Share

C2: Normal Days Of The Monster

C2: Normal Days Of The Monster

"You're fired! I don't want to see you anymore! Get out of my f*cking office!" Rwegian shouted at Geneva, one of the employees from accounting department na nagkamali lang ng files na naibigay. May gusto lang naman i-check ang binata kaya nagrequest siya ng copy dito, pero mali ang naisend sa kanya. Pinatawag niya ito personally to fire the employee. It's so satisfying for him to fire an employee in person. This is the fifth employee that got fired today so far. 

Umiiyak na lumabas ng opisina nito si Geneva. Maraming naawa sa kanya pero wala naman silang magagawa dito.

Bigla namang tumawag si Regina ang ina ng binata para mangamusta dahil nabalitaan na nito ang gustong qualifications for his secretary. Hindi na rin makahanap ang hr kaya minabuti ng asawa na ipaalam na dito. 

"Yes? Why?" Bungad ng binata sa kanyang ina. 

"How are you? Kailan ka dadalaw sa bahay?" Bungad na tanong naman nito.

"Not sure. I have a lot of work to do, Mom." He reasoned out. 

"You also need to rest. Kailan mo balak magpahinga? Kapag nagkasakit ka na?" Pagalit ng ina nito. 

"Maybe." He answered with sarcasm. 

"Rwegian, ano bang nangyayari sa'yo? Nabalitaan ko nanaman ang nangyari sa sekretarya mo. My goodness! I'm warning you, Rwegian Simon Delgado!" Problemadong komento ng ina nito.

"I have to finish something, Mom. Bye." 

"Rwegian, hindi pa ako ta—" Pinutol na agad ng binata ang kanyang ina. 

"Bye, Mom. Love you." Mabilis na sabi nito sa kanyang ina saka pinatay ang tawag. 

Sanay na rin ang binata sa sermon ng kanyang ina. Alam niyang makakailang warning muna siya dito bago siya maparusahan noon. Hindi nga lang siya sigurado ngayon. 

Sumapit ang tanghali, sumabay siya sa kanyang ama na magtanghalian. Gusto daw siya nitong makausap. 

"If you'll talk about me firing employees again, Dad please don't. What do you want to talk about?" 

"It's not about that. It's about your Mom. I just want to tell you about it. She already got your new secretary." 

Biglang nasamit si Rwegian sa narinig mula sa kanyang ama, "What?! Seriously? Saan siya nakahanap?" 

Napangisi ang kanyang ama, "Well, I'm not sure and how did she do that. Anyway, she said this time she will be the only one who can fire your secretary kaya kahit sisantehin mo, hindi aalis ang sekretarya mo."

"What?! I am the boss!" He said proudly.

"It's your Mom. She's the boss. She got her contract signed. If you won't allow that, something worst might happen to you. It's not that you'll die, but you know." His father commented. 

Napamura ang binata sa kanyang isipan. Humigpit ang pagkakawak niya sa kutsara at tinidor. Huminga siya ng malalim. Hindi niya ito inaasahan. Akala niya'y hindi iyon maiisip ng kanyang ina. Hindi rin naman niya 'yon naisip. 

Napangisi siya bigla. Naisip niyang kung hindi niya masisisante ang sekretarya niya sa kahit ano mang dahilan, gagawa na lang siya ng paraan para kusa itong umalis o mag resign. 

Nang makabalik na siya sa kanyang opisina, iritado siya dahil natapunan siya ng kape ng isang empleyado na hindi tumitingin sa dinadaanan. Sinisante niya agad ito. Nagbihis siya sa kanyang opisina dahil may damit siyang iniiwan doon. Madalas nga'y doon pa siya natutulog kapag hindi siya makauwi sa condo niya. 

Araw ng Sabado ngayon at madalas siyang mag jogging kapag weekends. Maaga siyang gumigising para dito. Naka five kilometers na siya ngayon. May nakita siyang bench sa park na pinagtatakbuhan niya at doon nagpahinga ng kaunti. Uminom siya ng tubig. 

Biglang naagaw ang atensyon niya ng isang babae sa kabilang bench. Kunot noo niya itong pinagmasdan. Puno ng hair clips ang buhok, nakalongsleeves na blue at nakaleggings na black. May earphone at nakatutok sa cellphone ang mga mata habang nangingiti at tumatawa. Pink ang suot na sapatos at rainbow color ang mga kuku sa kamay. Nawiwirdohan siya sa babae. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoong babae mag ayos. 

Naalala niya ang kaklase noong kinder. Mahilig din sa iba't-ibang klase ng hair clips, pero bata pa kasi 'yon. Itong babaeng tinitingnan niya ay hindi na ganoon kabata para mag ayos ng ganyan. Tumayo na lamang siya at nagsimula na ulit tumakbo. 

"Hello? Dad?" Sagot niya sa tawag ng ama. Hinihingal siya dahil kakatapos niya lang tumakbo. Naglalakad na siya papuntang condo niya. Malapit lang kasi ang pinagtatakbuhan niya sa condo niya.

"You'll meet your new secretary on Monday." Balita ng kanyang ama sa kanya. Mukhang excited ito.

"Okay." Sagot lang ng binata dito.

"Are you outside?"

"Yes."

"Okay. Take care."

Maraming babae ang napapangiti sa tuwing nakikita o nasasalubong ang binata sa kahit saan, pero hindi mahilig ang binatang ngumiti. 

After his jogging, back to work again. Kahit weekends gusto niya ang pagiging busy. Hobby niya ang pagiging busy. 

Nasa condo siya ngayon nagtatrabaho habang hinihintay ang pinalaundry niya. Wala siyang oras para mag luto kaya nag order siya ng tanghalian. 

After one hour of waiting for his order, dumating na ito. Kinuha niya ang order niya. Naagaw ang atensyon niya ng babaeng pumasok sa tapat ng condo unit niya. Napakunot siya at napaisip saan niya nakita ang babae. Ngayon niya lang din napansin na iba na ang nakatira sa tapat ng condo unit niya. 

"Thank you, Sir! Have a great day!" Sabi ng delivery boy saka umalis. 

He ordered vegetable salad only. That's for his lunch. His a vegetarian, but sometimes he eats vegetable pizza with a lot of cheese. 

Sakto namang pagkatapos niyang kumain saka dumating ang laundry niya. Inayos niya ito sa drawers at cabinets niya sa kuwarto. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na napakagulo ng kuwarto o bahay. Malinis siya sa bahay at kuwarto. Marunong siyang mag ayos ng gamit. May color coding ang kanyang mga damit, but most of his clothes are black or gray. 

Isang kuwarto lamang ang mayroon sa condo niya. Para lamang 'yon sa kanya. May maliit siyang kitchen at dinning area. Ang sala niya ay maliit lang din. Pang single talaga ang condo niya. Never siyang nagdala ng bisita sa condo niya o nagpapasok ng bisita maliban sa parents niya syempre. Wala siyang choice.

-

[17Oct21]

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status