Nang i-announce ng kanilang Lola Flordelisa, na ang unang maikakasal sa magpinsang Tahlia at Xamara ay magmamana ng sampung bilyong piso, nagbago ang takbo ng kanilang buhay. For Tahlia, this was supposed to be the perfect timing to marry her long-time boyfriend, Axton. Kaya lang ay isang trahedya ang dumurog sa kanilang mga pangarap. Nabaldado na si Axton sa nangyaring aksidente at hindi na nila matutuloy ang kasal. Dahil sa inis ng Mama at Papa ni Tahlia na naging alanganin ang pagkuha sa reward na sampung bilyong piso, pinilit siyang humanap ng ibang lalaking mapapangasawa bago pa maunahan ni Xamara. It was at that moment that she met Zain—a drunk man, heartbroken and whose world was falling apart because of his mother, who urgently needed heart surgery. Sa isang iglap, nagkaroon ng solusyon ang problema nila pareho. Tahlia needed to secure the ten billion pesos, while Zain needed millions to save his mother’s life. At dahil guwapo si Zain, inalok siya ni Tahlia na babayaran ng milyon-milyong piso para maging groom sa kasal niya. Pumayag kaya si Zain? Kung oo, is it possible that Tahlia and Zain’s act as a married couple could turn into something real, or will Tahlia remain loyal to her paralyzed boyfriend, Axton?
View MoreTahlia POV
Maagang-maaga pa lang nang araw na iyon ay ginising na ako ng malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Nakakainis kasi kasarapan pa ng tulog ko, puyat ako kagabi dahil tinapos ko ang pinapanuod kong fantasy series. "Tahlia! Hoy, Tahlia, bumangon ka na nga diyan! Kakain na tayo," tawag ni Mama mula sa labas ng kuwarto ko Napabuntong-hininga ako at agad na bumangon mula sa kama. “Opo, ayan na, gising na!” sagot ko habang napapairap. Naghilamos at nag-toothbrush muna ako sa banyo ko bago tuluyang bumaba. Pagkababa ko, nakita kong nasa dining area na si Papa, nakaupo sa head seat ng mahabang mesa, habang si Mama naman ay naghahain ng pagkain kasama ang mga kasambahay namin. "Good morning, sweetheart," bati ni Papa habang iniinom ang kape niya. "Good morning," sagot ko at saka na naupo sa tabi ni Mama. Habang kumakain kami, nagpalitan ng tingin si Mama at Papa bago nagsalita si Mama. "Tahlia, pinapatawag tayo ng Lola Flordelisa mo. May mahalaga raw siyang announcement," sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Anong announcement?" "Hindi rin namin alam, pero sigurado akong importante ito," sagot ni Papa. Napairap ako. Kung kailan may lunch date kami ni Axton mamaya, saka pa nangyari ito. Naiinis ako, pero wala akong magagawa. Hindi ako puwedeng hindi sumunod kapag si Lola Flordelisa na ang tumawag. Kung hindi ako sasama ay tiyak na sisigawan na naman ako nitong si papa. Pagkatapos kong kumain, agad akong tumayo at umakyat sa kuwarto ko para mag-ayos. Pumasok ako sa walk-in closet ko, na punong-puno ng mga designer items. Mga bag, sapatos, accessories—lahat branded at pati na rin ng mga alahas na gawa sa mismong company na pagmamay-ari ng lola ko. Kumuha ako ng isang fitted na dress na nagpapakita ng magandang hubog ng katawan ko para bongga ako mamaya. Paired with high heels at minimalist jewelry na kung titignan ay magmumukha akong model. Kailangan kong magmukhang stunning dahil siguradong nandoon din ang pinsan kong si Xamara—ang pinakamalaking pet peeve ko sa buhay. Buwisit ang Xamara na iyon, ginagaya niya ako sa lahat ng bagay. Ang bags ko, ang damit ko, pati na rin ang mga ginagamit kong pabango. Para siyang anino ko na walang originality. Ang hindi niya lang magaya-gaya sa akin ay ang pagiging maganda ko. Nang handa na ako, bumaba ako at sumakay kami ni Mama at Papa sa luxury car namin. Habang nasa daan, binuksan ko ang phone ko at nag-message kay Axton. "Hey, babe. I’m so sorry, but I have to cancel our lunch date. Lola called for an urgent family meeting. I promise I’ll make it up to you. Love you." Mabilis siyang nag-reply. "It’s okay, babe. I understand. Let’s reschedule. Love you more." Ngumiti ako. Talagang mahal na mahal ko si Axton. Matagal na kaming magkasama at sigurado akong siya ang gusto kong makasama habambuhay. Limang taon na kaming magkarelasyon, open na kami sa family niya at open na rin kami sa family ko. Halos boto rin ang mga magulang niya sa akin at ganoon sa family ko. Kasal na lang talaga ang hinihintay ay puwede na kaming bumuo ng family. ** Pagdating namin sa mansyon ni Lola Flordelisa, bumungad ang napakaraming security guard at staff. Isa-isa silang yumuko bilang pagbibigay-galang sa amin. Ang pamilya kasi namin ang isa sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Ang Lola ko ang nagpayaman sa apelido naming Alfonsi. May sarili kaming luxury jewelry company at siya ang nagtatag nito. Pagpasok namin sa dining area, nagulat ako sa dami ng pagkain. Parang fiesta. At tulad ng inaasahan ko, nauna nang dumating ang pamilya ni Xamara. Napatingin ako sa pinsan ko. Ngumiti siya sa akin, pero hindi ko iyon sinuklian. Napansin ko kasi ang bagong bag niya—parehong-pareho sa binili ko kamakailan lang. Napairap ako. Here we go again. Lumapit kami kay Lola Flordelisa at isa-isa siyang bineso nina Mama at Papa. Ako ang huling lumapit. "Good morning, Lola," bati ko. "Good morning, apo," sagot niya na may ngiti. Naupo kami sa hapagkainan at habang kumakain, nagkukuwentuhan ang mga matatanda tungkol sa negosyo, sa latest trends sa fashion at kung anu-ano pang bagay na hindi ko naman pinapansin. Pero nang magsalita si Lola Flordelisa, natahimik ang lahat. May limang mall na kaming pag-aari, ang isa ay ako ang nagma-manage, habang sina mama at papa naman ang bahala sa dalawa. Mabuti nga isa lang ang pinahawak nila sa akin, kaya hindi ako masyadong gahol. Habang ang pamilya naman ni Xamara ay pagawaan ng hotdog, ham at kung ano-anong pagkain naman ang business. Well, parehong success naman ang mga business na hawak namin. Billionaire na ang family namin, at ganoon din sina Xamara. Pare-pareho na kaming masasaya sa buhay, pero may inggitan pa ring nangyayari kapag pamana na ni lola ang pinag-uusapan. "I called all of you here because I have an important announcement," panimula na ni Lola kaya nakuha na niya ang atensyon naming lahat. "I have decided to distribute a portion of my wealth." Nagkatinginan kaming lahat. Ito ang nagpapakilig ng mga tenga namin. "At ito ang desisyon ko," patuloy niya. "Whoever between Tahlia and Xamara gets married first will inherit ten billion pesos. The other one will receive one billion pesos." Nanlaki ang mga mata ko. Sampung bilyong piso?! Napatingin ako kay Xamara at nakita kong ganun din ang reaksyon niya. Malinaw ang pagkakasabi ni lola, kaya wala ng naging tanong. Lahat ay natahimik at sure akong ang iniisip nila ay kung paano magpapaunahang makuha ang mana na iyon. Pero, sure akong hindi magpapatalo si Xamara. ** Pag-uwi namin sa bahay, hindi na ako nakapagpahinga. "Tahlia, you have to marry Axton as soon as possible," sabi agad ni Mama. "Your father and I have always approved of him, and now, we have more reason to push this wedding," dagdag ni Papa. Tumango ako. "I was going to say the same thing. I love Axton, and I’m more than ready to marry him." Oh, my God! Tila mas naging masaya pa lalo tuloy dahil sa pamanang iyon ni lola. Dahil doon, magagawa ko nang pakasalan ang pinakamamahal kong lalaki sa buhay ko. Nang hapon ding iyon, kinuha ko ang phone ko para tawagan si Axton. Pero bago ko pa mai-tap ang pangalan niya, biglang nag-ring ang phone ko. Ang pangalan ng mama niya ang lumitaw sa screen. Nagtaka naman ako kasi madalang siyang tumawag sa akin. Pero, agad ko nang sinagot iyon at baka kasi emergency na. "Hello, tita? Good afternoon—" Pero bago ko pa matapos ang bati ko ay nagsalita siya. "Tahlia... I have bad news." Napahinto ako. May kung anong kaba ang bumalot sa dibdib ko. "W-what is it?" "It’s Axton... He got into an accident. He’s in the hospital. He’s in a coma." Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan. What? "Hindi... Hindi po totoo ‘yan..." Nanginginig ang boses ko. "I’m so sorry, hija... The doctors are doing everything they can..." Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi. Para akong nawala sa sarili. Biglang nawala ang excitement ko. Ang saya ko kanina, napalitan ng matinding takot at lungkot. Napaupo ako sa kama ko habang hawak-hawak ang phone. Paano ito nangyari? Kanina lang, ka-text ko pa si Axton. Okay siya. Masaya siya. Pero ngayon... nasa ospital siya? Comatose? Diyos ko po... Bakit kung kailan handa na akong pakasalan siya, saka pa ito nangyari? Napaluha na lang ako bigla habang pinipilit kong intindihin ang sakit na dumaloy sa puso ko. Akala ko, ito na ang pinakamasayang araw ko. Pero sa isang iglap, para akong sinukluban ng langit at lupa.Tisay POVAng sarap ng hangin dito sa tabing-dagat. ‘Yung simoy ng hangin na may kasamang alat ng dagat at init ng araw na parang sinasabi ng mundo na, Tisay, konti na lang, andiyan parating na ang baby ninyo ni Kaiser.Naglalakad-lakad kami ni Jamaica at Xamira sa malawak na dalampasigan ng beach resort. Sadyang pinili namin ang lugar na ito dahil malapit ito sa ospital, at para na rin sa akin, para makapaglakad-lakad. Ilang araw na rin akong kasi akong hirap. Hindi na ako mapakali, lalo na’t kabuwanan ko na talaga.Si Jamaica, isang buwan pa lang ang nakalilipas nang isilang niya ang anak nila ni Rocco. Ang gaan-gaan na ng mga pagkilos niya ngayon, kahit pa gising siya buong gabi sa pag-aalaga sa baby nila. Nakangiti siya habang karga-karga ang anak niya sa stroller, habang si Xamira naman ay todo video sa amin, parang mga artista tuloy kami sa isang pelikula.“O, Tisay, konting rampa pa. Pang-content natin ‘to, para may throwback tayo pagkatapos mong manganak,” natatawang sabi pa ni
Tisay POVHindi ako makapaniwala na darating ang araw na ‘to. Sa dami ng pinagdaanan ko sa buhay, lahat ng pagluha, pagdududa, at pakikipaglaban, heto na ako ngayon, nakatayo sa harap ng dambana, sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Sa wakas, ikakasal na ako kay Kaiser. Natupad ang hinihiling ko sa itaas, na kung sino ang makakatuluyan ko, siya rin ‘yung unang makakakuha ng perlas ng silanganan ko.Tandang-tanda ko pa nung una kaming magkita, umuulan nun at tumakbo siya sa loob ng cake shop ko. Kung hindi niya ako napilit nung gabing ‘yon, hindi ko siya makikilala at makakasama sa condo ko. Siguro, may sumapi rin talaga na kalandian sa akin nung mga oras na ‘yun. Kasi, todo-bigay din ako. Kahit hindi ko siya kakilala, sinama ko siya sa condo para doon magpalipas ng gabi. At hindi ko naman din inaakala, na nung gabi ring iyon, makukuha na pala niya agad ang pagka-birhen ko."Handa ka na ba?" tanong ni Tahlua habang inaayos ang laylayan ng wedding gown ko. Tumango ako kahit nanginginig
Tisay POVHindi ko na pinaalis si Jamaica sa condo ko. Wala siyang alam na tinawagan ko na sina Rocco at Kaiser ngayong araw. Gusto ko nang matapos ang paghihirap niya, iyon na lang ang tanging problema na kahit ako, dala-dala ko, dahil sa awa na nararamdaman ko sa kaniya.Buong maghapon, magkakasama kami sa condo ko. Lahat-lahat, siniwalat ko sa kanila ang nalalaman ko, lalo na nung unang araw na makita ko si Herlyn na may kasamang mga armado, pati na rin ang pananakot nito sa mga message na pinapadala sa akin.Kaya ngayong gabi, aaksyunan na naming apatr ito. Kasama ko sina Jamaica, Rocco, at Kaiser sa loob ng sasakyan, nakaparada kami sa hindi kalayuan mula sa bahay ni Herlyn.Pagkarating namin dito, nasaksihan agad nila ang tinutukoy ko. Saktong-sakto, nakita naming may pumasok na limang armadong lalaki sa bahay ni Herlyn. Doon palang, huli na siya. Nakita nila agad na totoo ang sinasabi ko, may mga armadong lalaki na binabayaran si Herlyn para guluhin at saktan si Jamaica.“Handa
Tisay POVHindi ko alam kung bakit, pero habang nasa eroplano kami pauwi ng Pilipinas mula Canada, biglang kumirot ang dibdib ko. Parang may bumubulong na.Tisay, ang saya mo na ngayon, baka bukas, bigla ka namang malungkot. Biglang may dumating na problema.Hindi ko maiwasang isipin ‘yun. Pero, hindi ko na lang masyadong pinapansin. Ayokong sirain ang masayang mood ko ngayon.“Okay ka lang?” tanong ni Kaiser na tila napansin nag-o-overthink ako.“Yeah, naisip ko lang na, magiging busy naman tayo sa paghahanda sa kasal natin,” sagot ko. ‘Yun kasi ang dahilan kaya time out muna sa mga travel-travel namin. Gusto ni Kaiser, bago ako manganak, maikasal na raw kami. Nang sa ganoon, mailagay na agad sa birth certificate ng baby namin ang surname niya.PAGDATING namin sa Pilipinas, hindi na kami nag-aksaya ng panahon. Wala nang jetlag-jatlag. Agad na rin naming inaksyunan ang preparasyon ng kasal namin. Naisip ko nga, hindi ito basta-bastang kasal lang. Gusto ng pamilya niya ay sosyal. Plana
Tisay POVAkala ko, normal lang ang araw na 'yon.Pagkagising ko rito sa Canada, nakita ko agad si Kaiser sa may bintana ng hotel suite namin. Naka-hoodie lang siya at may hawak na tasa ng kape, nakatanaw sa snow na unti-unting bumabagsak sa labas. Nag-inat ako, ngumiti at saka na bumangon. Wala akong ideya sa kung anong mangyayari sa araw na ito. Basta, ang alam ko lang ay gagala lang kami nang gagala habang buntis ako. Mabuti nga, pagdating sa galaan, hindi ako antukin at masungit, kapag gala time, masaya at full charge ako.“Good morning, mahal,” bati ko nang lapitan ko siya. Niyakap ko siya“Good morning,” sagot niya naman at saka ako hinalikan sa noo. “May pupuntahan tayo mamaya. Magbihis ka nang maganda, ha? Gusto kong maging special ang araw na ‘to.”Hindi ako nagtanong kung bakit. Sanay na akong isurpresa niya ako. Pero may kakaiba sa titig niya ngayong umaga. Parang kabado rin siya. Parang may tinatago, ganoon.Sa araw-araw na kasama ko siya, aba, walang araw na hindi ako nai
Tisay POVLimang buwan na pala ang lumipas simula nang malaman kong buntis ako. Sa loob ng panahong ‘yon, parang isang panaginip lang ang lahat. Hindi ko akalaing habang lumalaki ang tiyan ko, palawak naman nang palawak ang mundong ginagalawan ko. Paris. Italy. South Korea. Iceland. Vietnam. Isa-isang tinupad ni Kaiser ang pangarap kong makalibot sa mundo. Para kaming nasa honeymoon kahit buntis ako. Panay ang date, panay ang gala. Sabi nga niya, gusto niyang bago pa dumating si baby, maiparamdam niya muna sa akin kung gaano niya ako kamahal. Para na ring nagde-date pa rin kami.“You deserve the world, Tisay. So let me take you around it,” bulong niya sa akin habang nasa Eiffel Tower kami. Kinilig ako, siyempre. Sino ba naman ako para hindi matunaw sa mga ganoong linyahan, ‘di ba?Pero kahit anong saya ko, may isang bahagi pa rin ng puso ko ang may bigat. Si Jamaica kasi, e. Nalulungkot ako para sa kaniya… sa tuwing mababalitaan kong may problemang nangyayari sa kaniya.Nakilala ko si
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments