The Moral Conflict

The Moral Conflict

last updateLast Updated : 2026-10-14
By:  TrisisishaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
16views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Lou Buenaobra is a fearless woman who never backs down from anyone, especially when the people she loves are the ones getting hurt. She has never approved of her best friend Vee's relationship with Castriel Nervadez, one of the biggest playboys in their university. But there's nothing she can do about it because Vee is deeply in love with him. Until one day, they catch Castriel cheating on Vee. Lou's world crumbles, especially when her best friend takes her own life. Consumed by grief and anger, Lou can no longer think straight. All she wants is revenge against Castriel Nervadez. But she refuses to act impulsively. Instead, she carefully plans every move to bring Castriel down, no matter the cost—even if it means putting herself in danger. What she doesn't expect is that, somewhere along the way, her own heart will become part of the equation. And when revenge begins to blur the line between hatred and love, will Lou still be able to carry out her plan, or will her heart become the one thing she cannot afford to lose? #Romance #Campus #HateToLove #Revenge

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Vee, sure ka bang hindi malalaman ni Castriel 'to?" tanong ko kay Vee, na kasama kong naglalakad dito sa hallway ng building nila Castriel.

‎

‎Castriel is her boyfriend.

‎

‎I hate my bestfriend's boyfriend, pero hindi porke ayaw ko sa kanya ay hindi na dapat ako kabahan dito sa gagawin namin.

‎

‎Matagal na kasing nag hihinala si Vee sa boyfriend niya na may ibang babae, kaya kami nandito ngayon sa building ng Medtech ng dis-oras ng gabi. Dapat nasa dorm na kami ng ganitong oras, pero dahil bestfriend ko siya, hindi ko siya hinayaang sundan nang mag-isa ang boyfriend niya.

‎

‎Yes, sinundan namin si Castriel nang pumasok ito sa building nila.

‎

‎"Kaya nga mag-iingat tayo para hindi 'to malaman ni Castriel," sabi ni Vee at sinenyasan akong tumahimik bago dahan-dahang naglakad. Maingat naman akong sumunod sa kanya.

‎

‎Huminto si Vee sa vacant room, kaya huminto rin ako. Itinuro niya ang p***o, at sabay naming dinikit ang mga tenga namin sa pintuan.

‎

‎"Are you sure about this, Rai?" narinig kong hinihingal na tanong ni Castriel.

‎

‎Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Vee. Mariin itong napapikit habang mas inilalapit ang tenga sa pintuan.

‎

‎Rai? Wala akong ibang kilalang Rai kundi si Raina Diamante lang. May affair sila ni Castriel? How come? Raina Diamante is a second-year college student from the Tourism Department.

‎

‎"Y-yes, Castriel," mahinang sagot ni Raina.

‎

‎Nagkatinginan kami ni Vee. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya, kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Gamit ang nanginginig niyang mga kamay, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palayo. Tumakbo si Vee, kaya napatakbo din ako.

‎

‎"Wait, Vee! Hindi ba natin sila papasukin sa loob?" tanong ko nang sandaling huminto kami.

‎

‎"Hindi ako handa sa kung ano man ang ginagawa nila sa loob, Lou," sagot ni Vee, nahihirapan at naiiyak siya. Nag-aalala akong nakatingin sa kanya.

‎

‎Hindi ko siya kayang makitang ganito.

‎

‎Muli niyang hinawakan ang kamay ko upang makababa na kami ng hagdan.

‎

‎Pagkarating namin sa dorm namin, agad na nahiga si Vee. Kitang-kita ko kung paano siya umiyak sa kama kanina. Sobra nasasaktan siya sa ginawa ni Castriel.

‎

‎Kaya pala una palang, ayaw na ayaw ko na sa Castriel na 'yan kasi alam kong sasaktan niya lang ang kaibigan ko.

‎

‎I know he's a cheater!

‎

‎Alam ko ang past ni Castriel. Sino ba namang hindi makakakilala sakanya? Sikat siya dahil playboy siya, kaya nga ayaw ko sakanya para kay Vee. Sadyang mahal lang talaga siya ni Vee, kaya ayaw akong pakinggan at nakikipagrelasyon pa rin siya kay Castriel.

‎

‎Buong gabi, hindi ko nakuhang makausap si Vee. Nakatalukbong lang siya ng kumot at umiiyak. I know how much she loves Castriel.

‎

‎Kaya alam kong sobra-sobra siyang nasasaktan. Kinukuwento rin naman samin ni Vee ang mga hinala niya tungkol kay Castriel. Dati sabi ni Vee, na mahal siya ni Castriel.

‎

‎Pero bakit niya nagawa 'to?

‎

‎And I know Castriel doesn't know the meaning of love. Siya ang lalaking hinding- hindi makukuntento sa iisang babae.

‎

‎Pagkagising ko, sinubukan kong gisingin at kausapin si Vee, pero sabi niyang wala siyang ganang pumasok. Nakatalukbong pa rin siya ng kumot, at alam kong mugtong- mugto ang mga mata niya.

‎

‎Nakaramdam ako ng matinding galit para kay Castriel. Hindi ako kilala ni Castriel. Hindi ko alam kung naikukuwento ba ako ni Vee sakanya, pero desidido na ako sa gagawin ko.

‎

‎Habang papasok ng university, halos takbuhin ko na ang gymnasium dahil alam kong naroon si Castriel.

‎

‎Castriel is our varsity player.

‎

‎One time, napanood ko na siyang mag basketball, at masasabi kong magaling talaga siya. Pero galit ako sa kanya, at hindi ito ang oras para purihin siya.

‎

‎Nang makarating sa gymnasium, walang katao-tao. Huminto ako sa may entrance dahil hinihingal ako. Nang maayos na ang paghinga ko, naglakad na ako papasok at dumiretso sa locker ng mga basketball player.

‎

‎I know he's here because that's what my classmates always say. Tuwing umaga, naroon daw si Castriel.

‎

‎Walang katok-katok na binuksan ko ang p***o ng locker room. Bumungad sa akin ang apat na lalaki. Dalawa sa kanila ang nakangiti nang malaki, habang ang dalawa naman ay nakasimangot nang makita ako.

‎

‎"Who are you?" tanong ng isa sa mga nakasimangot.

‎

‎It's August. I know them.

‎

‎"Hi! Sinong hinahanap mo, Miss Pretty?" nakangiting tanong ni Soren.

‎

‎"Don't tell me, ako ang hinahanap mo?" mayabang na tanong ni Remi.

‎

‎Raina's older brother.

‎

‎Napaangat ang gilid ng labi ko habang nakatingin sa kanya.

‎

‎Ano kaya ang magiging reaksyon niya sa affair nina Raina at Castriel? He definitely won't be happy about it. Alam ko pa naman kung gaano siya ka-protective sa kapatid niyang iyon.

‎

‎Samantala, tahimik lang si Ives.

‎

‎"I am Lou Buenaobra. I'm looking for Castriel Nervadez," taas-noong sabi ko.

‎

‎Nagkatinginan sila bago sabay-sabay na lumingon sa likuran ko.

‎

‎Nangunot ang noo ko.

‎

‎Akmang lilingon na ako sa likuran ko nang matigilan ako nang may magsalita sa likuran ko.

‎

‎"Bakit mo ako hinahanap?"

‎

‎Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko nang marinig ko ang malalim niyang boses.

‎

‎Bakit ako kinakabahan?

‎

‎"And who the heck are you?" may diin niyang tanong.

‎

‎Agad nagsalubong ang mga kilay ko at pagalit siyang nilingon.

‎

‎Pero halos mapatigil ako nang tuluyan ko siyang makita.

‎

‎Nawala ang kunot ng noo ko at tulalang napatingin sa kanya. Napanganga rin ako pero iyong itinikom.

‎

‎Ngayon ko lang siya nakita sa malapitan.

‎

‎Katatapos lang niyang maligo, at may ilang butil pa ng tubig na tumutulo mula sa kanyang buhok pababa sa kanyang mga balikat.

‎

‎Oo, gwapo si Castriel. Sobrang gwapo!

‎

‎Pero hindi porke gwapo siya ay pwede na niyang lokohin ang kaibigan ko!

‎

‎Umayos ako ng tayo at pinalambot ko ang ekspresyon nang mukha ko at ngumiti ng matamis kay Castriel.

‎

‎You need to do this, Lou, para kay Vee!

‎

‎"Hi, Castriel! Good Morning! Can we talk?"

‎tanong ko habang may matamis na ngiti.

‎

‎Deep inside, gusto ko nang sabunutan ang sarili ko sa pinaggagawa ko.

‎

‎Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Castriel.

‎

‎"Hindi kita kilala, tapos sasabihin mong mag-usap tayo? The heck?" inis niyang sabi bago umiling-iling.

‎

‎"Are you one of my stalkers, Miss? Ang masasabi ko lang ay stay away from me," inis na sabi niya habang habang nakatingin sa akin nang masama. Sinenyasan pa niya akong gumilid.

‎

‎At dahil ako si Lou Buenaobra, nagmatigas ako at lalo pang ngumiti sa kanya. Para nang mapupunot ang labi ko sa laki ng ngiti ko.

‎

‎"Can we talk, please? I have something to tell you, Castriel!" pamimilit ko pa.

‎

‎Akmang hahawakan ko na sana ang braso niya nang umiwas siya.

‎

‎"Stay away! You're creeping me out!" galit na sabi niya.

‎

‎Bigla niya akong hinawakan sa braso at pabalyang binitiwan, dahilan para bumagsak ako sa sahig. Tumama ang binti ko sa isang matulis na bato, kaya lalo akong nasaktan.

‎

‎Napahawak ako sa balakang at binti ko dahil sa sobrang sakit.

‎

‎"Why did you do that, Castriel?" rinig kong sigaw ni Soren.

‎

‎"She deserves that," malamig na sabi ni Castriel bago inis na pumasok sa locker room. Sumunod ang iba niyang kaibigan sa loob ng locker room maliban kay Soren.

‎

‎Ang sama ng ugali niya!

‎

‎Agad naman akong nilapitan ni Soren.

‎

‎"Can you stand, Miss?" tanong niya habang inaalalayan akong tumayo.

‎

‎"I-I cant. Ang sakit dito," sabi ko habang itinuturo ang balakang ko at ang binti ko.

‎

‎Napansin kong may dugong umaagos mula sa sugat sa binti ko. Marami iyon dahil medyo malalim ang sugat na natamo ko mula sa bato. Naiiyak na ako sa sakit nang maramdaman kong may bumuhat sa akin kaya nagulat ako.

‎

‎Napatingala ako sa bumuhat sa akin.

‎

‎It's Soren.

‎

‎Kung gaano kasama ang ugali ni Castriel, ganoon naman kabait ang kaibigan niya.

‎

‎Hindi ko alam na may ganoon palang pag-uugali si Castriel. Hindi ko naman talaga siya kilala. Ang alam ko lang, playboy siya. Hindi ko alam na masama rin pala ang ugali niya.

‎

‎Mas lalo ko siyang kinamuhian.

‎

‎Paano nagawang mahalin ni Vee ang lalaking katulad ni Castriel?

‎

‎Naibalik ang atensyon ko sa sugat na natamo nang bigla itong kumirot. Impit akong napahiyaw na kinatingin sakin ni Soren.

‎

‎Tangina! Sobrang sakit ng balakang at ng sugat ko!

‎

‎Lagot ka sakin, Castriel Nervadez!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status