PAPUNTA na ako sa CMA para pumirma ng mga kontrata. Nakita ko na nakaabang na si Rosillina sa main entrance. Sinalubong niya ako at iginawad ko siya ng matamis na ngiti.
"You're just in time!" sabi nito.
Sinimulan na namin maglakad. Pumasok na kami sa loob ng elavator. Honestly, ang lakas nang kabog ng dibdib ko. First time ko kasi 'to, eh.
"The Cohen's brother are here. They're just waiting for you." she said.
My lips parted. "Brother?"
"Yep." she smiled. "They are excited to meet you, especially our boss."
Bumukas na yung elavator at nauna na maglakad si Rosillina. Sinundan ko lang siya hanggang sa mapadpad kami sa conference room. Siya nagbukas ng pintuan para saakin, pumasok na kami sa loob.
Mas lalo nagrambulan yung puso ko nang makita ko ang dalawang pigura ng lalaki. Both of them are wearing a mask. Yung isa kulay puti at yung isa naman ay itim.
Napalunok ako. Naglakad na ako sa harapan nila. Napatingin ako sa lalaki na nakasuot ng kulay na itim na maskara, masasabi ko na may halong saya yung mata niya.
"Mr. Cohen, she's Camilla Avionna Portugal." pakilala saakin ni Rosillina.
Tinaas ni Mr. Cohen yung kaniyang daliri. "You may now leave, Rosillina."
Tumango si Rosillina. Tiningnan niya muna ako bago siya umalis. Huminga ako ng malalim.
"You may sit down, Camilla." sabi nung lalaki na nakasuot ng kulay puti na maskara.
Tumango ako at naghila ng upuan. Umupo ako sa harapan nila. Nilalaro ko yung daliri ko habang tinitingnan sila. Parehas sila na may kulay abo na mata.
The man who's wearing a white mask is holding a folder. While the other one, still looking at me. I grazed my tongue over my lips. The way he stares at me gives me shiver down to my spine.
"Here's the contract, Camilla." Inabot ni Mr. Cohen yung papel. "Kindly read that first and you can ask some question to us."
"Okay, Sir." I smiled.
I took the paper and silently reading all the words in the contract. 5 years ang kontrata ko sakanila.
But I could feel their eyes on me. Kaya medyo naiilang ako. Wala naman ako magagawa dahil sila ang boss ko.
"I'll sign." sabi ko.
Nagkatinginan yung dalawa at nilahad saakin nung nakasuot ng maskara na puti yung ballpen. There's an electricity crept inside of me when our hands touch. Mukhang naramdaman niya rin 'yon.
I bit my bottom lip and gazed at him. Pinindot ko na yung fountain pen at pumirma na ako. Tapos biglang tumunog yung phone nung nakasuot na kulay itim na maskara.
"Primo, tengo que atender esta llamada. Mi esposa está llamando." the man with black mask said.
Tumango yung isa. "No te preocupes. Tengo esto, Asher."
"Bueno. Esperame un segundo."
Tumayo na nung lalaki na kulay itim ang maskara at sinagot na nito yung tawag. Lumabas na siya sa conference room.
Ngayon ay kami nalang nung isa. But I managed to give him my genuine smile.
"Tell me about your self." he said.
I bit my bottom lip. It's really my nature to bite my lips in front of a man. Umalon ang kaniyang adams apple. He gazed at me with his hawk gray eyes.
"I'm Camilla Avionna Portugal. I'm 20 years old, currently living at Makati." I introduced.
Tumatango ito. "I see..."
"I'm looking forward to work with you Sir?"
Mahina ito natawa. "Call me Sir Primo."
I smiled. "Sir Primo."
Meanwhile, Mr. Cohen came back anf cleared his throat. I got stunned when he extended his hand.
"Welcome to our Modelling Agency." he said.
I accepted his hand. I don't know if it's in my imagination when I saw his thumb caressed my hands.
"Thank you so much, Mr. Cohen."
"Just wait for the email. You'll start your photoshoot soon." then he put his hand on his both pockets.
I nodded. "Okay, Mr. Cohen. I have to go."
"See you..."
I pursed my lips. I think I've heard that before, but I can't recall. Pero ngumiti nalang ako sakanilang dalawa at naglakad na ako palabas ng conference room.
Nang tuluyan na ako makalabas. Napahawak ako kaagad sa dibdib ko. To be honest, kanina pa kumakabog yung dibdib ko.
Hindi ko masabi kung kinakabahan ako dahil malapit na ako magphoto-shoot, o yung presensiya nila ang nagpapakaba saakin.
Naglakad ako sa gilid. Huminga ako nang malalim. Mabuti nalang may poise ako kanina nung kausap ko sila.
I want to see their faces behind those mask. Their gray eyes were giving me an intensity feeling crept inside me.
Until I heard a door creeked. Batid ko'y lumabas na rin sila. Kaya bago pa nila ako maabutan dito sa gilid, sinubukan ko na maglakad. I gripped my purse tightly.
Kapagkuwan lumabas na ako sa CMA, dumiretsyo muna ako sa starbucks para mag-unwind. Wala naman ako masyado gagawin sa condo unit ni Sophia. Panigurado na may iuuwi nanaman si Sophia ro'n.
I ordered a caramel machiatto and pulled a chair. Umupo na ako at bumuntong hininga. I pulled out my phone and check all my social medias.
I smiled when my followers in i*******m is increasing. I bet they heard that I am becoming a model soon.
My eyebrows shot up when one of the notification caught my attention. Tiningnan ko kung ano 'yon.
I gasped when I saw Euros' account. He's following me in i*******m! I checked his i*******m, my eyes widened when he has a one million followers. Wow...
Tiningnan ko yung mga pictures niya. He was right, he was in Madrid last year. Puro na nasa Madrid ang pictures niya. Mga iba ay nasa gym. Napakurap ako nang makita yung isang post niya.
Nakaupo siya sa isang bench at nasa likod ay mga gym equipment. His body is glistened in sweat.
I playfully chewed my bottom lips while staring at his beautiful body. It wasn't my first time seeing his ripped body. I actually saw his body in personal.
How lucky I am.
Namilog mata ko na makita ang message niya. Kaagad ko 'yon tiningnan.
Euros: Hey! Hoping to see you again.
Napahagikhik ako. I sipped my beverage while staring at his message. What should my reply?
Me: Don't worry we'll see each other again. Nakikitulog pa muna ako sa kaibigan ko.
Euros: Really? Can I ask you out?
Nagrambulan muli yung mga paru-paro sa tiyan ko. Sa totoo lang, kinikilig ako. Masyado kasi mahigpit ang magulang ko saakin. Thus, I stayed as NBSB.
Pinag-iisipan ko pa kung papayag ako. Gusto ko pa rin naman siya makasama, eh.
Me: Sure! When?
Euros: Tommorow night. If that's okay with you?
Me: It's fine. See you tommorow then?
Euros: I'll wait for you at the lobby.
Hindi na ako nagreply. Halos mapunit na ang bibig ko dahil sa kakangiti habang kausap ko si Euros through dm's.
Muling may nagpop-up sa notification ko. Tiningnan ko ulit iyon. Umuwang ang labi ko na makita si Eros 'yon.
Ano ba meron ba't nila ako finofollow sa i*******m?
Napalunok ako na makita mga feeds ni Eros. Karamihan do'n ay topless siya. He has one million followers as well.
How did he know my fucking name and my account in i*******m? The last time I checked, I didn't told her my name.
Hanggang isang post ang nakuha ng atensyon ko. Halos mapanganga ako dahil do'n. Isang picture ng pagkain, masasabi ko ay breakfast food 'yon.
Hoping to eat with you, baby.
That's his caption. I can't help myself but to smile widely. Yung date nung post niya ay kahapon lang.
Dalawang lalaki na nagpapagulo ng isipan ko ngayon. Pinatay ko nalang yung phone ko at inubos ko na yung iniinom ko.
Umuwi na kaagad ako sa condo unit ni Sophia. Good thing I have my spare keys with me. Pumasok na ako sa loob.
Nakita ko na nag-aayos siya. Ngumiti naman siya nang makita ako. Nilapag ko yung purse ko sa table.
"How was your contract?" she asked.
"I already signed them. I'm a model!"
Tumili siya at niyakap niya ako nang mahigpit. She's really happy for me. Nung panahon na nag-aaral pa kami, pangarap na talaga namin ni Sophia maging model. Plus the fact she's inspired to my mother.
"Congrats!" she cheered.
I gave her my genuine smile. "Thank you. Ang saya ko talaga ngayon kung alam mo lang."
"Halata naman, e."
Natawa ako. Nangingibabaw yung saya ko na sinabi ko kay Sophia na model na ako. Hinihintay ko nalang yung email kung kelan ang first photoshoot ko.
"I met the two Cohen, to be honest." sabi ko.
Her eyebrows shot up with her lips parted. "Really? You met his brother?"
Tumango ako. "Yup. His brother is wearing a white mask."
"That's definitely him." aniya. "You're very lucky to meet his brother. Nung pumirma ako ng kontrata ay si Mr. Cohen lang yung nakita ko, e."
"Really?"
Tumango siya. "Oo. Tapos sobrang tahimik ni Mr. Cohen habang nilalaro niya yung wedding ring niya."
"Well, hindi gano'n si Mr. Cohen nung nagmeet kami kasams yung kapatid niya." kwento ko. "I heard him call his brother Primo. Nagpakilala naman saakin si Sir Primo."
Her eyes widened. "Wow! You're so lucky! Naiinggit tuloy ako. Ngayon ko lang nalaman yung pangalan ng kapatid ni Mr. Cohen."
I chortled. "But Mr. Cohen is still anonymous."
Napanguso siya. Umupo naman kami sa sofa. "Wala na 'yon balak magpakilala sa publiko. Kilala yung pamilya nila bilang misteryoso. Kaya nga hindi nila pinapakita mga mukha nila."
"I respect their privacy. I don't want to invade their privacy." usal ko.
"Masasabi ko ang gwapo si Mr. Cohen. Pinag-aaralan ko siya, e. Lalo na yung abo niyang mata."
Maski ako ay gusto ko rin yung mata nila. Lalo na nung kumislap yung mata ni Mr. Cohen nung makita ako. Hindi ko alam kung gano'n ba siya sa mga kapwa niyang tauhan.
Tapos naalala ko na may lakad kami ni Euros. Excited ako dahil sa date namin.
"I have a date tomorrow, Sophia." sabi ko.
"Really?" aniya. "Who's the lucky guy? Si Eros ba 'yan?"
Napasimangot ako nang marinig ko yung boses niya. Ayaw ko maalala yung tao na iyon. Isa siya sa nagpapagulo ng utak ko ngayon.
"Hindi, ah!" I spat. "Sabi niya kaibigan mo raw siya. He's Euros."
Bahagyan na nagulat siya sa sinabi ko. Mukhang tama nga ang sinabi ni Euros. Nakauwang na kasi yung labi ni Sophia ngayon, e.
"Si Euros?!" she said, hysterically.
Kumunot naman noo ko at tumango. Minsan may pagka-weirdo rin si Sophia, e.
"What's with him?" tanong ko.
"Duh! He's my friend. Hindi ko naman akalain na makikilala mo 'yon."
Humalakhak ako. "Nakilala ko siya sa elevator kahapon. Sabay kami naligo sa pool."
"Tas niyaya ka na magdate?"
Tumango ako habang natatawa. Her expression is priceless. Parang kahit anong oras ay sasabog na siya, e.
"Malilintikan iyon saakin! Aba, kakauwi palang galing Pilipinas ay lalandi na kaagad." she hissed.
Patuloy lang kami sa pagk-kwentuhan ni Sophia. Kinuwento niya saakin kung paano niya nakilala si Euros. Nakilala niya raw 'to si Madrid.
Nawala raw yung wallet ni Sophia at nakita niya si Euros. Mukha raw mayaman kaya humingi siya ng pera do'n. Dahil sa kwento niya ay ako nalang nahiya para kay Euros. Mabait naman si Euros kaya tinunulungan siya hanggang sa naging magkaibigan sila.
Si Sophia pala nagrekomenda ng condominium na ito. Kaya same building lang sila.
Kinabukasan, hindi ako mapakali buong maghapon. Tinulungan nalang ako ni Sophia mamili nung susuotin ko.
I'm watching myself on my reflection. Gawain ko 'to ever since. Palagi ko tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Narinig ko na may kumatok sa pintuan. Napatingin ako ro'n.
Bumukas iyon at bumungad saakin si Sophia.
"He's here!" she announced.
Namilog naman mata ko. Nataranta ako na hinanap ang aking purse. Kinuha ko 'yon at pinapakalma ang aking sarili.
Hindi ko naman masisisi ang sarili ko. It was my first time to date a guy. Good thing that Sophia is there to help me. She's a friend, indeed.
"Let's go. Excited na si Euros na makita ka." usal nito.
Tumango ako at napabuga ng malakas na hangin. Sabay na kami lumabas ni Sophia. Nakita ko siya na nakaupo sa sofa.
When he felt my presence, he anchored his gray at me. He smiled upon seeing me. His hand is in his pocket.
"Hi, Camilla." he greeted.
Mahina ako natawa at lumapit pa ako sakaniya. Tumayo siya sa harapan ko.
"You look good today, Euros." I complimented.
He smiled. "Well, thank you. You look dashing today, preciosa."
"Shall we?" tanong ko.
He entertwined our fingers and locked our hands together. Napatitig ako sa kamay namin. Nagsisilabasan ulit yung mga ugat niya.
Dang it... He looks oozing hot.
"We're going to make this night memorable." he said.