Share

Chapter 41: Unang Halik

Lumipas pa ang mga araw hanggang sa naging buwan na ang bilang noon. Pinili kong huwag na lang siyang pansinin na hindi kalaunan ay nakasanayan ko na rin naman. Nalibang ako sa bagong batch ng mga manliligaw. Suportado ako dito ng mga kaibigan. Nang sumapit ang araw ng mga puso at magkaroon ng okasyon sa school namin ng araw na iyon ay ang dami kong natanggap na bouquet at box ng chocolates.

“Ang famous ah? Pahingi naman kahit na isa.” pagbibiro ni Shanael habang nakatingin sa mga iyon na nakalagay lang naman sa aking upuan.

Sa dami ay halos wala na akong mauupuan.

“Pumili ka na, kung alin diyan ang gusto mo.” sakay ko na malakas lang ikinatawa ng gaga.

To be honest ay hindi lang ako ang maraming natanggap. Mayroon din sila. Pati nga si Glyzel kaya naman panay ang sulyap ng class adviser namin sa pwesto nito kahit na mayroong klase. I could tell from his eyes ang selos na nadarama.

“Utang na loob Hilary, huwag mong itatapon ang mga iyan. Please appreciate the effort ng mga nagbigay.”
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status