Kinaumagahan ay maagang nagising si Loisa at nang masilayan niya na mahimbing pa ring natutulog ang anak ay kinantian niya na lamang ito ng halik sa pisngi at dahan –dahang bumaba ng kama. Naligo muna siya bago lumabas ng kanilang kwarto, akma na siyang lalabas nang tumunog ang kanyang selpon. Nang silipin niya ang telepono ay ang matalik niyang kaibigan pala ang tumatawag. “Hello, Ysa good morning,”masayang bati ni Loisa. “Girl, kamusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nag-uusap paano ba naman kasi maraming ako ginagawa sa school,”sabi ni Ysabelle. “Na-miss kita beshy,”halos ma-iyak na sabi ni Loisa. “Ako rin besh, sobrang miss na miss ko na kayo ni Loyd,”sabi ni Ysabelle. “Kamusta na pala ang inaanak ko?’Dagdag pa nitong sabi. “Heto tulog pa, sa awa ng Diyos mabuti naman beshy,”sabi ni Loisa sa kaibigan. “O siya, baka sa makalawa kapag ka hindi matutuloy ‘yong seminar namin ay papasyal ako sa inyo,”balita ni Ysabelle. “A e, besh wala kami sa bahay e, hindi mo ba nabalit
Nang mahimasmahan na ay dahan-dahang inilayo ni Loisa ang kanyang katawan mula sa pagkayap ng lalaki. Ngunit laking gulat niya nang ayaw pa siyang bitawan ni Steve. “Ah e, s-sir p-pasensiya na po kayo medyo hindi po ako makahinga e,”nahihiyang sabi ni Loisa. Niluwagan ni Steve ang pagkayap sa babae pero hindi niya pa rin inialis ang pagkakahawak sa baywang nito. “Ah Sir ‘y-yong k-kamay nyo po nasa beywang ko pa po e,”dagdag pang sabi ni Loisa. “I know sweety,”Nakangiti na ngayong sabi ni Steve. “B-baka po may makakita sa atin sir kung ano pa po ang iisipin,”sabi ni Loisa na hindi makatingin sa among lalaki. Ang kaninang gutom na nararamdaman ni Loisa ay tila biglang nawala, palagay niya nabusog siya sa presensiya ni Steve. Lalo na ang mga maskuladong muscles nito na nakayakap sa kanya. “I don’t care sweetie, besides kung hindi ka umiyak recently wala sana tayo sa ganitong posisyon,”nangutnguya pa nitong sabi. “Ah ganon, ako pa pala ngayon ang may kasalanan sir?”sabi nito sabay
“Pilya ka rin pala ha,”nakangiting sabi ni Steve. Pinitik niya ng mahina ang dulo ng ilong ni Loisa, natatawa siya sa ikinilos nito. “I love you so much Loisa,”dagdag pa nitong sabi. Inilapit ni Steve ang mukha kay Loisa at muli hinalikan niya na naman sa labi ang babae. “Nakakarami ka na kaya sweetheart,”biro ni Loisa ng maghiwalay ang kanilang mga labi. “Siyempre ganon talaga pag-in love,”sabi nito kay Loisa sabay kindat. “Mula ngayon magtaka ka kung hindi kita mahalikan, sweetheart ibig lang sabihin noon wala na akong pagtingin sa ‘iyo,”nakangiti pa nitong biro sa babae. “Ah ganon, ang halik pala ang basehan para masabi mong mahal mo ako?”Tanong ni Loisa. Kunwari nagtatampo siya sa lalaki, mabilis namang nakalapit si Steve sa kinauupuan ng babae at inalo siya nito. “Hindi naman sweetie, mula ng nakita kita hanggang sa tatanda tayo hinding-hindi mabubura ang pagmamahal ko sa iyo mahalikan man kita o hindi,”sabi ni Steve. Muli ay naglapat ang kanilang mga labi, masuyong hin
Makalipas ang halos isang buwan na pagliban ni Loisa sa Monteclaro Corporation ay balik trabaho na naman siya. “Good morning manong guard,”nakangiting bati ni Loisa sa guwardiyang nakabantay sa pintunan ng gusali. Lahat ng nakakasalubong niyang mga kasamahan ay binati siya at ganon rin siya sa mga ito. “Good morning Miss Loisa,”bati sa kanya ni Ciara nang marating niya ang kanilang opisina. “Good morning din sa iyo Miss Ciara, sa wakas balik trabaho na rin ako,”masayang sabi ni Loisa. “Oo nga, namiss kita alam mo ba ‘yon,”sabi ni Ciara. “Ako rin na miss rin kaya kita,”sagot ni Loisa. Sabay nag-yakap silang dalawa, mula kasi ng nakalabas na si Loisa sa ospital at inihatid niya sa bahay ng kanilang Sir Steve ay hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Ni hindi nga alam ng kanyang kasamahan kung ano na ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Steve. “Siyanga pala maaga ring pumasok si Sir,”sabi ni Ciara. “Ha, nauna pa siya sa akin ng pasok sobrang aga naman ‘ata, seven o’c
“Good morning Ma’am Abegail,”nakangiting bati ni Loisa sa kanyang among babae. “Good morning too Loisa,”ganting bati naman ni Abegail. “Nasaan nga pala ang nobyo mo,”dagdag pang sabi nito. “Ma’am Abegail ang boses n’yo po,”sinyas ni Loisa sa amo. “Ay, sorry pagpasensiyahan mo na ako kinikilig kasi ako sa relasyon ninyong dalawa e,”nakangiti pa nitong sabi. “Kayo po talaga,”nakangiting sabi ni Loisa. “Kasi naman ikaw mahal ka naman ng pinsan ko bakit gusto mo pang ilihim ang relasyon ninyo,”usisa sa kanya ni Abegail. “Ma’am naman po paki-hinaan nyo po ang boses n’yo, baka meron pong makarinig e,”nenerbiyos na sabi ni Loisa. “O siya, tatahimik na ako,”sabay senyas ng pag zip sa bibig nito. “Pero kasi naman ikaw dapat proud ka na nobyo mo na siya,”angal naman ni Abegail. “Tingnan mo ‘to sinirado niya na ang bibig niya pero heto nagsasalita na naman,”iiling-iling na bulong ni Loisa. “Sasabihin ko naman po ma’am kapag handa na po ako, alam n’yo naman po ang sitwasyon ko ma’am di
Nakabalik na si Loisa sa kanilang opisina ni Ciara ngunit hindi pa rin napapawi sa mukha nito ang mga ngiti dulot ng pagmamahal sa kanya ni Steve. “Naku teka lang, napansin ko lang naman ang mga kakaibang ngiti diyan sa mukha mo, bakit anong meron?” Usisa ni Ciara sa kaibigan. “Wala naman, Miss Ciara, nakangiti ba ako?” Insonteng tanong niya sa kasama. “Huwag mo akong pinagluluko, Loisa akala mo hindi kita kilala,”sabi ni Ciara na nakapamaywang pa. “Kahit ilang buwan pa lang tayong magkasama ramdam ko na ang galaw ng bituka mo girl,”dagdag pa nitong sabi. “Hala siya oh, nasa opisina tayo baka marinig ka diyan,” nakangiting saway ni Loisa sa kaibigan. “O siya, mag-lunch muna tayo pagkatapos ikukuwento ko sa iyo ang lahat-lahat,”nakangiti pang sabi ni Loisa. “Dapat lang,”sabi ni Ciara. At pabirong inirapan si Loisa, natawa na lamang ang babae sa inasal ng kaibigan. Matapos nilang iligpit ang mga nakapatong sa kanilang lamesa ay sabay na rin silang pumanaog papuntang canteen. Hi
“Bruha talaga ang babaeng ‘yon kahit tanghaling tapat kanina, ang landi talaga ng linta,”gigil na sabi ni Abegail kay Steve. “Sinabi ko naman kasi sa iyo, caz na huwag kang tumabi sa kanya sa upuan ang tigas talaga ng ulo mo,”dagdag pa nitong sabi. Pabalik na silang magpinsan sa Monteclaro Corporation, kanina pa nanggigigil si Abegail kay Crystal kung hindi nga lang malaking income ang makukuha nila dito ay hindi niya itutuloy ang nagawang proyekto. “Hayaan mo na siya, hindi rin naman ako mapapasa-kanya,”biro ni Steve sa pinsan. “Talaga! Sasabunutan ko siya kapag gumawa siya ng hindi tama,”sabi ni Abegail. “Relax ka lang, ang wrinkles mo, caz alagaan mo,”natatawang asar ni Steve sa pinsan. “Tse! Wrinkles ka diyan,”irap na sabi ni Abegail. “Sa atin kayang dalawa ikaw na ‘yong maraming wrinkles, kung makapang-lait ka sa dalawa mong sekretarya wagas,”dagdag pa nitong sabi. “Kaya tingnan mo mas matanda ka pa sa akin, caz,”natatawa na rin nitong sabi sabay tingin sa mukha ng pinsan
Walang nagawa si Steve kundi isama ang dalawang babae sa paghatid niya kay Loisa. “Panira talaga ng moment ang mga asungot na ‘to,”bulong ni Steve sa sarili. “May sinasabi ka ba, caz?”Tanong ni Abegail. “Wala naman, sabi ko bumaba ka na nandirito na tayo sa sinasabing bakery ni Loisa,”sabi ni Steve. “Saglit lang,”sabi ni Abegail. Kinuha muna ng babae ang kanyang lipstick at polbo sa bag, saglit na nagpaganda si Abegail nang matanawan niya ang isang may itsurang lalaki na nakatayo sa harap ng paniderya habang ipinaparada ang kanilang sasakyan. “Bakit ka pa nagpapaganda, malapit nang gumabi, a,”takang sabi ni Steve. “Para presentable, malay mo may makukuha tayong kliyente rito,”nakangiting sabi ni Abegail. Ang hindi alam ni Steve ay mukhang napana ni kupido ang puso ng kanyang pinsan. “Magandang hapon, Noel,” bati ni Loisa sa lalaking maskulado. “Lois, ikaw pala magandang hapon din sa’yo,”ganting bati ni Noel sa kaibigan. “Gaya ba ng dati,”ngiting sabi ni Noel. Tanging tango