kung ano yon. "The nerve of that girl to marry another guy, after their break up. Hah! ang hilig niya talagang kumabit sa mayayamang lalaki. What a gold digger, mabuti nalang talaga at natauhan ang anak kot hindi natuloy ang kasal nila" Pumapalatak na sambit nito. "Bakit ganoon naman yata kabilis?" Kyuryusong sambit ni Lola Beth . Umiiling iling naman si Cristine na para bang alam na ang sagot sa tanong ng ina nito. "Ma...e kasi nga terador siya ng mga mayayaman, nakakapag taka paba iyon?" Si Khealie na nakatayo malapit sa pinto ay iginala ang kaniyang mga mata sa buong paligid, may hinahanap siyang tao pero hindi niya iyon makita roon. Alam na kaya nito ang balita?. "Hija, nariyan kana pala" Biglang usal ni

  • Falling For Her Unexpectedly    Chapter 20

    Sa bahay ng mga Aguirre"Magsilayas kayo sa harapan ko!" Sigaw niya sa mga inutusan niya para dakpin si Khealie. Agad namang nag si alisan ang mga taong iyon sa nakitang galit na galit na mukha ni Andres. Nag ngingitngit ang kalooban niya dahil na bigo na naman ang mga ito na maiuwi si Khealie. "Mga inutil!" Si Amanda na kabababa lamang mula sa itaas ay nag tatakang dinaluhan ang asawa na hindi malaman kung bakit ito galit na galit. Kaaga aga ay nag wawala na ito. "Anong nangyayare bakit ka nag wawala riyan?" Takang tanong niya, nilingon naman siya nang asawa na bakas ang galit sa mukha nito. "Yung mga inutusan Kong mag hanap kay khealie, pumalpak na naman" Asik nito. Nag dilim naman ang mga mata ni Amanda dahil sa nalaman. "Ayaw talagang mag pahuli nang babaeng iyon hah sinasagad niya talaga tayo" dagdag pa nito. Nabahala naman ang mukha ni Amanda kapag kuwan ay nag wika. "Mukhang mawawalan na tayo nang tsansa na muling maibangon ang kompanya natin" Umigting ang panga ni Andres sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status