Isang dalagang ina si Loisa Sanchez kahit mahirap ay kinakaya niya ang lahat para maalagaan ng mabuti ang kanyang nag-iisang masakiting anak na si Loyd at maibigay din dito ang kung anumang makakapagpasaya sa bata. Mabuti na lang at nariyan ang kanyang matalik na kaibigan na laging nakasuporta sa kanya. She chose to be independent until she met Steve Monteclaro, the arrogant CEO na naging boss niya, paano kaya sila magkakasundo kung parati siya nitong sinasabunan at pinagbubuntunan ng galit?
더 보기“‘Yan ang hirap sa’yo Roy kapag humihingi ako ng pera ang dami mong reklamo at rason, hindi ba pwedeng sabihin mo man lang na gawan mo ng paraan?” Galit na sabi ni Loisa.
Ganito ang kanilang drama noong magkasama pa sila sa iisang bubong maging hanggang ngayon. Tuwing humihingi siya dito ng pera ay nauuwi sa sigawan ang kanilang pag-uusap. Buong akala niya ay nag bago na ang lalaki makalipas ang halos limang taon. Kaya nga sinubukan n’yang tawagan ito at nagbabakasakaling meron itong iaabot kahit papano, katwiran niya nga sa sarili ay anak pa rin naman ni Roy si Loyd. Ngunit mali siya ng inakala.
“Talaga naman ah, wala akong pera anong gusto mong gawin ko magnakaw?!” Pabalik na tanong ni Roy.
“Ewan ko sa’yo kung gusto mong makulong bahala ka, may utak ka naman gamitin mo nga!” Hindi niya rin napigilan na hindi sigawan ang nasa kabilang-linya.
“Matagal na tayong hiwalay bakit ka ba nanghihingi pa sa akin? Akala ko ba kaya mong buhaying mag-isa ang bata, baka nakakalimutan mo ipinamukha mo sa akin ‘yan noon?” Mahabang lintanya ni Roy kay Loisa.
“Naisip ko lang na apelyido mo pa rin na naman ang nakabuntot sa pangalan ng anak ko, baka kako gusto mong tumulong! Hayaan mo ito na ang huling tawag ko sa’yo, huwag kang mag-alala hinding-hindi na ako hihingi ng tulong sa ‘yo.” Nanggagaliiting sigaw nya sa kausap, sabay patay ng telepono.
“Nakakagigil talaga bakit pa ako tumawag sa taong ‘yon e, alam ko naman kung ano ang isasagot!” Sigaw ni Loisa.
Isang taxi-driver noon si Roy, maulan niyon at gabing-gabing na kaya napilitan si Loisa na sumakay ng taxi sa pag-uwi sa kanilang bahay.Hindi niya nakasabayan ang kanyang matalik na kaibigan gawa ng kilangan niyang tapusin muna ang ginagawang research sa kanilang library para sa depensang gagawin niya sa klase kinabukasan.
Nang makapasok sa loob ng sasakyan si Loisa ay napatingin siya sa harapang salamin, maliwanang sa loob ng sasakyan kaya hindi nakaiwas sa kanyang paningin ang gwapitong mukha ng driver. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya ay para siyang na love at first sight dito. Napansin rin ni Roy ang babae na para itong natulala sa kanyang kagwapuhan.
“Miss saan po tayo?” Tanong ni Roy sa pasahero.
“Ah, p-pasensiya na po sa baranggay Makiling po pala mama,”na-uutal niya pang sabi.
“Naku, miss medyo malayo po pala ang sa inyo,” nakangiting sabi nito sa babae.
“Ay, oo nga po pero mama magbabayad naman po ako. Please po pakihatid po ako kasi wala na po akong ibang masakyan e,” paki-usap ng dalaga sa driver.
“Sige ba, pero sa isang kundisyon miss,” sagot naman ng driver.
“A-ano pong kundisyon?” Kinakabahang tanong nito sa kausap.
Nahalata ni Roy na kinakabahan at natatakot na ang babae sa kanya. Kaya minabuti niya na rin ditong magpakilala at iniabot sa babae ang kanyang company ID.
“By the way I’m Roy Bating and here’s my company ID in just in case duda ka pa sa sinabi ko.” Nakangiti nitong sabi sa babae.
Tiningnan na rin ni Loisa ang ipinakita nitong ID at gaya sa lalaki ay nagpakilala na rin siya dito.
“Ako nga po pala si Loisa Sanchez,” medyo kalmado ng sabi ni Loisa.
“Ano nga po pala ‘yong sinasabi ninyong kundisyon, mama?” Dagdag pa nitong sabi.
“Well, It just I want you to stop calling me “mama” and saying po and opo, obvious naman sa mukha ko di ba? Hindi pa ako ganon katanda para tawagin mo ng ganyan,” nakangiting sabi nito sa kanyang pasahero habang nakatingin sa harapang salamin ng sasakyan.
Napangiti tuloy si Loisa, hindi niya maintindihan pero kinikilig talaga siya sa ginawang pagtitig ni Roy sa kanya. Napakagandang tingnan ang mga pantay-pantay na mapuputing ngipin nito gayundin din ang mapupulang mga labi na tila kay sarap kagat-kagatin.
“Naku po!” Mahihinang bulalas ni Loisa sabay tutup ng kanyang mga kamay sa labi.
“Ang laswa ng iniisip mo, Loisa umayos ka nga!” Pabulong pa nitong saway sa sarili.
“Namumulala yata ang mga pisngi mo, Loisa may nasabi ba akong hindi maganda o baka may nakita kang kanais-nais sa iyong paningin?” Nakangiting tanong nito sa babae na tila nang-aakit pa.
“Wala no, magmaneho ka na nga diyan,” pagtataray na nito sa lalaki.
Napaghahalata na siya na may gusto siya dito pero hindi niya ito pwedeng aminin. Kabago-bago pa lang nilang magkakilala hindi maaaring umibig siya dito nang ganon kabilis sabi ng kanyang utak ngunit iba naman ang sigaw ng kanyang puso.
Mula nang araw na iyon ay walang palya na si Roy sa ginagawang hatid-sundo nito kay Loisa hanggang sa sila ay naging magkasintahan. Kahit tutol man si Ysabelle, ang matalik nitong kaibigan, sa kanilang relasyon ay wala pa rin itong nagawa. Kalaunan ay nabuntis si Loisa kaya nagdesisyon ang magkasintahan na magsama na sa iisang bubong.
Hanggang sa isilang niya ang kanilang anak na si Loyd Bating unti-unti na ring nakilala ni Loisa ang tunay na ugali at pagkatao ni Roy, isa pala itong iresponsabling ama. Lingid sa kanyang kaalaman noon pa man ay gumagamit na pala ito ng ipinagbabawal na gamot. Kung hindi dahil sa tulong ni Ysabelle ay malamang tatanda siyang bugbog-sarado sa mga kamay ni Roy. Para sa kaligtasan nilang mag-ina nagdesisyon na rin si Loisa na hiwalayan na ang lalaki at mamuhay ng tahimik kasama ang pinakamamahal niyang anak.
Nakatulala si Loisa sa kawalan kaya di nito napansin ang pagdating ng matalik niyang kaibigan.
“Lutang na naman ang lola,” puna ni Ysabelle dito sabay tapik sa balikat ni Loisa.
“Ay butiki!” Napaigtad siya.
“Ano ba naman, Ysabelle bakit ka ba nanggugulat diyan?” Nakaismid na sabi nya sabay hawak sa dibdib nito.
“Butiki na pala ako ngayon, kelan lang sinabi mong kabayo. Besh naman talagang bang hayop ako?” Nakataas ang isang kilay nitong tanong sa kaibigan.
“Naku pasensya ka na, ginulat mo kasi ako. ‘Di ba sabi ko huwag mo akong gulatin kasi nga kung anu – ano ‘yong lumalabas sa bibig ko,” sabi nya sa kaibigan.
“Kasi naman ikaw, kay aga-aga tulala na ang peg mo. ‘Anyare bah?” Pa-inarteng tanong ni ysa sa kaibigan.
Araw ng sabado noon, matapos mailapag ni Ysabelle ang dala-dalang mga gamit sa kanyang kwarto ay kinuha nito ang kanyang shoulder bag at dali-dali ng pumunta sa bahay ng kaibigan para sabihin dito ang isang magandang balita.
“Nakakainis kasi si Roy,” gigil na sabi nito sa kaibigan.
“May bago pa ba d’yan, lagi naman di ba, huwag mong sabihing tinawagan mo ang lalaking ‘yon?” Naninigurong tanong nito.
Tahimik lamang si Loisa sa turan ng kaibigan.
“Tinawagan mo nga. Alam mo naman di ba mula ng isilang mo si Loyd ay hindi na naging maganda ang relasyon ninyong dalawa? Isa pa hiwalay na kayo, limang taon na Loisa bakit ka pa tumawag sa kanya, mahal mo pa ba?” Tanong nito sa kaibigan.
“Naku besh ang tipo ng lalaki ‘yon ang hindi dapat paglaan ng habang-buhay na pagmamahal, tinawagan ko lang naman siya kasi akala ko matutulungan nya ako. Kahit limang taon na ‘yon, Ysa anak niya pa rin naman si Loyd,” nakasimangot niyang sabi dito.
“Anong napala mo, meron ba hay naku ewan ko sa ‘yo Loisa kelan ka kaya magtanda. O siya magkano ba?” Tanong ni Ysabelle dito.
“Nakakahiya na sa iyo, andami mo ng naitulong sa aming mag-ina,” nahihiyang sabi nito sa kaibigan.
“Ano ka ba okay lang ‘yon,” wika nito sa kaibigan.
“Bakit ka nga pala nandito, wala bang maraming gawain sa paaralan nyo at nakaluwas ka?” Biglang tanong ni Loisa dito.
“Ay oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Guess what besh? Sa wakas na aprobahan na ang paglipat ko dito sa Alma Mater natin,” tuwang balita niya sa kaibigan.
“Talaga! Hindi nga, wow magandang balita ‘yan congrats beshy sa wakas natupad na rin ang pinapanalangin mong makapagturo dito sa atin,” Di makapaniwalang sagot naman nito.
“Hoo nga, mukha ba akong nagbibiro, at dahil dyan magpapaburger ako! Nasaan nga pala ang inaanak ko?” nakangiti nitong sabi
“Nagpapahinga sa kwarto besh, hinihika na naman e, kaya nga napilitan akong tumawag doon sa isa kanina. Kasi kulang ang pera ko ngayon na pambili ng gamot,”malungkot na sabi nito sa kaibigan.
“Huwag ka ng mag-alala, beshy magkano ba ang magagastos sa gamot?” Tanong nito kay Loisa.
“Tantiya ko humigit-kumulang nasa dalawang libo, e,” nahihiya nitong sabi.
Kinuha ni Ysabelle ang wallet na nasa loob ng kanyang shoulder bag.
“Heto limang libo, ibili mo na rin ng mga prutas o kung ano pa ang gusto ng inaanak ko,” sabay abot dito ng pera.
“Naku sobra na ‘to Ysa.”
Ibabalik sana ni Loisa kay Ysabelle ang tatlong libo ngunit pinigilan siya nito.
“Baka kukulangin pa nga ‘yan e, dalhin mo na ‘yang lahat mas mainam ng sobra kesa kulang. Saan ka naman don manghihiram kung sakaling kulang ang dalawang libo, aber? Alalahanin mo malayo ang bayan dito sa atin,” sabi ni Ysabelle.
“Siyanga pala besh,suhestiyon ko lang ito ha pero nasa sa iyo pa rin ang desisyon,”sabi nito sa kaibigan.
“Ano ba ‘yon besh?”Tanong ni Loisa.
“Baka kako gusto mo ng panibagong trabaho, ‘yong medyo malaki-laki ang sweldo alam mo na?”Medyo nahihiya pa sabi ni Ysabelle sa kaibigan.
“Huwag mong mamasamain ang sinabi ko ha, ang akin lang baka gusto mo lang.”Dagdag pa nitong sabi.
“Ano ka ba, malaki nga ang pasasalamat ko sa ‘yo kasi hindi mo ako iniiwan lalo na kapag may problema ako. Ano bang klaseng trabaho ‘yang sinasabi mo besh, sure ka ha na malaki ang pasahod diyan?”Nakangiting tanong nito sa kaibigan.
“Aba sigurado ako malaki ang pasahod sa kumpanyang ‘yon, singkwenta mil kada buwan”sabi nito kay Loisa.
“Singkwenta mil kada buwan, Ysa talaga bang ganoon kalaki ang pa-sweldo nila?”Gulat pa nitong tanong.
“Oo nga sabi.” Nakukulitan na ito sa kausap.
“E,ano naman ang gagawin ko niyan? Siyempre malaki ang sweldo ibig sabihin malaki rin ang responsibilidad,”tanong nito sabi sa kaibigan.
“Actually ‘yong nakausap ko ay dati kong kaklase sa minor subjects nong nasa kolehiyo pa tayo. Siya kasi ngayon ang head ng HR Department and they’re looking for someone who can do task of a secretary position. Naisip ko why don’t you try, so much promising kasi ‘yong pasahod besh.”Na-aamaze pa nitong sabi
“’Yon nga lang ang sabi-sabi pa may anak itong babae, dalawang taon lang yata ang tanda dito ni Loyd. Medyo m*****a raw ang bata mana sa ama nito,”nakangiti nitong kwento sa kaibigan.
“O, anong koneksiyon non sa pagiging sekretarya besh?”Inosenteng tanong nito.
“Ano ka ba naman, siyempre kasama ‘yong pagiging yaya at pagiging sekretarya.”Nanlalaki ang mga mata nitong sabi sa kaibigan.
Kung minsan naiiisip ni Ysabelle na sadyang bang walang kamuwang-muwang sa mundo itong kaibigan niya o nagtatanga-tangahan lang.
“Ganon ba ‘yon kaya pala malaki kung magpasweldo,”patango-tango pang sabi nito kay Ysa.
“Ewan ko sa ‘yo besh,”na-aasar na nitong sabi sa kaibigan.
“Mag-aaply ka ba o hindi?”Dagdag pa nitong tanong.
“Siyempre mag-aaply, sa lunes pupunta ako ibigay mo sa akin ang address besh,”ngiti nitong sabi kay Ysabelle.
Tiningnan ni Loisa ang relong pangbraso, mag-alas nuywebe na nang umaga.
“Naku kilangan ko na palang umalis beshy,” tarantang sabi ni Loisa sa kaibigan.
“O sige, ako na muna ang bahala kay Loyd lumarga ka na,” sani nito kay Loisa.
Sandaling nag pa-alam si Loisa sa anak at umalis na rin ito papuntang bayan upang bumili ng gamot at iba pang kikilangin ng bata.
Alas singko na ng hapon ng matapos ng makapag-ayos sina Loisa at mga bata, maging si Aling Marie ay handa na rin.“Nasaan na po ba si Miguel, anong oras raw po tayo susunduin nanay Marie?” Tanong ni Loisa sa matanda.Sa pagkaka-alam kasi ni Loisa ay iniimbitahan sila ni Miguel na kumain sa mamahaling restaurant sa siyudad. Hindi niya na to nakausap kanina dahil inasikaso niya muna ang mga kambal. Kahit ayaw niya munang umalis ng bahay ng dahil sa nangyari ay napilitan pa rin siya ng mga kasama sa bahay.“Nariyan na raw sa labas, halina na kayo at medyo mahaba pa raw ang biyahe natin,” sabi naman ni Aling Marie. “Sabi ko naman po kasi Nanay, pwede naman po sa makalawa o sa susunod na linggo na lang po, kasi hindi pa po tayo nakakarecover sa nangyari kahapon,” sabi ni Loisa.“Naku, ano ka ba pagbigyan na natin si Miguel, alam mo namang bilang lang ang bakasyon nong tao,” sabi pa ng matanda.“Segi na nga po,” tanging nasabi na lamang ni Loisa.Hindi na nagtagal dumating na rin sila sa v
“Salamat sa Diyos at ligtas kayong lahat lalo na ang mga bata,” maluha-luha bati ni Aling Marie.“Nanay Marie,” masayang salubong ng kambal sa kanilang lola.“Mga apo ko, kamusta kayo siguro nagugutom ang mga bata hali kayo may pagkaing inihanda ang lola,” masayang bati ng matanda sa mga bata.Bumaba na rin si Steve sa kanyang sasakyan at tahimik lamang na nakatayo sa likod nina Loisa.“Daddy Steve,” sigaw ni Loyd.Mabilis na lumapit ang bata sa lalaki ng mapagkilanlan ang kinilalang pangalawang ama.Masayang nagyakap ang dalawa. Saglit pa tumulo ang kanyang luha ng mahigpit siyang niyakap ni Loyd, sobrang miss na miss niya na ang kanyang mag-ina.Maging sina Loisa ay naluha din sa nakita kahit siya rin naman ay sobra niyang na mi-miss ang lalaking kanyang minahal. Ngunit ng dahil sa nangyari kilangan niya munang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang mga kambal.“Kamusta ka na anak?” Masayang sabi ni Steve kay Loyd.“Okay lang po ako daddy Steve,” nakangiting sabi ni Loyd.“Kayo po kamu
“Ano ba ang kasalanan ko sa iyo, Kimberly at pati mga anak ko ay ipinagkanulo mo kay Crystal?” Galit na tanong ni Loisa kay Kimberly.Matapos maipakilala ni Loisa ang kambal sa kanilang Tita Abegail ay nauna na ang mga ito na lumabas ng bahay. Samantalang nagpa-iwan si Steve at Loisa upang kausapin ng masinsinan sina Arnel at Kimberly.“Patawarin mo ako Loisa masyado akong nasilaw sa perang ibinigay ni Crystal,” sabi ni Kimberly.“Noong nalaman ni Crystal na merong karelasyon si Sir Steve sa opisina ay hindi niya matanggap,”kwento pa nito.“Kinausap niya ako at sinabi niyang babayaran niya ako sa tuwing meron akong magandang balita na ibibigay sa kanya,” sabi pa ni Kimberly.“Nong una masaya ako kasi sino ba naman ang ayaw sa pera, Loisa pero kalaunan nong nalaman kung tatangayin niya ang mga kambal at ituturing niya na parang sariling anak niya, doon na ako umalma,” naluluhang sabi pa niya.“Hindi mo ba naisip na masakit sa isang tulad ko ang mawalay sa mga anak kahit segundo lang, K
Nakagapos ng inilabas si Crystal sa lumang bahay na pinagdalhan sa mga bata. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan ng mga awtoridad ay sinalubong agad siya ni Loisa ng mag-asawang sampal.Samantalang sabunot naman ang inabot niya kay Abegail.Dali-daling namagitan sina Steve at Miguel sa pagitan ni Crystal at ng dalawang babae.“Nanahimik ako Crystal nagpakalayo-layo kami ng mga anak ko, pero bakit mo kami ginulo,” galit na tanong ni Loisa kay Crystal.“Ano ang kasalanan ko sa ‘yong babae ka bakit pati ang mga anak ko dinamay mo sa galit mo sa akin,”umiiyak pero pilit na inaabot ang babae.“Tama na po misis kami na po ang bahala sa kanya,” awat naman ng isang pulis.“Segi na boss pakidala na sa presento ang babaeng ‘yan,” sabi naman ni Steve.“Tahan na sweetie, maaayos din ang lahat,” sabi naman ni Steve sabay yakap kay Loisa.“Ang mga anak ko, nasaan ang mga anak ko?” Tarantang tanong ni Loisa kay Steve ng hindi makita ang mga bata.“Kumalma ka nasa loob sila kasama ng mga tauhan k
Pagkatanggap ni Steve ng lokasyon kung saan dinala ang kanyang mga anak ay wala na silang sinayang na oras. Nagunit napagtanto nila na hindi ganon kadaling lusubin ang grupo ng mga taong dumukot sa mga bata. Kahit marami sila, nariyan ang mga grupo ng sarhento, mga pulis at ang kanyang mga tauhan.Sanay siya sa bakbakan pero hindi niya pwedeng isa-alang alang ang buhay ng kanyang mga kambal. “Anong sitwasyon dito?” Derestsahang tanong ng lalaki sa sarhento.Matapos malaman ni Steve ang buong detalye ay maingat na ibinato sa mga tauhan kung ano ang kinakailangan nilang gawin.“Ayaw ko ng bulilyaso kung ayaw n’yong pati kayo ay ibaon ko sa hukay,” galit na sabi pa ni Steve.“Copy, sir,” sagot naman ng mga tauhan. Kusa ng naghanda ang mga lalaki na tila animoy sanay sa ganitong gawain.Tantiyado ang bawat kilos.Nakahanda na ang lahat, tanging ang hudyat na lamang mula kay Steve ang hinihintay ng lahat para lusubin ang kinapupwestuhan ng mga taong dumukot sa kambal nila ni Loisa.Nan
Nang dahil sa ilang araw na pagod at puyat upang maisakatuparan ang plano ay medyo napahimbing ang kanilang mga tulog.Nagulat na lamang si Arnel nang pagbuka ng kanyang mga mata ay nasa harapan na ng kama si Crystal at kampanteng nakaupo habang nakatoon sa kanila ang paningin.“Ma’am Crystal, kanina pa po ba kayo diyan?” Gulat na tanong ni Arnel.“Mukha yatang napagod ka sa party kahapon at hindi mo napansin ang pagdating ko, Arnel,”nakangising sabi ni Crystal.Saka naman naalimpungatan si Kimberly para lang magulat sa presensiya ni Crystal.“Ma’am Crystal,” gulat na sabi ni Kimberly.“Good morning, Kimberly how’s your sleep,” nakangising bati ni Crystal sa babae.Wala sa loob na niyakap ni Kimberly ang mga bata, halata sa kanyang pagkatao ang panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa takot.Kinakabahan kasi siya sa posibleng mangyari matapos makuha ni Crystal ang kambal. Duda niya narinig ng mga ito ang pinag-usapan at plano ni Arnel.Paano na lang ang mga bata kapag malayo n
Bigla ay lumuwang ang pagkakahawak ni Loisa sa baywang ni Steve. Mabuti na lang ay maagap si Steve kung hindi malamang matutumba ang babae.Ang malapitang pagkabuwal ni Loisa ay epekto ng gamot na ibinigay sa kanya kanina ng nurse. Binuhat siya agad ni Steve at dinala sa bakanteng kwarto upang makapagpahinga.“Umamin ka nga, Miguel ginalaw mo ba si Loisa?” Seryosong tanong ni Abegail sa lalaki habang nasa labas sila ng kwarto ni Loisa.“Of course not, hindi si Loisa ang tipo ng babae na madaling ikama, Abe,” depensa naman ni Miguel.“Subukan mo nang paglamayan ka namin,” singit ni Steve.Nasa bungad na pala siya ng pinto ng marinig ang pag-uusap ng kaibigan at pinsan.“Bro, I’m sorry hindi ko talaga alam na si Loisa ang hinahanap mo,” hinging-paumanhin ni Miguel kay Steve.“Kaya pala caz, nong kausap ko si Miguel ay naulinigan ko ang boses na para bang boses ni Loisa iyon pala siya nga ang babaeng mahal mo,” sabi ni Abegail.“Kasi naman ikaw Miguel ilang beses kong sinabi sa’yo na gu
“Talaga bang nasundan mo ang address na nandito sa mensahe, caz?” Inis na sabi ni Abegail sa pinsan.Kanina pa sila paikot-ikot at pabalik-balik sa kanilang mga dinaanan. Dahil gabi na medyo nahirapan si Steve na malocate ang saktong daan base sa address na ibinigay. “Hindi ko nga maintindihan, caz kung bakit hindi ko matumbok ang exact location,” nakasimangot ang mukha na sagot ni Steve sa pinsan.“Tawagan mo nga ‘yang kilala mo baka mamaya pinaglalaruan tayo, sabihin mo sa kanya umayos siya kung ayaw niyang paglamayan siya bukas,” inis pa niyang sabi.“Heto na, kumalma ka na diyan,” sabi naman ni Abegail.Dahil sa kasalukuyang nangyayari batid niyang kayang tutuhanin ng pinsan ang mga pinagsasabi nito. Kaya dali-dali niya na ring tinawagan ang sarhento upang makakuha ng tamang guide kung nasaan ang kinaroroonan ni Loisa.Ilang minuto pa ay natunton na nina Steve ang kinaroroonan ng babae.Hindi pa nga naiparada ng maayos ni Steve ang sasakyan ay dali-dali na siyang bumaba ng makita
“Loise, how’s the kids?” Natatarantang sabi ni Miguel pagkababa ng kotse. “Miguel tulungan mo kami, ang mga anak ko,” walang patid ang luha ng babae mula pa kaninang natangay ang mga anak nito.“Huwag kang mag-alala tinawagan na namin ang mga pulis, papunta na sila rito,” sabi naman ni Miguel.“Huwag, Miguel sinabihan ako ng kidnapper kapag tatawag ako ng pulis papatayin nila ang kambal ko,”lumuluha pa ring sumbong ni Loisa.“Miguel, hindi pa nila nakikita ang kanilang ama ikamamatay ko kung merong masamang mangyari sa kanila,” dagdag pa niyang sabi.Nagtaka si Miguel, tama ba ang narinig niya na hindi pa nakikita ng mga kambal ang kanilang ama? Ibig bang sabihin ay buhay pa ang ama ng dalawang bata? Bakit kaya inilihim ito ni Loisa? Mga katanungan gustong sabihin ni Miguel sa babae ngunit naisip niya ng hindi pa nanapanahong pag-usapan ang mga bagay na iyon.“Miguel, may balita na ba ang mga pulis kung nakita na nila ang mga apo ko?” Mangiyak-ngiyak rin tanong ni Aling Marie sa atto
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
댓글