Belle met Storm on one cold night. Just like his name, he came into her life like a raging storm. Tingin pa lang nito ay gusto na niyang tumakbo—tumakbo patungo sa mga bisig nitong unang pagkikita pa lang ang nagbigay na ng kakaibang init sa kanya. She surrendered her whole to him. She believed that Storm was her fated mate and he marked her on the same night that they first met. But what if Storm is not serious about her? And, Storm was not his name because he was Asule Shun! The ruthless leader of Black Eagle Pack. Will Belle regret giving herself to Asule or will she still choose to be with him even if she knew that she was just one of the pieces on his chess?
Lihat lebih banyakTHIS WAY TO GRAY SPARROW PACK...
Sandaling tumigil ang kotseng sinasakyan ni Asule na minamaneho ng beta nitong si Tigen nang makarating sila sa pasangang daan na naghihiwalay sa Gray Sparrow Pack at Red Hawk Pack. Pasimple niyang inilibot ang paningin sa paligid bago nilingon ang katabing si Tigen at tumango.
"Let's go..."
Kaagad namang nakaunawa si Tigen at muling pinasibad ang kotse. Madilim na ang paligid at madalang na ang dumadaang sasakyan sa bahaging iyon. Mag-a-alas-nuebe na rin ng gabi at halos kalahating oras na lang ay magsasara na ang malaking gate na tanging daan papasok sa Gray Sparrow Pack. Mula alas-nuebe y media ng gabi hanggang alas-singko ng umaga ay may curfew sa lugar. Wala nang p'wedeng lumabas at pumasok sa Gray Sparrow Pack na pinamumunuan ni Criston Aldeguer kaya hindi kataka-takang wala nang gaanong makikitang sasakyan na bumibiyahe maliban sa kulay itim na kotse nina Asule at ang iilang kotseng kasunod nila.
"Naitawag na ni Clay sa Costa Calista Manor ang pagdating natin kaya siguradong naihanda na ni Joji ang left-wing manor na tutuluyan natin." ani ni Tigen kay Asule habang ang mga mata ay nakatutok sa madilim na kalsadang natatanglawan lang ng ilaw mula kotse nila.
Tumango si Asule bilang tugon at hindi na nag-abala pang magsalita. Itinuon niya ang pansin sa nadadaanan nilang malalaking punong-kahoy na nakahanay ng maayos sa magkabilang gilid ng bako-bakong kalsada na tumutumbok sa Gray Sparrow Pack.
Mula sa tahimik na pag-upo habang prenteng nakasandal ang likod ng passenger's seat ay gumuhit ang kakaibang ngiti mula sa gilid ng mga labi ni Asule. Ang kamay niyang nakapatong sa bintana ay pumitik-pitik ang isang daliri sa salamin.
"Alpha, ihahatid lang kita sa manor at pagkatapos ay mag-iikot muna ako." turan ni Tigen sa makahulugang tinig.
Umiling si Asule bago umunat ng upo. "No. I'll go. Just drop me somewhere else and you go straight to the manor. Hintayin ninyo ako roon." he commanded as he continued tapping the glass window of the car.
Natigilan si Tigen at napalingon sa katabing si Asule, ang leader ng Black Eagle Pack. "But—"
Asule cut his beta off as he seriously looked at Tigen who's giving him a confused look.
"Just do what I say, Tigen."
Sandaling napatitig si Tigen kay Asule bago tumango na sinundan pa nito ng kibit-balikat. "Alright!" he forcefully agreed.
Eksaktong limang minuto bago tuluyang magsara ang malaking gate na papasok sa Gray Sparrow Pack ay nakapasok na ang sinasakyang kotse nina Asule.
"I'll be okay here."
Napalingon si Tigen kay Asule at nagtatakang tiningnan ang alpha.
"Itigil mo ang kotse. Dito na ako bababa." turan ni Asule.
Malayo na sila sa main gate na pinasukan nila. Kung hindi nagkakamali si Asule ay naroon sila sentro ng Gray Sparrow Pack.
Itinabi ni Tigen ang minamanehong sasakyan sa gilid ng kalsada at pinatay ang makina. Tumingin siya kay Asule na bahagya namang dumukwang sa dashboard para abutin ang pakete ng sigarilyo at lighter. Bago tuluyang bumaba ng kotse ay nagbilin muna si Asule sa beta.
"Tell Joji to prepare my bath before I get back and also a bottle of my favorite brandy. No need to wait for me for food. I'm not hungry." Aniya kay Tigen bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse at bumaba.
Nang tuluyang mawala sa paningin ni Asule ang kotseng minamaneho ni Tigen ay saka pa lamang siya nagpasyang umalis. Nagsindi siya ng sigarilyo bago nagsimulang maglakad habang ang isang kamay ay nakasuot sa bulsang nasa harap ng suot niyang kulay pulang hoody jacket. Nakatago sa suot niyang kulay itim na bonnet ang mahabang buhok na natatakpan naman ng hood ng suot niyang jacket.
Tumawid si Asule sa sementadong overpass habang ang mga mata ay pasimpleng umiikot sa paligid. Ibinuga niya ang usok na nasa loob ng bibig eksaktong makababa ng hagdanan. Marami pang naglalakad at may mga nakabukas pang establishments sa paligid. Maingay din ang mga tinderong panay ang sigaw para mag-alok ng paninda sa mga dumadaan. Halo-halo ang amoy ngunit mas nangingibaw ang amoy ng usok na nagmumula sa ihawan na nasa unahan ng ilang tindahan ng mga damit.
Hindi pa gaanong nakakalayo si Asule ay naramdaman niya ang malamig na patak ng tubig na bumagsak sa kamay niyang nakalitaw sa mahabang manggas ng suot na jacket. Napatingala siya sa madilim na kalangitan at napailing. Seems like tonight is not his night. Walang kahit isang bituin sa langit at tanging ang makapal at maitim na ulap lang ang nakikita niya.
Nagsimula namang magtakbuhan ang lahat lalo na nang magsimulang lumakas at dumami ang mga patak ng ulan. Nagsara ang maliliit na tindahang kani-kanina lang ay buhay na buhay pa hanggang sa wala nang ibang nakikitang kahit isang nilalang si Asule sa paligid.
Inalis ni Asule ang sigarilyong nakasubo sa kanyang bibig at tila walang anumang itinapon iyon sa gitna ng kalsadang basang-basa na ng tubig-ulan. Nagpasya siyang sumilong muna sa hindi kalakihang kubo na kanyang nadaanan. Habang hinihintay na tumila ang ulan ay muling iginala ni Asule ang paningin sa madilim na paligid.
Nagkakalat ang ilang malalaking establishments sa paligid at hindi maitatangging nakaka-angat nga ang Gray Sparrow kaysa sa ilang pack na nakapalibot sa teritoryo ng Paso De Tijuca.
Napatigil sa pagmamasid sa paligid si Asule nang maramdaman niyang may papalapit sa kinaroroonan niyang kubo. His senses were automatically alerted. He was about to launch an attack but stopped as he smells something.
Asule sniffed the air twice. His brows furrowed as he smells the aromatic scents of a romantic fragrance of jasmine and refreshing citrus. It lingers into his nose down to his nostrils.
Kumuyom ang kamao ni Asule nang maramdamang mas malapit ito. Dinig na dinig niya ang mga yabag ng paa nitong umaapak sa tubig-ulang nagsisimula nang maipon sa malawak na kalsada.
Muling suminghot sa hangin si Asule at sa pagkakataong ito ay sigurado na siya. A she-wolf!
Nang tumapat sa kubong sinisilungan ang babae ay mabilis niya itong hinila at isinandal sa malamig at sementadong na pader. His eyes turned golden yellow as he looks into the woman who's looking at him with eyes widened in fear.
"Who are you?" bahagyang may nginig sa boses na untag ng babaeng pilit na pumipiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Asule sa dalawa nitong braso na nakataas at nakadikit sa pader.
"Storm..." he dangerously mumbled and in one swift move, he immediately grabbed her wrist with his right hand as his left arm wrapped around her slender waist. "And, you are mine!" he added with a possessive and steady voice.
And, just when she was about to open her mouth to talk, Asule bent down and hurriedly claimed her lips.
"Mate..."
Nalaman ni Belle na wala si Jojie nang araw na iyon kaya kaagad niyang sinamantala ang pagkakataong makaalis sa mansion ni Asule. Gusto niyang umikot nang mag-isa sa mini market na nasa sentro ng Black Eagle Pack pero palaging nakabuntot si Jojie sa kanya. Naiinis siya dahil hindi niya magawa ang gusto. Daig pa niya ang paslit na palaging may bantay kaya ipinasya niyang huwag na lamang lumabas nitong mga nakaraang araw.Mahigit isang linggo nang wala sa Black Eagle Pack si Asule. Inaamin ni Belle na namimiss niya ang lalaki ngunit hindi rin niya itinatanggi na natutuwa siya kahit paano. Kapag kasi nasa paligid ang lalaki ay halos hindi siya makakilos nang maayos dahil sa pag-aalalang magalit na naman ito sa kanya.Sa mga nakalipas na araw ay palaging sumasagi sa isip niya si Asule. Nag-aalala siya para sa lalaki ngunit dahil nagtatampo siya nang hindi man lang ito nagpaalam sa kanya na aalis ito kasama sina Tigen kahit pabalat-bunga man lang s
Kasalukuyang nasa maliit na kaininan sina Asule malapit sa INN na tinutuluyan nila nang bigla silang mabulabog ng nagkakagulong mga mamamayan ng Aglicay. Sabay-sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng ingay.Kumunot ang noo ni Asule nang makita ang nagmamadaling alalay ni Vander Del Mar. Hindi maitago sa mukha ng lalaki ang pagka-irita."Ano'ng meron?" Takang untag ni Tigen habang marahang nginunguya ang kinakaing mansanas.Nagkibit-balikat naman si Rendon na tila walang pakialam sa nangyayari. Muli nitong ibinalik ang atensiyon sa kinakaing hamon. Si Asule naman ay balewalang humithit ng sigarilyo bago ibinuga ang usok niyon habang tinatapik-tapik ng mga daliri ang ibabaw ng mesa.Normal nang magulo sa Aglicay dahil lungga iyon ng mga kriminal. Walang araw na lumilipas na hindi nagkakaroon ng kaguluhan sa lugar. Araw-araw na may nangyayaring pagpatay.Hanga si Asule sa pinuno ng lugar na si Vander De
AGLICAY TERRITORYPagbungad pa lang ng grupo ni Asule sa malaking gate ng teritoryo ng Aglicay ay kaagad na nilang napansin ang simpleng pamumuhay ng mga taga-roon. Payak ang ayos ng mga bahay na nakatayo sa paligid ng lugar at wala ring gaanong sasakyan sa baku-bakong kalsada. Maingay ang paligid dahil sa sigawan ng mga nagtitinda sa gilid ng kalsada habang nagliliparan ang mga alikabok."Ito na ang Aglicay?" Tanong ni Tigen na ang mga mata ay nakatutok sa mga mamamayan ng Aglicay na abalang-abala para sa pang-araw-araw na buhay."Yes," walang emosyong tugon ni Rendon na sandali lamang sumulyap sa labas ng bintana ng sasakyan. "but don't be deceived by their weak and fragile look. Ang Aglicay ay lungga ng mga exiles na nakagawa ng krimen sa pack nila. Halos lahat ng nakatira dito ay mga kriminal." Dugtong nitong sandaling nagsalubong ang kilay habang ang mga mata ay deritsong nakatutok sa harapan.Si Rendon ang nagma
Kausap ni Asule si Tigen nang biglang lumapit sa kanila si Jojie. Naroon silang dalawa ng beta niya sa driveway at hinihintay ang pagdating ni Rendon. Lalabas sila ng Paso De Tijuca at pupunta sa maliit na teritoryong ang pangalan ay Aglicay. Asule received a secret report that the person that he's been looking for is hiding in the said territory. And, he needs to hurry before that man once again gets a chance to run away."Alpha," kaagad na tawag ni Jojie kay Asule nang tuluyan itong makalapit sa dalawa.Tinanguan ni Asule si Tigen na kaagad namang nakaunawa. Humakbang na ito palapit sa naghihintay na sasakyan kung saan naroroon na si Rendon na bagong dating lang. Nakasuot ito ng puting damit na hapit sa katawan na nakapailalim sa pantalong kulay asul. And his braided ponytail made Rendon looks dashing handsome."What?" Tanong ni Asule kay Jojie nang makalayo na si Tigen.Ilang araw din silang mawawala at kung mamala
Isinuot ni Asule ang hawak na T-shirt bago inabot ang sigarilyong nakapatong sa bedside table. Kinuha niya ang taling kulay itim at ipinaikot iyon sa mahabang buhok. Wala na siyang oras na tirintasin iyon kaya ipinasya niya itali na lang iyon sa likod. Hinayaan rin niyang nakabagsak ang ilang maiksing hibla ng kanyang buhok. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa kama at nilingon si Belle."Ayusin mo na ang sarili mo at bumaba ka na. It's already late for breakfast." Aniya bago tuluyang tumayo at humakbang palabas ng silid.Tuloy-tuloy na bumaba si Asule sa hagdanan patungo sa groud floor ng packhouse kung saan naghihintay si Governor Hiro Arcena.May ideya na siya kung bakit ito nasa Black Eagle Pack. Mukhang nakarating na rito ang tungkol sa pagtanggi niya sa pack alliance na inaalok ni Alpha Elizer. Noong una ay pabor siya sa alliance dahil ibig sabihin noon ay magkakaroon siya ng back-up sakali mang malagay sa alanganin a
Pagalit na hinagis ni Alpha Elezer ang hawak na tobacco sa harap ng anak na si Athena. Kasalukuyang nasa malawak at marangyang living room ang babae. Naka-upo ito sa pang-isahang sofa na hindi rin maika-kailang pinaglaanan ng hindi birong halaga."Why are you so mad, Dad?" Tanong ni Athena na saglit lang na tinapunan ng sulyap ang amang madilim ang anyo at muli ring ibinalik ang paningin sa hawak na fashion magazine.Mas lalong sumama ang mukha ng pinuno ng White Flamingo Pack. "I already told you to control your nonsense stubbornness, Athena. You are ruining my plan!" Pasinghal na turan nito sa anak na masama ang tingin kay Athena.Umangat naman ang kilay ng babae bago ibinaba ang hawak na magazine. Humalukipkip ito at tiningnan ang amang hindi maitago ang galit."What did I do this time, for you to be so mad at me, Dad?"Umigting ang mga panga ni Alpha Elezer at napahilamos sa mukha dahil
Komen