Salamat sa mga bumasa! Please vote gems po 🩷
Amara's Point of View* Dahan-dahan naman akong napamulat at napansin ko na nasa isang magandang kwarto ako ngayon. Tumayo ako at tiningnan ko ang boung kapaligiran at naamoy ko din ang amoy ng dagat sa di kalayuan ngayon. Mukhang nandidito na ako sa resthouse ni Leo. Dumating na ba ang mga anak ko? Lumabas na ako ng kwarto at lumakad na ako. Baka dumating na ang mga anak ko---- nang matigilan ako nang may naalala. Baka nakita na niya si Sol. Agad akong tumakbo kung nasaan sila ngayon at lumapit pa ako sa isang katulong para tanungin kung nasaan sila ngayon. "Matanong ko lang kung nasaan ngayon sila Leo?" "Nasa dining room po sila ngayon, madame." Yumuko naman ito. Sa laki ng resthouse na ito mukhang mawawala pa siya. "Can you take me there?" "Yes, madame." Lumakad na kami. Iniisip ko kung ano ngayon ang magiging reaksyon ni Leo lalo na pag makikita niya si Sol. Sana ginising niya ako para mapaliwanag ko sa kanya ang bagay na yun. Nakarating na kami sa dining room at agad kon
Amara's Point of View* Nakita pa ng mga anak namin ang bagay na yun. Tatanggapin ko ba ang bagay na yun? Ayoko ng may ibang pamilya si Leo. Ayokong may ibang babae ako kahati sa puso niya. Parang kumirot ang puso ko ngayon habang nakatingin sa pagkain na ansa plato. "Wala akong anak o ibang babae, wife." Natigilan naman kami sa sinabi niya at maski ang mga bata ay nagulat dahil sa sinabi ni Leo. "Bakit mo tinatawag na wife ang mom namin?" kunot noong ani ni Sol sa kanya. "Kung wala kang asawa at anak ay ano ang sinasabi ng mga anak natin ha!" di ko napigilan na sumigaw at kasabay na din yun ng pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam at naka-feel ako ngayon ng frustration at sakit sa puso at selos. Sa akin ayaw niyang magkaanak pero sa ibang babae ay may anak siya. "Wife, wag kang umiyak." Hinawakan niya ang kamay ko at binawi ko naman ang kamay ko at masama ko siyang tiningnan. "Hindi ko alam na ayaw mo talaga sa akin. Ayaw mong magkaanak sa akin pero sa
3rd Person's Point of View* Flashback.... Nakarating ngayon ang mga bata sa mansion at agad nilang nakita si Leo na nakatingin sa kanila sa taas ng hagdanan. "Mabuti at nandidito na kayo." Dahan-dahan namang bumaba si Leo sa hagdanan hanggang makarating na ito sa harapan nila. "Ikaw ba ang kumuha sa mom namin?" walang emosyong ani ni Sol sa kanya. "Yes, natutulog ang mom ninyo ngayon." Napatingin naman si Leo kay Nina na nakatulala habang nakatingin sa kanya at napatingin din ito kay Leo. "Uhmm... mag-ama ba kayo?" Napatingin naman si Leo kay Watt na ipasyal muna niya si Nina dahil kakausapin niya ang mga anak niya ngayon. Yumuko naman si Watt at napatingin siya kay Nina. "Pasyal muna kita dito dahil kailangan munang kausapin ni master ang mga bata." "Huh?" Bago ito maka-react ay hinila na ni Watt si Nina paalis sa lugar na iyon. Bumalik ang tingin ni Leo sa mga anak niya at lumapit siya kay Luna at nag-sign ito na buhatin niya. "Come here, baby." Nagpakarga naman si L
Amara's Point of View*Nakatingin ako sa dalawang anak ko na nakatingin sa akin at si Leo naman ay nasa gilid ko din.Bakit parang nasa interrogation room kami ngayon ni Leo?"Habang dito pa lang ay maglinawan na kayo habang maaga pa. Kung hindi niyo pa maayos ang pagtatampuhan at pag-aawayan ninyo ay babalik kami tayong tatlo sa America."Natigilan naman kami ni Leo sa sinabi ni Sol. Napatingin naman ako kay Leo. "Baby, naayos na kasi namin.""Ang ano, mom?"Siniko ko si Leo para magsalita din siya."Wife, ikaw ang umalis kaya ikaw ang magpaliwang sa kanila."Natigilan naman ako sa sinabi ni Leo at nakangiti pa siya habang nakatukod ang kamay niya sa panga niya na parang nanonood ng drama."W-What?""Mamaya na ako magpapaliwanag dahil gusto ko munang marinig ang side mo."Napalunok naman ako sa sinabi nito at dahan-dahan na napatingin sa dalawang anak namin."Umalis ako noon dahil sa pagkakaalam ko one sided love lang ang nangyayari. Hindi ako mahal ng dad ninyo."Napatingin naman a
Amara's Point of View* Nasa gilid kami ng dagat ngayon at nakaupo ako sa upuan habang katabi ko si Leo at ang mga anak ko naman ay gumagawa ng sand castle. Nakahawak ngayon si Leo sa kamay niya na parang kinakabahan na lumapit sa mga anak niya. "Bakit ayaw mong lumapit sa mga anak natin?" Napatingin siya sa akin at sa mga anak namin. "Natatakot ako baka magalit sila sa akin. Alam mo naman ang ugali ko at expression ko baka ma---" Hinalikan ko ang labi niya na kinatigil niya sa pagsasalita. "Advance mo atah mag-isip, hubby." Natahimik naman siya habang nakatingin sa akin. "Okay, gagawin ko ang lahat matanggap ako ng mga mini us natin." Napatawa ako at dahan-dahan na tumango. Tumayo naman siya at lumapit sa kanila. Mukhang malaki-laki talaga ang adjustments na gagawin niya lalo na't hindi siya nakaramdam ng pagmamahal. At nakikita ko talaga na sa simula pa lang simula nung hindi pa niya nalalaman na anak niya ang mga ito ay tinanggap pa rin niya ang mga anak ko. He needs a
3rd Person's Point of View* Nakaupo ngayon si Trisha sa gilid ng kama niya at tiningnan niya ang phone niya kung nag-re-reply pa rin ba si Leo sa mga text niya at kahit isa ay wala. Hindi pa niya matawagan ang fiancee niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari iyon sa kanya ngayon. Ang akala niya na nanahimik lang si Amara pero tahimik na pala siya nito na tinutuklaw patalikod. "That, b*tch! Hindi ko siya kailanman uurungan!" Biglang tumunog ang phone niya at nagdali-dali naman siyang napatingin roon dahil ang akala niya ay si Leo na ang sumagot sa tawag. Nanlumo siya nung hindi si Leo ang tumatawag sa kanya ngayon. kundi si Daniel. "Ano? Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko sayo? Niligpit mo na ba ang b*tch na yun?" "Hmm... hindi eh. Protektado siya ng male lead mo." Tumawa pa ito sa kabilang linya na parang villain. Galit na galit naman si Trisha sa nangyayari. "What do you mean?" "Inatake ng mga tauhan ko silang dalawa sa hospital. Mukhang may pinupuntahan sila doon
Amara's Point of View* Nakatingin ngayon si Leo sa akin habang nilalagyan ko ng sun screen ang mga bata dahil mukhang matirik na ang init ngayon at baka magka-sun burn pa sila. "Mga babies, wag kayong masyadong magpainit. Hindi niyo pa nasusubukan na magka-sunburn." "Sabi nila ay masakit daw 'yun, mom." "Yes, masakit 'yun kaya maglalagay tayo nito sa katawan ninyo." Tumango naman sila dahil sa sinabi ko. "Mom." Napatingin naman ako kay Sol na seryoso na nakatingin sa akin. "Babalik pa ba tayo sa America?" Natigilan ako habang nakatingin kay Sol at napatingin rin ako kay Leo na mukhang nagulat din habang nakatingin sa akin ngayon. "Bakit mo naman natanong, Baby? Gusto mo na bang umuwi?" Hinawakan ko ang kamay ni Sol habang nakatingin pa rin siya sa akin. Napatingin naman si Sol sa dad niya at seryoso naman siyang napatingin doon. "Ayoko pa po. I want to test dad kung mahal ka ba talaga niya at totoo ang pinapakita niya sa atin at hindi pakitang tao lamang." "It's so good to
Amara's Point of View* Nasa sasakyan kami ngayon papauwi na kasi kami sa main mansion ni Leo kung saan ako nakatira noon at ang dalawang bata naman ay nasa likuran at mahimbing na natutulog. Chill lamang ang takbo ng sasakyan lalo na't may nakasunod rin sa amin na mga sasakyan ng mga bodyguards niya kaya panatag ako sa travel namin. Napatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak ngayon ni Leo habang nagmamaneho siya. "Gusto mo ako na ngayon ang magmamaneho, hubby?" Napatingin naman siya sa akin at ngumiti siya at dahan-dahan na umiling. "It's fine. Kaya ko naman ang bagay na ito." "You sure? Pwede naman tayong magpalit. Kanina ka pa kasi nagmamaneho at baka kailangan mo ring umidlip." "I can handle it. Kagaya rin ng sinabi ko ay this week ay wala akong trabaho dahil gusto ko munang maayos nag pamilya natin. I want to be a perfect husband to you." "Hindi mo naman kailangan na maging perfect husband sa akin para na lang sa mga anak natin at ayos na ako sa bagay na yun." Biglang may
Amara's Point of View*"Woah! Talaga, okay, let's exchange numbers."Pero hindi ko kinuha ang phone ko at binigay ko lang ang calling card ko sa kanya."Sorry, this phone is for personal. Only family."Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.Magsasalita sana siya nang biglang tumunog ang phone niya."E-Excuse me."Sinagot naman niya ang tawag sa harapan ko."Hello, baby? Nandito ako sa may jewelry. Ah oo nakikita na kita ngayon.""You can go now. May date pa kayo. Nice to see you again, Bianca."Napatingin naman siya at dahan-dahan na napatingin sa akin."O-oh... I will call you pagpupunta tayo sa reunion."Ngumiti ako at tumango. Lumakad na siya palabas ng shop at nakita ko na niyakap pa niya si Henry na parang nanglalandi pa sa harapan ko. Hindi naman napansin ni Henry ang presensya ko dito.Wala na akong pake sa kanya. Lumabas naman si Leo at napatingin siya sa akin. "Wife, may problema ba?""I want to hug you."Tinaas ko ang kamay para yakapin siya at mahina naman siyang nata
Amara's Point of View*"Guess who's here?"Walang kabuhay-buhay ko siyang tiningnan at kinuha ko ang wine at sumandal habang nakatingin sa kanya. Agad pumasok sa isipan ko na baka ibu-bully na naman niya ako. Kaya kailangan kong baguhin ang ugali ko dahil ibang iba na ako ngayon. "And you are?" Nakita ko na nagulat siya dahil sa sinabi ko. Mukhang exciting ang mangyayari ngayon huh?"Ohh, kinalimutan mo na agad ako?"Akmang lalapit siya sa akin at pinigilan naman siya ng mga gwardya na nasa paligid ko. Actually mukhang VIP ang shop ngayon kaya walang kahit sino ang makakapasok ngayon dito."Ohh, my gwardya ka na pala. Hindi ko alam na bigatin ka na pala?""Uhmm... Hindi naman masyado. Just let her go, baka acquaintance ko siya noon pa man."Binitawan naman siya ng gwardya at nagtataka pa rin siyang napatingin sa akin na parang di siya makapaniwala sa nangyayari.Ininom ko ang wine na nasa wine glass. Damn! Ang pait pero may after taste siya na sweet pero hindi ko pinahalata na di
Amara's Point of View*Nakarating kami ngayon sa isang jewelry shop at nakakunot ang noo ko kung bakit kami nandidito ngayon."Anong ginagawa natin dito?" mahinang bulong ko sa kanya lalo na nung nakikita ko ang mga nagmamahalang mga alahas."Hmm.. matutulog?"Sinamaan ko siya ng tingin at pinalo ang braso niya."Wife, ano pa ba ang gagawin natin dito 'di ba? Edi bibili.""Ang mahal dito."Natawa na lang ng mahina si Leo dahil sa sinabi ko. "You forgot already. Sino ba ang asawa mo?"Natigilan ako sa sinabi niya. Hala oo nga pala, bakit nakalimutan ko na siya ang pinakamayaman sa buong mundo?Sinampal atah ako ng dollar bills eh!"Edi wow."Nag-roll eyes ako na kinatawa niya at mahina niyang pinisil ang pisngi ko.Nakita ko na gulat na nakatingin sa akin ang mga employees dito. Ngayon lang kasi nila ako nakita na kasama ko ang lalaking ito."Good noon, Mr. Rossi and---"Napatingin sa akin ang parang manager doon."My wife."Nagulat naman ang lahat na nandidito dahil sa nalaman nila.
Amara's Point of View*Naglalakad kami ngayon at may kasama ang dalawang mga anak namin na tig-isang bodyguard para hindi siya mapahamak at hindi ito naka-uniform para hindi mahalata na bodyguard ang mga ito.Nakangiti lang ako habang nakatingin sa dalawang anak namin na masayang namimili ng gusto nilang school supplies. Nakaalalay naman sa akin sa bewang ko si Leo.Grabe nahiya atah ang hangin sa amin sa sobrang lapit namin. "Choose whatever you want, kids.""Hindi kami kids."Napatingin ako kay Sol na nakakunot ang noo."Babies."Napa-pout naman si Sol sa sinabi ko. "Okay, acceptable kay mom."Mahina na lang akong natawa sa pagsuko ni Sol at natawa rin si Luna at maski si Leo."Wife."Napatingin ako kay Leo na mahinang bumulong sa tenga ko at nanindigan naman ang mga balahibo ko at napatingin sa kanya."Bakit ba ang lapit mo sa tenga ko?"Naka-pout ako ngayon at ang init ng mukha ko. Ang daming tao kaya dito!"You look like our son when you are pouting."Napakunot naman ang noo ko
3rd Person's Point of View*Galit na galit si Nicole na umuwi sa bahay nilang mag-asawa at tinapon niya ang bag niya at tumingin sa partner niya."Ano 'yun? Tunganga ka lang? Wala kang ibang ginawa para protektahan kami sa kahihiyan?" sigaw ni Nicole sa kanya. Hindi naman nakapagsalita ang lalaki tungkol sa lalaking nakita niya kanina dahil delikado 'yun kung ito ang makakalaban.Hindi naman talaga niya alam ang katayuan nun pero binalaan na sila sa boss nila na wag na wag gagalitin si Mr. Rossi. Kakilala kasi ito ng boss nila sa kompanyang pinagtatrabahuan niya."Tinakasan ka ng dila mo?!""Please, wag na wag mong gagalitin ang lalaking 'yun.""At bakit? Wala akong pake kung sino man siyang nilalang na yan! Pinahiya niya ako sa school pa ng anak natin! Sa isang sikat na school pa! Tapos ano? Wala ka man lang ginawa?!""Papa, mama, nag-aaway ba kayo?"Napatingin naman si Nicole sa anak na naiiyak na. "Isa ka pa!"Agad namang binuhat ni Kyler ang anak nito para hindi pagbuhatan ng ka
Amara's Point of View* Nanlalaki ang mga mata ni Nicole dahil sa ginawa ko sa kanya dahil kahit kailan hindi ko siya sinampal. "Hey, what do you think you're doing to my wife!" "Wife mo mukha mo. Live in lang kayo lalo na't may iba kang pamilya. Alam ko background mo." Nanlalaki naman ang mga mata ni Nicole dahil sa sinabi ko. "Damn you! Wala siyang ganun!" Akmang lalapit na naman siya sa akin pero sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi niya at marami ng nakatingin sa aming mga tao dito. "Mommy!" umiiyak ngayon ang anak ni Nicole habang nakatingin sa mama niya. "Ano ba nag mapaglalaki mo? Yang pera mo!" "Pamilya ko. Ibang iba ang pamilya ko ngayon kaysa sa ginawa ninyo sa akin noon. Your family, my foot. Wala kayong kwenta. Let's go, Luna." "Hindi pa tayo tapos, babae." Napatingin ako sa ka-live in ni Nicole na papalapit sa amin nang isang iglap ay bigla na lang itong natumba sa sahig na kinatili ng lahat ng nandidito. "Are you okay, wife?" Hinawakan ni Leo ang kamay ko
Amara's Point of View* "Don't tell me wala 'yang ama?" Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Nicole dahil sa sinabi niya kay Luna. Hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila ng babaeng ito. Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga ginagawa niya noon pa man sa akin. Simula ng mga bata kami hanggang sa lumaki kami. "Wala ka talagang kwenta, noh? Ano 'yun? Matapos ang lahat ng ginawa nila papa at mama sa'yo ay yun lang ang higanti mo sa kanila? Lalayasan mo kami?" Kalma akong nakatingin sa kanya at nag-sign ako kay Luna na wag ng maingay dahil alam ko ang bibig ng batang ito. "Tapos ito nakikita namin na nagkakaroon ka ng anak tapos ano? Wala namang ama." Natatawang ani niya sa akin at napa-smirk lang ako habang nakatingin sa kanya. "Hindi pa naman huli ang lahat para bumali ka sa bahay. Like you know our parents are kind at pasalamat ka na sa bagay na 'yun." Bakit ko naman pasasalamatan ang mga taong nagpahirap sa akin ng ilang taon na parang basura lang ang trato sa akin?
Amara's Point of View* Napalunok ako habang nakatingin kay Leo. "Anak, hindi mo na dapat 'yun tinanong." "Why naman, mom?" "Because past is past. Hindi mo na kailangan pang balikan." "Wala namang mawawala kung sasabihin ang bagay na 'yun, mom. Gusto rin naming malaman lalo na't lumaki kami na walang daddy at mahirap rin sa part namin noon na ipagtanggol ang sarili namin sa mga taong nagtatanong kung bakit wala ang Dad namin at bakit magkahiwalay sila kayo." "W-What? Are they bullying you two? Bakit hindi niyo sinasabi sa akin at ang parating naririnig ko ay kayo ang nangangaway." "We only protect ourselves, mom. Gusto rin naming protektahan ka, mom, lalo na't sinasabi nila na kabit ka raw o ano. At hindi namin sinabi dahil ayaw naming dumagdag pa yun sa mga problema mo." Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nila. "I'm sorry, baby, nadamay pa kayo." Niyakap ko sila. Hindi ko aakalain na ganun na pala kahirap ang nangyayari sa kanila noon pa man. "I'm really sorry, babies." "
Amara's Point of View* Nakatingin ako ngayon kay Leo habang papunta kami ngayon sa primary school. Kasi dito na rin naman kami titira at napagdesisyonan namin na dito na rin sila mag-aaral. Wala namang problema sa apelyedo at father's name nila sa birth certificate dahil nakalagay na ang apelyedo ni Leo doon at pati pangalan niya. Nasa backseat kami ngayong apat at nasa binti ni Leo si Luna na panay kwento sa mga napagdaanan nito sa America habang si Sol naman ay nakikinig lang. Sanay na sanay na siya sa boses ng kapatid niya na sobrang ingay lalo na pagnangangaway. Nasa binti rin nito ang hawak na libro dahil sinabihan ko naman siya na wag magbasa lalo na pag nasa sasakyan siya dahil baka sasakit ang ulo niya. "At yun nga puro trabaho na lang si mom at kahit kami na ang nagsasabi sa kanya na mag-asawa na siya ay ayaw pa rin niya." Napatingin naman si Leo sa akin at mukhang proud pa siya habang nakatingin sa akin na parang sinasabi na mahal na mahal ko pa rin siya kaya wala akon