“ATE HELENA! Ate Helena!”
Dinig na dinig ko ang malalakas at paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Nina.
“Ate Helena, idilat mo po ang iyong mga mata!” pakiusap ni Nina na may labis na pag-aalala.
Napaubo ako at mabilis akong tinulungan ni Nina na maiupo dahilan para lumabas ang mga tubig na nalunok ko kanina.
“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” nag-aalalang tanong ni Nina.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil pag-ubo ko. Hinimas ni Nina ang likod ko para pabutihin ang aking pakiramdam. Nang makalipas ang ilang saglit ay naka-cope up na rin ang aking katawan.
“Anong nangyari, Ate Helena?” tanong niya sa akin ngunit nanatili akong walang imik. “Sinasabi ko na nga ba hindi napagkakatiwalaan ang babaeng ‘yon!”
Natauhan ako nang maalala ko si Teresa.
“Nasaan si Teresa?” tanong ko.
Akmang magsasalita si Nina nang makita ko ang basang-basa na si Teres
“SALAMAT, Helena, sa katapangan na iyong ipinakita. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng ito pero ito lang masasabi ko na labis akong natutuwa at taos puso akong nagpapasalamat sa ‘yo at nagawa mong mapigilan na madungisan ang mga kamay ng aking anak,” nagpapasalamat na sabi ni Don Emilio sa akin. “Iginagagalak ko po na maging masaya kayo,” nakangiti kong tugon sa kanya. “Humihingi ako ng tawad, Helena, Nina, sa ginawa ng aking anak. Wala siya sa tamang kaisipan para makapag-isip ng tama. Ako na ang hihingi ng tawad sa pagkakamali niyang ginawa,” sinserong paghingi ng tawad ni Don Emilio sa amin ni Nina. “Huwag niyo na po alalahanin ang nangyari—” “Ate Helena, paano mo po nasasabi ang bagay na ‘yan? Muntik ka na po mamatay kanina hindi lang po ikaw pati na rin ako at ang mga batang dinadala natin sa ating sinapupunan ay kanyang idinamay,” pag-aalmang sabi ni Nina. “Hindi mo po dapat ipinagsasawalang bahala ang mga ganoong bagay.”
“BAGO natin simulan ang kasiyahan…” Ibinaling ni Lita ang kanyang tingin sa isang Guardia Civil na nasa kanyang tabi at nilapitan iyon at hinawakan ang baba nito sa nakakapang-akit na paraan at saka binigyan ng isang iglapang halik. “Tawagin mo na sila,” nanlalambing na utos nito. “Mamaya ang iyong gantimpala.” Pahabol niya. Walang pag-aalinlangan sinunod ng Guardia Civil ang sinabi ni Lita na animo'y isang mantra na umakit sa kanya at napasunod ito. Tinignan kami ni Lita na may ngisi sa kanyang mga labi. Nanatili siyang walang kibo na siyang binalot ng katahimikan ang buong paligid dahilan para mas marinig ko ang tibok ng aking puso at magsimulang daluyan ng kaba. Mabilis kong ikinumpas ang aking sarili at nagsalita. “Magsasalita ka ba o pagmamasdan mo lang kami?” pagpuputol ko sa katahimikang bumabalot sa amin. Tumawa si Lita. “Panira ka naman, Binibining Helena, nasisiyahan pa nga ako na pagmasdan ang kaba na tumatakbo sainyo katawa
NAPABUGA ako sa labis na pagkamangha sa itinuran ni Don Raul sa aming lahat.Narito pala kayong lahat? Natutunawa akong makita kayong muli? Like what the fuck? Hindi ko alam na uso na sa panahon na ito ang pagiging casual na pagtrato sa mga taong ginawan mo ng masama o pantatraydor. Ano bitch lang?“Emilio!” tawag ni Don Raul kay Don Emilio.“Raul,” bati ni Don Emilio sa kanya.“Narito ka rin pala,” nakangiting saad nito kay Don Emilio. Lumapit ito sa kinatatayuan ni Don Emilio at nakipagkamay at nagkapalitan pa ng mga ngiti.Hindi ko alam pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang sandaling iyon parang may mali pero hindi, baka guni-guni ko lamang ang lahat.“Ama, anong ibig sabihin nito?” tanong ni Mateo kay Don Emilio na may labis na pagtataka.“Hindi pa ba halata, Mateo?” nakangising tanong ni Teresa. “Ako ang pinili ni Ama kaysa sa ‘yo.&rdqu
WALANG nagawa ang mga taong naroon kun'di sumunod kahit na labag sa kanilang mga kalooban dahil sa takot na matulad ang kanilang sinapit sa pamilya ni Mang Delfin. Gusto man nila ipaglaban ang hustisya na para sa pamilya ng kanilang ka-nayon ay hindi magawa dahil sa labis na takot at maging ako ay kitang-kita iyon sa kanilang mga mata.“Bilisan niyo riyan! Huwag kayo magtitira kahit isa sa kanila at lahat ng kanilang mga tirahan ay sunugin! Walang ititira kun'di tanging abo lamang!” mariing utos ni Don Raul sa nalakas niyang boses.“Masusunod po, Gobenardor-Heneral!” Sabay-sabay nilang sagot.Matapos noon ay tumalikod na si Don Raul ngunit bago pa man siya makalayo ay naglakas loob akong magsalita.“Hanggang kailan mo idadamay ang mga inosenteng tao na ‘to?” tanong ko sa kanya.Narinig ko ang pagpalatak niya kasabay ng pag-angat ng kanyang balikat. Humarap siya sa akin at ang galit niyang mukha ay napalitan
TULAD ng ipinag-utos ni Don Raul, sinunog lahat ng mga kabahayan sa nayon ng Pinagsanjan at ni isa ay walang tinira na tanging abo na lang ang naiwang bakas na unti-unting tinatangay ng hangin. Lahat ng mga taong naroon: bata, matanda at maging ang mga buntis o bagong panganak ay dinampot at iginapos para dalhin sa Amadeo para doon ay ikulong. Ang kalupitan ni Don Raul ay hindi natapos at nagpatuloy hanggang sa aming paglalakbay pabalik sa bayan ng Amadeo. Simula ng umalis kami sa bayan ng Pagsanjan nang tanghaling tapat ay hindi pa rin kami tumitigil sa paglalakad na halos natatakpan na ng kadiliman ang buong kalangitan at paligid. Halos lahat kami na kanilang bihag ay pagod at nagugutom at nauuhaw na sa haba ng aming nilakad.“Mawalang galang lamang, ngunit, maaari bang magpahinga kahit saglit?” pakiusap na tanong ng isang Ginang na may bitbit na bata sa Guardia Civil ngunit tila bingi ito at hindi pinakinggan ang Ginang.“Pakiusap, Ginoo, kah
LUMIPAS ang apat na araw na hindi namin namalayan hanggang sa nakarating na kami sa Amadeo. Sa mga araw na iyon ay konting mais at tubig ang naging laman ng aming mga tiyan para maitawid ang buong paglalakbay. Lahat sa amin ay nanghihina na sa labis na gutom at pagod ngunit wala kaming magawa dahil iyon ang ipinag-utos ni Don Raul. Literal na Death March ang ginawa sa amin halos pareho sa nangyari sa panahon ng mga hapon, ang makakasaysayang Bataan Death March.Akala ko ay doon na nagtatapos ang pagpapahirap sa amin ngunit nagkakamali pala ako ngunit nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.Napatingin ako sa Guardia Civil na nasa aming gilid. “Sandali, saan niyo kami dadalhin?” tanong ko sa kanya ngunit nanatili itong walang imik.“Tinatanong kita kaya sumagot ka! Saan niyo kami dadal—”Hindi ko nagawang tapusin ang aking sasabihin nang maramdaman ko na may kamay na humawak sa akin dahilan para mapalingon ako at nakita ko si Joa
HUMARAP siya sa taumbayan bago nagsalita. “Para sa inyong kaalaman walang katotohanan ang lahat ng sinasabi ng demonyong ‘yan!” sabay turo kay Don Raul. “Huwag kayong maniwala sa mga mabubulaklak niyang pananalita dahil nililinlang niya lamang kayo! Hindi niyo alam kung ilang tao ang pinatay at dinamay niya nang dahil sa labis na galit niya sa sarili niyang asawa at anak nang dahil lang sa isang selos at makitid niyang pag-iisip!”“Maghunos-dili ka sa iyong pananalita dahil hindi mo alam ang buong pangyayari!” sigaw ni Aling Mina. “Wala kang sapat na ebidensiya sa mga paratang na sinasabi mo sa aming Gobernador-Heneral!”“Bakit? Ano rin ba ang alam mo?” tanong sa kanya ni Mang Delfin na tono ng pamimilosopo. “Hindi ikaw ang nakakita kung paano niya pinasakitan ang kanyang mag-ina at wala ka rin kung paano niya sinunog ang mag-ina ko nang dahil sa panlalaban na ginawa ko! Wala kang alam!”
TULAD ng kasunduan naming dalawa ni Don Raul ay ginawa niya ang gusto kong mangyari. Ipinatigil niya ang pantutuligsang ginagawa ng taumbayan sa amin, pinakawalan mula sa pagkakagapos ang mga kasamahan namin at binigyan ng mga panlunas at sapat na pagkain ngunit nanatili kami lahat ng nakakulong. Mabuti na rin ito kaysa na patuloy silang pagmalupitan at alipustahin ng mga taong hindi naman sila kilala ang importante ay natutugunan ang kanilang pangangailangan lalo na sa pagkain.“Muli niyong iniligtas ang aming buhay, Binibini. Maraming salamat po sa kabutihan niyong lubos,” pasasalamat ng ginang sa akin habang binibendahan ang sugat na kanyang natamo sa kanyang braso at binti.“Wala po ‘yon,” nakangiti kong tugon at pinagpatuloy aking pagbebenda.“Labis-labis na po ang natatanggap naming kabutihan sainyo, Binibii, hindi namin alam kung paano ka po namin papasalamatan sa aming utang na buhay sainyo,” wika ng isang ginoo.