Hindi na nagulat si Luna nang marinig na si Regina ang sumagot sa tawag.Alam naman niya kung gaano kalapit ang dalawa sa isat-isa, na para bang wala nang puwang para sa ibang tao sa pagitan nila. Kung tutuusin, hindi na nakapagtataka.Wala namang mali roon.Pero masakit pa rin ito para kay Luna.Pinilit siyang huminga nang malalim, nilunok ang bigat sa dibdib, at sa pinakapanatag na tinig na kaya niyang buuin, ay sinabi niya:"Pakisabi kay Eduardo na tumawag ako."Alam din ni Regina na si Luna ang nasa kabilang linya ng telepono.Sa malamig at walang emosyon na tinig, sinabi niya, "Naliligo si Eduardo. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang sa akin." anito.Sabihin sa kanya?Napangiti si Luna, hindi sa tuwa, kundi sa pait. Oo, may kinalaman nga si Regina sa usapin. Totoo, ang nakita ng kanyang tiyuhin kanina sa loob ng komunidad ay walang iba kundi ang tiyahin ni Regina.Ngunit ang tunay na bumili ng villa sa tapat ng kanilang tahanan… malamang ay si Ernesto mismo.Ang pamilyang
Dahil hindi sumagot si Ricardo inakala ni Apollo na ayaw talaga nitong magsalita.Kaya’t bahagya siyang ngumisi at sabing may halong biro: "Ayaw mo talagang sabihin, no? Sige na nga, respeto na lang sa pribadong buhay mo." aniya.Pero sa tono ng kanyang boses, halata pa rin ang pananabik at pagkausisa. Habang ang iba sa grupo ay tumahimik na rin, unti-unting lumalalim ang hinala sa paligid na ang "pagkakataon" na sinasabi ni Ricardo ay maaaring hindi na basta pagkakataon lang.Narinig ni Apollo ang katahimikan ni Ricardo, kaya alam niyang wala siyang makukuhang sagot doon. Ngumiti na lang siya, yumuko at lumapit kay Samantha."Samantha," malambing niyang tanong habang nakatingin sa bata, "ilang beses mo na bang nakita ‘yung Tita na kumain kasama n’yo kaninang tanghali? Alam mo ba ang pangalan niya?" Napakunot-noo si Ricardo. "Apollo!" mariin niyang tawag, may babala sa tono.Ngunit si Samantha, inosente at walang kamalay-malay sa tensyon ng mga nakatatanda, ay hindi nag-alala. Bagama
Tinitigan ni Ricardo si Eduardo, saglit na tumigil bago tinanggap ang baso. "Salamat," aniya.Nagtagay silang dalawa at nagpatuloy sa pag-uusap habang umiinom.Ilang sandali pa, napatingin si Eduardo kay Ricardo ng mas matagal, mas malalim, na para bang may gustong basahin sa kanyang mukha.Itinaas ni Ricardo ang kanyang tingin at tahimik na nagtanong, "Bakit?"Si Apollo ang sumagot sa halip na si Eduardo, sabay kindat at bahagyang tawa, "Ikaw… parang may kakaiba sa'yo ngayon."Ngumiti si Eduardo, hindi nagsalita, pero sapat na ang ngiting iyon para ipakitang sumasang-ayon siya sa sinabi ni Apollo.Nanatiling kalmado si Ricardo at malamig na tugon niya, "Talaga ba?"Tumaas ang kilay ni Apollo, bahagyang nang-aasar, "Hindi ba?"Imbes na sagutin, dahan-dahang uminom si Ricardo ng alak, piniling manahimik.Sa mga sandaling iyon, may lumapit na panibagong bisita upang bumati sa kanilang grupo, pansamantalang pinutol ang usapan.Pagkaalis ng mga bumati, tumingin si Ricardo sa kanyang relo.
Gayunpaman, medyo malaki ang saranggolang nabili nila ngayon, at bata pa si Samantha kaya nahirapan silang dalawa na ito'y paliparin ng maayos.Tahimik na lumapit si Ricardo at tinulungan silang dalawa nang walang sinasabi, pero maingat siyang humawak sa tali ng saranggola, sabay sinundan ang direksyon ng hangin.Nang sa wakas ay lumipad na nang maayos ang saranggola, sabay na napangiti nang masaya sina Luna at Samantha.Ang munting bata ay tumalon-talon sa tuwa habang hawak ang tali, at si Luna naman ay saglit na nakalimot sa bigat ng damdamin sa sandaling iyon, parang gumaan ang lahat.Pagkatapos noon, si Luna na ang nag-akay kay Samantha para maglaro sa paligid.Si Ricardo naman ay nanatiling nakatayo sa di kalayuan, tahimik na nakamasid. Hindi siya sumali sa kasiyahan, pero hindi rin ito umalis, tila sapat na sa kanya ang makita silang masaya.Ilang sanadali'y pagod na sa pagpapalipad ng saranggola, si Luna at Samantha ay sabay na lumuhod sa tabi ng lawa upang manghuli ng isda.Ma
May kanya-kanyang gawain sina Jeriko at ang kanyang kaibigan na si Eleanor.Gustuhin man sanang umuwi ni Luna sa pamilya Santos, pero wala si Aria. Kung babalik siya nang mag-isa, siguradong mag-aalala ang matanda sa kanya…Habang nagmamaneho palayo mula sa rancho, hindi alam ni Luna kung saan siya pupunta bukod sa pag-uwi.Habang nag-iisip, napadaan siya sa isang park. Napansin niyang maraming magkasintahan ang nagdala ng kanilang mga anak para mag-camping, at may ilang kabataan ding isinama ang kanilang mga magulang para magpahinga.Habang pinagmamasdan ang mga masayang magkasintahan at buo ang pamilya, hindi naiwasan ni Luna na mapatingin nang matagal. Sa likod ng kanyang tahimik na titig, lumitaw ang bahid ng inggit… at pait.Makaraan ang ilang minutong pagmamaneho, napabuntong-hininga siya. Dahan-dahan niyang iniliko ang manibela at huminto sa isang gilid ng kalsada kung saan may puwang para mag-park. Tahimik siyang nanatili sa loob ng sasakyan, pinakikiramdaman ang katahimikan n
Bumalik si Luna sa villa at sabay silang kumain ni Aria ng hapunan. Habang kumakain, mahinahong tinanong ni Luna,"Anak, may gusto ka bang puntahan sa Sabado o Linggo?"Saglit na nag-isip si Aria, saka umiling at sumagot, "Wala naman po, Mommy. Kahit saan po, basta kasama kita, okay na ako." Tiningnan ni Luna ang mukha ng kanyang anak, at alam niyang hindi dahil wala talagang gustong puntahan ang bata, kundi dahil mas nais sana nitong makasama sina Eduardo at Regin sa weekend.Ngayon na wala ang dalawa, tila nawalan narin ito ng ganang gumawa ng kahit ano.Hindi na lamang pinansin ni Luna ang totoo at mahinahong tinanong muli si Aria, "Gusto mo bang sumakay sa kabayo?"Matagal na ring hindi ito nagagawa ng bata, kaya’t nang marinig niya ito, agad siyang napatango at muling sumigla, "Gusto ko po, Mommy!" aniya.Kinabukasan, dinala ni Luna ang kanyang anak sa rancho ng kabayo.Pagdating nila roon, nagpalit ng damit si Luna. Pagkalabas niya, narinig niyang nakatalikod si Aria habang mas