Share

Chapter 5

KIDNAPPED BY THE CEO

Lumapit sa kanya ang naunang lalaki kaya sa labis na gulat ay kakaripas dapat siya ng takbo subalit nahawakan siya nito sa braso. Due to her reflexes pinangahan niya ang lalaki. Napadaing ito sa sakit na sinamantala niya upang makatakas.

Habang tumatakbo siya ng mabilis ay nag uunahan sa pagpatak ang kanyang luha. Naalala niya ang nangyari anim na taon na ang nakaraan. Paano kung gaya noon pagsamantalahan na naman siya? Paano kung may masamang mangyari sa kanya?

Lumiko siya sa isang eskinita at ganun na lang ang panlalamig niya nang makita ang dalawa pang matangkad na lalaki na nag aabang sa kanya.

Dead end.

Umatras siya habang humahakbang ang mga ito paabante.

"T—teka! Ano bang kailangan niyo? Wala akong pera mga sir. Wala kayong mapapala sakin," aniya sa nanginginig na boses. Hindi niya lubos maisip na sa hirap niyang ito, may magtatangka pang kumidnap sa kanya. 

Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya ang tatlong naunang lalaki kanina na hinihingal na papalapit sa gawi niya.

"Is this the woman he wants?" Tanong ng lalaking may hikaw ang kilay.

Tumango naman ang isa nitong kasama na may asul na mga mata.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Not bad." Umangat ang sulok ng labi nito at sinenyasan ang nasa likod niya na hulihin siya.

Kahit anong pagpupumiglas niya ay wala siyang nagawa. Ano lang ba ang lakas ng babae kumpara sa limang lalaki? Pumikit na lamang siya at nagdasal na sana ay walang mangyayaring masama sa kanya. Kailangan pa siya ng anak niya. Huminto ang sasakyan sa isang napakatayog na building. Itinulak siya ng mga ito upang bumaba. Tumingala siya at napakunot ang kanyang noo.

FLVN station?

Anong gagawin niya dito?

Pag-aaplyin ba siyang artista?

"Just walk straight or I will skin you alive," bulong sa kanya ng lalaking may hikaw sa kilay.

Pinanindigan siya ng balahibo. Pakiramdam niya ay nakakatakot ang lalaking ito.

Pinagtitinginan sila ng mga tao habang naglalakad papasok sa elevator. Maya maya pa, bumukas ito at bumungad sa kanya ang maaliwalas na paligid. Isang maliit na babaeng nakasalamin ang nagbukas ng nag-iisang pinto na naroon sa building na iyon bago siya tinulak ng lalaki papasok.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nasa isang magarang opisina siya.

"Vincent Veda Lee, CEO?" Basa ni Mari sa desk name plate.

Ibig sabihin ang CEO ang nagpadampot sa kanya? Pero bakit? Hindi niya kilala ang may-ari ng naturang kumpanya kaya nakapagtatakang nandito siya sa opisina nito ngayon. Napapitlag siya ng unti unting umikot ang swivel chair. Nahigit niya ang kanyang paghinga nang mapagtanto kung sino ang kanyang kaharap.

Umangat ang sulok ng labi nito at maya maya pa ay ngumisi.

"I—Ikaw?!" Gulat niyang sambit.

Hindi siya pwedeng magkamali. Ang lalaking CEO ng kumpanyang kinaroroonan niya ngayon at ang arrogante slash antipatiko na kaskasero pang driver na nakasagi sa kanya noong nakaraang gabi ay iisa!

Mas lalong umusok ang ilong niya. Labis ang naramdaman niyang takot kanina pagkatapos pakana pala nito ang lahat? Hindi niya maipaliwanag ngunit nakatingin pa lamang siya dito kumukulo na ang kanyang dugo.

"Anong kailangan mo?" Mataray niyang tanong.

"Woah, feisty as ever," puna nito at umiling. "Have a sit Miss Fallorina," utos ng lalaki at itinuro ang upuan sa kanyang harapan.

Pinaningkitan niya ito ng mata. Sa pagkakaalam niya ay hindi sila magkakilala pero bakit alam ng lalaki ang apelyido niya? Pinaimbestigahan ba siya? Sabagay, ipinadampot nga siya sa mga tauhan nito diba? Iba talaga ang nagagawa ng pera.

"Wala akong panahon para makipagkwentuhan sayo. Sabihin mo na ang kailangan mo't talagang pinadampot mo pa ako sa mga tauhan mo. Marami pa akong gagawin Mister," pairap niyang sabi at humalukipkip.

Kita niya ang amusement sa mga mata ng kaharap kaya sinimangutan niya ito.

"You're cute.."

"Shut up! Kung wala kang sasabihin ay aalis na ako!"

Aniya at nagmartsa papuntang pintuan pero nang sinubukan niya itong pihitin ay ayaw bumukas. Matalim ang mga mata niyang bumaling sa lalaking kasama.

"Ano bang problema mo ha? Pauwiin mo na nga ako!"

Tumayo ang lalaki at sumandal sa lamesa nito habang pinaglalaruan ang sariling nameplate. Maya maya pa ay nag angat ito ng matalim na tingin sa direksyon niya.

"Not so fast Miss Fallorina, marami pa tayong dapat na pag uusapan," malamig nitong tugon.

Bahagya siyang naasiwa sa mga titig nito dahil parang galit ang lalaki sa kanya gayung wala naman siyang kasalanan dito at ito pa ang may atraso sa kanya. Kung may dapat mang magalit ay siya yun sapagka't hindi man lang ito nag sorry sa kanya tapos ngayon paniguradong late na siya sa trabaho niya dahil sa walang kwenta nitong kalokohan.

"Bilisan mo kung ano man ang gusto mong sabihin Mister dahil mahalaga ang bawat oras ko," asik niya sa lalaki.

Tumaas ang kaliwang kilay nito at umismid pa.

"Really? Ang sa akin ba hindi?" 

Yun naman pala eh. Pareho sila pero ang kaibahan lang, buhay ng anak niya ang nakasalalay sa kanya.

"Wala akong planong makipagtalo sayo isip bata na lalaki. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin para matapos na tayo," aniya na halos mawalan na ng pasensya sa kaharap.

Baka pag hindi siya makapagtimpi ay tatamaan talaga sa kanya ang lalaki. Pinagdasal pa naman niya na huwag na silang magtagpo pero gumawa talaga ng paraan ang kumag na to.

"Ikaw ang dahilan kaya napahiya ako Miss Fallorina. Malaki ang atraso mo sakin," gigil nitong wika.

Kumunot ang kanyang noo. Did she hear it right? Siya may atraso? Aba! Mukhang baliktad yata ang utak ng lalaking ito. Sayang gwapo at mayaman pa naman sana ang kaso may saltik sa utak.

"Ano bang atraso yang pinagsasabi mo Mister?"

May hinugot ito sa bulsa at napagtanto niyang isang cellphone iyon saka iniharap sa kanya. Dahil medyo malayo siya ay napilitan siyang lumapit sa mesa ng lalaki upang tingnang maigi ang laman nito. Nanuot sa ilong niya ang mamahalin nitong pabango, taliwas sa kanya na amoy suka yata dala ng pawis kakatakbo niya kanina.

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa video na napanood. It was her slapping the man in front of her right now dahil nabastusan siya dito. May kumuha ng video. Nakita niya ring ilang milyon na ang views nito at maraming angry reaction. Hindi niya napigilan ang sarili na matawa.

Buti nga sa kanya!

"You're laughing?"

Nag angat siya ng tingin, sumalubong sa kanya ang matalim at singkit na may kalakihang mga mata ng lalaki. Bahagyang nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan siya kaya unti unting napawi ang ngisi niya. Tumikhim si Mari at umatras ng dalawang hakbang palayo sa lalaki.

"Do you know how this one would affect my name Miss Fallorina? Maaring maapektuhan ang istasyong pinapatakbo ko pati ang mga empleyadong nagtatrabaho sa ilalim ng pamamahala ko!" Tiim bagang nitong pahayag.

Walang buhay siyang tumawa saka pinanlisikan ito ng mata.

"Bakit mo sa akin sinisisi yan? Kasalanan mo kung bakit ka navideohan dahil napakamanyakis mo kung makatingin. Akala mo nakakalimutan ko na kung paano mo ako hagurin ng tingin noong nakaraang gabi? Hindi Mister! Nakakapanindig balahibo ka!"

Sinuklay ng lalaki ang buhok nito gamit ang kaliwang kamay. Napadako ang tingin ni Mari sa nagtaas babang adams apple nito.

"Alam mo Miss Fallorina, I really hate that mouth of yours!" Naiirita nitong tugon pagkatapos ay hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Do you really think na pagnanasaan kita? Sa itsura mong yan? Maraming magaganda at seksing babae na nagkakandarapa sakin. Kahit saang anggulo ay wala ka sa kalingkingan ng mga yun kaya wag kang assuming."

Hindi siya nakasagot at tumingin sa suot niyang kupas na tshirt at maong pababa sa luma niyang sapatos. Alam niyang maganda siya pero wala siyang panama sa mga babaeng nasa alta sosyedad na maaring nakasalamuha ng lalaki. Kung hindi siguro siya umalis sa poder ng ama niya ay baka pwede pa.

Pero bakit ba kasi ganun ito kung makatingin? Eh di nasampal tuloy. Naviral pa nga!

"Nasaan ang kasama mong nagvideo? You did this because of money right?" Akusa nito sa kanya sabay hablot sa kanyang braso.

Napapikit siya ng mata upang hamigin ang sarili. Sobrang panggigigil na ang nararamdaman niya ng mga oras na yun at gusto na niya itong suntukin.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Mister dahil wala akong alam sa video na yan at kung ayaw mong maniwala, bahala ka na sa buhay mo. Nakakapagod kang kausapin alam mo ba yun? At ang mabuti pang gawin mo ay buksan ang pintuan at pauwiin mo na ako, pwede?" Mahinahon subalit may diin niyang bigkas.

Humalukipkip ito at pinagmasdan siyang mabuti. Naiilang naman siya sa mga titig nito na parang nanunuot sa kanyang kaibuturan at lihim siyang nakadama ng kakaibang pintig sa kanyang dibdib.

Maya maya pa ay nakapamulsa itong umalis at naglakad pabalik sa swivel chair. Ngayon niya napagtanto na ang tangkad pala ng koreanong ito. Hindi pa rin siya nito nilulubayan ng tingin na para bang may pinag iisipan itong mabuti.

"Ano na? Titigan mo lang ba ako dito maghapon? Buksan mo na ang pinto Mister. Late na ako sa trabaho ko, anak ng tokwa naman oh," reklamo niya.

"May naisip na ako Miss Fallorina," anito na nagpalingon sa kanya. Pinagsalikop nito ang mga kamay bago sumandal sa upuan. "Dahil hindi ko pa nahahanap ang nagpakalat ng video, ikaw muna ang pagbabayarin ko…" Anito habang may naglalarong ngisi sa mamula-mulang mga labi.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status