Share

Kabanata Seventy-Seven

Ibinaba ng isa sa kanila ang telang nakatakip sa kanyang bibig. “Binibining Helena, Joaquin, ako po ito si Mang Vicente,” pakilala niya.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang buong mukha ni Mang Vicente at napatayo sa aking pagkakaupo at mabilis na lumapit sa rehas.

“Anong ginagawa niyo rito, Mang Vicente?” aligagang tanong ko at napatingin sa buong paligid. “Baka mapahamak po kayo sa ginagawa niyo,” nag-aalalang dagdag ko.

“Narito po kami para ilagtas kayo,” sagot niya at mabilis na pinukpok ng palakol ang kandado.

“Mang Vicente, mapapahamak po kayo sa ginagawa ninyo. Itigil niyo na po ito,” awat ko sa kanya.

“Huwag po kayong mag-alala sa amin, Binibini. Ang lahat ng ito ay ayon sa plano,” wika ni Mang Vicente at patuloy sa pagsira ng kandado ng kulungan.

“Ano po ang inyong sabihin?” naguguluhan kong tanong.

Napatingin si Mang Vicente sa aking mga mata. “Ipapaliwanag ko po ang lahat sa oras na makatakas po kayo nina Joaquin,”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status