Share

Kabanata Five

Author: SleepyGrey
last update Last Updated: 2021-02-18 10:21:46

Sunod-sunod na pagtilaok ng manok ang aking narinig kasabay ng katok sa pinto ng aking k’warto. Kahit antok pa ay bumangon ako sa aking pagkakahiga at pikit-matang dinampot ang puting tela at sinuot iyon sa aking katawan at mabilis na naglakad patungo sa pinto.

“What happened? Is there something happened to the patient?” Sunod-sunod kong tanong na nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Naglakad akong palabas ngunit bigla akong napatigil at napamulat ng aking mga mata nang wala akong naririnig na sumasagot sa aking mga tanong.

“Intern! Why you are not---

Napatigil ako sa aking sasabihin nang makita ko ang mga titig ni Lita na naguguluhan sa aking ikinikilos dahilan para mabilis akong napasapo sa aking noo ng mag-sink na ang lahat na ginawa ko. Shit! Ano na namang kapalpakan ang ginawa mo Helen? Dammit! Sa tagal ko ng nagtatrabaho sa ospital halos ultimong paghinga ko alam na kung ano ang gagawin ko sa araw-araw.  Mabilis akong hinila ni Lita sa aking k’warto at isinara ang pinto sabay kinuha ang kumot na nakapatong sa aking mga balikat. Wait, how did that blanket wrap around my shoulders?

Walang imik na tinupi ni Lita ang kumot at nilagay ito sa kama. Humarap si Lita na may pag-aalala sa kan’yang mukha. “Binibining Helena, ayos lang po ba kayo?” tanong niya na labis ang pag-aalala ang gumuhit sa kan’yang mukha.

Napakunot-noo ako ngunit mabilis na inalis iyon at pinalitan ng isang ngiti. “Oo naman, Lita,” nakangiti kong pagpapanggap. Ngunit hindi naalis ang pag-aalala sa mukha ni Lita at hinawakan ang aking mga kamay.

“Sigurado po ba kayo? Hindi po kaya mas makabubuti na sabihin na natin kina Don Raul at Doña Celestina ang katotohanan?” saad ni Lita.

Anong katotohan ang sinasabi ni Lita? May nalalaman ba siya tungkol sa ginagawa ni Helena? Shit! Ano bang nangyayari? Ano pa kaya ang nalalaman ni Lita kay Helena? Kailangan kong magpanggap at i-drive out siya ng malaman ko ang ibig niyang sabihin.

“Hindi na kailangan, Lita. Hindi naman mahalaga na malaman nila ama at ina ang nangyayari,” kunwaring pagtatanggi ko. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng kan’yang pagkakahawak sa aking mga kamay.

“Binibini, alam kong nagmamalasakit ka sa ating mga kababayan ngunit tama na, pagpinagpatuloy mo pa rin ang lahat ito malalagay ang buhay mo sa panganib,” nag-aalalang wika ni Lita.

Panganib? Anong ibig sabihin ni Lita?

Akmang magtatanong na ako nang biglang may kumatok sa pinto. “Lita, tapos na ba magbihis si Binibining Helena?” tanong ng babaeng nasa labas ng pinto.

“Sandali na lamang, Rosa.” Pagsisinungaling sagot ni Lita.

“Sige, bilisan niyo lang ng binibini at naghihintay na sina Don Raul at Doña Celestina sa hapag-kainan,” wika nito.

“Sige, Rosa.”  Tipid na sagot niya.

“Lita, anong i---

Mabilis akong pinutol ni Lita sa aking pagtatanong. “Ipapaliwanag ko po sa ‘yo ang lahat mamaya, binibini. Sa ngayon, kailangam mo munang magbihis at naghihintay na sina Don Raul at Doña Celestina.” Aniya at inayos niya ang aking itsura at pinagpalit ng damit.

“Lita…” tawag ko na sobrang kinakain na ng curiosity.

“Mamaya, binibini.” Aniya at dinala niya na ako sa hapag-kainan na kung nasaan naghihintay na nakaupo sina Don Raul at Doña Celestina at may mga ngiti sa labi.

“Kumusta ang tulog mo anak?” tanong ni Doña Celestina ng nakangiti.

“Maayos naman po, ina,” sagot ko ngunit hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Lita.

Anong alam ni Lita kay Helena? May kinalaman ba siya kung paano ako napunta rito? Pero, bakit hindi niya sa akin sinabi noong una palang? Alam niyang kakaiba na ang aking kinikilos bakit nanahimik lang siya? Patuloy na napuno ng mga katanungan ang aking isipan. Sino ba si Lita at ano ang nalalaman niya? Hindi ako mapakali, gustong-gusto ko ng malaman ang tinatago niya sa akin. Ngunit biglang naagaw ang aking atensyon ng hawakan ni ama ang aking kamay.

“Helena, may problema ka ba? Kanina pa kita kinakausap ngunit mukhang ang lalim ng iyong iniisip. May bumabagabag ba saiyo?” tanong ni Don Raul.

“Patawad po ama,” paghingi ko ng despensa at tumawa ng bahagya. “Medyo napapaisip lang po ako sa aking binasa kagabi kung kaya po pagpasens’yahan mo na po ako sa aking maling inasal,” pagdadahilan ko.

Napatawa si Don Raul nang buong lakas. “Naku, mahal ang ating anak ay siyang nagmana nga sa akin na puno ng kuryusidad sa mga bagay-bagay.”

“Siyang iyong sinabi aking asawa. Ang ating anak ay labis na kamangha-mangha,” pagdagdag ni Doña Celestina na sumabay sa tawa ni Don Raul. Nakitawa na lang ako at sinubukang iwaglit sa aking isipan ang mga katanungan sa aking isipan hanggang sa matapos naming kumain.

Dali-dali akong pumunta ng kusina para kulitin si Lita ngunit busy ito sa paghuhugas ng mga pinggan. Hinintay ko siya matapos ngunit hindi ko na matagalan ang paghihintay kung kaya hinatak ko ito.

“Rosa, I need Lita so take in charge there!” mabilis  kong ani.

Gumuhit sa mukha ni Rosa ang pagkalito ngunit hindi na ako nag-explain mas kailangan kong malaman ang nalalaman ni Lita tungkol sa akin. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin basta hinatak ko siya palabas ng mansyon at naglakad hanggang sa makarating sa lugar na kung saan walang tao na makakrinig sa amin. Iginala ko ang aking mga mata at nang masiguro ko ng walang taong naroon ay dinala ko siya sa lilim ng puno ng acacia. Mabilis kong binatawan ang kan’yang kamay at hinarap ito.

“Now, tell me Lita what’s going on?” atat tanong ko.

Huminga ng malalim si Lita. “Binibini, alam kong marami kang katanungan ngunit hindi tayo magkakaintindihan kung gagamitan mo ako ng banyagang salita,” anas ni Lita.

“Shit! I forgot! Oh, fu--- ay ano ba!” sabay tampal sa aking bibig. “Go back to your senses!”

Umiling ako ng ilang beses para ibalik ang aking huwisyo sabay sampal sa magkabila kong pisngi.

“Game!” sigaw ko. Labis na nabigla si Lita sa aking ginawa at gumuhit ang pag-aalala sa kan’yang mukha.

“Ayos ka lang ba, binbini?” nag-aalalang tanong nito.

“Ok---” Tumikhim ako bago ipagpatuloy ang aking sasabihin. “Ayos lang ako, Lita. Ngayon, sabihin mo sa akin, ano ba ang nangyayari?” mahinahong tanong ko.

“Hindi ko po alam kung kailan nagsimula ang lahat, binibini ngunit mas makabubuti na tigilan mo na po ang inyong ginagawa, malalagay ka lamang po sa panganib,” pagmamakaawang saad ni Lita.

“Panganib? Ano ba ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko.

“Binibini, habang patuloy kang nanaliksik tungkol sa medisina inilalagay mo lang sa bingit ng kamatayan ang inyong buhay,” pakiusap ni Lita na magkadaop ang mga palad.

“Ano bang pinagsasabi mo, Lita? P’wede bang diretsahin mo na lang ako? Naguguluhan na ako sa mga sinasabi mo!”

Hinawakan ni Lita ang magkabilang mga kamay ko at tinitigan ako sa aking mga mata na hindi nawawala ang labis na pag-aalala sa mga mata nito.

“Ang lahat po na inyong nalalaman tungkol sa medisina ay siyang inyong ikamamatay, binibini. Hindi ko alam kung paano pero base sa aking nakikita at napapansin noong una ay nagiging makalimutin ka lang ngunit habang tumatagal, unti-unti niyo ng nakalilimutan ang ilang mga bagay tulad ng kung saan ka nakatira, kung nasaan ka, pati ang inyong mga magulang ay inyo na ring nakalilimutan. Maraming bagay ang inyong nakalilimutan habang tumatagal, binibini.” Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Lita. “Parang awa mo na, binibini, nakikiusap ako itigil niyo na ito. Hindi lang para sa inyong sarili kun’di pati na rin sainyong mga magulang,” pakiusap ni Lita na labis ang pag-aalala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Epilogue

    AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Forty

    LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Nine

    ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Eight

    MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Seven

    NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos

  • Fated to Love You, Joaquin Perez (Tagalog)   Kabanata One Hundred Thirty-Six

    DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status