Share

S2 - Chapter 69

last update Last Updated: 2025-05-21 12:03:41

Kalix POV

Nang tanggalin namin ang tali sa kaniya, halos hindi na niya nagawang lumakad. Manhid na siya dahil sa pagkakatali sa kaniya dito ng halos ilang taon.

Binuhat siya nila Buknoy at Buchukoy. Habang si Catalina, pinagdiskitahan ni Tisay. “Tulungan mo ako, Xamira, tuturuan natin ng leksyon ang babaeng ito.”

“A-anong gagawin mo?” tanong ni Xamira.

“Naisip ko kasi na walang silbi kung sasabihin natin kay kapitan Ramon ang ginawa niya. Malakas ang pamilyang Arcega sa isla na ito. Sabi nga, parang pag-aari na nila ito. Kaya kung isusumbong natin ang ginawa ni Catalina, talagang walang silbi. Kaya sa ibang paraan natin siya babawian,” paliwanag ni Tisay.

“Totoo ang sinabi mo,” sang-ayon ni Betchay kay Tisay.

“Kaya buhatin natin siya, may nakita akong bangka sa may dulo nito. Ilagay natin siya at hayaang tangayin ng alon. Pero siyempre, itali natin ang mga paa at kamay para hindi siya makagalaw at anudin siya sa malayong-malayong lugar. Sigurado sa haba nang lalakbayin niya, mangangay
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
naiyak ako sa nangyari KY betchay
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update.....bukas ulit.....
goodnovel comment avatar
Cristy Coronel Higue
rest in peace betchay ..isa kang dakilang kaibigan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 69

    Kalix POVNang tanggalin namin ang tali sa kaniya, halos hindi na niya nagawang lumakad. Manhid na siya dahil sa pagkakatali sa kaniya dito ng halos ilang taon.Binuhat siya nila Buknoy at Buchukoy. Habang si Catalina, pinagdiskitahan ni Tisay. “Tulungan mo ako, Xamira, tuturuan natin ng leksyon ang babaeng ito.”“A-anong gagawin mo?” tanong ni Xamira.“Naisip ko kasi na walang silbi kung sasabihin natin kay kapitan Ramon ang ginawa niya. Malakas ang pamilyang Arcega sa isla na ito. Sabi nga, parang pag-aari na nila ito. Kaya kung isusumbong natin ang ginawa ni Catalina, talagang walang silbi. Kaya sa ibang paraan natin siya babawian,” paliwanag ni Tisay.“Totoo ang sinabi mo,” sang-ayon ni Betchay kay Tisay.“Kaya buhatin natin siya, may nakita akong bangka sa may dulo nito. Ilagay natin siya at hayaang tangayin ng alon. Pero siyempre, itali natin ang mga paa at kamay para hindi siya makagalaw at anudin siya sa malayong-malayong lugar. Sigurado sa haba nang lalakbayin niya, mangangay

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 68

    Kalix POVPanay na ako iyak ko habang nakahiga ako kanina. Nakatulog na lang ako sa kakaiyak. Bumalik lahat ng panic attack, stress, anxiety ko dahil nangyari na naman ang kinakatakutan kong mangyari.Pero nang dumating si nanay at sinabi niya kung nasaan si Xamira, nabuhayan ako ng loob. Nung marinig ko ang sinabi niya, hindi na ako nagtanong o nag-isip pa na mali siya kasi kapag mabilis magsalita si nanay at seryoso ang pagkakasabi, ibig sabihin ay sigurado siya.Isa-isa kong dinaanan ang mga natutulog na rin dapat na mga kaibigan ko. Ewan ko ba, siguro sa sobrang pagmamadali ko, halos ten minutes ko lang silang napuntahan para lang mabilis ang pagliligtas namin kay Xamira.“Alam ko na kung nasaan si Xamira,” sabi ko agad sa kanila nang makumpleto ko na sila.Napakurap si Tisay. “Talaga? Saan?!”“Sa lupain ng pamilya Arcega. May sinabi si Nanay. Nakita raw niya si Catalina... pinipilit pakainin si Xamira. Tama ang hinala natin na binihag ni Catalina si Xamira.”Wala nang nag-aksaya

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 67

    Third Person POVMaghahating-gabi na nang dumating si Kalix sa bahay. Pawisan, balisa at halatang pagod. Nakaupo si Aling Karen sa kanilang maliit na bangko, may hawak na baso ng mainit na salabat. Nang makita niya ang itsura ng anak, agad siyang napatayo.“May Problema ba, anak?” tanong niya.“Nay, nawawala po kasi si Xamira,” agad na sabi ni Kalix na halos naghahabol ng hininga. “Kanina pa siya hindi bumabalik mula nang magpaalam siyang magbanyo. Hinanap na namin sa palengke, sa dalampasigan, sa kahit saan, pero wala. Ni anino niya ay hindi na namin nakita. Nangyari na naman ang nangyari noon. Nung kagaya nang pagkawala ni Betchay.”Napakapit si Aling Karen sa dibdib niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig sa anak niya. “Diyos ko…”Habang patuloy sa pagkukuwento si Kalix, hindi na niya masyadong narinig ang mga sumunod na sinabi ng anak. Ang bumabalik-balik sa isip niya ay ang narinig niyang pag-uusap noon—ang usapan nina Catalina at ng ina nitong si Talina.Dinig

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 66

    Xamira POVHindi ko na alam kung ilang oras na akong nakakulong dito sa madilim na kubo na amoy kulob na basang-basa ang sahig. At ang pinakamasakit sa lahat ay nakagapos pa ako. Ang mga kamay ko, nakatali sa likod at ang sakit-sakit na. Ang paa ko, nakatali rin. Kanina pa masakit ang katawan ko dahil sa ngawit. Namamanhid na ang binti ko. Pero mas masakit sa akin ang takot na baka hindi ako makita nila Kalix.“T-tulungan mo ako, pakiusap,” nanginginig kong sabi sa babae na nasa harapan ko.Siya si Betchay. Sobrang payat niya. Halos makita ko na ang buto sa pisngi niya. Ang buhok niya, mahaba at gusot, parang ilang taon nang hindi nasuklay mula nang mawala siya. Hindi siya nakasuot ng sapatos, at kahit sa kadiliman ng lugar na ‘to, tanaw na tanaw ko ang putik, dugo at mga galos sa balat niya. At ang amoy—Diyos ko. Mabaho. Amoy dumit ng tao, ihi at kung ano-ano pa. Parang pinaghalo-halong pawis, dugo at panis na pagkain. Hindi na siya mukhang tao ngayon. Grabe ang ginawa nila kay Betch

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 65

    Kalix POVKanina pa ako nagtataka. Sabi ni Xamira, iihi lang daw siya saglit. Mula nang tumayo siya at lumakad papunta sa may banyo malapit sa palengke, hindi na siya bumalik.“Guys,” sabi ko, sabay lingon kina Tisay, Buknoy at Buchukoy na busy pa rin sa pagnguya ng tusok-tusok, “kanina pa wala si Xamira.”Napatingin si Tisay sa akin, habang kagat-kagat ang kalahating fishball sa stick. “Oo nga ‘no, halos twenty minutes na ata ang nakakalipas ah?”“Kaya nga, ang tagal na kaya nagtataka na rin ako.”Napakunot ang noo ni Buknoy. “Baka hindi lang naiihi ‘yon… baka natatae pala kaya umuwi muna sa bahay kubo niya.”“Tae agad?” singit ni Buchukoy habang humihigop ng palamig. “Baka naman pumunta lang sa bilihan ng pagkain. Di ba may binanggit siyang bibili ng hotdog kung meron?”Umiling ako, pero hindi ko na rin alam kung tama ba ang hinala ko. Basta ang bigat lang ng pakiramdam ko. Hindi ako mapakali. May phobia na kasi ako sa nangyari sa dati kong syota.“Teka,” sabay tayo ni Tisay, saka p

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 64

    Xamira POVBisperas na ng fiesta dito sa Isla Lalia, kaya pala kaninang umaga, nagising ako na halos paulit-ulit ‘yung naririnig kong mga mosiko. Ang ingay, dinig na dinig sa loob ng kuwarto ko. Sabi ni Kalix, kapag bisperas at fiesta, umiikot at tumutuntog daw talaga ang mga dayong mosiko na binayarang ng hermano mayor ngayong taon. At sabi pa ni Kalix, tanging ‘yung may kaya lang ang nagiging hermano mayor dito.Gaya na lang ng pamilya ni Catalina na madalas daw maging hermano mayor.Wala pangingisda sina Kalix ngayong araw, hindi rin sila magtitinda sa palengke. Wala silang ibang gagawin kundi magsaya lang simula ngayong araw. Sa dalampasigan daw kasi ngayon ay may kasalukuyang singing contest na nagaganap.Kaya naman nagmadali akong naligo at gumayak dahil inaya ako nila Kalix na manuod ng singing contest sa dalampasigan.Pagdating doon, sobrang daming tao. Hindi ko inaasahang marami nga palang nakatira rito sa isla Lalia. Ang pinaka-maraming tao kasi na nakikita ko palang dito ay

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 63

    Kalix POVGabi na. Halos alas diyes na ng matapos namin ang gown ni Xamira. Ikalawang araw na ito ng paggawa namin, at ngayon pa lang namin natapos nang buo. Sobrang pagod na namin dahil nangisda at nagbenta pa kami sa palengke kanina, tapos pag-uwi, punta naman kami dito sa bahay nila Tisay para ituloy ang paggawa nito. Kahit na nakakatuyot sa pagod ang araw na ito, tuwang-tuwa pa rin kami sa kinalabasan ng gown. Lahat kami, kahit antok na antok na, masaya ang mga mukha habang pinagmamasdan ang nagawa naming gown.“Sana manalo talaga si Xamira,” ani Buchukoy habang nililigpit ang mga retaso.“Napaganda ng gawa natin, parang magiging diyosa talaga dito si Xamira kapag sinuot niya,” sabat naman ni Buknoy habang inaayos ang kahon ng mga natirang shells.“Sure win na ‘to. Sa lahat ng gown na nakita ko, ito lang ang nag-iisang maganda,” dagdag pa ni Tisay na pawisan dahil siya ang mas tumapos nang pagdidikit ng mga shell sa laylayan ng gown.Ngumiti lang ako. Ayoko magsalita ng sobra, per

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 62

    Xamira POVKaninang tanghali, no rice ako, puro ulam lang ang kinain ko. Start na rin ako sa pagbabawas ng pagkain para hindi lumaki ang tiyan ko kapag sumabak ako sa contest. Imbes naman matulog sa tanghali o hapon, ginawa ko na lang exercise o walking at least 5k steps. Hindi ko man nabibilang pero inoorasan ko na lang.Bandang alas dos ako tumigil kasi mainit na, mabuti na lang at maraming puno dito, lilim pa rin doon sa mga nilalakaran ko.Naligo na ako pag-uwi ko sa bahay kubo, sulit ang pagwo-walk ko kasi pinawisan ako ng bongga.Bandang alas tres nang tumambay ako sa bahay kubo. Fresh na ako. Nag-aabang na ako sa pag-uwi nila Kalix kasi tiyak na maaga-aga sila babalik para tapusin ang gown ko.Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Aling Karen. “Xamira.”Napalingon ako sa gilid. Nakangiti siya habang hawak ang isang platong may nilagang saging na saba. “Kumuha ka, anak. Mainit-init pa ‘to, dinalhan kita ng merienda.”Ngumiti ako pero hindi ko kayang tanggapin ang pagkain. Ewa

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 61

    Third Person POVSa loob ng malawak na bahay ng pamilya ni Catalina, nakaupo si Aling Karen sa mahabang kahoy na bangko malapit sa bulwagan. Siya ang kauna-unahang dumating para sa ipinatawag na meeting tungkol sa pagbubukas ng bagong prutasan sa palengke. Nakasuot siya ng malinis na blusa at paldang bulaklakin, habang seryosong hawak-hawak ang kaniyang maliit na bag.Habang naghihintay, napansin ni Aling Karen na walang ibang tao sa paligid. Tahimik ang bahay maliban sa marahang tikatik ng tubig mula sa fountain sa hardin. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, mula sa likuran ng makapal na kurtina, narinig niya ang boses ni Catalina. Hindi niya agad inakalang si Catalina iyon, pero nang marinig niya ang tono ng boses at ang pamilyar na inis na laging bitbit nito, sigurado na siyang si Catalina ‘yun. Kasama nito ang ina nitong si Talina, at tila nasa mainit na usapan ang dalawa.Hindi rin nila alam na may ibang tao na palang naroon—si Aling Karen, na walang kamalay-malay na magiging

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status