Darlene's POV
"Opo, ayos lang po ako. Sige po. Opo, opo, tatandaan ko po 'yan. Sige na po, bye," nakangiting sabi ko pa sa kabilang linya. Kalalapag ko lang ulit sa Croatia, ang aking dream land, gala-galore!Sabik na sabik akong kumukuha ng litrato sa daungan ng barko. Maraming mga turista at noo'y masayang pinupuna ang aking stolen shots, may iilan pang nagpost ng wacky shots at ang ilan nama'y ilag sa pagkuha ko.Nilakad ko pa ang mataas na hagdan pataas sa sea-sight ng Debrovnik. Ito ang famous spot ng mga turista, since dito mo makikita ang malawak at nag-aanyayang karagatan. Makikita rin dito ang mga nakaparadang yate at mga manlalayag na barko sa kanilang tinatawag na coral park area.Madali pa akong tumakbo sa gawing likod n'on at kumuha ng mga litrato sa mga malalaking barko. Napansin ko pa ang isang malaking truck ng delivery na may tila buhat-buhat ang mga ito papasok at pinagpapasa-pasahan na isilid sa truck galing sa malaking barko."Wow! Hanggang dito may bayanihan rin pala, amazing!" Masaya ko pang zi-noom in ang camera at kinuhanan iyon ng mga stolen shots. Nakangiti pa akong nakatanaw sa screen ng aking DsLr cam bago tuluyang lumayo. May narinig pa akong sumisigaw sa aking gawi at kumakaway.Oy, kinakawayan nila ako, napaka-welcoming talaga ng mga taga Croatia. Sabi ko pa sa sarili habang ginantihan ko rin sila ng pagkaway at noo'y nagmamadaling tumalikod. Dahil naririnig ko na rin kasi sa likod ko ang pagstop-over ng bus.Sakto! Sabi pa ng isip ko bago tuluyang nakasakay sa bus at noo'y nilisan ang lugar. Naupo ako sa gawing likuran at noo'y natanaw ko pa ang mga taong nagmamadali sa aking direksyon. Kinawayan pa nila ulit ako. Kaya ako nama'y napakaway na rin sa mga ito."Ba-bye!" Nakangiting sambit ko pa sa salamin na sirado. Matapos n'on ay napabuntung-hininga na lang ako at ipinikit ang mga mata. Tatlong buwan na lang at makakapagtapos na ako sa kinuha kong class dito sa Croatia. Photography and Art Exhibit class iyon. Bilang nag-iisang anak ni daddy Ullysis, ako ang inaasahang mamumuno sa Harrison Modelling Corporation soon, kaya after ko maka-graduate ng business course ay tinahak ko agad ang photography since gusto kong mamuno sa lower base ng kompanya. I wanna make sure to work in the lower ground first.I am now twenty years old at heto nga't napadpad sa magandang lugar ng Croatia, take note, nang mag-isa.Ito ang pinakaunang pagkakataon na magta-travel ako sa malayong lugar. Nakapag-travel na naman ako sa ibang bansa pero hindi gaya dito na mag e-stay ako for three straight months.Napabuntong-hininga pa ako nang makita ang mga colored roof ng bayan na animo'y nagpapakulay sa malawak na tanawin sa taas."Ah! Here I come Croatia!" Nakangiting sambit ko sa kawalan. Hanggang napahinto ang bus at muntikan na akong mapasubsob sa bakal na railings ng upuan."Aray ko po!" Sambit ko habang inaayos ang aking suot na bonnet. May kung sino pang tumabi sa akin na naka grey T-shirt at naka sweatpants din na kakulay sa suot na pangtaas nito. Habang dala dala ang handbag sa kabila nitong kamay. Parang galing lang ito sa gym.Kapansin-pansin kasi ang mga pawis nito sa balikat at sa buhok. Naka-shades ito ng kulay bronze na nakapagpako sa aking paningin. He is a great package of yummyness.Until he looked at me na naka pagitan ang linyada ng bibig nito. Bahagya ko pang nasipat ang pagtaas ng makapal niyang kilay at napangiti.Hala! Paktay ka Darlene! Ang ingot ng mukha mo ngayon! Satsat ng utak ko bago ako umayos ng upo.Sino ba kasing pormal na dalaga ang magpapa-cute habang nakanganga, kulang na.lang ay may laway na tumulo roon. Itinikom ko pa ang bibig at tumukhim. Napa-straight-forward ako sa harapan ng tingin na parang nagpapasimpleng pakanta-kanta na parang ewan."Filipino?" Himig ng lalaking putok-muscle na iyon. Napalingon pa ako muli at iyon nga'y napangiti na rin dahil nakita ko ang kaniyang makalaglag panty na ngiti. Para akong ewan na noo'y tumango lang.Totoo, dinaig ko pa ang babaeng may sayad. Nilahad pa niya ang kanyang kamay at nagsalita."Flinn."Inabot ko naman iyon at noo'y nakadaupang-palad ko pa siya. Matagal."Ehe! I'm D-darlene," pakyut kong sambit sakaniya na may pabebeng ngiti. Napangiti pa lalo ito dahilan sa aking kagagahan."Darlene, sounds like darling." Sabi pa niya na ikinatambol ng butas ng ilong ko.Hala! 'Bat ang sexy niya magsalita? Parang announcer ng radyo ang boses niya na may malalim at malamig na tono 'yong parang nakakapagpatulog ng gaya kong hibang na nilalang."My hands..." Sabi pa niya na ikinakislot ko. Paktay again! Eh kasi ba naman, nakalimutan kong kanina ko pala hawak ang kamay niya.Hanggang tumayo na ito at naglakad ng walang paalam. Tanging paglingon lang niya sa akin ang kaniyang ginawa at isang makahulugang titig. Ngumiti pa ito bago tuluyang lumabas sa pintuan ng bus.Naiwan akong nakanganga at tila namatanda sa mga oras na iyon. Napalinga-linga pa ako sa daan nang mapansing kanina pa pala ako lumampas sa aking distinasyon!"Mama! Para!" Sigaw ko pa sa driver ng bus na ikinalingon ng mga taong nandoon. Nakalimutan ko nga pala wala nga pala ako sa Pilipinas.Sherlaling ka talaga Darlene! Aning-aning na satsat ko sa sarili.Matapos makababa ay agad akong naglakad papunta sa destinasyon. I am now heading to my apartment. Hawak ko ang address saka nilinga-linga ang mga nakahilerang numero sa isang subdivision. It is a minimalist studio apartment na nakahilera malapit sa dagat. Elevated ang lugar na iyon, kaya saktong nakikita ko ang ibaba, na mismong karagatan.Nang makita ang numero ay napangiti ako. My apartment is exactly number 13th, nakasentro ang apartment ko sa South part, kaya maganda ang sunset doon kapag hapon.Natigilan ako nang mahawakan ang gate knob, dahil nakita ko roon ang nakaipit na papel. Dahan-dahan ko itong kinuha at binasa. Napangiti ako nang makita iyon."Dobrodošla, lepotice." Welcome, beautiful. At sa ibaba niyon ay ang pangalan ni papa. This can't be, he knew what is my taste. Oh, how I wish to kiss papa Ullysis now!I'm so happy!Ten years run so fast and here thay are. Still continuing the family's tradition, ang pagbisita sa mga kamag-anak, mga pinsan o malalapit na pamilya para sa taunang selebrasyon ng Romero Clan. Sa taong iyon, nakashcedule ang pagbisita nina Cloud at Wendy sa Hawaii, papunta sila sa mag-anak na sina Darlene, Flinn at ang mga pinsan nilang sina Beatriz at Vio.PAGOD na iminulat ni Miggue ang sarili niya nang maramdaman ang mahinang pagtapik ni Mikee sa kaniya."C'mon, andito na tayo sa seaport. Let's go to the yacht.." Sabi pa ng kakambal niya habang bitbit ang kanilang mga gamit. Napahikab pa si Miggue habang inaayos ang buhok na noo'y parang si Sadako sa ayos.Halatang-halata na wala itong tulog dahil sa pag-gala nito kagabi. "Buttercup, are you fine?" Narinig pa nilang dalawa sa kanilang Inang si Windy. Tinutukoy nito si Miggue na noo'y wala sa ayos at halatang may tila jetlag na mukha."She's fine, mom. No worries." Agap naman ng kakambal niyang si Mikee."Oh well, paki-alalayan mo n
Flinn's POV Kinagabihan ay nagpatuloy kami sa isla, iyon din ang panahon para sa gaganaping pagtitipon ng elite bachelors sa larangan ng business, at saktong napasali ako sa rank as the greatest entrepreneur sa aking henerasyon. Nang mga oras na iyon ay nakahanda na kami ni Darlene para magtungo sa nasabing venue. Nang makapasok sa malawak na bulwagan ng St. Gaston's Venue hall ay hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari. "Let's give him a massive applause, Mr. Flinn Duvant Driblim, the owner of Driblim Group of Companies." Dinig ko pa ang masigarbong palakpakan habang tinatawag ako sa entabladong iyon. Limang taon na ang nakakaraan mula nang mamulat ako sa kompanyang aking pinundar. Edad trenta y siete na ako ngayon at heto nga't isa nang propesyonal na pilantropo at negosyante. Nandito ako sa isang parangal para sa mga known bachelors ng Asia na may angking kahanga-hangang propesyon, at laking pasalamat ko dahil nabilang siya bilang number #5 bachelor or the year. Kasama ko
Darlene's POV Dad and mom surprise us a family vacation in Palau, para umano makabisita rin kami kay mommy X. Gusto rin naming puntahan ang sinasabi nilang Rampage Island. Kasama ko sina Flinn, si baby Vio at Beatriz. Nakahawak ako sa braso ni Flinn, pababa na kasi kami sa sinasakyang yate. Ilang oras din ang ginugol namin para maka punta sa nasabing isla. Nang makababa kami ay nasilayan ko ang naghahalong berde at asul na dagat habang kalmado naman ang hangin na sinabayan ng magandang sikat ng araw. Hawak ni Flinn ang baby namin habang ako nama'y hawak si Beatriz. Naka-assist din sa amin ang staff ng resorts at ang staff ng sinakyan naming yate. Nang maramdaman ko na ang buhanginan ay nasiyahan ako sa mainit-init na inaapakan. "Careful, hon." Sabi pa ni Flinn habang nakaalalay ang isang kamay sa beywang ko. "I'm fine." "Come on, hinihintay na nila tayo." Sabi pa nito saka nagtuloy-tuloy sa nasabing pagtitipon. Mula sa kinatatayuan namin ay nakita namin ang isang pavilion. Nakahile
Darlene's POV "I miss you so much, baby!" gigil kong pinapak ang pisngi ng anak ko saka ko pa niyakap nang mahigpit. "I miss you so much po mommy! Nami-miss ko rin po si kuya daddy!" sabi pa ng paslit. Ganoon din si sina Miggue at Mikee na mga pinsan ni Beatriz na nakipagsiksikan sa pagpapayakap kay Flinn. "I miss you tito! I miss you din po tita Darlene!" sabi pa ng mga paslit na hindi maawat kay Flinn. "Oh sya sya! Tama na 'yan, halina kayo rito, pagod sila sa biyahe, h'wag n'yong pagurin si tito...naku na mga bata ito!" saway pa ni nanay Flor na umupo sa sofa. Nasa mansyon kami ng mga Romero. "Oh nariyan na pala kayo, kamusta ang biyahe?" sabi pa ni tatay Berto na tumabi kay aling Flor, driver namin ito. "Naku po, masayang-masaya po." Lumapit si Flinn sa mga matatanda saka pa nagmano. Dahil d'on ay nagmano na rin ako sa mga matanda. Ang buhay sa pilipinas bilang may-ari ng Driblim Group of companies, limang taon din ang ginugol namin para palaguin ito. "Oh, tiyak kong pagod
Flinn's POV Nagising ako sa oras na iyon habang tanaw si Darlene. Hindi ko makapaniwala sa nangyari, nasa piling ko na rin siya sa wakas. Katabi ko siya sa huling araw namin sa paraisong iyon. Pinuno namin ng pagmamahalan ang lugar na iyon, kung saan sandali naming kinalimutan ang lahat ng aming problema, worries, regrets, and all those time that we're apart, the cold season is now over. Mayamaya pa ay nagmulat siya ng paningin saka ngumiti nang makitang nakatingin ako sa kaniya. "Good morning." She softly saids as her soft hands touch my face. "G-good morning, my wife." I claim to say it while kissing her forehead. I know that it's the right time to move on forward. "It's our last day here..." Tumango siya sa sinabi ko. "I can't wait to see Beatriz, Flinn." "She's finely perfect with them." Hinalikan niya ang kamay ko. "Thank you." Masuyo niyang sambit sa akin. "Hmmmm? Bakit?" "Thank you for not giving up on me, nanatili ka pa rin sa tabi ko." Ngiti pa nito sa akin. Sinukli
Darlene's POV "Ako ang asawa mo?" Hindi ako makapaniwala na sambit ko rito. "Yes. Ikaw ang asawa ko, hindi mo ako maalala dahil nadisgrasya ka, may anak na tayo, kasal ka sa akin...and we were a happy family before." Paliwanag naman ni Flinn sa akin. Nabigla ako sa sinabi niya, kaya ba magaan ang loob ko sa kaniya. Kaya ba nandito ako sa Hawaii, kaya rin ba nandito rin siya sa Hawaii? Alam ba ito nina dad at mom? Naghalu-halo na sa isipan ko ang mga posibilidad sa sandaling iyon. "Ikaw ang asawa ko?" ulit ko sa kaniya. "I am." Sabi niya saka muli akong siniil ng halik. Nagpaubaya rin ako sa sandaling iyon. Tila may mga sariling utak ang mga paa ko dahil hindi ko na napansing pumapasok na ako sa loob ng kwarto ko. Sa mga sandaling iyon ay hindi na namin hawak ang sandali, dahil parang may mga musikang nagsasabi sa amin na dapat namin iyong gawin. 'Oh dear god! Have mercy to me.' Sambit ko pa sa sandaling iyon. And i don't know how dumb i was because my body is moving submissivel