Annalita Perpetua Tubol’s POV
“Ms. Tubol!”
“Yes ma’am!” alertong sagot ko.kay bilis kong napatayo ng tawagin ni ma’am ang apelyido ko. Baka kasi tawagin niya muli ako gamit ang apelyido ko. Ayoko talagang tinatawag ako ng Tubol parang ang pangit pakinggan. Kahit tunog tigasin ang pangit pa rin pakinggan.
“Can you give me the definition of the word Liturgy?” napaawang ang bibig ko ng marinig ang tanong ni ma’am. S***a na dis! Mura ko sa isipan. Napatingala ako, nagiisip. Iniskan ng utak ko ang inaral kagabi. Oo nag-aaral ako s***a kayo! Apaka judgmental niyo! “Ms. Tubol, anong tinitingala mo dyan. Nasa kisame ba ang answer?” Nalipat ang tingin ko kya Ma’am. Napatingala rin ito sa kisame. Hilaw na ngumisi ako sabay kamot sa aking ulo ng magtagpo ang tingin naming dalawa. Pinagkrus nito ang mga braso sa harapan at tinaasan ako ng kilay. Ang sungit talaga ng mukha.
Nagbasa naman ako kagabi pero hindi ko ito napansin. Liturgi, liturgi, liturgi, paulit-ulit ko sa isapan. Biglang may nagpop up na bombilya sa ibabaw ng ulo ko ng makahanap ako ng sagot sa utak ko. Naalalerto ako bigla at napangisi. “I know alreadi ma’am!” malakas na saad ko. Excited akong sagutin ang kanyang tanong. Sa unang pagkakataon ay makakatama na ako sa oral resocit-recesitit-resyoci- resa recesitation? Basta yun na yun! Papahirapan niyo pa ako!
“Then what is Liturgy?” ulit ni ma’am. Umayos ako ng tayo at buong kumpyansa sa sarili ko siyang sinagot.
“Liturgi is da next to Litur-iP,” napakunot ang noo ni Ma’am, tila ‘di nakuha ang naging sagot ko.
“Nagpabago na pala?” rinig kong tanong ng isa sa mga kaklase ko.
“Do you want me to elebori-elobori-”
“Elaborate?”
“Dat’s wat I mean to said! Elaborit!” masiglang saad ko ulit.
“Elaborate, then,” saad nito.
“Ma’am I am not done yet with Liturgi, mamaya na yung THEN. Chill, the enemy is weak,” nakita ko ang paglaki ng butas ng ilong ni Ma’am. Nadagdagan ang stress sa mukha. “Liturgi is the next to Litur-iP. ABCDEiP then LiturG!” napahinto ako ng humagalpak ng tawa ang kaklase ko, nagtataka. Ano kayang nakakatawa sa sagot ko. Seryoso pa naman ako. Upang mas mapabilib si ma’am at dinagdagan ko pa ang sagot ko. “Der are two kind op LiturG, G as in Goat and LiturG as in Jar!” tawang-tawa ang mga kaklase ko ngunit ang guro namin ay namumula na sa inis sa akin.
ubooooool!” malakas na sigaw nito sa apelyido. Napahawak ako sa likod ng armchair ng kaklase ko ng sa lakas ng boses ni ma’am ay parang yumanig yung buong classroom.
“Ma’am Fart2x (Fart two times)? Are you okey?” napangiwi kong tanong kay ma’am.
“Anong ma’am Fart2x?!”
“Tinagalog ko lang po apelyido niyo para sosyal,” kay bilis kong napayuko ng batuhin niya ko ng eraser. Hindi ako tinamaan, lumagpas lamang ang eraser sa likuran ko.
“Aray ma’am! Nanahimik ako rito,” napalingon ako sa aking likod ng magreklamo ang tinamaan ng eraser.
“I’m so sorry, can you please give me my eraser back Mr. Bugtae,” agad naman tumalima ang kaklase ko. Tumayo at binigay kay ma’am ang eraser. “Ms. Tubol, remain standing until the end of our class!”
“Ma’am…” napalingon ako kay Meling ng tinaas niya ang kanang kamay.
“Yes Ms. Tagalolo,” tawag ni Ma’am sa kanya.
“Ma’am, can I answer it for Analita? So she can take her seat?”
“No! She needs to learn her lesson!”
“Bida-bida!” sabay kaming napalingon lima ng marinig ang sinabi ni Geminina.
“Hindi pantay blush on mo, maputla yung kabila, gusto mo ipantay?” inis na saad ni Siting sa kanya.
“Quiet!” natahimik kaming lahat ng biglang umalingawngaw na naman ang malakas na boses ni ma’am.
“Okay ka lang dyan Aning?” puno ng pag-alala na saad ni Ajing.
“Oo, don’t worry, I can handle myself with care,” saad ko sa kanila.
Matiyaga akong tumayo habang nagpatuloy sa discussion niya si Ma’am Utot-utot hanggang sa natapos ang oras niya sa klase namin.
Lumabas kami ng classroom ng maglunch-break. Binabagtas namin ang hallway paalis ng building. Habang naglalakad ay nakayuko ang mga mata ko sa cellphone. Naaliw ako sa kapapanood sa live selling ni Ate Gloria habang binebenta niya ang mga gayuma sa Tiktik account niya.
“Nagbebenta po kayo ng gamot pampatigas na aabot ng bente kwatro oras?” tanong ng isa sa mga nanood ng live ni Te Gloria.
“Anong klaseng t****o yan? Walang ganun, iho,” sagot ni Te Gloria. “Hindi kulam kailangan mo, milagro.”
“Meron po Te Gloria sa d****e. O kaya bili ka libro ni Ms. Drey_d****e na Stuck on you. Lagpas pa ng bente kwatro oras ang bayuhan doon, tag 769 lang, pre-order pa hanggang April 15,” sagot naman ng isa pa.
Napahinto ako kasabay ng paglaglag ng cellphone ko sa sahig ng mabangga ako ng kung sino.Umayos ako ng tayo at inis na napatingala ako sa tao sa harapan ko. Ni ‘di man lang ito nagkusang pulutin ang cellphone kong nalaglag, napakaungentleman ngunit ang inis ay napalitan agad ng galit ng mapagsino ang nakabangga ko. Masama ko siyang tinignan. Nagkatitigan kaming dalawa sa mga mata ng isa’t-isa.
“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Muling pagbigyan ang pusong nagmamahal
Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig
Sayang naman ang ating nakaraan” sabay-sabay na kanta ng mga kaibigan ko. Tangina talagang mga to.
“He!” saway ko sa mga kaibigan ko. Agad naman na tumigil ang mga ito.
“Kumusta ka na Perpetua?” malumanay na tanong niya. Napalingon ako sa kanya ulit. Tinaasan ko siya ng kilay. Pangiti-ngiti pa na para bang wala siyang atraso sa akin. Na para bang hindi niya ko niloko. Na para bang hindi niya ako pinagpalit sa isang malandi. Na para bang hindi niya biniyak ang puso ko isang taon na ang nakalipas.
“Heto, buhay na buhay, huminga. Ikaw? Ba’t buhay ka pa, ‘di ba sabi mo, mamatay ka pagnawala ako? Isang taon na akong sabik na makita ang pangalan mo sa sementeryo.”
“Ooooh,” sabay-sabay na reaksyon ng mga kaibigan ko.
“Ouch,” madamdamin na reaksyon ni Meling.
“Hindi halatang bitter, Aning,” saad ni AJing.
“Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin ako napapatawad? Ang tagal-tagal na nun, Perpertua,” saad nito.
“Pero yung matagal na yun andito pa rin!” tinuro ko ang puso ko.
“It's just one mistake, Perpertua, isa lang!”
“Ke isa, dalawa, tatlo, pareho lang yun! Pumatol ka pa rin sa iba, Tiburcio!”
“Ay iba, lizquen ang datingan! Liza ikaw ba yan?” hindi ko pinansin si Doring.
“Am I not enough? May kulang ba sakin? May mali ba sakin? Panget ba ako? Panget ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?”
“No-”
“Then why?” hindi na ito nakaimik. Siguro’y nalimutan na niya ang linya niya. Gumilid ako upang lagpasan siya ngunit muling napahintong hawakan niya ang braso ko.
“Don’t tats my birdie, Tiburcio! Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Binigyan na kita ng pagkakataon na magpaliwanag sa akin. Minahal kita ng buo, buong-buo, full moon! Pero mas pinili mo pa rin ang half moon na iyon! Kaya wala na tayong pag-usapan pa. I already mob on prom you. I hated you already. I can’t do dis anymore-”
“Yung cellphone mo baka makalimutan mo,” nahiya ako bigla.
“Aray!” impit ni Doring ng hilahin ko ang kanyang buhok ng marinig ko ang tawa niya.
Malakas kong binawi ang braso ko na hawak niya at basta na lamang na yumuko ngunit napaatras ako ng sumagi ang noo ko sa matigas niyang t****o. Napatayo akong muli at napahawak sa noo ko.
“Tanginang T*ti naman yan, nanunulak. Tabi, alis, tsupi” inis na saad ko kay Tiburcio. Agad naman itong umusog. Kay bilis kong muling napayuko upang pulutin ang nalaglag na cellphone. Buti na lang talaga at ang tibay ng brand ng cellphone na binili ni Ate Nalyn para sa akin. Pagkapulot ko’y kay laki ng mga hakbang ko palayo sa kanya. Taas noo at ‘di na muli siyang nilingon pa.
Doring’s POVNasa bundok kaming lima. Ang aming paborito naming tambayan. Pawang nakaupo kami sa damuhan habang nakatanaw sa malawak na kabundukan sa harapan namin. Sa unahan ay ang asul na dagat at langit. “Ilang araw na lang gagraduate na tayo,” biglang saad ni Siting. “Oo, ilang araw na lang maghihiwalay na tayo ng landas–” “Apaka OA mo naman Aning! Para naman tayong pupuntang America niyan parang ‘di na tayo magkikita muli,” putol ni Ajing. “Malay n’yo! Baka may mapadpad sa ‘tin doon dahil kapag ako ‘di swewertehen talaga sa buhay itutuloy ko na talaga mag-hanap ng Afam gaya ni Mitching. Pangarap kong ipagpatayo ng malaking bahay si Lola. Matanda na kasi si Lola ‘di man lang nakaranas ng masaganang buhay. Gusto ko sana habang buhay pa siya ay maranasan man lang niya ang magandang buhay.” “Sino ba sa atin ang ayaw ng magandang buhay lalo at para sa pamilya natin, ‘di ba? Iyong ang pangarap natin kaya tayo nagpupursige makapagtapos,” saad naman ni Meling. “Sa ating lima, ikaw
Doring’s POVMuli niya ‘kong kinintalan ng mabilis na halik sa labi ko bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Ang kanina’y pag-aalinlangan at bigat sa puso ko’y agad na napalitan ng kilig. Sino bang hindi kikiligin sa isang Sir Ethan?Hanggang ngayon hirap pa rin kong paniwalaan na nangyayari ito lahat sa ming dalawa. Pangarap ko lang siya ngayon hinahalik-halikan na niya ako. Tapos tinawag pa niya akong babe? Sana all, babe! Ibig sabihin kaya nito, kami na? Kami na ba talaga? Ngayon na kaya kami mag-uusap? “Are you still bothered?” Untag niya sa ‘kin.Natigil ako sa malalim n pagiisip ng marinig kong nagsalita siya. Napalingon ako sa kanyang gawi. Ang mga mata niya'y nasa kalsada. Ang astig niyang tingnan habang nagmamaneho tila lalo siynag gumwpo sa paningin ko.Nang maramdaman niya ang pninitig ko ay saglit niya ‘kong nilingon at mabilis na binalik muli sa kalsada ang mga tingin. Malamang baka mabangga kami. Kakasimula pa nga lang ng love story naming dalawa. Mula sa kung saa
Doring’s POV Pagmulat ko ng mata kinaumagahan ay agad na napangiti ako. Ewan, pero yung puso ko punong-puno, sobrang saya. Bumangon ako at nag-unat. Napapikit ang mga mata ko ngunit nanatili ang ngiti sa mga labi ko. “Lahat ay gagawin para sa'yoGanyan ang alay na pag-ibig ko ♫♬” Habang sinimulan kong magligpit ng hinigaan ko’y ‘di ko mapigilang mapakanta dala na rin ng saya ng puso ko. Una kong tinupi ang ginamit kong kumot.“Kahit ang dagat ay aking tatawirin. Ang ulap may akin aabutin Sa 'yo'y walang hindi kayang gawin ♫♬”Patuloy na pagkanta ko. ‘Di mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko habang ang tanging nasa isip ay ang lalaking labis ko na ngayong iniibig, shet!Matapos kong matupi ang ginamit kong kumot ay sinunod ko ang pag-arrange ng ginamit kong unan, kasunod kung tinupi ang telang sapin ng kama kong gawa sa kahoy. Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Inumpisahan kong magsaing. Habang inaayos ko ang kahoy sa kalan naming gawa sa bakal ay patuloy lamang ang pagkanta ko. N
Doring’s POVKahit saan ko ibaling ang sarili, di ako mapakali. Tila hinalukay ang lamang loob sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang ginawa namin ni Sir kanina sa may Mahogany.Nakatihaya ako habang nakatitig sa kisame ngunit wala roon ang isip ko. Wala sa sariling napahawak ako sa ‘king mga labi at tangang nangingiti. Kahit anong pigil kong wag tumaas ang bawat gilid ng labi ko ay ‘di ko mapigilan. Potek! Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang halikan na nga niya’y para na ‘kong mababaliw sa kilig tapos umabot na kami sa ganun. Sa kilig ko’y naitakip ko ang unan sa ‘king mukha upang pigilan ang sariling mapahiyaw sa kilig. Ano ba ‘tong ginagawa mo sa ‘kin, Sir Ethan! Mas lalo lamang nahulog ang puso ko sa kanya. Napatagilid ako at napahawak sa ‘king dibdib, kay bilis ng bawat pintig nito. Hindi ako kinakabahan, masyado lang talagang masaya ang puso ko. Gigil na napayakap ang mga braso ko’t binti sa malaking unan kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata ko ngunit paano ba ako makakatulog
Doring’s POV Kinalas niya ang botones ng suot kong short. Gustong magpaubaya. Gustong pagbigyan siya. Gusto kong maramdaman ang nais niya, ‘di ko alam may takot at pag-aalinlangan sa puso ko ngunit malaking parte ng katawan ko ang nananabik sa sinasabi niyang tikim lang. Napalunok ako at hinayaan siya. Pinikit ko ang mga mata ng maramdaman ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng suot kong short. Sunod-sunod ang paglunok ko habang kay lakas ng kalabog ng puso ko. “Doring!” Nagitla ako at ‘di sinadyang naitulak ko si Sir ng marinig ang malakas ng tawag ni Tatay sa pangalan ko. Nawalan ng balanse si Sir at napaupo sa damuhan. “Sorry, Sir,” hinging paumanhin ko sa maliit na boses. “Doring!” Muli ay malakas na tawag ni Tatay. Dali-dali kong inayos ang sarili. Muli kong kinabit ang botones ng short kong nakalas ni Sir. Binaba ko ang t-shirt kong nalihis. “Doring!” Nataranta na ‘ko ng marinig ang yapak ni Tatay palapit sa kinaroroonan namin ni Sir. “Sorry, Sir pero kailangan k
Doring’s POV “Pwede ka bang lumabas?” Nakahiga na ‘ko sa kama ko ng mabasa ko ang mensahe ni Sir. “Bakit po, Sir?” “Nandito ako malapit sa inyo.” Napabalikwas ako ng bangon ng mabasa ang reply niya. “Bakit po, Sir? Ano pong ginagawa niyo malapit sa ‘min?” “Can we talk?” Kinakabahan ako ngunit may halong pananabik, pananabik na makausap siya na kami lang dalawa, pananabik na makita siya at makasama. “Ano pong pag-uusapan natin?” “About us.” Gi-atay! Kinikilig ako. May kami pala? “May ‘US’ pala, Sir?” “Please, Dorina… I really want to see you.” Pisti na! Parang ginitara ‘yong tinggil ko sa kilig. Gustong-gusto ko rin siyang makita, excited din akong marinig kong ano man ang sasabihin niya tungkol sa aming dalawa. Kinakabahan ako na, ewan. Ang problema ko lang ay kung ano ang sasabihin kong rason para makalabas ng bahay pero sana ay tulog na sina nanay at tatay para ‘di ko na kailangan pang magsinungaling. “Sa’n ka ba, Sir?” “Dito sa malaking puno ng mahogany nakapar