Share

LXXII - WEDDING

Seventy-Two – Wedding

CALI PEREZ

Pinagmamasdan ko ang gwapong mukha ni Axel na natutulog sa tabi ko.

"Mama! Mama!" Napaupo ako nang marinig kong umiiyak si Iris kaya nagbihis ako kaagad. Nagising naman si Axel at sinabihan kong magbihis na.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang mga babae sa kwarto nila.

Napangiti ako ng pinapatulog ulit ni Luna si Iris. "Mama tulog ka po ulit, ako na magbabantay kay Iris." Lumapit ako kay Luna at umupo sa tapat niya tsaka ko kinurot ang tungki ng kanyang ilong.

"You should sleep, Luna. Masyado pang maaga para magising ka. Sige ka, hindi ka na gaganda niyan." Pagbibiro ko sa kanya. Napasimangot naman ito, but she flipped her hair and giggled.

"No, Mama. I'm beautiful even if I don't rest. Mana ako sa'yo e." Natawa ako sa sinabi niya.

"Hay nako, dapat natutulog kayo." Napalingon kami sa pintuan ng makita ko si Axel na nakahalukipkip at nakasandal sa gilid ng pintuan.

"Dada! Good morning!" Bati ni Luna at tumakbo ito kay Axel tsaka hinalikan sa pisngi.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status