Pagkarating sa Vergara Catering Services ay agad na bumaba si Fiona mula sa sasakyan ni Randall. Kakahinto lang ng kotse nito sa may parking lot at ni hindi pa napapatay ang makina niyon nang buksan na niya ang pinto sa may panig niya.
Ni hindi na niya hinintay pa na lumabas ito at pagbuksan siya ng pinto, tulad ng madalas gawin ng ibang bodyguard sa mga kliyente nila. For sure, Randall would never do that. Kanina nga pag-alis nila ay hindi na nito iyon ginawa. Alam niyang sa ugaling taglay nito ay hindi na niya ito dapat pang asahan na magpakita ng paggalang sa kanya.Randall was a walking red flag. Napakaantipatiko kausap! Sa bar pa lang ay napatunayan na niya iyon. Maging kanina sa kanilang kompanya ay ganoon din siya nito kausapin. At hindi niya lang maiwasang mairita kapag naiisip niya ang naging takbo ng pag-uusap nilang dalawa.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa establisimiyentong pag-aari ni Samuel. Maliban sa tumatanggap ng bookings sa iba't ibang okasyon ang Vergara Catering Services ay malawak din ang espasyo nito sa ibaba na siyang pinaka-restaurant ng VCS.Like her, Samuel also came from a wealthy family. Ang mga magulang nito ay nagmamay-ari ng isang real estate company. Bilang nag-iisang anak ay ito ang inaasahan ng mga magulang para mamahala ng negosyo ng mga ito.But after graduating in college, Samuel invested in his own business instead of taking over to their company. Suportado naman ito ng mga magulang kaya naman sa tulong ng mga ito ay naitayo ni Samuel ang VCS.Actually, sina Trisha at Julia talaga ang labis na malapit sa kanya. Mula kolehiyo ay kaibigan na niya ang mga ito at si Samuel ay kaklase lamang nila. Though they consider him as a friend, noong kolehiyo ay hindi ito masyadong malapit sa kanila.But after three years since they graduated, Samuel courted Julia. Dahilan iyon para magkaroon pa rin sila ng ugnayan sa binata. Sa bawat lakad nila ay kasama ito kaya naman naging malapit na ito sa kanila, lalo na sa kanya."Welcome to VCS again," nakangiting sabi sa kanya ni Samuel nang makapasok na siya sa loob.Itinuon na niya dito ang kanyang pansin at agad nang sumunod dito sa paglalakad. Iginala niya pa ang kanyang mga mata habang nakasunod sa binata. May mangilan-ngilan nang kumakain sa loob ng establisimiyento.Samuel headed to the table located at the corner of VCS. Nang makalapit sila roon ay pinaghila pa siya ng binata ng silya para makaupo. She uttered her thanks and took a seat.Sa kanyang pag-upo ay nabaling pa ang kanyang mga mata sa katabi nilang mesa kung saan prenteng naupo si Randall. Bale-walang ipinuwesto nito ang sarili roon habang iniikot din ang mga mata sa kabuuan ng lugar.Hindi niya pa maiwasang mapaisip. She knew he was her bodyguard. Alam niya na ang trabaho nito ay samahan siya saan man siya magpunta at siguraduhin ang kaligtasan niya. But did he even have to sit just few steps away from them? Kailangan ba talagang ganoon ito kalapit?Nang mapansin ni Samuel na nakatutok ang kanyang mga mata kay Randall ay binalingan din nito ang binata."P're," tawag ni Samuel sa kanyang bodyguard na ikinalingon naman nito. "Do you want to eat? You can have anything for free.""Hindi na, Mr. Vergara. Hihintayin ko na lang si Miss Olvidares," saad nito sa seryosong tinig.Pagkawika niyon ni Randall ay tinapunan pa siya nito ng tingin. Saglit lamang iyon at iginala na nitong muli ang mga mata sa loob ng VCS.She just let out a sigh. Kung hindi lang talaga dahil sa kanyang Kuya Lucas ay hindi siya papayag na may bodyguard na nakabantay sa kanya. She can't even understand why she needs one. Nakakulong na rin naman ang mga dumukot sa kanyang ama, ang ibang tauhan ng mastermind ay napatay pa sa engkwentro noon. Kaya naman kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya sana nais pang kumuha ng taong magbabantay sa kanya."Shall we proceed to our agenda?" Ang tinig ni Samuel ang naging dahilan para bawiin niya ang mga titig kay Randall.Nang lumingon pa siya sa kanyang kaibigan ay nahuli niya itong mataman na nakatitig sa kanya. Nasa mukha pa ni Samuel ang nang-uuring tingin bago sinulyapan ulit nito si Randall. Kung ano man ang iniisip nito dahil sa paninitig niya sa kanyang bodyguard ay hindi niya alam.Hindi na nang-usisa pa sa kanya si Samuel. Sa halip ay pinasigla na nito ang tinig at linipat na ang kanilang paksa tungkol sa pagdiriwang ng kanilang foundation.Tinawag na rin ng kanyang kaibigan ang dalawang empleyado nito para dalhin sa kanilang mesa ang iba't ibang specialty ng negosyo ng mga ito. Ngunit dahil para sa foundation ang pagdiriwang, na karamihan ay mga bata ang naroon, ay siniguro niyang mga putaheng magugustuhan ng mga ito ang ihahanda nila.Samuel presented to her all the food available on VCS. Wala namang itulak-kabigin sa mga iprenisinta nito sa kanya. Hanggang sa mayamaya pa ay natapos din ang pagpili niya para sa mga ihahanda sa anniversary party ng The Child's Love.Inalok pa sana siya ni Samuel na kumain roon ngunit magalang na niyang tinanggihan. Kailangan niya pang bumalik sa kanilang kompanya para sa ilang trabaho na dapat niya nang tapusin.Ang ilan sa mga trabahong iyon ay naiwan pa ng kanyang Kuya Lucas bago bumiyahe ang mga ito patungong ibang bansa. She needed to finish all of them before she got busy to her modelling career. May isang fashion show kasi siyang kailangang daluhan na gaganapin lamang sa isang sikat na coliseum sa bansa.Fashion show iyon ng isang Filipino fashion designer na mas sumikat sa Paris. Umuwi ito ng Pilipinas at magkakaroon ng show laan para sa mga kababayan nito. Some of his creations will be presented on the said event. At isa nga siya sa mga modelo na nakuha para lumahok sa fashion show na iyon.Nagpaalam na siya kay Samuel. Hindi na rin naman ito nagpumilit pa na paunlakan niya ang paanyaya nito. Marahil, katulad niya ay marami pang kailangan gawin ang binata.Nasa sasakyan na siyang muli ni Randall at pabalik na sila sa OMC. Tahimik lang siya at nakaharap sa labas ng bintana nang marinig niya ang tinig ng kanyang bodyguard."Matagal mo na bang kaibigan si Mr. Vergara?" he asked out of nowhere.Bahagya pang napasulyap dito si Fiona nang marinig niya ang tinig nito. Marahil ay nagtanong ito para may mapag-usapan lamang sila. Kanina pa kasi napupuno ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan nito.She answered him nevertheless. "Since college ay kilala ko na siya. Pero mas naging malapit siya sa akin nang ligawan niya si Julia. Julia was one of the girls I was with at the bar."Nasisigurado naman niya na nakita nito ang mga taong kasama niya sa bar nang gabing iyon. Nagbabantay na ito sa kanyang nang mga oras na iyon at alam niya na isa sa mga inaalam nito ay kung sino ang mga kasama niya sa kanyang bawat lakad.Dahil sa naging sagot niya ay marahas na napalingon sa kanya si Randall. Saglit lamang iyon at muli na nitong ibinalik ang paningin sa daan."Why?" she asked, puzzled by his stares."Nothing," tugon nito. "I just thought that the man was courting you, katulad ng lalaki sa bar," tukoy nito kay Marvin.Fiona rolled her eyes upwardly. Pagkabanggit nito niyon ay hindi niya pa maiwasang maalala ang tungkol sa naging usapan nila ni Marvin na siyang naging dahilan din ng sagutan nila ni Randall.Hindi na niya sinundan pa ang mga sinabi nito. Hindi niya naman kailangan ipaliwanag lahat ng kaugnayan niya sa mga taong nakapalibot sa kanya. Samuel was courting Julia, not her. At kung bakit inakala ni Randall na sa kanya may gusto ang kaibigan niya ay hindi niya alam.*****"YES, KUYA LUCAS. I am home now," saad ni Fiona sa kanyang kapatid na kausap niyang muli sa kabilang linya.Kanina ay ang kanilang ina ang kakwentuhan niya. Nasa bahay na tinutuluyan na ang mga ito. Ayon pa sa kanyang ina kanina ay naiuwi na nila ang kanyang ama. He was now awake after how many weeks of being comatose.Pero hindi pa raw ito makausap nang maayos. Her mother was afraid that her father's brain was affected by the wide damage in it. Alam nilang dumanas ito ng amnesia. Iyon ang sinabi sa mga awtoridad ng mga dumukot dito. At hindi pa nila alam kung nakakaalala na itong muli. Kapag tuluyan na itong naging maayos ay saka pa lamang nila malalaman."Mabuti naman, Fiona. Ayokong nag-aalala na ako dito sa papa at nag-aalala pa ako sa iyo riyan sa Pilipinas," wika ng kanyang kapatid."Something that you don't have to do, kuya. I mean, ang pag-aalala sa akin," saad niya dito. Isinandal niya pa ang kanyang sarili sa pasimano ng teresa sa kanyang silid.Gabi na at kung hindi siya nagkakamali ay pasado alas dies na ang oras ngayon. Hindi pa siya makatulog dahil alam niyang tatawag pa ang kanyang ina't kapatid para kumustahin siya.She was already wearing her night dress. Isang spaghetti-strapped iyon na may manipis lamang na tela. Ang haba ay hanggang sa gitna lamang ng kanyang mga binti.And she was okay going out on her terrace just wearing that. Ganoong oras ay alam niyang patulog na rin ang kanilang mga kasambahay. Besides, madilim na at ang tanging tanglaw niya sa bahaging iyon ay ang malamlam na ilaw na nagmumula sa kanilang bakuran na bahagya na lang naaabot ng liwanag ang kinaroroonan niya.Sa kanyang silid naman ay ang dalawang lampshade sa magkabilang panig ng kama na lang ang tanging bukas."Hindi pa rin ako mapapanatag, Fiona, lalo na ngayon na mag-isa ka lang diyan. Buti sana kung nariyan pa sina Uncle Vince," tukoy nito sa kapatid ng kanilang ama.Nang dito pa sa Pilipinas naka-confine ang ama nila ay nasa Manila pa ang kanilang Uncle Vince at asawa nitong si Ysabella. Ngunit ngayon ay kinailangan nang bumalik ng mga ito sa San Sebastian kung saan matatagpuan ang rancho ng kanilang pamilya. Ang mga ito kasi ang namamahala roon."Nothing to worry, kuya. Nakakulong na ang lahat ng mga may kaugnayan sa pagkawala ng papa noon," giit niya pa dito. "Besides, hindi ba at narito naman ang kinuha mong bodyguard."Hindi niya pa maiwasang mag-iba ang kanyang tono nang sabihin niya ang huling pangungusap. Yes, her bodyguard was at their house now.Ngayong alam niya na ang tungkol kay Randall ay nasabihan na siya ng kanyang kapatid na mananatili na muna ito sa kanilang bahay. Her brother let Randall occupies one of their guestrooms downstairs. Sa ganoon daw ay magiging madali para dito ang bantayan siya.And she wanted to protest because of that idea. Kanina lang nga habang kasama niya ito sa kanilang kompanya, maging sa pagpunta sa VCS, ay halos hindi na siya mapalagay. Ngayon pa kayang alam niya na nasa iisang bubong lamang sila.Ilang saglit pa na nagtagal ang pakikipag-usap niya sa kanyang kapatid. Mayamaya pa ay nagpaalam na rin ito sa kanya.Ilang minuto nang natapos ang usapan nila ay nanatili pa rin sa may teresa si Fiona. Humarap pa siya sa kadiliman ng gabi at malalim na napapaisip.She can't deny the fact that she missed her family so much. Gusto niyang makabalik na ang mga ito ng bansa at tuluyang gumaling ang kanyang ama. Gusto na niyang bumalik sa normal ang kanilang buhay, katulad ng kung paano sila noon.Nasa ganoong pag-iisip siya nang maagaw ng isang bulto ang kanyang pansin. Mula sa may patio ay lumabas ang kanina ay pinag-uusapan nila ng kanyang Kuya Lucas--- si Randall.Nakasuot na lamang ito ng isang t-shirt kung saan kapansin-pansin ang matipuno nitong pangangatawan. Sa pang-baba nito ay isang cotton na short.Mula sa teresa sa taas ay kita ni Fiona nang maglakad ang binata palapit sa may swimming pool. Mistulang hindi ito makatulog kaya naisipan na magpahangin sa labas.She was staring at him when suddenly he looked up and his eyes met hers. Agad na napatayo nang tuwid si Fiona nang mahuli siya nitong nakatingin.Inaasahan niya pang may ibabato ulit itong nang-uuyam na salita sa kanya, katulad na lamang sa OMC kanina. Nasa ikalawang palapag lang din naman siya at maririnig niya pa rin ano mang sabihin nito. But instead, Randall just stared at her intently. Bahagya man ang ilaw sa kinaroroonan niya ay alam niyang kita pa rin siya nito.Hanggang sa hindi niya mapigilang mapasinghap dahil sa isang realisasyon. He was actually, really, staring at her... at her body?Ang harang sa teresa sa kanyang silid ay mga siwang-siwang na bakal. Iyon lamang ang tumatakip mula sa kanyang baywang pababa. At mula sa kinaroroonan ng binata ay alam niyang tanaw nito ang kanyang katawan!Manipis lamang ang kanyang kasuotan na halos yumakap na sa kanyang balingkinitang katawan. And because of the realization that Randall was shamelessly staring at her, Fiona abruptly turned to go back to her room.One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da