Share

Chapter 4

MR.LEE WENT VIRAL

Inihinto niya sa harap ng FLVN building ang kanyang sasakyan at ibinigay ang susi sa guwardiya para ito na ang magpark ng sasakyan niya. Diretso na siyang pumasok sa loob ng establishment subalit napakunot ang kanyang noo na inilibot ang paningin sa paligid. Nagtataka siya sa titig ng ibang naroon na para bang may nagawa siyang mali. What the hell is wrong with these people? They had that weird look on their faces. Ipinilig niya ang kanyang ulo at tumuloy na sa kanyang private lift.

Nagsimula na siya sa pagbabasa ng proposal para sa next big screen project na pagbibidahan mismo ng pinsan niyang si Georgina Lee nang kumatok si Millie, ang kanyang secretary. Napabuntong hininga siya.

"Come in," aniya ng hindi nag angat ng tingin.

Hindi nagsalita si Millie kaya naiirita siyang nag angat ng tingin. Nakita niya ang aligagang itsura nito na para bang may nais itong sabihin subalit hindi nito magawa.

"What? Tatayo ka na lang ba dyan buong maghapon at hindi magsasalita?"

Kakamot kamot ito ng batok bago sumagot. "Eh.. K—kasi Sir, may kailangan kayong malaman."

"Spill it! Marami pa akong gagawin para makinig sa kung ano man yang sasabihin mo," nababagot niyang pahayag at muling itinuon ang mata sa papel niyang hawak..

"Kasi Sir, nagtetrending po kayo sa kahit saang social media ngayon."

Natawa siya sa sinabi nito. Lagi naman talaga siyang trending sa kahit saan, mapa news paper man yan o social media platform. Bukod na sa pogi siya, mayaman pa at higit sa lahat ay nangunguna ang istasyon niya sa buong bansa kaya lagi siyang pinag uusapan.

"Ano ba ang bago dun. I'm always everywhere Millie at kung wala ka ng ibang sasabihin, you may get out," pagdispatsa niya sa dalaga.

"Pero Sir, iba po ito at sa tingin ko ay kailangan niyo itong makita," anito at ibinigay sa kanya ang cellphone nitong dala.

Balewala naman niya iyong tinanggap at sumandal sa kanyang swivel chair bago tiningnan ang laman ng cellphone. Tinapik tapik niya ang kanyang mesa gamit ang kanyang mga daliri subalit ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang laman ng cellphone ni Millie. Napaahon siya sa kanyang upuan kasabay ng pag usbong ng kanyang galit.

"What the fuck is this one Millie?!" Nanlilisik ang mga mata niyang tiningnan ang kanyang secretary.

Namumutla naman ito sa takot dahil sa kanyang reaksyon.

"S—sir.. Hindi ko po alam kung s—sino ang nagpakalat ng video. Nagulat na lang po ako kanina nang binuksan ko ang f******k ko," nanginginig nitong paliwanag.

Halos mayupi na ang cellphone ni Millie sa higpit ng kanyang pagkakahawak.

The fuck!

Hindi pa ba sapat ang kahihiyang natamo niya kagabi nang masampal siya ng babaeng yun? May walang hiya pa talagang kumuha ng video at pinakalat sa social media.

Binasa niya ang mga comment na naroroon at mas lalo lang umusok ang kanyang ilong. Karamihan sa mga kababaihan ay kinikilig subalit may ibang wagas kung hamakin siya dahil m*****g umano siya!

Cut ang naturang video. Talagang sinadya lang na doon sa parteng nasampal siya ng amazonang babae at sinabihan siyang manyakis. All through his life ay ngayon lamang siya napahiya ng ganito.

Kuhang kuha sa video ang kanyang mukha samantalang nakatalikod naman sa camera ang babae at dahil lagi siyang laman ng internet napakabilis kumalat ng video at nagviral agad.

"Fuck! Fuck! This is insane!"

Nagtaas baba ang kanyang dibdib na inabot kay Millie ang kanyang cellphone nito. "Get out."

"A—ayos lang po ba kayo Sir… Namumula po kay—"

"I said get out!"

"Ay opo!" Gulat nitong sambit at nagmamadaling tumakbo palabas.

Kuyom ang kanyang kamao habang itinukod sa kanyang lamesa. Hindi kaya kasabwat ng babae ang nagpakalat ng video para makahuthot ng mas malaking halaga? Who knows na strategy lang iyon ng babae kagabi nang tumanggi ito sa alok niyang bayad sa damyos. Damn it! Paano na lang ang reputasyon niya?

Shit!

Humanda talaga ang babaeng yun!

'Hahanapin kita kahit saang lupalop kapa ng mundo!Pagbabayaran mo ang pamamahiya mo sakin!'

Kinuha niya ang kanyang cell phone at idinial ang numero ng kaibigan—si Theodore Isaac Tuazon. He was a hacker kaya madali nitong masusulusyunan ang mga kumakalat na video. The hell! Baka makaapekto pa iyon sa business niya or worst, makarating kay Grace.

"Hello?" Tamad na sagot sa kabilang linya.

"I need you to take down my videos. All of it!"

"Magkano?"

"Magbabayad ako kahit ilang milyon pa iyan. At isa pa ay may ipapahanap ako sayo. Bring her to me right away," nayayamot niyang tugon. Napakaburaot at talagang mahal maningil si Isaac pero di bale na, pulido naman itong magtrabaho kaya ayos lang.

"Areglado dude."

Napangisi siya sa narinig. He will make sure that she will regret messing with him.

……

"Mama galit po ba ikaw?" Mahinang tanong ni Kreios.

Kasalukuyan silang nasa loob ng silid nito sa Gonzales Medical Hospital na pinaglipatan nila. Halos mabaliw siya kanina kakahanap sa anak. Nalingat lang siya saglit ay bigla na lang itong nawala sa tabi niya.

"Sorry na po…" Hinging paumanhin nito habang pinaglalaruan ang sariling kuko sa kamay.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. " Hindi galit si Mama, anak. Sobra lang akong nag-alala kasi bigla ka na lang nawala sa tabi ko," paliwanag niya rito.

Napangiti na lang siya nang yumakap sa kanya si Kreios. "Sorry na. Di na po ako uulit, Mama."

Bahagya niya itong inilayo sa kanya at pinagmasdan ang gwapo nitong mukha. Kreios was her mini me. Kung naging lalaki lang siya, ganitong ganito ang magiging mukha niya.

"Basta promise hindi mo na uulitin yun ha? Kapag aalis ka, magpapaalam kay Mama, okay?"

Nakangiting tumango si Kreios pero maya-maya lang ay sumimangot ito. Nag-aalala niyang sinuri ang kabuuan nito. "Anong nangyari, anak? May masakit ba sayo?"

"Wala po, pero may nakita akong bad guy, Mama."

"Anong ginawa ng bad guy sayo? Inaway ka ba? Sa'n mo nakita at igaganti ka ni Mama?" Mataray niyang wika. Hindi siya makakapayag na may aapi sa anak niya kahit na sino pa man iyan.

"Wag na po Mama. Inaway ko na po yung bad guy tapos di po siya nakaganti," humagikgik nitong sambit.

Muli niya itong niyakap. "Pero next time wag na makipag-away sa mas matanda sa'yo ha kasi matutulad ka doon sa bad guy."

"Okay po basta wag na wag po kayong magjowa ng kagaya niya kasi kapag nangyari yun di na po tayo bati," anito bago sumiksik sa kanyang tagiliran.

Napailing na lang siya. Paniguradong kay Betty na naman nito narinig ang mga katagang iyon.

"Oo nga pala anak. Bukas aalis si Mama para humanap ng pera. Si Tita Betty muna ang magbabantay sayo. Wag kang makulit para hindi maistress ang beauty niya, okay?"

Humiwalay mula sa pagkakayakap sa kanya at tumingala. "Eh Mama, wala naman pong beauty si Tita Betty eh!"

"Kreios…" Aniya at pinandilatan ito ng mata.

"Sorry. Di na po uulitin."

Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Saan ba nagmana itong anak niya? Oo nga at matapang siya pero hindi naman siya mapanglait ng kapwa niya. Nakapagtataka lang sa murang edad ni Kreios, ganito na ito magsalita.

Kinabukasan ay maaga siyang nag-abang ng jeep mula sa kanyang inuupahan papunta sa bakery na pinapasukan niya. Susubukan din niyang kausapin ang kanyang boss at manghiram ng pera dito. Bahala na pero kakapalan na niya ang kanyang mukha para may pandagdag siya sa surgery at chemotherapy session ni Kreios na sisimulan na sa susunod na araw.

Plano niya ring umuwi sa kanila at humingi ng tulong. Sana lang ay hindi siya ipagtatabuyan ng mga ito kahit man lang para sa anak niya.

Tulala siyang napatitig sa makintab at kulay itim na van. Huminto ito sa kanyang harapan kaya naman naglakad siya sa unahang bahagi nito para doon maghintay ng jeep. Baka kasi may sadya ang sinumang sakay nito sa tindahan sa kanyang likuran.

Bumaba mula sa van ang tatlong matangkad na lalaki. Habang nakatitig siya sa mga ito, hindi niya maiwasang isipin na mukhang naliligaw ang mga ito sa lugar na iyon. Panay ang tingin nito sa cellphone na dala pagkatapos ay sa kanya.

Unti-unti siyang kinabahan. Hindi niya kilala ang mga lalaki at ngayon lang din niya ito nakita. Siya ba ang pakay ng mga ito.

"Is this her?" Tanong ng isang may hikaw ang kilay kaliwang kilay.

Tumango naman ang isa pa nitong kasama kaya dahan dahan siyang napaatras. Oh my God! Mukhang siya nga ang pakay ng mga ito!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status