Natigalgal ako sa lahat ng sinabi ni Lita. Nawawala ang mga alaala? Kaya ba hindi siya nabigla nang magtanong ako ng mga bagay na hindi ko alam kasi alam niyang nawawala na naman ang aking alaala? Kaya ba hindi niya ako pinagduduhan na hindi ako ang Helena na kilala niya?
“Lita, may nalalaman ka pa ba na hindi mo pa nasasabi?”
“Wala na po akong nalalaman, binibini. Lahat ng aking nasabi ay iyon lamang po ang tangi kong nalalaman at kung may nais ka pa po na malaman ang lahat ng sagot ay nasa inyong silid at nasa inyong sarili lamang.” Aniya.
What is this? What did Helena do to lose her memories? Her memory is slowly deteriorating… does it mean she suffer from Alzheimer? But, she’s too young.
“Lita, maliban sa unti-unting pagkawala ng aking alaala ano pa ang iyong napansin?’ seryosong tanong ko.
Binitawan ni Lita ang aking mga kamay at bahagyang napaisip. “Iyon lamang, binibini.”
“Kailan mo napansin na nagsimula naging makalilimutin ako? Gaano na katagal?” Sunod-sunod kong tanong.
“Halos isang buwan na po ngunit kahapon muli nangyari na nakalimutan niyo kung nasaan, anong lugar ito at maging ang inyong ama ay hindi niyo nakilala. Ito ang pangalawang beses na nangyari muli ito, binibini.” Paliwanag ni Lita.
“That’s because I’m not her,” mahina kong usal.
But…how did she forget things that’s very common? Kasisimula pa lang ng sintomas pero bakit ang bilis lumala ang kondisyon?
“Does---Crap! Hindi ba ako nahirapan magsalita? Pabago-bago ng emosyon tipong magagallit bigla tapos mamaya ayos na? O kaya ayaw ko makahalubilo sa mga tao?” paninigurong tanong ko.
“Hindi, binibini. Wala sa mga inyong nabanggit ang ni minsan na inyong ginawa,” sagot ni Lita.
If she hasn’t suffered from any those symptoms, probably it’s not Alzheimer. But, what could be the reason for her to affect her condition like that? Imposible naman dahil sa gamot dahil sa panahong ito sapagkat natural medicine pa lang treatment na ibinibigay sa tao lalo na kung hindi naman malala ang kondisyon nito, at tanging sa ospital lamang makakakuha ng mga synthetic na gamot. So how did she get this kind of condition if walang pinagmulan? I can’t even diagnose her dahil wala siya. Hindi naman p’wede na ang sarili ko ang i-diagnose ko ‘pagkat katawan ko ito at hindi kan’ya. We may look the same but katawan ko pa rin ang napunta sa panahon na ito. Hindi ko alam kung nasaan siya o kahit ang katawan niya.
“Damn! What I’m going to do?” I asked myself in frustration.
“Patawad, binibini, kung wala akong maitulong para masagot ang iba niyo pang katanungan,” paghingi ng dispensa ni Lita.
“No, no, no! It’s not your fault!--- Oh, crap!” sabay sapo sa aking noo. “Ayos lang, Lita, hindi mo kailangan humingi ng tawad wala kang ginawang mali. Malaking tulong na ang lahat ng sinabi mo sa akin ang kailangan ko lang ay alamin kung ano ba ang nangyayari sa akin at hindi mo na ‘yon problema, Lita,” nakangiti kong saad.
Ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang guilt kung kaya niyakap ko ito dahilan para magulat ito.
“Ayos lang talaga, Lita. Huwag mo masyadong damdamin ang lahat na nangyayari sa akin ngayon.” Inalis ko ang aking pagkakayakap at tinitigan ito sa kan’yang mga mata. “Bata ka pa para mamoblema dapat nga ay nagsasaya,” nakangiti kong sabi.
“Salamat, binibini. Salamat sa lahat na kabutihang inyong pinapakita sa akin ngunit ang isang tulad ko na mahirap ay hindi maari magsaya. Ang tanging kasiyahang maari naming maramdaman ay ang magkaroon ng sapat na pera upang makakain ng tatlong beses sa isang araw at ilan sa aming pangangailangan.” Ngumiti ito ng may pait na siyang nagbigay kirot sa aking puso. “Mga tulad niyong pinanganak na mayaman at may kapangyarihanan ang siya lamang ang may karapatan para makaranas ng kasiyahang inyong sinasabi, binibini.”
“Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na---
Pinutol ni Lita ang aking sasabihin at muling ngumiti. “Nauunawaan ko ang inyong malinis na intensyon, binibini, ngunit hindi lahat ng tao ay ganoon. Karamihan sa mga tulad niyong mayayaman ang tingin sa amin ay alipin, utusan, at isang hamak na hampaslupa na pera lamang ninyo ang habol ng mga tulad kong mahirap.”
“Pe---
“Binibini, ayos lang po. Hindi mo po kailangan maawa sa akin, bata man ako sainyong paningin ngunit, matagal ko na rin po nakita at naranasan ang pait ng aming kapalaran,” matatag na wika ni Lita.
“Lita…” mahina kong usal.
Muli siyang ngumiti. “Tara na, binibini. Hindi ba’t ngayon ang araw na kukunin niyo ang k’wardernong pinagawa niyo po kay Ginoong Huseng.”
“K’waderno?” kunot-noong tanong kay Lita.
Napabuntong-hininga si Lita at hinawakan ang aking kaliwang kamay. “Ayos lang ‘yan, binibini. Habang hindi pa nanunumbalik ang inyong mga alaala ay ako po ang siyang tutulong at gagabay sa inyo hanggang sa maalala niyo na muli ang lahat,” nakangiting saad ni Lita at bahagyang lumapit sa aking tainga. “At mananatiling sekreto ang tungkol sa inyong kondisyon.” Sabay layo at tinignan niya ako sa aking mga mata. “Ngunit, ipangako niyo sa akin na mag-iingat kayo parati at ‘wag kayo gagawa ng anumang bagay na ikalalagay niyo sa panganib.”
Napangiti ako sa mga sinabi ni Lita. Bagamat siya’y bata pa ay may sapat na itong kaisipan para mag-isip tulad sa matanda.
“Hindi ako mangangako, Lita…
“Binibini---
Inilagay ko ang aking daliri sa kan’yang labi para mapatigil ang kan’yang pagproprotesta. “Hindi ako mangangako ngunit, gagawin ko ang lahat para hindi ka mag-alala o maging sina ama at ina,” nakangiti kong pagpapakalma sa kan’ya.
Napahugot ng hininga si Lita. “Hay naku, binibini kahit kailan ang hirap mong mangako.”
“Kasi ayaw ko mangako baka hindi ko matupad mas masaktan ko pa ang taong pinangakuan ko. Kaya gagawin ko na lang ang lahat makakaya ko, at least wala akong napaasa,” nakangiti kong paliwanag.
“Kahit hindi ko alam ang ibang salita na inyong sinabi ay naintindihan ko naman ang nais niyong iparating, binibini.”
“Opss! Sorry, Lita,” paghingi ko ng dispensa ngunit nanlaki ang aking mga mata nang mag-sink in ang aking sinabi. Kung kaya napatawa si Lita dahilan para mapatawa na rin ako sa aking naging aksyon.
Ang tanga ko rin talaga minsan hindi ko na nagagawang mag-isip hinahayaan ko na lang ang sub-conscious kong kumilos ayon sa gusto nila. Pero at least, may isang tao ako na hindi ko na kailangang papaniwalain sa kung sino ako. Kahit papaano hindi niya ako paghihinalaan na hindi ako si Helena dahil alam niyang nawawala ang aking alaala. Higit sa lahat, may tao akong mapagtatanungan kung ano at sino ba talaga si Helena Montecielo.
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.Hindi… Hindi maaari…Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”“Kunin niyo ang baril sa kanya!”“Hulihin niyo siya!”Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.“Ayos
DAMANG-DAMA ang init sa buong kapaligiran ngunit sa kabila ng init na ‘yon ay pinagpapawisan ako nang malamig. Hindi ko alam kung kaba o takot ba itong nararamdaman ko. Ito ang unang beses na mapapatawag o nasa loob ako ng korte. Sa ilang taon na nagtatrabaho ako bilang isang doktor ay hindi pa nangyari na magkaroon ako ng kaso nang dahil sa malpractice. Ito ang kauna-unahang mararanasan ko na lilitisin ako sa isang kasong hindi ko naman ginawa at isa lamang malaking akusasyon na wala man lang batayan. Kahit na isa akong doktor ay hindi ko pa rin magawang makontrol ang emosyon na aking nararamdaman. Tao lang din ako na nakakaramdam takot at kaba. Hindi ko maipaliwanag pero ang sakit ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag na parang natatae ako na ewan. Totally, hindi ko maunawaan nararamdaman ko nang sandaling makapasok kami sa loob ng korte na kung saan napakaraming manunuod ang naroon. Mga nakakaangat sa lipunang corrupted nang maling pamamalakad ang nagbibigay sa amin ng mga m