Share

CHAPTER 17

Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Fiona nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Randall. Ang pagkailang na kanyang nadarama ay nadagdagan pa nang marahan pa siya nitong hinila sa kanyang kamay dahilan para mapalapit pa siya sa katawan nito. His closeness really affected her and she did not even know why.

Pilit niyang hinatak ang kanyang kamay na hawak-hawak nito. "B-Bitiwan mo ako, Randall," saad niya dito sa mahinang tinig. Duda pa siya kung may lumabas bang tinig mula sa kanya. Pakiramdam niya kasi ay waring may nagbara sa kanyang lalamunan at nahihirapan siyang magsalita.

"You started this, Fiona. Ngayong pinapatulan kita ay aatras ka," wika nito sa nanunuksong tinig. "You called me a prude. And I can easily prove to you that I am not."

"Ano ba, Randa---"

Hindi na niya natapos ang ano mang nais sabihin nang makita niyang unti-unti ay bumaba ang mukha nito patungo sa kanya. Fiona knew very well what he was planning to do. At gusto niyang maalarma, hindi lang dahil
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status